Skip to content

{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapabigkas sa amin noon ng Qur'ān sa bawat kalagayan hanggat siya ay hindi junub.}

Ayon kay `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:

{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapabigkas sa amin noon ng Qur'ān sa bawat kalagayan hanggat siya ay hindi junub.}

كَانَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يُقْرِئُنَا القُرْآنَ عَلَى كُلِّ حَالٍ مَا لَمْ يَكُنْ جُنُبًا.

Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
Maganda
Ang Pagbibigay-linaw

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo noon sa mga Kasamahan niya ng Qur'ān at nagpapabigkas nito sa kanila sa lahat ng mga kalagayan niya hanggat siya ay hindi nasa janābah dahil sa pakikipagtalik sa maybahay niya.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang hindi pagpayag sa pagbigkas ng junub sa Qur'ān hanggang sa makapaligo siya.

Ang pagtuturo sa pamamagitan ng paggawa.

Ang mga Sanggunian

Sunan At-Tirmidhīy (1/ 214) (146).

Sunan Abī Dāwud (1/ 164) (229).

Sunan An-Nasā'īy (1/ 144) (265).

Sunan Ibnu Mājah (1/ 375) (594).

Musnad Aḥmad (2/ 61) (627).

Ang Karagdagan (1)

النهاية في غريب الحديث والأثر (917-167).