"Wala sa inyong isa man malibang kakausap sa kanya si Allāh nang walang tagapagsalin sa pagitan niya at Nito.
Ayon kay `Adīy bin Ḥātim (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Wala sa inyong isa man malibang kakausap sa kanya si Allāh nang walang tagapagsalin sa pagitan niya at Nito. Titingin siya sa kanan mula sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang [gawang] ipinauna niya. Titingin siya sa kaliwa mula sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang [gawang] ipinauna niya. Titingin siya sa nakaharap sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang Impiyerno sa tapat ng mukha niya. Kaya mangilag kayo sa Impiyerno, kahit pa man sa pamamagitan ng [pagkakawanggawa ng] kalahati ng isang datiles."}
«مَا مِنْكُمْ مِنْ أَحَدٍ إِلَّا سَيُكَلِّمُهُ اللهُ، لَيْسَ بَيْنَهُ وَبَيْنَهُ تُرْجُمَانٌ، فَيَنْظُرُ أَيْمَنَ مِنْهُ فَلَا يَرَى إِلَّا مَا قَدَّمَ، وَيَنْظُرُ أَشْأَمَ مِنْهُ فَلَا يَرَى إِلَّا مَا قَدَّمَ، وَيَنْظُرُ بَيْنَ يَدَيْهِ فَلَا يَرَى إِلَّا النَّارَ تِلْقَاءَ وَجْهِهِ، فَاتَّقُوا النَّارَ وَلَوْ بِشِقِّ تَمْرَةٍ».
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat mananampalataya ay titindig sa harapan ni Allāh sa Araw ng Pagbangon nang mag-isa at na si Allāh (napakataas Siya) ay kakausap sa kanya nang walang tagapagpagitna at sa pagitan nilang dalawa ay walang isang mananalin na magsasalin ng pag-uusap. Titingin siya sa dakong kanan at kaliwa dahil sa tindi ng pangingilabot at marahil siya ay makatatagpo ng isang daan na tatahakin niya upang matamo para sa kanya ang kaligtasan mula sa Impiyerno na nasa harapan niya. Kapag tumingin siya sa gilid na nasa kanan niya, wala siyang makikita kundi ang anumang ipinauna niya na maayos na gawa. Kapag tumingin siya sa gawing kaliwa niya, wala siyang makikita kundi ang anumang ipinauna niya na masagwang gawa. Kapag tumingin siya sa harapan niya, wala siyang makikita kundi ang Impiyerno. Hindi maaari sa kanya na makalihis palayo roon yayamang walang pag-iwas para sa kanya sa pagdaan sa Landasin. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Maglagay kayo sa pagitan ninyo at ng Impiyerno ng isang pananggalang mula sa kawanggawa at gawain ng pagsasamabuting-loob, kahit isang maliit na bagay gaya ng isang kalahati ng datiles.
Ang paghimok sa pagbibigay ng mga kawanggawa, kahit kaunti, ang pagsasakaasalan ng mga katangiang kapuri-puri, at ang pakikitungo nang may kabaitan at kabanayaran sa pagsasalita.
Ang kalapitan ni Allāh (napakataas Siya) sa lingkod Niya sa Araw ng Pagbangon yayamang sa pagitan nilang dalawa ay walang tabing ni tagapagitna ni tagapagsalin, kaya mag-ingat ang mananampalataya laban sa pagsalungat sa utos ng Panginoon niya.
Nararapat sa tao na hindi magmaliit sa ikinakawanggawa niya, kahit pa man ito ay kaunti, sapagkat tunay na ito ay isang pananggalang laban sa Impiyerno.
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (9/ 148) (7512).
Ṣaḥīḥ Muslim (2/ 703) (1016).
Ang Karagdagan (10)
كنوز رياض الصالحين.
لمجموعة من الباحثين.
بهجة الناظرين.
لسليم الهلالي (1/ 476).
نزهة المتقين.
مجموعة من الباحثين (1/ 370).
شرح رياض الصالحين.
لابن عثيمين (2/ 201).
بهجة قلوب الأبرار.
عبد الرحمن آل سعدي (ص181).
Binanggit sa mga aklat
11 Mga AklatAng Karagdagan (11)
- العلم الواجب بدون فقه وبدون زيادات1((اِتقُوا النَّارَ وَلَوْ بِشِقِ تَمْرَة)).
- ترجمة المقاطع المرئية - مشروع هدايات 1(اتقوا النار ولو بشق تمرة)
- رياض الصالحينرياض الصالحين مع فوائد وهدايات - 1 «اتَّقُوا النَّارَ وَلَوْ بِشقِّ تَمْرَةٍ».
- رياض الصالحينرياض الصالحين مع فوائد وهدايات - 3«مَا مِنْكُم مِنْ أَحَدٍ إلاَ سيُكَلِّمُهُ رَبُّهُ، لَيْس بَيْنَهُ وبَينَهُ تَرْجُمَانٌ، فَيَنْظُرُ أَيْمَنَ مِنْهُ فَلا يَرَىٰ إلَّا مَا قَدَّمَ، ويَنْظُرُ أَشْأَمَ مِنْهُ فَلا يَرَىٰ إلَّا ما قَدَّمَ، وَيَنْظُرُ بَيْنَ يَدَيْهِ فَلا يَرَى
- رياض الصالحينرياض الصالحين مع فوائد وهدايات - 3«اتَّقُوا النَّارَ وَلَوْ بِشِقِّ تَمرَةٍ».
- مجموعة زاد الحديث(2)1«مَا مِنْكُمْ مِنْ أَحَدٍ إِلَّا سَيُكَلِّمُهُ الله، لَيْسَ بَيْنَهُ وَبَيْنَهُ تُرْجُمَانٌ، فَيَنْظُرُ أَيْمَنَ مِنْهُ فَلَا يَرَى إِلَّا مَا قَدَّمَ، وَيَنْظُرُ أَشْأَمَ مِنْهُ فَلَا يَرَى إِلَّا مَا قَدَّمَ، وَيَنْظُرُ بَيْنَ يَدَيْهِ فَ
- مجموعة زاد الحديث(2)1(ما منكم من أحدٍ)
- مجموعة زاد الحديث(2)1(فاتقوا النَّار ولو بشقِّ تمرة)
- مجموعة زاد الحديث(2)1(مَا مِنْكُمْ مِنْ أَحَدٍ إِلَّا سَيُكَلِّمُهُ اللهُ...)
- مجموعة زاد العقيدة (2)1«مَا مِنْكُمْ أَحَدٌ إِلَّا سَيُكَلِّمُهُ رَبُّهُ لَيْسَ بَيْنَهُ وَبَيْنَهُ تُرْجُمَانٌ، فَيَنْظُرُ أَيْمَنَ مِنْهُ فَلَا يَرَى إِلَّا مَا قَدَّمَ مِنْ عَمَلِهِ، وَيَنْظُرُ أَشْأَمَ مِنْهُ فَلَا يَرَى إِلَّا مَا قَدَّمَ، وَيَنْظُرُ بَيْنَ
- موسوعة الإيمان«مَا مِنْكُمْ أَحَدٌ إِلَّا سَيُكَلِّمُهُ رَبُّهُ لَيْسَ بَيْنَهُ وَبَيْنَهُ تُرْجُمَانٌ، فَيَنْظُرُ أَيْمَنَ مِنْهُ فَلَا يَرَى إِلَّا مَا قَدَّمَ مِنْ عَمَلِهِ، وَيَنْظُرُ أَشْأَمَ مِنْهُ فَلَا يَرَى إِلَّا مَا قَدَّمَ، وَيَنْظُرُ بَيْنَ