"O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Magmaalalahanin ka kay Allāh, magmamaalalahanin Siya sa iyo. Magmaalalahanin ka kay Allāh, makatatagpo ka sa Kanya sa dako mo. Kapag humiling ka, humiling ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh.
Ayon kay Abu Al-`Abbās `Abdillāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ako minsan ay nasa likuran ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nagsabi siya:
"O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Magmaalalahanin ka kay Allāh, magmamaalalahanin Siya sa iyo. Magmaalalahanin ka kay Allāh, makatatagpo ka sa Kanya sa dako mo. Kapag humiling ka, humiling ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh. Alamin mo na ang kalipunan, kung sakaling nagkabuklod ito na magpakinabang sa iyo ng isang bagay, hindi sila makapagpapakinabang sa iyo kundi ng isang bagay na itinakda na ni Allāh para sa iyo; at kung nagkabuklod sila na puminsala sa iyo ng isang bagay, hindi sila makapipinsala sa iyo kundi ng isang bagay na itinakda na ni Allāh laban sa iyo. Iniangat ang mga panulat at natuyo ang mga kalatas."} Sa isa namang salaysay na iba pa sa kay Imām At-Tirmidhīy: "Magmaalalahanin ka kay Allāh, makatatagpo ka sa Kanya sa harapan mo. Magpakakilala ka kay Allāh sa kaalwanan, kikilala Siya sa iyo sa kagipitan. Alamin mo na ang anumang nagmintis sa iyo ay hindi naging ukol tumama sa iyo at ang anumang tumama sa iyo ay hindi naging ukol magmintis sa iyo. Alamin mo na ang pagkaadya ay kasama ng pagtitiis, na ang pagkagalak ay kasama ng dalamhati, at na kasama ng hirap ay ginhawa."
«يَا غُلَامِ! إنِّي أُعَلِّمُك كَلِمَاتٍ: احْفَظِ اللَّهَ يَحْفَظْكَ، احْفَظِ الله تَجِدْهُ تُجَاهَكَ، إذَا سَأَلْتَ فَاسْأَلِ اللهَ، وَإِذَا اسْتَعَنْتَ فَاسْتَعِنْ بِاَللهِ، وَاعْلَمْ أَنَّ الأُمَّةَ لَوْ اجْتَمَعَتْ عَلَى أَنْ يَنْفَعُوكَ بِشَيْءٍ لَمْ يَنْفَعُوكَ إلَّا بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللَّهُ لَكَ، وَإِنِ اجْتَمَعُوا عَلَى أَنْ يَضُرُّوكَ بِشَيْءٍ لَمْ يَضُرُّوكَ إلَّا بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللَّهُ عَلَيْكَ؛ رُفِعَتِ الأَقْلَامُ، وَجَفَّتِ الصُّحُفُ». وَفِي رِوَايَةِ غَيْرِ التِّرْمِذِيِّ: «احْفَظِ اللهَ تَجِدْهُ أَمَامَكَ، تَعَرَّفْ إلَى اللهِ فِي الرَّخَاءِ يَعْرِفْكَ فِي الشِّدَّةِ، وَاعْلَمْ أَنَّ مَا أَخْطَأَكَ لَمْ يَكُنْ لِيُصِيبَكَ، وَمَا أَصَابَك لَمْ يَكُنْ لِيُخْطِئَكَ، وَاعْلَمْ أَنَّ النَّصْرَ مَعَ الصَّبْرِ، وَأَنْ الفَرَجَ مَعَ الكَرْبِ، وَأَنَّ مَعَ العُسْرِ يُسْرًا».
Nagpapabatid ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanya) na noong siya ay isang bata pa na nakasakay kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga usapin at mga bagay na magpapakinabang sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng mga ito: Magmaalalahanin ka kay Allāh sa pamamagitan ng pagmamaalalahanin sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, kung saan makatatagpo Siya sa iyo sa mga pagtalima at mga pagpapakalapit-loob at hindi Siya makatatagpo sa iyo sa mga pagsuway at mga kasalanan. Kung ginawa mo iyon, ang ganti sa iyo ay na magmaalalahanin sa iyo si Allāh laban sa mga kinasusuklaman sa Mundo at Kabilang-buhay at mag-adya Siya sa iyo sa mga gawain mo saan ka man dumako. Kapag nagnais ka na humingi ng isang bagay, huwag kang humingi kundi kay Allāh sapagkat tunay na Siya – tanging Siya – ang tumutugon sa mga humihingi. Kapag nagnais ka ng tulong, huwag kang magpatulong kundi kay Allāh. Magkaroon sa iyo ng isang katiyakan na walang mangyayari para sa iyo na isang kapakinabangan kahit pa man nagkabuklod sa pagpapakinabang sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitala ni Allāh para sa iyo at walang mangyayari laban sa iyo na isang kapinsalaan kahit pa man nagkabuklod sa pagpinsala sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitakda ni Allāh laban sa iyo. Ang bagay na ito ay naitala na ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at naitakda na Niya alinsunod sa hiniling ng karunungan Niya at kaalaman Niya. Walang pagpapalit sa naitala ni Allāh. Ang sinumang nagmaalalahanin kay Allāh sa pamamagitan ng pagmamaalalahanin sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, tunay na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay nasa harapan ng lingkod, na nakaaalam sa anumang nasa kanya, nag-aadya sa kanya, at umaalalay sa kanya. Ang tao, kapag tumalima siya kay Allāh sa kaalwanan, ay tunay na si Allāh ay gagawa para sa kanya sa sandali ng kagipitan ng isang pagkagalak at isang malalabasan [sa kagipitan]. Malugod ang bawat tao sa anumang itinakda ni Allāh sa kanya na kabutihan o kasamaan. Sa kabila ng mga kagipitan at mga pagsubok, mananatili ang tao sa pagtitiis sapagkat tunay na ang pagtitiis ay susi ng pagkagalak. Ang dalamhati, kapag tumindi ito, ay dumarating ang pagkagalak mula kay Allāh. Ang hirap, kapag nangyari ito, ay pinasusundan ni Allāh ng ginhawa.
Ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga bata at mga paslit ng mga nauukol sa Relihiyon, Tawḥīd, Etiketa, at iba pa roon.
Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.
Ang pag-uutos ng pagsandal kay Allāh at pananalig sa Kanya bukod sa iba sa Kanya. Siya ay kay inam bilang Pinananaligan.
Ang pananampalataya sa pagtatadhana at pagtatakda at ang pagkalugod dito at na si Allāh ay nagtakda nga ng bawat bagay.
Ang sinumang nagpabaya sa utos ni Allāh, tunay na si Allāh ay magpapabaya sa kanya at hindi mag-iingat sa kanya.
Ang dakilang nagagalak na balita ay na ang tao, kapag dumapo sa kanya ang hirap, ay maghintay siya ng ginhawa.
Ang pagpapalubag-loob sa tao sa sandali ng pagkatamo ng kasawian at pagkaalpas ng naiibigan ay nasaad sa sabi niya: "Alamin mo na ang anumang tumama sa iyo ay hindi naging ukol magmintis sa iyo at ang anumang nagmintis sa iyo ay hindi naging ukol tumama sa iyo." Ang unang sugnay ay pagpapalubag-loob sa pagkatamo ng kinasusuklaman at ang ikalawa ay pagpapalubag-loob sa pagkaalpas ng naiibigan.
Sunan At-Tirmidhīy (4/ 284) (2516).
Ang Karagdagan (5)
التحفة الربانية في شرح الأربعين حديثًا النووية (ص42).
شرح الأربعين النووية.
لابن عثيمين (ص200).
فتح القوي المتين في شرح الأربعين وتتمة الخمسين.
للعباد (ص69).
Binanggit sa mga aklat
16 Mga Aklat- مشروع منهاج زادكزادك 2 طالب نهائيAlamin mo na ang kalipunan, kung sakaling nagkaisa ito na magpakinabang sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi magpapakinabang sa iyo maliban ng isang bagay na isinulat na ni Allāh para sa iyo; at kung nagkaisa sila na puminsala sa
- مشروع منهاج زادكزادك 3 طالب نهائي"Kapag humiling ka, humiling ka kay Allāh; at kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh."
- مشروع منهاج زادكزادك 3 طالب نهائي"Iniangat ang mga panulat at natuyo ang mga kalatas."
- نبراس طالب (2)نبراس طالب (2) Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay nasa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nagsabi siya: "O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingata
Ang Karagdagan (12)
- الإلحاد - إعلان نجاح أم فشل؟إِذَا سَأَلْتَ فَاسْأَلْ اللَّهَ، وَإِذَا اسْتَعَنْتَ فَاسْتَعِنْ بِاللَّهِ. رواه الترمذي.
- العلم الواجب بدون فقه وبدون زيادات1(احْفَظِ اللهَ تَجِدْهُ أَمَامَكَ، تَعَرَّفْ إِلَى اللَّهِ فِي الرَّخَاءِ يَعْرِفْكَ فِي الشِّدَّةِ، وَاعْلَمْ أَنَّ مَا أَخْطَأَكَ لَمْ يَكُنْ لِيُصِيبَكَ، وَمَا أَصَابَكَ لَمْ يَكُنْ لِيُخْطِئَكَ، وَاعْلَمْ أَنَّ النَّصْرَ مَعَ الصَّبْرِ،
- تجربة 12-10-2025جزء تجريبي«يا غلام، إني أعلمك كلمات: احفظ الله يحفظك، احفظ الله تجده تجاهك، إذا سألت فاسأل الله، وإذا استعنت فاستعن بالله، واعلم: أن الأمة لو اجتمعت على أن ينفعوك بشيء لم ينفعوك إلا بشيء قد كتبه الله لك، وإن اجتمعوا على أن يضروك بشيء لم يضروك إلا بشي
- حراسة التوحيدإقامة البراهين على حكم من استغاث بغير الله«احْفَظِ اللهَ يَحْفَظْكَ، احْفَظِ اللهَ تَجِدْهُ تُجَاهَكَ، إِذَا سَأَلْتَ فَاسْأَلِ اللهَ، وَإِذَا اسْتَعْنَتَ فَاسْتَعِنْ بِاللهِ».
- خذ عقيدتك من الكتاب والسنة الصحيحة«إذا سألت فاسأل الله، وإذا استعنتَ فاستعِنْ بالله»
- رياض الصالحينرياض الصالحين مع فوائد وهدايات - 1 «احْفَظِ اللهَ تَجِدْهُ أمَامَكَ، تَعَرَّفْ إلىٰ الله في الرَّخَاءِ يَعْرِفْكَ في الشِّدَّةِ، وَاعْلَمْ أنَّ مَا أخْطَأكَ لَمْ يَكُنْ لِيُصِيبَكَ، وَمَا أصَابَكَ لَمْ يَكُنْ لِيُخْطِئَكَ، وَاعْلَمْ أنَّ النَّصْرَ مَعَ الصَّبْرِ، وَأنَّ الْف
- شرح الأربعين النووية«يَا غُلَامِ! إنِّي أُعَلِّمُك كَلِمَاتٍ: احْفَظْ اللَّهَ يَحْفَظْك، احْفَظْ اللَّهَ تَجِدْهُ تُجَاهَك، إذَا سَأَلْت فَاسْأَلِ اللَّهَ، وَإِذَا اسْتَعَنْت فَاسْتَعِنْ بِاَللَّهِ، وَاعْلَمْ أَنَّ الْأُمَّةَ لَوْ اجْتَمَعَتْ عَلَى أَنْ يَنْفَ
- شرح الأربعين النووية«احْفَظْ اللَّهَ تَجِدْهُ أَمَامَكَ، تَعَرَّفْ إلَى اللَّهِ فِي الرَّخَاءِ يَعْرِفْكَ فِي الشِّدَّةِ، وَاعْلَمْ أَنَّ مَا أَخْطَأَكَ لَمْ يَكُنْ لِيُصِيبَكَ، وَمَا أَصَابَكَ لَمْ يَكُنْ لِيُخْطِئَكَ، وَاعْلَمْ أَنَّ النَّصْرَ مَعَ الصَّبْرِ
- ما لا يسع أطفال المسلمين جهله«يَا غُلَامُ، إِنِّي أُعَلِّمُكَ كَلِمَاتٍ: احْفَظِ اللَّهَ يَحْفَظْكَ، احْفَظِ اللَّهَ تَجِدْهُ تُجَاهَكَ، إِذَا سَأَلْتَ فَاسْأَلِ اللَّهَ، وَإِذَا اسْتَعَنْتَ فَاسْتَعِنْ بِاللَّهِ، وَاعْلَمْ: أَنَّ الأُمَّةَ لَوِ اجْتَمَعَتْ عَلَى أَنْ
- مجموعة زاد التربية الإسلامية (2)1«واعلمْ أنَّ النَّصْرَ مع الصَّبرِ».
- مجموعة زاد الحديث(3)1(رُفعَت الأَقْلامُ، وَجَفّت الصُّحُفُ)
- موسوعة الإيمان«يَا غُلَامُ، إِنِّي أُعَلِّمُكَ كَلِمَاتٍ: احْفَظِ اللَّهَ يَحْفَظْكَ، احْفَظِ اللَّهَ تَجِدْهُ تُجَاهَكَ، إِذَا سَأَلْتَ فَاسْأَلِ اللَّهَ، وَإِذَا اسْتَعَنْتَ فَاسْتَعِنْ بِاللَّهِ، وَاعْلَمْ أَنَّ الأُمَّةَ لَوِ اجْتَمَعَتْ عَلَى أَنْ ي