Skip to content
Listahan ng Surah /

الشعراء

الشعراء is chapter 26 of the Quran and has 227 verses. This page presents it in full in the Uthmani script, with a verse-by-verse translation of its meaning.

227 Mga Ayah Surah Blg. 26
Pumunta sa ayah
Tagalog · Rwwad
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

طسٓمٓ

Ṭā. Sīn. Mīm.

Explanation & meanings · 1
  1. Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.

تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ

Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na naglilinaw.

Explanation & meanings · 1
  1. Ibig sabihin: ang Qur’an.

لَعَلَّكَ بَٰخِعٞ نَّفۡسَكَ أَلَّا يَكُونُواْ مُؤۡمِنِينَ

Baka ikaw ay kikitil ng sarili mo na hindi sila maging mga mananampalataya.

إِن نَّشَأۡ نُنَزِّلۡ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ ءَايَةٗ فَظَلَّتۡ أَعۡنَٰقُهُمۡ لَهَا خَٰضِعِينَ

Kung niloob Namin ay magbababa Kami sa kanila mula sa langit ng isang tanda kaya mananatili ang mga leeg nila na mga nakatungo roon.

وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن ذِكۡرٖ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ مُحۡدَثٍ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهُ مُعۡرِضِينَ

Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala mula sa Napakamaawain, na bagong ipinababa, malibang sila rito ay mga umaayaw.