Skip to content
Listahan ng Surah /

صٓ

صٓ is chapter 38 of the Quran and has 88 verses. This page presents it in full in the Uthmani script, with a verse-by-verse translation of its meaning.

88 Mga Ayah Surah Blg. 38
Pumunta sa ayah
Tagalog · Rwwad
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

صٓۚ وَٱلۡقُرۡءَانِ ذِي ٱلذِّكۡرِ

Ṣād. Sumpa man [ni Allāh] sa Qur’ān na may paalaala.

Explanation & meanings · 1
  1. Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.

بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي عِزَّةٖ وَشِقَاقٖ

Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang kapalaluan at isang hidwaan.

كَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَبۡلِهِم مِّن قَرۡنٖ فَنَادَواْ وَّلَاتَ حِينَ مَنَاصٖ

Kay rami ng ipinahamak Namin bago pa nila na [makasalanang] salinlahi, saka nanawagan sila at hindi iyon oras ng isang pagtakas.

Explanation & meanings · 1
  1. dahil sa pagpapasinungaling nila sa sugo nila mula kay Allāh

وَعَجِبُوٓاْ أَن جَآءَهُم مُّنذِرٞ مِّنۡهُمۡۖ وَقَالَ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا سَٰحِرٞ كَذَّابٌ

Nagtaka sila na may dumating sa kanila na isang tagapagbabala kabilang sa kanila. Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: “Ito ay isang manggagaway na palasinungaling.

Explanation & meanings · 1
  1. Si Propeta Muḥmmad.

أَجَعَلَ ٱلۡأٓلِهَةَ إِلَٰهٗا وَٰحِدًاۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيۡءٌ عُجَابٞ

Gumawa ba siya sa mga diyos bilang nag-iisang diyos? Tunay na ito ay talagang isang bagay na kataka-taka.”