Skip to content

"Hindi tumatanggap si Allāh ng ṣalāh ng isa sa inyo kapag naparumi siya [ng pagdumi o pag-ihi] hanggang sa makapagsagawa siya ng wuḍū'."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:

"Hindi tumatanggap si Allāh ng ṣalāh ng isa sa inyo kapag naparumi siya [ng pagdumi o pag-ihi] hanggang sa makapagsagawa siya ng wuḍū'."}

«لَا يَقْبَلُ اللهُ صَلَاةَ أَحَدِكُمْ إِذَا أَحْدَثَ حَتَّى يَتَوَضَّأَ».

Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga kundisyon ng katumpakan ng ṣalāh ang ṭahārah. Kaya naman kinakailangan sa sinumang nagnais magsagawa ng ṣalāh na magsagawa ng wuḍū' kung may nangyari sa kanya na isang tagasira kabilang sa mga tagasira ng wuḍū' gaya ng pagdumi o pag-ihi o pagkatulog o iba pa sa mga ito.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

لا يقبَل: لا يعتبر ولا يعتد.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang ṣalāh ng naparumi ay hindi tinatanggap hanggang sa makapagdalisay siya sa pamamagitan ng pagpaligo dahil sa pagkaruming malaki at sa pamamagitan ng wuḍū' dahil sa pagkamaruming maliit.

Ang wuḍū' ay pagkuha ng tubig at pagpapagalaw nito sa bibig at pagpapalabas nito, pagkatapos paghatak ng tubig sa pamamagitan ng pagsinghot nito patungo sa loob ng ilong, pagkatapos pagpapalabas nito at pagsinga nito, pagkatapos paghuhugas ng mukha nang tatlong ulit, pagkatapos paghugas ng mga kamay kasama ng mga siko nang tatlong ulit, pagkatapos pagpahid sa buong ulo nang iisang ulit, pagkatapos paghugas ng mga paa kasama ng mga bukungbukong nang tatlong ulit.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (9/ 23) (6954).

Ṣaḥīḥ Muslim (1/ 204) (225).

Ang Karagdagan (4)

تيسير العلام شرح عمدة الأحكام.

للبسام (ص17).

تنبيه الأفهام شرح عمدة الأحكام.

لابن عثيمين (1/ 11).