Skip to content
Listahan ng Surah /

الحُجُرَات

الحُجُرَات is chapter 49 of the Quran and has 18 verses. This page presents it in full in the Uthmani script, with a verse-by-verse translation of its meaning.

18 Mga Ayah Surah Blg. 49
Pumunta sa ayah
Tagalog · Rwwad
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُقَدِّمُواْ بَيۡنَ يَدَيِ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ

O mga sumampalataya, huwag kayong manguna sa harap ni Allāh at ng Sugo Niya at mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam.

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَرۡفَعُوٓاْ أَصۡوَٰتَكُمۡ فَوۡقَ صَوۡتِ ٱلنَّبِيِّ وَلَا تَجۡهَرُواْ لَهُۥ بِٱلۡقَوۡلِ كَجَهۡرِ بَعۡضِكُمۡ لِبَعۡضٍ أَن تَحۡبَطَ أَعۡمَٰلُكُمۡ وَأَنتُمۡ لَا تَشۡعُرُونَ

O mga sumampalataya, huwag kayong magtaas ng mga tinig ninyo higit sa tinig ni Propeta [Muḥammad] at huwag kayong maglakas [ng tinig] sa kanya sa pagsasabi gaya ng pagpapalakas ng tinig ng ilan sa inyo sa iba pa dahil [baka] mawalang-kabuluhan ang mga [magandang] gawa ninyo samantalang kayo ay hindi nakararamdam.

إِنَّ ٱلَّذِينَ يَغُضُّونَ أَصۡوَٰتَهُمۡ عِندَ رَسُولِ ٱللَّهِ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱمۡتَحَنَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُمۡ لِلتَّقۡوَىٰۚ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٌ عَظِيمٌ

Tunay na ang mga nagbababa ng mga tinig nila sa piling ng Sugo ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga nasubok ni Allāh ang mga puso nila para sa pangingilag magkasala. Ukol sa kanila ay isang pabuyang sukdulan.

إِنَّ ٱلَّذِينَ يُنَادُونَكَ مِن وَرَآءِ ٱلۡحُجُرَٰتِ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ

Tunay na ang mga tumatawag sa iyo [O Propeta Muḥammad] mula sa likuran ng mga silid, ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa.

وَلَوۡ أَنَّهُمۡ صَبَرُواْ حَتَّىٰ تَخۡرُجَ إِلَيۡهِمۡ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Kung sakaling sila ay nagtiis hanggang sa lumabas ka sa kanila, talaga sanang iyon ay naging mabuti para sa kanila. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.