"Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng ugnayan sa kaanak."}
Ayon kay Jubayr bin Muṭ`im (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng ugnayan sa kaanak."}
«لَا يَدْخُلُ الْجَنَّةَ قَاطِعُ رَحِمٍ».
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang pumutol buhat sa ugnayan sa mga kamag-anak niya ng anumang kinakailangan para sa kanila na mga karapatan, o namerhuwisyo sa kanila at gumawa ng masagwa sa kanila, siya ay karapat-dapat na hindi pumasok sa Paraiso.
.....:
Ang pagputol ng ugnayan sa kaanak ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
Ang pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak ay alinsunod sa nakagisnan sapagkat nagkakaiba-iba ito ayon sa pagkakaiba-iba ng mga lugar, mga panahon, at mga tao.
Ang pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak ay sa pamamagitan ng pagbisita, kawanggawa, paggawa ng maganda sa kanila, pagdalaw sa mga maysakit, pag-uutos sa kanila ng nakabubuti, at pagsaway sa kanila ng nakasasama, at iba pa rito.
Sa tuwing ang pagputol ng ugnayan sa kaanak ay sa pinakamalapit na kaanak, ito ay magiging higit na matindi sa kasalanan.
Ṣaḥīḥ Muslim (4/ 1981) (2556).
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (8/ 5) (5984).
Ang Karagdagan (5)
شرح النووي على مسلم (16/ 113).
منحة العلام في شرح بلوغ المرام.
لعبد الله الفوزان (10/ 90).
فتح ذي الجلال والإكرام بشرح بلوغ المرام.
لابن عثيمين (6/ 277).
Binanggit sa mga aklat
12 Mga Aklat- Ang Katotohanang Nakamamangha"Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng ugnayan sa kaanak."[42].
- مشروع منهاج زادكزادك 2 طالب نهائي"Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng ugnayan sa kaanak."
Ang Karagdagan (10)
- رسالة موجزة عن الإسلام كما جاء في القرآن الكريم والسنة النبوية (مشتملة على الأدلة)رِسَالَةٌُ مُوجَزَةٌُ عَنِ الْإِسْلَامِ كَمَا جَاءَ فِي الْقُرْآنِ الْكَرِيمِ وَالسَّنَةِ النَّبَوِيَّة-مشتملة على الأدلة -للحرمين-«لَا يَدْخُلُ الجَنَّةَ قَاطِعُ رَحِمٍ» [57].
- رياض الصالحينرياض الصالحين مع فوائد وهدايات - 2«لا يَدْخُلُ الجَنَّةَ قَاطِعٌ».
- قاموس الكبائر موسوعة الكبائر - المجموعة الأولى«لَا يَدْخُلُ الجَنَّةَ قَاطِعٌ» [4].
- قاموس الكبائر موسوعة الكبائر - المجموعة الأولى«لَا يَدْخُلُ الجَنَّةَ قَاطِعٌ» [130].
- قاموس الكبائر موسوعة الكبائر - المجموعة الأولى«لَا يَدْخُلُ الجَنَّةَ قَاطِعٌ» [134].
- قاموس الكبائر«لَا يَدْخُلُ الجَنَّةَ قَاطِعٌ» [4].
- قاموس الكبائر«لَا يَدْخُلُ الجَنَّةَ قَاطِعٌ» [130].
- قاموس الكبائر«لَا يَدْخُلُ الجَنَّةَ قَاطِعٌ» [134].
- ما لا يسع أطفال المسلمين جهله«لَا يَدْخُلُ الجَنَّةَ قَاطِعُ رَحِمٍ»[85].
- مجموعة زاد التربية الإسلامية (1)، والسيرة النبوبة (1)، والعقيدة (1)، والفقه (1)التربية الأسلامية 1«لا يدْخُلُ الْجنّة قاطِعُ رحِمٍ»