Skip to content
Listahan ng Surah /

Al-‘Ankabūt

ﮩ

Al-‘Ankabūt is chapter 29 of the Quran and has 69 verses. This page presents it in full in the Uthmani script, with a verse-by-verse translation of its meaning.

69 Mga Ayah Surah Blg. 29
Pumunta sa ayah
Tagalog · Rwwad
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

الٓمٓ

Alif. Lām. Mīm.

Explanation & meanings · 1
  1. Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.

أَحَسِبَ ٱلنَّاسُ أَن يُتۡرَكُوٓاْ أَن يَقُولُوٓاْ ءَامَنَّا وَهُمۡ لَا يُفۡتَنُونَ

Nag-akala ba ang mga tao na iiwan sila na magsabi: “Sumampalataya kami,” habang sila ay hindi sinusubok [sa sinabi nila]?

وَلَقَدۡ فَتَنَّا ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۖ فَلَيَعۡلَمَنَّ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ صَدَقُواْ وَلَيَعۡلَمَنَّ ٱلۡكَٰذِبِينَ

Talaga ngang sumubok sa mga bago pa nila kaya talagang nakaaalam nga si Allāh sa mga nagpakatapat at talagang nakaaalam nga Siya sa mga sinungaling.

أَمۡ حَسِبَ ٱلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ أَن يَسۡبِقُونَاۚ سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ

O nag-akala ba ang mga gumagawa ng mga masagwang gawa [ng pagsuway] na makauna sila sa Amin? Kay sagwa ang inihahatol nila!

Explanation & meanings · 1
  1. na makatakas sila sa patusa.

مَن كَانَ يَرۡجُواْ لِقَآءَ ٱللَّهِ فَإِنَّ أَجَلَ ٱللَّهِ لَأٓتٖۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

Ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita kay Allāh, tunay na ang taning ni Allāh ay talagang darating. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.