Skip to content
Listahan ng Surah /

الجُمعَة

الجُمعَة is chapter 62 of the Quran and has 11 verses. This page presents it in full in the Uthmani script, with a verse-by-verse translation of its meaning.

11 Mga Ayah Surah Blg. 62
Pumunta sa ayah
Tagalog · Rwwad
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ ٱلۡمَلِكِ ٱلۡقُدُّوسِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ

Nagluluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa, ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

هُوَ ٱلَّذِي بَعَثَ فِي ٱلۡأُمِّيِّـۧنَ رَسُولٗا مِّنۡهُمۡ يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِهِۦ وَيُزَكِّيهِمۡ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَإِن كَانُواْ مِن قَبۡلُ لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ

Siya ay ang nagpadala sa mga iliterato ng isang sugo [na si Propeta Muḥammad] kabilang sa kanila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagbubusilak sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat [na Qur’ān] at Karunungan – at bagamat sila dati bago pa niyan ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw –

وَءَاخَرِينَ مِنۡهُمۡ لَمَّا يَلۡحَقُواْ بِهِمۡۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

at [nagpadala rito] sa mga iba pa kabilang sa kanila na hindi pa sumama sa kanila. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

Explanation & meanings · 1
  1. na mga Arabe at mga hindi Arabe.

ذَٰلِكَ فَضۡلُ ٱللَّهِ يُؤۡتِيهِ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلۡفَضۡلِ ٱلۡعَظِيمِ

Iyon ay kabutihang-loob ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan.

مَثَلُ ٱلَّذِينَ حُمِّلُواْ ٱلتَّوۡرَىٰةَ ثُمَّ لَمۡ يَحۡمِلُوهَا كَمَثَلِ ٱلۡحِمَارِ يَحۡمِلُ أَسۡفَارَۢاۚ بِئۡسَ مَثَلُ ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ

Ang paghahalintulad sa mga pinagpasan ng Torah, pagkatapos hindi pumasan nito, ay gaya ng paghahalintulad sa asno habang pumapasan ng mga makapal na aklat. Kay saklap ang paghahalintulad sa mga taong nagpasinungaling sa mga talata ni Allāh [sa Qur’ān]! Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.

Explanation & meanings · 1
  1. samantalang hindi nakaaalam sa ipinapasan