الحقيقة المُبْهِرَة في العلاقة بين الإسلام والإنسان
Ang Katotohanang Nakamamangha
Ang Katotohanang Nakamamangha
Sa Kaugnayan sa Pagitan ng Islām at Tao
Dr. `Alīy bin Maqbūl Al-`Amrīy
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang Panimula
Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagparangal sa tao sa pamamagitan ng pagbigkas at paglilinaw. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol kay Propeta Muhammad at sa nalalabi sa mga propeta na isinugo ni Allāh sa anak ng tao.
Ito ay isang aklat na pinamagatan kong: Ang Islām at ang Tao, na inihahandog ko sa lahat ng mga nakapag-iisip. Matatagpuan nila rito ang paglilinaw sa malakas na kaugnayang iyon sa pagitan ng Islām at tao. Ito ay ang kaugnayan na nagsimula magmula ng simula ng pagkalikha sa ama ng Sangkatauhan na si Adan (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) upang magsalarawan para sa atin ng isang kaugnayang walang-hanggan, na hindi napuputol, ni sa iisang yugto man mula sa mga yugto nito sapagkat ito ay nagpapatuloy sa isang palagiang pagsasama. Bagkus, tunay na ang kaayusan ng tao ay hindi nangyayari kundi sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kaugnayang ito, na sa kawalan nito ay hindi matatangi ang tao sa mga dakilang katangiang iyon na nagparangal si Allāh (napakataas Siya) ng mga ito sa tao.
Nagsigasig nga ako na magsalarawan ng walang-hanggang kaugnayang ito sa mga nadaramang yugto, na nalalaman ng lahat ng mga tao at siyang tampulan ng pagkasang-ayon ng lahat ng mga nakapag-uunawa.
Nilayon ko nga sa pag-aakda ng aklat na ito na maging isang tagagabay sa bawat sinumang nagnanais na malaman ang kaugnayan sa pagitan ng Islām at tao, sa malawak na pagkaintindi nito. Nilayon ko ang pagpapatungkol sa lahat ng mga nakapag-uunawa, na pinarangalan ni Allāh (napakataas Siya) ng mga pag-iisip, na kabilang sa pinakadakila sa mga biyaya na ipinarangal ni Allāh sa tao.
Yayamang ang Islām ay isang relihiyong masaklaw at isang relihiyong namumukod sa kakayahang bumagay, tunay na ito ay nababagay sa bawat panahon at sa bawat lugar. Ang pagkamasaklaw na ito at ang kakayahang bumagay na ito ay ang dalawang kinasasalalayan ng aklat na ito at ang dalawang kinasasaligan ng kaugnayan sa pagitan ng Islām at tao.
Makatatagpo ang mambabasa ng aklat na ito na ang kaugnayan sa pagitan ng Islām at tao ay hindi nalilimitahan sa mga pagbabatas at mga patakaran na kinakailangan ng tao para sa pagsasaayos ng buhay niya; bagkus lumampas ito roon tungo sa paghubog ng isip na pantao sa mga pundasyon ng tumpak na pag-iisip at espirituwal na pagbusog, na nagtatanim sa sarili ng kapanatagan at pagkadama ng kaligayahan.
Nagsigasig ako na ang aklat sa kabuuan nito ay maging isang tagpag-anyaya tungo sa pagninilay-nilay at pag-iisip na malalim sa malakas na kaugnayan sa pagitan ng Islām at tao, na siyang kaugnayang walang-hanggan, na nag-anyaya tungo rito ang Islām, na siyang Relihiyon ng lahat ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga).
Nag-aasam ng pagtutuon tungo sa kawastuhan para sa sarili ko at para sa bawat nakapag-uunawang nagpapagabay sa Islām, na siyang Totoong Relihiyon,
`Alīy bin Maqbūl Al-`Amrīy
Jeddah – Cellphone: 0505698764
Ang Ugnayan sa Pagitan ng Islām at Tao
Mula rito nagsisimula ang katotohanang nakamamangha sa pagitan ng Islām at tao.
Tunay na ang kaugnayan sa pagitan ng Islām at tao ay isang dakilang kaugnayan sapagkat niliwanag ng Islām ang kaisahan ng pinagmulan ng sangkatauhan: na si Allāh ay lumikha sa mga tao sa kalahatan mula sa iisang kaluluwa, ang ama nila ay si Adan (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), at ang ina nila ay si Eva. Ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa pagitan nila ay isang tagapag-udyok tungo sa pagkikilalahan, pagtutulungan, at pagkukumpletuhan, at hindi isang tagapag-udyok sa alitan.
Ang kaugnayan ng Islām sa tao ay isang kaugnayan ng pagkamasaklaw, na naglalayon ng pagsasakatotohanan ng kabutihan at kaligayahan para sa tao sa Mundo at Kabilang-buhay.
Kaya ang Islām ay nagpaparangal sa tao at nagtuturing sa kanya bilang isang nilikhang natatangi. Nasaad nga sa Qur'ān: {Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, ...}[1] Nagbibigay-diin ito sa mga karapatan niya, nang walang pagtingin sa kulay niya o kasarian niya o lahi niya. (Qur'ān 17:70)
Ang Islām ay nagpapatibay sa kaugnayan sa pagitan ng tao at ng Tagalikha niya. Humihimok ito sa tao sa pagbabalanse sa pagitan ng Mundo at Kabilang-buhay at humihimok ito sa pagsisikap sa pagsasakatotohanan niyon sa Mundo, kasabay ng pagtutuon na ang tagumpay na ito ay nagiging nakaugnay sa mga pinahahalagahan at mga kaasalan, kasama ng paghahanda para sa buhay na pangkabilang-buhay. Nasaad sa Qur'ān: {Hangarin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh ang tahanan sa Kabilang-buhay at huwag mong kalimutan ang bahagi mo sa Mundo. ...}[2] (Qur'ān 28:77)
Ang Islām ay nagpapatatag ng prinsipyo ng katarungan at pagkakapantay sa pagitan ng mga tao at humihimok sa pagtakwil sa kawalang-katarungan at paniniil.
Ang Islām ay nangangalaga sa mga pangangailangang pisikal, sikolohikal, at mental ng tao.
Ang Islām ay tumitingin sa tao bilang siya ay isang kahalili ni Allāh sa Lupa, na hinihilingan ng pagpapaunlad dito sa pamamagitan ng kabutihan at gawang maayos, kasama ng pagsasakatotohanan ng pagkakatugma sa pagitan ng mga panig na espirituwal at materyal sa buhay niya.
Ang Islām ay ang Relihiyon ni Allāh na ipinadala Niya sa lahat ng mga isinugo, mula sa kauna-unahan sa kanila, si Noe, hanggang sa kahuli-hulihan sa kanila, si Muḥammad, (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Nagsabi si Allāh sa Qur'ān: {Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām. ...}[3] Sapagkat ito ang Relihiyon na ipinamparangal ni Allāh sa tao. (Qur'ān 3:19)
Ang kaugnayan sa pagitan ng Islām at tao ay lumilitaw sa lahat ng mga pagkakahayag ng buhay, maging sa buhay panlipunan o pang-ekonomiya o pampulitika, at nagsisimula ang kaugnayang ito mula pa noong unang araw na nilikha ni Allāh ang ama ng sangkatauhan na si Ādam (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), na Kanyang pinarangalan at inutusan ang Kanyang mga anghel na magpatirapa sa kanya. At nang siya ay bumaba sa lupa, hindi Niya siya pinabayaan, bagkus ay nagbaba Siya sa kanya ng isang batas na nagreregula sa buhay niya, at nagtalaga Siya sa mga supling niya ng mga Sugo at mga Propeta (sumakanila ang pagpapala at kapayapaan), na silang lahat ay nananawagan tungo sa batas ng Islām sa pagkamasaklaw nito, na lumitaw sa bawat kinakailangan ng tao mula sa kapatnubayan hanggang sa mga tumpak na pag-uugali.
Sa ganito, tunay na ang kaugnayan ng Islām sa tao ay nakadalo sa lahat ng mga pangkinakailangang usapin niya at sa bawat lugar na nangangailangan doon ang tao ng tagapaggabay na umaakay sa kanya tungo sa tumpak na daan.
Bagkus ito ay isang kaugnayang nagpapatuloy tungo sa matapos ng buhay na pangmundo sapagkat ang Islām ay naghatid ng pagsasaayos ng buhay ng tao sa walang-hanggang buhay na iyon na liligaya roon ang karapat-dapat sa kaligayahan at malulumbay roon ang karapat-dapat sa kalumbayan yayamang nasaad sa Qur'ān: {Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa.}[4] (Qur'ān 16:97)
Ang Islām at ang Pagpaparangal sa Tao
(1)
Talaga ngang naghatid ang Islām ng katotohanang nakamamangha. Nagbibigay-patunay ito sa karangalan ng tao nang tahasan sa Qur'ān, na siyang pangunahing pinagmulan ng Islām.
Tumitingin ang Islām sa tao bilang siya ay kahalili ni Allāh sa lupa, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: "Tunay na Ako ay maglalagay sa lupa ng isang kahalili." Nagsabi sila: "Maglalagay Ka ba roon ng manggugulo roon at magpapadanak ng mga dugo samantalang kami ay nagluluwalhati sa kapurihan Mo at nagpapabanal sa Iyo?" Nagsabi Siya: "Tunay na ako ay nakaaalam ng hindi ninyo nalalaman."}[5] (Qur'ān 2:30)
Gayundin, tumitingin ang Islām sa tao bilang siya ay pinakamarangal na nilikha sa lupa, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi.}[6] (Qur'ān 17:70)
Ang Islām ay sumasaksi para sa tao sa pagkabukod sa lahat ng mga nilikha sa pamamagitan ng isip, na nakatatalos siya dahil dito sa pagitan ng tama at mali at sa pagitan ng nagpapakinabang at nakapipinsala. Dahil doon, ginawa itong batayan ng pag-aatang ng tungkulin sa kanya. Niliwanag ng Islām ang kaisahan ng pinagmulan ng sangkatauhan: na si Allāh ay lumikha sa mga tao sa kalahatan mula sa iisang kaluluwa. Nasaad sa Qur'ān: {O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. ...}[7] (Qur'ān 4:1)
Nahayag nga ang pagpaparangal ng Islām sa tao sa pinakakahanga-hanga sa mga anyo nito at sa isang paglilinaw na matatas at maliwanag sa pinakadakila sa mga pinagkukunan ng Islām, na siyang ang Qur'ān. Kabilang sa mga anyo ng pagpaparangal sa tao sa Islām:
Ang pag-utos sa mga anghel ng pagpapatirapa kay Adan (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga):
Talaga ngang ito ay naging pinakadakilang karangalan para sa tao, gaya ng nasaad sa Qur'ān, kung saan nag-utos si Allāh (napakataas Siya) sa mga anghel Niya (sumakanila ang pangangalaga) ng pagpapatirapa kay Adan (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Kaya nagpatirapa naman ang lahat ng mga anghel at walang tumanggi sa pagpapatirapa kundi si Satanas, na ang naging ganti sa kanya ay ang pagkataboy mula sa awa ni Allāh at ang pagkataboy mula sa Paraiso. Nagsabi si Allāh (napakataas si Allāh): {[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan;" kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas. Tumanggi siya, nagmalaki siya, at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.}[8] (Qur'ān 2:34)
Ang Pagpaparangal Dahil sa Pagkapadala ng mga Propeta (Sumakanila ang Basbas at ang Pangangalaga)
Pagkatapos nasaad sa Qur'ān kung papaano nagpasaring ang demonyo kay Adan (sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga), hanggang sa kumain siya mula sa punung-kahoy na sumaway sa kanya si Allāh laban doon. Kaya dumating ang utos ni Allāh ng pagbaba niya sa lupa. Subalit sa lupa ay mayroong iba pang karangalang naghihintay sa kanya yayamang ginawa siya bilang ang kahalili Nito sa lupa at ang pinakamarangal sa mga nilikha Niya. Pinagsilbi Nito para sa kanya ang bawat bagay sa lupa. Pagkatapos, ang pinakamalaking karangalan ay na ginawa Nito ang mga propeta (sumakanila ang pagpapala at ang pangangalaga) mula sa mga supling niya. Nagparangal sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng mga kasulatan na ibinaba Niya sa kanila upang magpapatnubay sila sa mga ito nang sa gayon magsamatuwid ang buhay nila sa lupa upang magsagawa sila ng tungkulin ng pagkakahalili nang ganap na walang pagsalangsang.
Nasaad nga sa Qur'ān: {[Nagsugo Kami ng] mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala upang hindi magkaroon ang mga tao laban kay Allāh ng isang katwiran matapos ng [pagsusugo sa] mga sugo. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.}[9] (Qur'ān 4:165)
Ang Pagtatangi sa Tao Higit sa Lahat ng Nilikha
Ito ay kabilang sa mga anyo ng dakilang karangalan na nagpahiwatig nito ang Islām at nasaad ito nang tahasan sa Qur'ān. Bagkus tunay na ikaw ay makatatagpo sa lahat ng inihatid ng Islām ng isang pagpaparangal sa tao, gaya ng makikita mo sa mga nilalaman ng Aklat na ito.
Ang pagpaparangal sa tao higit sa nalalabi sa mga nilikha ay nasaad sa Qur'ān sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi.}[10] (Qur'ān 17:70)
Ang Pagpapasilbi ng Lahat ng Nasa Sansinukob
Ito ay isang dakilang karangalan para sa taong ito. Nasaad nga ang pagpapahiwatig sa karangalang ito sa Qur'ān sa higit sa isang bahagi para sa pagtawag-pansin sa kamaharlikaan ng tao at karangalan niya.
Kabilang sa mga ito ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Si Allāh ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga sasakyang-dagat upang maglayag sa dagat ayon sa utos Niya at pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga ilog. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang araw at ang buwan habang mga umiinog. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon.}[11] (Qur'ān 14:32-33)
Kabilang sa mga ito ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Nagpasilbi Siya para sa inyo ng anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa *nang lahatan mula sa Kanya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.}[12] (Qur'ān 45:13)
Ang Pagpaparangal sa Pamamagitan ng Mararangal sa mga Kaasalan
Talaga ngang naghatid ang Islām ng paanyaya tungo sa mga kainaman at mararangal sa mga kaasalan sapagkat ang tao sa Islām ay yaong nilikha na umiibig sa mga kainaman at napupuot sa mga kababaan.
Dumating nga sa Qur’ān ang paglalarawan sa Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) hinggil sa karikitan ng mga kaasalan. Iyon ay sa sabi Niya (pagkataas-taas Siya): {Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang sukdulan.}[13] (Qur'ān 68:4)
Bagkus nasaad nga nang tahasan sa sabi ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang Islām na ipinaaanya niya ay nakasalalay sa mararangal sa mga kaasalan, na siyang pundasyon ng pagpaparangal sa tao at pagtatangi sa kanya higit sa hayop, gaya ng nasaad sa sabi niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ipinadala lamang ako upang lumubos ako ng mararangal sa mga kaasalan."[14]. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bayhaqīy at Imām Al-Ḥākim sa Al-Mustadrak.
Ang mga ito ay ang pundasyon ng pagpaparangal sa tao sa Islām. Lumilitaw sa iyo sa pamamagitan ng mga ito ang dakilang katayuan ng tao sa Islām, at na siya ay ang kinasasalalayan ng mga nilikha sa Sansinukob na ito.
Ang Islām at ang Pagkamasaklaw ng Buhay ng Tao
(2)
Lumilitaw ang Katotohanang Nakamamangha sa Islām
Sa ganoong pinagsama-samang metodolohiya, na sumasaklaw sa lahat ng mga larangan ng buhay sapagkat ito ay pananampalataya, gawain, paniniwala, palabatasan, pagsamba, pakikitungo, kaisipan, damdamin, moralidad, kabihasnan, ekonomiya, pulitika, at pagsasaayos para sa lahat ng mga larangan ng buhay.
Tinutukoy natin sa pagkamasaklaw rito ang mga tuntunin, ang mga batas, at ang mga regulasyon na nagreregula sa buhay ng individuwal, pamilya, lipunan, at daigdig sa kabuuan nito. Ang metodolohiyang ito ay ang nagsasakatotohanan ng kaligayahan para sa Sangkatauhan.
Kabilang sa pinakadakila sa mga anyo ng pagkamasaklaw ng Islām ang pagpapadala kay Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa lahat ng mga tao, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {Sabihin mo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo *nang lahatan, na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang Propeta na iliterato, na sumasampalataya kay Allāh at sa mga salita Niya. Sumunod kayo sa kanya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan."}[15] (Qur'ān 7:158)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Hindi Kami nagsugo sa iyo maliban sa kalahatan para sa mga tao bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.}[16] (Qur'ān 34:28)
Kabilang sa mga anyo ng pagkamasaklaw ng Islām ang kasaklawan ng mga patakaran nito para sa mga pumapatungkol sa buhay. Talaga ngang naghatid ang Islām ng isang kumpletong palabatasan para sa bawat anumang nauugnay sa kapakanan ng tao na pangmundo at pangkabilang-buhay. Ang mga pumapatungkol sa kanya na pangmundo ay sa bahay niya, sa gawain niya, sa pamilihan niya, sa pagreresidente niya, sa paglalakbay niya, sa mga kaugnayan niya sa mga tao, at sa lahat ng mga pumapatungkol sa kanya; bagkus pati sa mga yugto niya magmula pa noong siya ay nasa sinapupunan ng ina niya hanggang sa lumabas siya bilang isang sanggol, pagkatapos bilang isang kabataan, pagkatapos bilang isang kasapatang-gulang, pagkatapos bilang isang matanda, at sa ganito sa lahat ng mga pumapatungkol sa kanya.
Kabilang sa mga anyo ng pagkamasaklaw ng Islām ang pagkamasaklaw ng pakikipag-usap na pantao. Talaga ngang kumausap ang Islām sa tao nang walang paglilimita sa isang pangkatin sa pagkapartikular nito. Nasaad nga ang pakikipag-usap sa Qur'ān nang madalas sa anyo ng panawagan: "O mga tao" at sa anyong: "O mga anak ni Adan." Nagpabatid nga ang Qur'ān tungkol sa pagpaparangal sa lahat ng mga anak ni Adan sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi.}[17] (Qur'ān 17:70)
Sa talatang ito, dumating ang pakikipag-usap para sa lahat ng mga tao, nang walang pagtatangi-tangi sa relihiyon o lahi o kulay. Binanggit ng talata ang mga kakanyahang pinagsasaluhan ng lahat ng mga anak ni Adan. Sa ganito ay may isang paglilinaw sa pagkamasaklaw ng Islām sa pakikipag-usap nitong pantao kapag hinihingi ng kalagayan ang pagkapangkalahatan.
Kabilang sa mga anyo ng pagkamasaklaw ng Islām ay ang pagkamasaklaw ng buklurang panlipunan. Lumilitaw iyon sa pag-udyok ng Islām sa pagkakaawaan, pagsasamabuti, at paggawa ng maganda sa mga maralita at mga mahina; bagkus pati na ang paggawa ng maganda sa hayop. Lumilitaw ito nang may kaliwanagan sa kuwento ng lalaki na nagpainom sa aso sa disyerto. Matapos na nagkuwento ang Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ng kuwento niya sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila), nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon kaming pabuya dahil sa mga hayop?" Kaya nagsabi siya: "Sa bawat may-buhay na nilalang ay mayroong gantimpala."[18]. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Kapag ito ay sa hayop, tunay na ang paggawa ng maganda sa tao ay nagiging higit na dakila sa gantimpala. Napaloloob sa buklurang ito ang lahat ng nilikha. Ito ay isang patotoo sa pagkamasaklaw ng Islām sa buklurang panlipunan.
Kabilang sa mga anyo ng pagkamasaklaw ng Islām ang pagkamasaklaw ng pang-ekonomiyang pag-unlad. Talaga ngang nag-udyok ang Islām ng pagpapaunlad sa Lupa. Ang pagpapapaunlad na ito ay nakapagpapabenepisyo mula rito ang lahat ng tao. Ito ay isang tulong para sa tao sa pagsasagawa ng tungkulin niya na lumikha sa kanya si Allāh alang-alang doon. Ito ay ang pagsamba.
Nasaad sa Qur'ān: {[Siya ay nagpaluwal sa inyo mula sa lupa at nagpanirahan sa inyo rito, ...}[19] (Qur'ān 11:61)
Gayundin ang pagpapapaunlad ng mga mapagkukunang pang-ekonomiya ng tao upang mamuhay siya sa isang kaaya-ayang marangal na buhay na puno ng pagkasakatuparan at paggawa.
Sa pamamagitan ng mga anyong ito, lumilitaw sa iyo na ang pagkamasaklaw ng Islām ay dumating para sa pagpapasinaya ng kaligayahan ng tao at paghahanda ng mga kalagayang nababagay upang magsagawa siya ng dakilang tungkulin niya. Ito ay ang pagsamba kay Allāh (napakataas Siya).
Ang Islām at ang Pagkakapatuloy ng Kairalang Pantao
(3)
Nahahayag ang katotohanang nakamamangha sa Islām.
Ito ay nagpupundasyon para sa pangkinakailangang yugtong iyon, na sumusulong mula roon ang kairalang pantao sa Sansinukob na ito.
Tunay na ito ay ang binanal na bigkis, na ginawa ng Islām bilang ang tumpak na simula para sa kairalan ng tao. Sa pamamagitan ng bigkis na ito, makikita natin kung papaanong ang Islām ay nagtakda para sa tao ng isang pangkinakailangang simula sa sandali ng pagkaibig sa pagbuo ng pamilya.
Nasaad nga sa Qur'ān ang pagtukoy rito nang may kaliwanagan sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. ...}[20] (Qur'ān 4:1)
Ginawa ng Islām na ang nag-isang daan sa pag-iral ng lahi ng tao ay ang pag-aasawahang isinasabatas dahil naroroon ang kaligayahan ng tao mismo yayamang nagparangal ito sa kanya at hindi ito gumawa sa kanya gaya ng mga hayop na nagdadamihan nang walang pag-aasawa. Ito ay naging bahagi ng pagpaparangal ng Islām sa tao, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi.}[21] (Qur'ān 17:70)
Nasaad sa sabi Niya (napakataas Siya): {at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi.} (Qur'ān 17:70) Isang tahasang patunay sa pagtatangi sa lahi ng tao higit sa lahat ng mga nilikha. Ito ay isang dakilang dangal para sa tao, na natatagpuan natin na ang Islām ay tumukoy nito nang may kaliwanagan.
Dahil sa dakilang katayuang ito ng tao sa Islām, nagnais nga ito sa kanya na ang kairalan niya sa Lupa ay maging sa pamamagitan ng isang tumpak na kaparaanan, na mag-iingat para sa kanya ng pagkatao niya at kalamangan niya sa natitira sa mga nilikha.
Kaya naman ang pag-aasawa ayon sa Islām ay naging ang tumpak na daan para sa pagpaparangal na ito. Naglagay ang Islām para sa pag-aasawang ito ng mga panuntunan, mga karapatan, at mga kinakailangan nang sa gayon ang bunga mula rito ay maging hinog at maayos.
Dahil dito, natatagpuan natin na ang Islām ay gumawa para sa pag-aasawa ng isang dakilang kahalagahan, gaya ng nasaad sa Qur'ān sa sabi Niya (napakataas Siya): {Kabilang sa mga tanda Niya na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.}[22] (Qur'ān 30:21)
Sa talatang ito, matatagpuan natin na ang Islām ay hindi gumawa sa layon ng pag-aasawa bilang pawang pagnanasang seksuwal. Bagkus nasaad sa talata na sa pag-aasawa ay may katahimikan, pagmamahal, at awa para sa mag-asawa, na liligaya sila sa isang buhay na nakabigkis sa isang binanal na kontrata, na kinakailangan sa mag-asawa ang paggalang dito.
Yayamang ang pag-aasawa sa Islām ay may ganitong kahalagahan, ginawa nito bilang una sa mga kundisyon nito ang pagkakapantay sa relihiyon at moralidad. Dahil dito, nagsabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Kapag nag-alok ng kasal sa inyo ang sinumang nalulugod kayo sa [pagganap ng] relihiyon niya at kaasalan niya, ipakasal ninyo siya. Kung hindi ninyo gagawin, magkakaroon ng isang sigalot sa lupa at isang malawakang katiwalian."[23] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
Kapag ito ay sa asawa, gayundin nasaad ang mismong kundisyong ito sa maybahay, gaya ng nasaad sa sabi ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Pinakakasalan ang babae dahil sa apat: dahil sa yaman niya, dahil sa lagay niya, dahil sa karikitan niya, at dahil sa relihiyon niya. Kaya magtamo ka ng may relihiyon, pagpapalain ang mga kamay mo pagpapalain ang mga kamay mo."[24] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Dahil dito, nakatatagpo tayo na ang Islām ay nagnais para sa tao ng isang tumpak na simula sa pag-aasawa niya, na magiging isang pinakaubod para sa pagbuo ng pamilya at na sa kaayusan nito umaayos ang lipunan. Kapag ang simula ay hindi naging tumpak, tunay na ang kaugnayan sa pagitan ng lalaki at babae ay hindi magiging tumpak ni maligaya.
Upang mamukod ang tao dahil sa pag-aasawa niya palayo sa nalalabi sa mga nilikha, nagpahalaga nga ang Islām sa kaugnayang pangmag-asawa sa pagitan ng mag-asawa at hindi ito gumawa roon bilang isang pawang kaugnayan para sa pagkaibig na seksuwal. Gumawa nga ang Islām ng mga karapatan para sa asawa sa maybahay at mga karapatan para sa maybahay sa asawa niya, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {Ukol sa kanila ang tulad ng kailangan sa kanila ayon sa nakabubuti. ...}[25] (Qur'ān 2:228)
Gumawa ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa pag-aasawa niya bilang isang tapat na huwaran para sa tumpak na pangmag-asawang kaugnayan nang nagsabi siya: "Ang higit na mabuti sa inyo ay ang higit na mabuti para sa maybahay niya at ako ay ang higit na mabuti sa inyo para sa maybahay ko."[26] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.
Pagkatapos tunay na ang Islām ay nagpaligid sa pag-aasawa ng isang malakas na muog ng mga patakarang nauugnay sa asawa gaya ng diborsiyo, dote, sustento, tirahan, pagpapamagdamag[sa piling ng maybahay], at iba pa sa mga ito na mga karapatan; at gayundin ng mga patakaran na nauugnay sa maybahay gaya ng pagtalima sa asawa, pag-iingat sa yaman ng asawa at higaan nito, mga patakaran ng pagreregla at pagdurugo, at iba pa sa mga ito na mga patakaran.
Ganito natin natatagpuan na ang Islām ay nagparangal sa tao dahil sa isang buhay na disiplinado sa pagpaparamihan [ng supling] at pag-aasawahan at isang pagkakatugmaang kagilas-gilas sa isang buhay pangmag-asawang kahanga-hanga at maligaya. Dahil doon, matatagpuan mo ang pag-ibig at ang pagmamahalan sa gitna ng pamilya: mula sa asawa, maybahay, mga anak, lolo, lola, mga kamag-anak, at mga kaanak. Dahil sa pagkakaparehong ito nadidisiplina ang buhay ng sangkatauhan.
Ang Islām at ang Tao Bilang Bata
(4)
Lumilitaw ang katotohanang nakamamangha ng Islām sa kahanga-hangang estrukturang iyon, na gumawa nito ang Islām bilang isang pundasyon ng pagpaparamihan ng tao sa lupa.
Tunay na ang pagkakaroon ng mga anak ay kabilang sa pinakadakila sa mga bunga ng pag-aasawa, na gumawa nito ang Islām bilang ang tumpak na daan para sa pagpaparamihan ng tao.
Ang pagpaparangal ng Islām para sa tao ay gumagawa sa bungang ito na hindi gaya ng bunga ng iba pa rito na mga nilikha yayamang ang Islām ay gumawa mula sa kundisyon ng bungang ito na ito ay maging sa pamamagitan ng isang tumpak na pag-aasawa at gumawa para roon ng mga obligasyon tulad ng pagbabawal sa pagpapalaglag nito, pag-uugnay ng anak sa ama nito, pagkakinakailangan ng sustento rito, pagpili ng magandang pangalan, kagalakan sa pagdating nito, magandang pagpapalaki, at karapatan sa mana mula sa yaman ng ama nito.
Matapos na lumabas sa Mundo ang ipinanganak, tunay na ang Islām ay gumawa para sa kanya ng isang kumpletong pagsasanggalang sa isang pamilya na nangangalaga sa kapakanan niya hanggang sa lumaki siya. Bagkus, tunay na ang kaugnayang ito ay hindi napuputol kahit pa matapos na siya ay mag-asawa yayamang nananatili ang malakas na kaugnayan niya sa mga magulang niya: nagsasamabuting-loob siya sa kanilang dalawa kapag tumanda silang dalawa at gumugugol siya para sa kanilang dalawa kapag silang dalawa ay maralita. Gayundin ang kaugnayan sa mga kapatid niya, kung saan nangingibabaw sa pagitan nila ang pagmamahalan, ang pag-ibig, at ang pagtutulungan.
Kapag nag-asawa siya, siya ay nagkakaroon ng isang ibang kaugnayan at isang bagong buhay, kung saan may mga karapatan ng maybahay at mga karapatan ng mga anak. Sa ganito mo natatagpuan na ang Islām ay nagpatayo ng estruktura ng pamilya sa pag-aawaan at pagtutulungan.
Lumilitaw ang pagkalinga ng Islām sa bata sa mga pangkinakailangang bagay na kinakailangan ng bata. Kabilang sa mga ito:
A. Ang Pagmamahal at ang Awa: Ang Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), kapag pumapasok sa kinaroroonan niya ang anak niyang si Fāṭimah (malugod si Allāh dito), ay tumatayo patungo rito saka humahawak sa kamay nito, humahalik dito, at nagpapaupo rito sa upuan niya; at ito naman, kapag pumapasok siya sa kinaroroonan nito, ay tumatayo saka humahawak sa kamay niya saka humahalik sa kanya at nagpapaupo sa kanya sa upuan nito.[27] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
B. Ang Karapatan sa Pagpapasuso: Gumawa para sa kanya ng karapatan sa pagpapasuso; at dahil sa kahalagahan nito, bumaba ang pag-uutos hinggil doon sa Qur'ān. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang mga ina ay magpapasuso sa mga anak nila nang dalawang buong taon, para sa sinumang nagnais na lumubos ng pagpapasuso. ...}[28] (Qur'ān 2:233)
C. Ang Katarungan sa Pagitan ng mga Anak: Lumitaw ito sa pinakamataas sa mga anyo nito nang inobliga ng Islām ang katarungan sa pagitan ng mga anak sa bawat bagay pati sa paghalik; sapagkat kapag humalik siya sa isa sa mga anak niya at ang kapatid nito ay naririyan, kinakailangan sa kanya na humalik sa isa pa. Hinggil naman sa katarungan sa pagbibigay ng salapi, lumitaw nga iyon nang may kaliwanagan sa kuwento ng isa sa mga Kasamahan ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) nang nagnais ito na magbigay sa isa sa mga anak nito ng isang bigay na hindi ito nagbigay ng tulad niyan sa mga kapatid niyon. Nagnais ito mula sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na sumaksi siya sa bigay na iyan kaya nagsabi siya rito: "O Bashīr, may anak ka ba bukod pa riyan?" Nagsabi ito: "Opo." Kaya nagsabi siya: Ang lahat sa kanila ba ay pinagkalooban mo ng tulad nito?" Nagsabi ito: "Hindi po." Nagsabi siya: "Kaya huwag kang magpasaksi sa akin, samakatuwid, sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa pang-aapi." Sa isang salaysay: "Mangilag kayong magkasala kay Allāh at magmakatarungan kayo sa mga anak ninyo."[29] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
D. Ang Paggugol at ang Pagpapalaki: Hinggil sa paggugol, nag-utos nga ang Islām sa ama na gumugol siya para sa mga anak niya at hindi siya magpabaya sa kanila hanggang sa nagsabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Nakasapat sa lalaki bilang isang kasalanan na magpabaya siya sa sinumang sinusustentuhan niya."[30] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Hinggil naman sa pagpapalaki, kinakailangan ang pagpapalaki sa bata sa katapatan at mararangal sa mga kaasalan. Lumitaw nga ito nang maliwanag sa paggabay ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa babaing iyon na tumawag sa anak niyon at nagsabi rito: "Uy, halika, may ibibigay ako sa iyo." Kaya nagsabi siya roon: "Ano naman ang ninais mo na ibigay sa kanya?" Nagsabi iyon: "Magbibigay ako sa kanya ng datiles." Kaya nagsabi siya roon: "Tunay na ikaw, kung sakaling hindi ka nagbigay sa kanya ng anuman, ay pagtatalaan laban sa iyo ng isang pagsisinungaling."[31] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
E. Ang Awa sa Bata at ang Pagkahabag dito: Talaga ngang pinahalagahan ng Islām ang pagkatao ng tao mula pa sa pagkabata, yayamang nasaad ang pag-uutos ng pagkaawa sa munting bata sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Hindi kabilang sa atin ang sinumang hindi naawa sa mga nakababata sa atin ni nakakilala sa dangal ng nakatatanda sa atin."[32] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
F. Ang Pagbibigay-halaga sa Opinyon ng Bata: Talaga ngang gumawa ang Islām para sa bata ng isang kahalagahang sikolohikal at personal at hindi ito nagpabaya sa kanya. Lumitaw nga ito nang naghain sila para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) minsan ng isang baso saka uminom siya mula rito. Habang sa gawing kanan niya ay may isang batang lalaking pinakabata sa mga tao samantalang ang mga matanda ay sa gawing kaliwa niya, nagsabi siya: "O bata, magpapahintulot ka ba sa akin na magbigay ako sa mga matanda?" Nagsabi ito: "Hindi ako naging ukol na magtangi sa isa ng kabutihang-loob sa akin mula sa iyo, O Sugo ni Allāh." Kaya ibinigay niya ito roon."[33] Nagsalaysay nito sina Imām Muslim at Imām Ibnu Mājah.
G. Ang Karapatan ng Bata sa Inosenteng Paglalaro: Pinayagan ng Islām para sa bata ang pagtatamasa ng pagkabata niya at inalis nito sa kanya ang mga tungkuling nakaatang hanggang sa mag-adulto siya. Nakakita nga tayo nito sa isang tapat na ehemplo sa pakikitungo ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa mga batas sapagkat nang minsang siya ay nagdarasal, dumating ang isa sa mga anak ng anak niyang si Fāṭimah (malugod si Allāh dito) saka sumakay iyon sa likuran niya habang siya ay nakapatirapa, kaya pinahaba niya ang pagpapatirapa. Kaya nagtanong sila sa kanya matapos ng pagdarasal: "O Sugo ni Allāh, tunay na ikaw ay nagpatirapa sa kalagitnaan ng pagdarasal mo nang isang pagkapatirapang pinahaba mo hanggang sa nagpalagay kami na may nangyari ngang isang bagay o may ikinasi sa iyo!" Nagsabi siya: "Ang lahat ng iyon ay hindi nangyari. Subalit ang apo ko ay lumulan sa akin ngunit nasuklam ako na magmadali sa kanya nang sa gayon makatapos ako sa pangangailangan ko."[34] Nagsalaysay nito sina Imām An-Nisā'iy at Imām Aḥmad.
Sa ganito, tunay na ang Islām ay nag-ingat para sa bata ng pagkatao nito bago pa man siya lumabas mula sa tiyan ng ina niya at matapos na nakalabas siya papunta sa Mundo sapagkat ipinagkaloob nito sa kanya ang pangangalagang pisikal, pangangalagang etikal, at pangangalagang sikolohikal; at ipinagkaloob nito sa kanya ang pamilya, na siyang maayos na kanlungan na mahuhubog siya rito sa isang pagkahubog na ligtas at maligaya.
Ang Islām at ang mga Magulang
(5)
Kalakip ng katotohanang nakamamangha sa Islām, may nahahayag na isang anyong kabilang sa pinakakahanga-hanga sa mga anyo ng pangangalaga sa mga damdaming pantao nang naghatid ang Islām ng gayong mga patakaran, mga tagubilin, at mga etiketa alang-alang sa pangangalaga sa mga magulang, na siyang kadahilanan ng kairalan ng tao.
Talaga ngang nagsidami ang mga anyo ng pagsasamabuting-loob sa mga magulang sa Islām. Ang pinakadakila sa mga anyong ito ay ang pagsaway laban sa pagbigkas ng isang pinakakaunting pananalita na may isang perhuwisyo sa kanilang dalawa. Nakakikita tayo niyon sa Qur'ān: {23. Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda. Kung aabutan nga naman sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng pagkasuya at huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal. 24. Magbaba ka para sa kanila ng loob sa pagkaaba dahil sa pagkaawa at magsabi ka: “Panginoon ko, maawa Ka sa kanilang dalawa yayamang nag-alaga silang dalawa sa akin noong bata pa [ako].”}[35] (Qur'ān 17:23-24)
Nagsama-sama ang dalawang talatang ito ng limang kahulugan na nagbigay sa mga magulang ng dakilang kainaman.
Ang unang kahulugan: Nag-ugnay si Allāh (napakataas Siya) ng pag-uutos ng pagsamba sa Kanya sa paggawa ng maganda sa mga magulang. Ito ay isang dakilang dangal para sa tao.
Ang ikalawang kahulugan: Sumaway si Allāh laban sa pagsabi ng "pwe", na isang pananalitang ginagamit sa sandali ng panghihinawa at pagkabagabag. Ito ay isang dakilang pagdidisiplina dahil ang pagsaway laban sa pagsabi ng "pwe" ay nagpapahiwatig na ang pananalitang nakasasakit sa kanilang dalawa ay isang mabigat na kasalanan.
Ang ikatlong kahulugan: Ang pag-uutos ng pakikipag-usap sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng pananalitang banayad at marikit.
Ang Ikaapat na Kahulugan: Ang pagtalima at pagpapasakop sa kanilang dalawa sa ipinag-uutos nilang dalawa.
Ang ikalimang kahulugan: Ang pagdalangin para sa kanilang dalawa ng pagkaawa bilang ganti sa isinagawa nilang dalawa na pag-aalaga at pagkalinga.
Kunin mo bilang mga iba pang kahanga-hangang anyo na nagsisiwalat sa iyo ng pagkalinga ng Islām sa mga magulang, na may pinakadakilang pagkalinga sa tao.
Kabilang sa mga anyong ito ang pagpapaalam sa mga magulang sa sandali ng pagnanais ng mahabang paglalakbay. Ito ay bahagi ng pag-iingat ng Islām sa damdamin nilang dalawa laban sa pagkaligalig dahil sa pagkahiwalay sa anak. May dumating nga na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Dumating ako na nangangako ng katapatan sa iyo sa paglikas at umiwan ako sa mga magulang ko na umiiyak." Kaya nagsabi siya rito: "Balikan mo silang dalawa saka patawanin mo silang dalawa gaya ng pagpaiyak mo sa kanilang dalawa"[36] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu Mājah.
Kabilang sa mga anyong ito ang paggugol sa kanilang dalawa. Dito ay may pagsusukli sa kabutihan nilang dalawa. Ito ay kaunti sa karapatan nilang dalawa. Ginawa ng Islām ang anak na lalaki at ang yaman niya bilang pag-aari ng ama niya, sa isang dakilang pagpaparangal sa karapatan ng ama. May dumating ngang isang lalaki kay Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay may yaman at anak na lalaki at tunay na ang ama ko ay nagnanais na kumamkam ng yaman ko." Kaya nagsabi siya rito: "Ikaw at ang yaman mo ay sa ama mo."[37] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Ibnu Mājah.
Kabilang sa mga anyong ito ang pagdalangin para sa kanila sa panahon ng buhay nilang dalawa at matapos ng pagkamatay nilang dalawa sapagkat nasaad nga sa naunang talata: {at magsabi ka: "Panginoon ko, maawa Ka sa kanilang dalawa yayamang nag-alaga silang dalawa sa akin noong bata pa [ako]."} (Qur'ān 17:24) Nasaad dito ang pagdalangin para sa kanilang dalawa sa panahon ng buhay nila at matapos ng pagkamatay nilang dalawa. May dumating na isang lalaki sa Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, may natira pa kayang anumang pagsasamabuting-loob sa mga magulang ko na magsasamabuting-loob ako sa kanilang dalawa nito matapos ng pagkamatay nila?" Nagsabi siya: "Oo. Ang pananalangin para sa kanilang dalawa, ang paghingi ng tawad para sa kanilang dalawa, ang pagsasakatuparan sa kasunduan nilang dalawa mula ng matapos [ng pagpanaw] nilang dalawa, ang pag-ugnay sa kaanak na hindi nauugnay kundi sa kanilang dalawa, at ang pagpaparangal sa kaibigan nilang dalawa."[38]. Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Sa ḥadīth na ito, makatatagpo tayo ng isang bilang ng mga anyo. Kabilang sa mga ito ang pagpapatupad ng tagubilin nilang dalawa matapos ng pagkamatay nilang dalawa. Kabilang sa mga ito ang pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak at kamag-anakan na nauuganay sa kanilang dalawa. Kabilang sa mga ito ang pagpaparangal sa kaibigan nilang dalawa at ang paggawa ng maganda sa kanya.
Bagkus tunay na kabilang sa pinakadakila sa mga anyo ng pagkalinga ng Islām sa mga magulang na ito ay gumawa sa pagsasamabuting-loob sa kanilang dalawa bilang isang daan tungo sa kaluguran ni Allāh (napakataas Siya) at pagpasok sa Paraiso sapagkat nagsabi ang Propeta ng Islām (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kaluguran ni Allāh ay nasa kaluguran ng magulang at ang pagkainis ni Allāh ay nasa pagkainis ng magulang."[39] Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Ḥibbān, at Imām Al-Ḥākim.
Nagsabi siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Kasuklam-suklam, pagkatapos kasuklam-suklam, pagkatapos kasuklam-suklam!" Sinabi: "Sino po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang nakaabot sa mga magulang niya sa sandali ng katandaan: sa isa sa kanilang dalawa o sa kapwa nilang dalawa, pagkatapos hindi siya nakapasok sa Paraiso."[40] Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Sa ganitong maliwanag na anyo, tunay na ikaw ay nakatatagpo na ang Islām ay nangalaga para sa mga magulang ng isang mataas na katayuan na nababagay sa misyon nilang dalawa sa pagpapairal sa tao na sa pamamagitan niya nangyayari ang pagpapaunlad sa Lupa at ang pagkahalili rito. Nakaunawa nga ang mga Muslim sa misyong ito na isinasagawa ng mga magulang. Kaya nagsabuhay sila ng nasaad sa Qur'ān at sa ḥadīth ng Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) upang magtagal ang dakilang gampanin na ginagampanan ng mga magulang sa pananatili ng lahi ng tao na pinarangalan ni Allāh (napakataas Siya) higit sa nalalabi sa nilikha Niya.
Ang Islām at ang Pagpapanatili ng Ugnayan sa Kaanak ng Tao
(6)
Sa isang anyong kabilang sa mga anyo ng katotohanang nakamamangha sa Islām, nahahayag ang kamangha-manghang bigkis na iyon na nagbibigkis sa tao sa kamag-anakan niya gaya ng lalaking kapatid o babaing kapatid o tiyuhin sa ama at tiyahin sa ama at mga anak nila o tiyuhin sa ina o tiyahin sa ina at mga anak nila. Sa bigkis na ito, may isang pagbibigay-diin sa kahulugan ng pag-ibig, pagtutulungan, at pagkapalagayang-loob. Ito ay kabilang sa mga dakilang pinapakay ng Islām.
Dahil sa kahalagahan ng pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak sa pagtatayo ng lipunang pantao, tunay na ang Islām ay nagsigasig nang madalas, bagkus, at nagpakahigpit sa pagbibigay-diin sa bigkis na ito, na sa kawalan niyon ay hindi magkakaroon ng isang pagkakaisang nagkakatugmaan sa lipunang pantao. Lumilitaw sa atin ito sa sumusunod:
A. Nasaad ang pagbibigay-diin ng Islām sa pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak sa pinakamatindi sa mga anyo nito sa ḥadīth na ito.
Nagsabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang ugnayan sa kaanak ay nakabitin sa Trono. Magsasabi ito: Ang sinumang nagpanatili ng ugnayan sa akin, magpapanatili ng ugnayan sa kanya si Allāh; at ang sinumang pumutol ng ugnayan sa akin, puputol ng ugnayan sa kanya si Allāh."[41] Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Nagsabi rin Siya: "Hindi papasok sa Paraiso ang isang tagaputol ng ugnayan sa kaanak."[42]. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Sa dalawang ḥadīth na ito, makatatagpo tayo na ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nagpapabatid sa atin tungkol sa dakilang katayuan ng pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak sapagkat nasaad sa unang ḥadīth ang kataasan ng katayuan nito hanggang sa ito ay naging nasa Trono ng Panginoong Napakamaawain (kamahal-mahalan ang kapamahalaan Niya) at nasaad sa ikalawang ḥadīth ang pagbabawal sa pagpasok sa Paraiso sa tagaputol ng ugnayan sa kaanak. Ito ay nagsaad ng isang matinding banta at isang dakilang paglilinaw sa kahalagahan ng pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak.
B. Kapag ang pagputol ng ugnayan sa kaanak ay isang kadahilanan ng pagkakait sa pagpasok sa Paraiso, tunay na ang pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak ay isang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso. May dumating ngang isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Magpabatid ka sa akin hinggil sa isang gawain na magpapasok sa akin sa Paraiso." Kaya nagsabi siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Sumamba ka kay Allāh at huwag kang magtambal sa Kanya ng anuman, magpanatili ka ng pagdarasal, magbigay ka ng zakāh, at magpanatili ka ng ugnayan sa kaanak."[43] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Sa ḥadīth na ito, tunay na ang pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak ay nababanggit kasama ng tatlo sa mga haligi ng Islām. Dito ay may isang paglilinaw sa dakilang dangal ng katayuan ng pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak sa Islām.
Ang lahat ng ito ay nag-aanyaya tungo sa pagpapahalaga sa pagpapanatili ng kaugnayan sa kaanak na siyang isang dakilang haligi mula sa haligi ng pagkapalagayang-loob at pag-ibig sa pagitan ng mga tao. Sa kawalan nito, tunay na ang mga tao ay mamumuhay sa pag-iiwasan, paglalayuan, at kawalan ng pagkakaawaan.
Ang Islām at ang Pakikipagkapitbahay sa Pagitan ng mga Tao
(7)
Sa pamamagitan ng matayog na kahulugang ito, lumilitaw ang katotohanang nakamamangha sa Islām upang magsalarawan para sa atin ng mapa ng pakikipagkapitbahay, kung saan ang kapitbahay mo ay ang kadikit ng dingding ng bahay mo at ang naninirahan kasama mo sa pamayanan, yayamang dumating ang paanyaya hinggil sa Islām tungo sa paggawa ng maganda sa kapitbahay at pagtupad sa mga karapatan niya.
Tunay na ang tao ay hindi nakapagsasarili palayo sa pakikihalubilo sa mga tao at pakikipanirahan sa kanila. Hindi nagsasamatuwid ang buhay niya sa paghiwalay buhat sa kanila, na malayo sa pakikipagkapitbahay sa kanila.
Yayamang ang pagkakabuong pantao ay nilalang sa pagsasapanlipunan at pakikihalubilo, tunay na ang pakikipagkapitbahay ay isa sa mga tagasuporta ng pakikihalubilong ito na walang pagkaiwas dito.
Tunay na nagsidami sa Islām ang mga anyo ng pagpapahalaga sa kapitbahay. Ang ilan sa mga anyong ito ay humihimok sa kagandahan ng pakikipagkapitbahay at na ito ay kabilang sa mga gawaing maayos na kapita-pitagan. Ang ilan sa mga anyong ito ay nagbibigay-babala laban sa pamemerhuwisyo sa kapitbahay at matinding kaparusahan para sa tagagawa nito.
Kapag nagnais ka na makakilala sa dakilang katayuan ng pakikipagkapitbahay sa Islām, sasapat na makinig ka sa sabi ng Propeta ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Hindi natigil si Anghel Gabriel na nagtatagubilin sa akin hinggil sa kapitbahay hanggang sa magpalagay ako na siya ay magsasatagapagmana rito."[44] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
Si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ay ang anghel na nagdadala ng pagkasi sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).
Nagsaad ang mga anyo ng paggawa ng maganda sa kapitbahay sa Islām na nakikisang-ayunan sa pangangailangan ng tao at sumasaklaw sa lahat ng mga aspetong kinakailangan niya sa pakikihalubilo sa mga tao.
Sa pagsisimula sa tagubilin sa magandang pakikipagkapitbahay at sa pagwawakas sa pagbibigay-babala laban sa pamemerhuwisyo sa kapitbahay, tunay na ikaw ay makatatagpo sa Islām na nakatugon nga sa mga anyong marikit, na kinalulugdan ng lahat ng mga nakapag-uunawa at hindi naikakaila ng alinmang relihiyon.
Ang una sa mga anyong ito ay ang paggawa ng maganda sa kapitbahay at ang pagkamasayahin sa harap niya. Ito ay sa pamamagitan ng salita at gawa. Nagsabi ang Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Magpaganda ka ng pakikipagkapitbahay sa sinumang nakipagkapitbahay sa iyo, ikaw ay magiging isang Muslim."[45] Nagsalaysay nito si Imām Al-Kharā'iṭīy sa Makārim Al-Akhlāq.
Nagsabi rin siya: "Ang pinakamabuti sa mga kapitbahay sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) ay ang pinakamabuti sa kanila sa kapitbahay niya."[46] Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
Ang ikalawang anyo ay ang pagreregalo sa kapitbahay. Ang regalo sa kapitbahay ay nakadaragdag sa pag-ibig sa pagitan ng mga magkakapitbahay at nagtatanim ng pagkakalapit-loob sa pagitan ng mga tao. Humimok nga ang Islām ng pagreregalo sa kapitbahay kahit pa man siya ay hindi Muslim. Nasaad ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, na isa sa mga Kasamahan ni Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ito ay nagkatay ng isang tupa. Noong dumating ito ay nagsabi ito: "Nagregalo ba kayo sa kapitbahay nating Hudyo? Nagregalo ba kayo sa kapitbahay nating Hudyo? Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Hindi natigil si Anghel Gabriel na nagtatagubilin sa akin hinggil sa kapitbahay hanggang sa magpalagay ako na siya ay magsasatagapagmana rito."
Nagtagubilin nga ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na kapag ang isang tao ay gumawa ng pagkain mula sa karne, magparami siya ng sabaw nang sa gayon makapaghain siya mula rito sa mga kapitbahay sapagkat nagsabi siya: "Kapag nagluto kayo ng karne, damihan ninyo ang sabaw o ang tubig sapagkat tunay na ito ay higit na malawak [sa pakinabang] o higit na masidhi para sa mga kapitbahay."[47] Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
Ang ikatlong anyo ay ang pagbibigay sa kapitbahay ng kinakailangan niya. Hindi nakapagsasarili ang mga kapitbahay palayo sa isa't isa sa kanila sa mga kapakanan nila, hanggang sa tunay na ang isang kapitbahay ay maaaring mangailangan ng asin mula sa kapitbahay niya, at hindi pinapayagan sa kapitbahay na magkait sa kapitbahay niya ng kinakailangan nito. May nasaad nga kaugnay rito na isang matinding banta. Nagsabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Kay rami ng kapitbahay na nakabitin sa kapitbahay niya sa Araw ng Pagbangon, na magsasabi: O Panginoon ko, magtanong ka sa isang ito kung bakit nagsara siya ng pinto niya sa harap ko at nagkait siya sa akin ng kabutihang-loob niya."[48] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad.
Ang ikaapat na anyo ay ang pakikinabang sa mga pasilidad. Maaaring mangailangan ang kapitbahay sa isang bahagi ng dingding ng kapitbahay niya upang magpatayo roon ng isang bagay o upang magtalasok doon ng isang kahoy. Kaya naman hindi pinapayagan sa kapitbahay niya na pagbawalan siya. Kaugnay nito, nagsabi si Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Kapag humingi ng pahintulot sa isa sa inyo ang kapitbahay niya na magtusok ito ng talasok nito sa pader niya, huwag siyang pumigil dito."[49] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Nagsabi rin Siya: "Ang sinumang humiling sa kanya ang kapitbahay niya na magtukod ito sa pader niya ay payagan niya ito."[50] Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah at Imām Aḥmad.
Ang ikalimang anyo ay ang pagsiyasat sa maralitang kapitbahay. Kapag ang kapitbahay ay maralita, nag-obliga nga ang Islām sa kapitbahay nitong mayaman na magsiyasat siya ng pangangailangan nito sa pagkain sapagkat nasaad tungkol sa Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na siya ay nagsabi: "Ang mananampalataya ay hindi ang nabubusog samantalang ang kapitbahay niya ay nagugutom sa tabi niya."[51] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa kanyang Al-Adab Al-Mufrad, Imām Aṭ-Ṭabarānīy, at Imām Al-Ḥākim.
Ang ikaanim na anyo ay ang pangangalaga sa kapitbahay sa dangal nito at ari-arian nito. Talaga ngang naghatid ang Islām ng matinding pagpapalayo ng loob sa pangangalunya sa kabiyak ng kapitbahay at gayundin ng pagnanakaw ng ari-arian nito. Hinggil naman sa una, tunay na ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), noong tinanong siya tungkol sa pinakamalalaki sa mga pagkakasala, bumanggit siya ng kabilang sa mga ito: "... makipangalunya ka sa esposa ng kapitbahay mo"[52] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Ang ikapitong anyo ay ang pagpigil sa pamemerhuwisyo sa kapitbahay. Ito ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala na dumating hinggil dito ang matinding banta sapagkat dumating nga ang matinding pagsaway mula sa Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) laban sa pamemerhuwisyo sa kapitbahay. Kabilang doon ang sabi niya: "Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay huwag siyang mamerhuwisyo ng kapitbahay niya."[53] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Nagsabi sila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Sugo ni Allāh, tunay na si Polana ay nagdarasal sa gabi at nag-aayuno sa maghapon, at gumagawa [ng mabuti] at nagkakawanggawa, gayon pa man siya ay namemerhuwisyo sa mga kapitbahay niya sa pamamagitan ng dila niya." Nagsabi siya: "Walang kabutihan sa kanya. Siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno." Kaya nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, tunay na si Polana ay nagdarasal ng iniaatas na dasal at tunay na siya ay nagkakawanggawa ng mga piraso ng pinatuyong yogurt at hindi namemerhuwisyo ng isa man." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso."[54] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad at Imām Aḥmad.
Ang kahulugan ng mga piraso ng Aqiṭ ay ang piraso ng pinatuyong gatas mula sa keso.
Sa ganito, tunay na ikaw ay makatatagpo na ang Islām ay nangalaga nga sa mga karapatan ng pakikipagkapitbahay nang isang dakilang pangangalaga. Kalakip dito ang pangangalaga sa kaayusan ng tao at estabilidad ng mga kapakanan niya yayamang ang kapitbahay ay isang kadikit ng tao at nakaaapekto sa kanya sa mga nauukol sa buhay niya. Sa pagkaayos nito aayos ang kalagayan niya at sa pagkagulo nito magugulo ang mga kapakanan niya. Dahil dito, nasaad tungkol sa Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na siya ay nagsasabi noon sa panalangin niya: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min jāri -ssū'i ... (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kapitbahay ng kasagwaan ...)"[55] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad at Imām Ibnu Ḥibbān.
Sa ganito, tunay na ang pagbabatas ng Islām kaugnay sa pakikipagkapitbahay ay may taglay na dakilang kaayusan para sa lipunang pantao at isang pag-aanyaya para sa pag-ibig, pagkapalagayang-loob, at pagtutulungan.
Ang Islām at ang mga Karapatan ng Tao
(8)
Lumilitaw yaong katotohanang nakamamangha sa Islām sa pinakadakila sa mga anyo nito. Ito ay tumitingin sa tao nang kapita-pitagang pagtinging iyon na gumawa sa tao bilang ang pinakamainam sa mga nilikha. Lumikha si Allāh (napakataas Siya) ng Sansinukob na ito alang-alang sa kanya upang maisagawa niya ang dakilang tungkuling iyon: ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba. Ito ang tungkulin na nilikha ni Allāh ang tao alang-alang dito.
Alang-alang sa tungkuling ito, gumawa si Allāh para sa tao ng mga karapatan at pagpaparangal, na gumawa sa kanya dahil dito bilang namumukod sa nalalabi sa mga nilikha.
Naghatid nga ang Islām ng kumpleto sa mga karapatang ito para sa tao bilang tagapag-ingat sa pamamagitan ng mga ito sa karangalan niya at pagpaparangal sa kanya.
A. Ang una sa mga karapatang ito ay ang karapatan sa buhay sapagkat tunay na ang kaluluwang pantao ay may dakilang katayuan sa Islām. Nagsaad nga ang Qur'ān bilang naghihigpit sa pag-iingat dito at bilang nagbibigay-babala laban sa pagpatay nito. Gayundin nasaad ang tulad niyon sa mga ḥadīth ng Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).
Kabilang sa nasaad hinggil dito sa Qur'ān ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Alang-alang doon, nag-atas Kami sa mga anak ni Israel na ang sinumang pumatay sa isang tao nang hindi dahil [sa pagpatay] sa isang tao o sa [paggawa ng] kaguluhan sa lupa ay para bang pumatay siya sa mga tao nang lahatan, ...}[56] (Qur'ān 5:32)
B. Kabilang sa mga karapatan ng tao sa Islām ang karapatan sa edukasyon. Talaga ngang humimok ang Islām ng pagkamit ng kaalaman, gumawa ito para sa mga maalam ng isang mataas na katayuan, at nagpapuri ito at nagbunyi sa kanila. May nasaad dito na isang paglilinaw sa karapatan ng tao sa kaalaman.
Nasaad nga sa Qur'ān ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {mag-aangat si Allāh ng mga antas sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at mga binigyan ng kaalaman. ...}[57] (Qur'ān 58:11)
Nakapagpabenepisyo ang maalam ng mga Muslim sa paghimok ng Islām sa kanila sa pagkamit ng kaalaman. Kaya nag-ambag sila ng mga dakilang ambag sa mga agham ng kalikasan, pisika, kimika, matematika, at medisina.
C. Kabilang sa mga karapatan ng tao sa Islām ang karapatan sa katarungan sapagkat tunay na nagtatag ang Islām ng prinsipyo ng katarungan sa mga matibay na saligan at nag-aanyaya ito tungo roon sa pamamagitan ng mga magkakaibang istilo, bagkus gumawa ito roon bilang pundasyon ng bawat pakikitungo sa pagitan ng mga tao.
Nasaad nga ang pag-uutos ng katarungan nang tahasan sa Qur'ān, gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya): {Tunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan, paggawa ng maganda, at pagbibigay sa may pagkakamag-anak; at sumasaway sa kahalayan, nakasasama, at paglabag. Nangangaral Siya sa inyo nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.}[58] (Qur'ān 16:90)
D. Kabilang sa mga karapatan ng tao sa Islām ang karapatan sa pagmamay-ari. Dahil ang pagkaibig sa pagmamay-ari ay likas sa tao, nagbigay nga sa kanya ang Islām ng karapatang ito at nagpahintulot para sa kanya ng kalayaan sa pangangasiwa sa anumang minamay-ari niya yayamang nasasaad sa Qur'ān: {Ukol sa mga lalaki ay bahagi mula sa nakamit nila at ukol sa mga babae ay bahagi mula sa nakamit nila.}[59] (Qur'ān 4:32)
Subalit ang Islām ay nagregula ng karapatang ito sa pamamagitan ng mga mahigpit na regulasyon nang sa gayon hindi magkaroon dito ng paglabag sa karapatan ng ibang tao.
Nasaad nga sa Qur'ān: {O mga sumampalataya, huwag kayong gumamit sa mga yaman ninyo sa pagitan ninyo sa kawalang-kabuluhan, maliban na ito ay maging isang kalakalan ayon sa pagkakaluguran mula sa inyo. ...}[60] Sa pagbibigay-diin sa matinding kaparusahan sa paglabag sa karapatan ng iba, nagsasabi si Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang bawat laman na tumubo mula sa isang bawal, ang Impiyerno ay higit na marapat dito."[61] (Qur'ān 4:29) Nagsalaysay nito si Imām Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Awsat.
E. Kabilang sa mga karapatan ng tao sa Islām ang karapatan sa trabaho sapagkat tunay na ang trabaho sa Islām ay isang karapatang ipinalaganap para sa lahat. Inudyukan nga ng Islām ang pagtatrabaho yayamang ito ay isang kaparaanan ng produksyon at kasaganaan. Kaya naman ipinahintulot ng Islām sa tao ang pagtitinda at ang pagtatrabaho sa industriya at lahat ng mga propesyon gaya ng pagsasaka, pagkakarpintero, pagpapanday, pagkokonstraksyon, at iba pa sa mga ito na mga propesyon.
Nasaad sa Qur'ān ang pag-uutos ng pagpupunyagi sa lupa alang-alang sa pagtatrabaho at paghahanap ng panustos, gaya ng sinabi ni Allāh: {Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] maamo, kaya maglakad kayo sa mga dako nito at kumain kayo mula sa panustos Niya. Tungo sa Kanya ang pagkabuhay.}[62] (Qur'ān 67:15)
Nagsabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Talagang ang kumuha ang isa sa inyo ng lubid niya saka pumunta siya sa bundok saka magdala siya ng isang bigkis ng panggatong sa ibabaw ng likod niya saka magtinda siya nito para pumigil si Allāh dahil dito sa mukha niya [laban sa kahihiyan] ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa humingi siya sa mga tao, na magbibigay sa kanya o magkakait sa kanya."[63]. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Sa ganito, tunay na ikaw ay makatatagpo na ang Islām ay nangalaga para sa tao ng mga karapatan niya, na hindi siya nakapagbabalewala sa mga ito, bagkus gumawa ito ng mga kaparusahang tagasawata sa sinumang lumalabag sa mga karapatang ito. Sa lahat ng ito ay may pag-iingat sa karangalan ng tao at katayuan niya na ninais ni Allāh para sa kanya.
Ang Islām at ang Karapatan ng Tao sa Katarungan
(9)
Ang karapatan ng tao sa katarungan ay isa sa mga anyo ng katotohanang nakamamangha sa Islām, at na lumilitaw ang karikitan nito nang ginawa ng Islām ang katarungan na isang kahilingan na alang-alang dito umiral ang mga langit at ang lupa.
Dahil ang kaayusan ng tao at ang kaayusan ng lupa ay dahil sa katarungan, naghatid nga ang Islām ng paninindigan nito sa pinakamahusay sa mga anyo ng paninindigan. Kaya naman nagsaad ang mga talata ng Qur'ān ng pag-uutos nito at pagbibigay-diin nito at gayundin nasaad ang pag-uutos nito sa ḥadīth ng Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Bagkus nagsaad sa talambuhay niya ng mga tapat na ehemplo sa paglilinaw ng katarungan niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at gayon din sa talambuhay ng mga Khalīfah na Napatnubayan na mga dumating matapos niya, bagkus, at sa talambuhay ng mga hari ng Islām na mga napatanyag sa katarungan sa mga nasasakupan.
Nasaad nga ang pag-uutos ng katarungan sa Qur'ān sa sabi Niya (napakataas Siya): {Tunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan, paggawa ng maganda, at pagbibigay sa may pagkakamag-anak; at sumasaway sa kahalayan, nakasasama, at paglabag. Nangangaral Siya sa inyo nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.}[64] at sa iba pa rito na mga talata. (Qur'ān 16:90)
Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang pagpapakamakatarungan mo sa pagitan ng dalawa ay kawanggawa."[65] Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Nang nanungkulan si Khalīfah Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) matapos ng pagkamatay ni Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), tumayo siya sa mga tao bilang isang tagapagtalumpati at nagsabi siya: "Ang mahina sa inyo ay malakas sa ganang akin hanggang sa maibalik ko sa kanya ang karapatan niya, kung loloobin ni Allāh; at ang malakas sa inyo ay mahina hanggang sa makuha ko ang karapatan mula sa kanya, kung loloobin ni Allāh).
Naghatid nga ang katarungan sa Islām ng pagkarami-raming anyo, na nagkukuwento sa atin ng sigasig ng Islām sa katarungan.
Kabilang sa mga anyo ng katarungan sa Islām ang katarungan sa mga minorya. Talaga ngang nag-ingat para sa atin ang kasaysayan ng natatagpuan ng mga minoryang hindi Muslim na katarungan sa estado ng Islām. Ito ay bilang pagsasakatuparan sa patnubay ng Qur'ān at patnubay ng Propeta ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).
Hinggil sa Qur'ān, nasaad nga rito: {O mga sumampalataya, kayo ay maging mga mapagpanatili para kay Allāh, mga saksi sa pagkamakatarungan. Huwag ngang mag-udyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao upang hindi kayo magmakatarungan. Magmakatarungan kayo; ito ay pinakamalapit sa pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.}[66] (Qur'ān 5:8)
Hinggil naman sa patnubay ng Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), nagbigay-babala nga siya nang isang matinding pagbibigay-babala laban sa kawalang-katarungan sa mga minorya. Nasaad iyon nang tahasan sa sabi niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Pansinin, ang sinumang umapi sa isang nakipag o nagpakulang [sa ukol] sa kanya o nag-atang sa kanya ng [gawaing] higit sa kakayahan niya o kumuha mula sa kanya ng isang bagay nang walang kasiyahan ng sarili, ako ay ang katalo niya sa Araw ng Pagbangon."[67] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Ang kahulugan ng "ang katalo niya" ay ang kaalitan niya.
Kabilang sa mga anyo ng katarungan sa Islām ang katarungan ng pinuno:. Kinakailangan sa Islām sa pinuno na magmakatarungan sa nasasakupan niya at hindi pumabor sa paglapat ng katarungan sa sinuman kabilang sa nasasakupan, kahit pa man laban sa sarili niya.
Kabilang sa mga anyo ng katarungan sa Islām ang katarungan sa mga anak. Ang katarungan sa pagitan ng mga anak ay kabilang sa mga kadahilanan ng katatagan ng pamilya at pagkakintal ng pag-ibig sa pagitan ng mga anak, at ang kabaligtaran nito, sapagkat tunay na ang kawalan ng katarungan ay magiging isang kadahilanan ng alitan sa pagitan ng mga anak, bagkus magiging kadahilanan ng pagkamuhi ng anak na ginawan ng kawalang-katarungan sa ama mismo. Dahil dito, nagpaigting ang Islām sa pag-uutos ng katarungan sa pagitan ng mga anak, gaya ng nasaad sa kuwento ng Kasamahan na pumunta sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) upang sumaksi para sa kanya sa pagbibigay niya ng isang kaloob sa isa sa mga anak niya, kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "O Bashīr, may anak ka ba bukod pa riyan?" Nagsabi ito: "Opo." Kaya nagsabi siya: Ang lahat sa kanila ba ay pinagkalooban mo ng tulad nito?" Nagsabi ito: "Hindi po." Nagsabi siya: "Kaya huwag kang magpasaksi sa akin, samakatuwid, sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa pang-aapi." Sa isang salaysay: "Mangilag kayong magkasala kay Allāh at magmakatarungan kayo sa mga anak ninyo."[68] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Kabilang sa mga anyo ng katarungan sa Islām ang katarungan ng hukom sa pagitan ng mga nag-aalitan. Talaga ngang naghatid ang Islām ng pagtatakda ng mga patakaran sa paghuhukom at mga hukom. Kabilang sa mga patakarang ito ang pagkakinakailangan ng katarungan ng hukom sa pagitan ng mga nag-aalitan, pati na sa pagtitipon kaya hindi siya magtatangi sa isa sa kanila sa isang higit na mataas na lugar; at gayundin sa katarungan sa pagitan nila sa pagharap sa kanila kaya hindi siya maglalaan sa isa sa kanila ng karagdagang pagkalinga. Nasaad nga ang matinding banta sa hukom na tagalabag sa katarungan at ang gantimpala ng Paraiso para sa makatarungang hukom, gaya ng nasa sinabi ni Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang mga hukom ay tatlo: dalawang hukom sa Impiyerno at isang hukom sa Paraiso: isang lalaking humukom ayon sa hindi karapatan saka nakaalam niyan kaya iyan ay sa Impiyerno, isang hukom na hindi nakaaalam saka nagpahamak ng mga karapatan ng mga tao kaya siya ay sa Impiyerno, at isang hukom na humukom ayon sa karapatan kaya iyon ay sa Paraiso."[69] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmid̆īy.
Ang mga ito ay ilan sa mga anyo ng katarungan sa Islām. Ang iba pa sa mga ito kabilang sa mga nakawawangis ng mga ito ay naglilinaw na ang Islām ay nagparangal sa tao sa pinakadakila sa kinakailangan niya. Dito ang kinasasalalayan ng buhay niya upang lumigaya siya sa biyaya ng katarungan na kapag lumaganap sa isang lugar, maghahari rito ang kasaganaan at seguridad.
Ang Islām at ang Pagkakapantay ng mga Tao
(10)
Nang nananawagan ang Islām sa pagkakapantay sa pagitan ng mga Muslim, dito lumilitaw ang katotohanang nakamamangha, na siyang nagpapahayag ng dakilang konseptong ito yayamang nagkakaisa-isa sa estado ng Islām ang mga lahi at ang mga kulay sa lilim ng isang sistemang panrelihiyong bukod-tangi sapagkat doon ay may tunay na kapatiran sa pagitan ng mga Muslim. Nasaad sa Qur'ān ang pagtukoy roon sa sabi ni Allāh: {O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.}[70] (Qur'ān 49:13)
Kaya ang Islām ay hindi nagtatabi ng alinmang bahagi ng mga katuruan nito at hindi gumagawa nito bilang isang monopolyo para sa isang natatanging pangkatin ng mga tao.
Nangangahulugan ito na ang Islām ay hindi iniiralan ng kaparian ni ng kalalakihan ng relihiyon gaya ng isang nakahiwalay na natatanging uri, na may mga pribilehiyo. Kaya ang lahat ay magkakapantay sa mga karapatan at mga tungkulin. Bagkus talaga ngang humikayat ang Islām sa pagpapakumbaba. Kaya ang maalam sa Islām ay nagpapakumbaba sa mga tao at hindi nagpapakamalaki sa kanila dahil sa kaalaman niya. Dahil dito nagsabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay nagkasi sa akin na magpakumbaba kayo, nang sa gayon walang lumabag na isa man sa isa pa at walang magmayabang na isa man sa isa."[71] Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Ang mga katuruang Islāmiko ay nakapatungkol sa lahat ng mga tao at ang mga ito ay payak at madali na nakakaya ng bawat tao na maintindihan.
Ang simulain ng pagkakapantay sa Islām ay hindi nakatatagpo para rito ng katulad sapagkat ang mga tao sa kalahatan ay magkakapantay gaya ng mga ngipin ng suklay. Kaya matatagpuan mo ang Muslim na Tsino o ang Muslim na Arabe o ang Europeo o ang Amerikano o ang Aprikano ay lahat magkakapatid. Nasaad sa Qur'ān: {Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang, ...}[72] Sa iisang hanay sa pagdarasal, sumasamba sila sa iisang Panginoon. Matatagpuan mo ang mga lugar ng pagsamba (ang mga masjid) na nakabukas para sa lahat, maging mayaman o maralita, puti o itim, hari o manggagawa, sapagkat ang lahat ay magkakapantay. (Qur'ān 49:10)
Lumitaw nga ito sa mga kaasalan ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sapagkat siya noon ay hindi natatangi sa mga Kasamahan niya, hanggang sa kapag dumating ang lalaking estranghero ay hindi ito nakakikilala sa kanya kaya nagtatanong ito: "Alin sa inyo si Muḥammad?"
Ang Sugo ng Islām (sumakanya ang pagpapala at ang kapayapaan) noon ay nagpapakumbaba sa lahat nang walang pagtatangi-tangi at tumutugon sa paanyaya ng lahat kapag inaanyayahan siya sa bahay nito. Bagkus nagpapahalaga siya noon sa nauukol sa lahat at nagtatanong siya tungkol sa sinumang nawawala. Minsan may isang lalaking itim o isang babaing itim na naglilinis ng masjid niya. Nagtanong siya tungkol dito minsan nang hindi niya ito nakita. Nagsabi sila sa kanya: "Namatay na." Kaya nagsabi siya: "Kaya ba hindi kayo nagpahayag sa akin hinggil dito? Magturo kayo sa akin sa libingan niya o sa libingan nito." Kaya pumunta siya sa libingan saka nagdasal para rito."[73] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Sa pamamagitan ng mga tuntuning ito, nagpantay ang Islām sa mga tao nang walang pagtatangi-tangi sa kulay o lahi o prestihiyo at katayuan.
Ang Islām at ang mga Karapatan ng Babae
(11)
Ang babae sa Islām ay yaong nilalang na karapat-dapat sa pagdakila at pagpapahalaga upang lumitaw sa pamamagitan niyon yaong katotohanang nakamamangha ng Islām nang ginawa nito ang babae na isang bahagi ng pagkalikha sa lalaki, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. ...}[74] (Qur'ān 4:1)
Tunay na ang talatang ito ay tahasang nagsasaad na ang ina ng Sangkatauhan, si Eva, ay nilikha nga ni Allāh mula sa tadyang ni Adan (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), gaya ng nasaad sa mga tumpak na ḥadīth mula sa Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).
Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na ang mga babae ay mga kahati ng mga lalaki."[75] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Ang kahulugan ng mga kahati ng mga lalaki ay tulad nila sa pagkalikas at pagkalikha, na para bang ang babae ay hinati mula sa lalaki.
Ang talatang ito at ang ḥadīth na ito ay nagpapaliwanag sa pagkakatugmaan at pagkakalapitan sa pagitan ng lalaki at babae. Ang simula ng pagkakatugmaang ito ay magmula ng isang matagal na panahon, ibig sabihin, magmula noong lumikha si Allāh (napakataas Siya) kay Adan (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Dumating ang Islām upang magbigay-diin sa malakas na kaugnayang ito. Dahil dito, tunay na ikaw ay nakakikita sa Qur'ān na si Allāh ay nag-ugnay sa pagitan ng mga lalaki at ang mga babae sa maraming parte. Bagkus, tunay na mayroong isang Kabanata sa Qur'ān na ang pangalan ay Sūrah An-Nisā (Kabanata ng mga Babae). Ito ay isang tahasang patunay sa pagdakila sa kahalagahan ng babae, na hahantong sa pagkaalam sa mga karapatan niya at pagbibigay-katarungan sa kanya.
Lumilitaw sa iyo ito sa isang anyong higit na maliwanag at higit na maganda nang dumating ang pag-uutos ng pakikitungo sa mga babae ayon sa nakabubuti, at na hindi lahat ng kinasusuklaman ng lalaki sa maybahay niya ay napupulaan, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {Makitungo kayo sa kanila ayon sa nakabubuti sapagkat kung nasuklam kayo sa kanila ay marahil nasusuklam kayo sa isang bagay at gumagawa naman si Allāh dito ng maraming kabutihan.}[76] (Qur'ān 4:19)
Nasaad nga rin ang pagbibigay-diin nito sa sabi ng Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) habang nagtatagubilin hinggil sa mga babae sapagkat nagsasabi siya: "Magpatagubilin kayo hinggil sa mga babae ng kabutihan."[77] Nagsabi pa siya: "Ang higit na mabuti sa inyo ay ang higit na mabuti sa maybahay niya at ako ay ang higit na mabuti sa inyo sa maybahay ko."[78] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim. Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Ibnu Mājah.
Sa paraang ito, tunay na ang babae sa Islām ay kalahati ng lipunan. Nangalaga nga sa kanya ang Islām upang siya ay maging tagapaghubog ng mga salinlahi at tagapagsilang ng mga dakila. Dahil dito, nagparangal nga ang Islām sa pagkatao niya saka nagkaloob ito sa kanya ng mga dakilang karapatan.
Kabilang sa mga karapatang ito ang karapatan sa buhay sapagkat nagbawal ang Islām sa ginagawa noon ng mga tao sa Panahon ng Kamangmangan bago ng Islām na pagpatay sa mga anak na babae, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {8. kapag ang [batang] babaing inilibing nang buhay ay tatanungin 9. dahil sa aling pagkakasala siya pinatay,}[79] (Qur'ān 81:8-9)
Gaya nito ang natatagpuan sa ilan sa mga estado sa mundo na pumapatay ng babae kapag namatay ang asawa niya.
Kabilang sa mga karapatang ito ang karapatan sa pagkaina kaya siya ay may kumpletong karapatan na siya ay maging isang ina. Nasaad nga sa Islām ang matinding pag-uutos ng pagsasamabuting-loob sa ina. Nasaad dito ang pag-iingat sa kumpletong karapatan niya sa yugtong ito. Nabanggit na ang mga patunay na nagpapatunay sa pagtatagubilin hinggil sa maybahay at paggawa ng maganda sa kanya. Bagkus tunay na ang Islām ay nag-ingat para sa kanya ng karapatan niya kahit matapos ng diborsiyo. May nasaad sa Qur'ān na maraming talata kaugnay sa paglilinaw sa mga patakaran sa mga babae at mga karapatan nila.
Kabilang sa mga karapatang ito ang karapatan sa pagtuturo at pagpapalaki sapagkat nagsaad ang Islām ng pag-udyok sa paggawa ng maganda sa mga babaing anak at gumawa ito roon ng dakilang gantimpala, gaya ng nasaad sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang sinumang may tatlong babaing anak, saka nagtiis para sa kanila, nagpakain sa kanila, nagpainom sa kanila, at nagpadamit sa kanila mula sa kakayahan niya, sila para sa kanya ay magiging isang tabing laban sa Apoy sa Araw ng Pabangon."[80] Ang kahulugan ng "kakayahan" ay yaman niya. Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah at Imām Aḥmad.
Kabilang sa mga karapatang ito ang mga karapatang pampananalapi. Talaga ngang nagbigay ang Islām sa babae ng lahat ng mga karapatang pampananalapi na ibinigay nito sa lalaki. Ukol sa kanya na mamuhunan ng yaman niya, gaya ng paggawa para sa kanya ng isang karapatang pampananalapi mula sa asawa niya sa oras ng pag-aasawa, ang mahr (bigay-kaya). Kapag namatay ang asawa niya, ginawa para sa kanya ang karapatan na kumuha mula sa yaman nito ng parte niya, na nasaad ang pagkabanggit nito sa Qur'ān.
Ang pagpaparangal ng Islām sa babae ay nagsidami ang mga anyo nito gaya ng nakikita mo. Sa lahat ng ito ay may patunay sa kahalagahan niya sa pagkatao at dakilang gampanin niya sa lipunan. Nangalaga nga sa kanya ang Islām bilang isang batang babae, bilang isang anak, bilang isang maybahay, bilang isang ina, at bilang isang lola. Sa lahat ng ito ay may pag-iingat para sa tao at may siklo ng pag-iral nito na nakikilahok ang babae sa kalahati nito.
Ang Islām at ang Tao Bilang Ulila
(12)
Sa isa sa mga anyo ng katotohanang nakamamangha sa Islām, ang lahat ay karapat-dapat sa mga kumpletong karapatan at pangangalagang naaangkop dito, anuman ang katayuan nito sa lipunan. Lumitaw nga ang katotohanang nakamamanghang ito sa pangangalaga sa ulila. Siya ay yaong paslit na namatayan ng ama niya, kaya nawala sa kanya ang lambing ng ama, ang malasakit nito, ang pagkaawa nito, at ang pagkalinga nito.
Ang ulila ay isang bahagi ng uring tao na naghatid ang Islām ng pagpaparangal sa kanya at patatangi sa kanya sa lahat ng mga nilikha. Ito ay humihiling na magtamo ang ulila ng parte niya mula sa pagpaparangal at pagkalingang ito.
Naghatid nga ang Islām ng bawat anumang nagpapabuti sa ulila, nag-aalo sa damdamin niya, at gumagawa sa kanya bilang isang aktibong kasapi sa lipunan.
Makatatagpo ka na ang Islām ay nag-anyaya tungo sa paggawa ng maganda sa ulila sa pamamagitan ng mga istilong matagumpay, na gumagawa sa ulila na nakararamdam ng pagkalinga ng lipunan niya sa kanya. Kaya nakararamdam siya ng seguridad at ng pagkatumbas sa pagkawala ng ama.
Nagsidami ang mga anyo ng paggawa ng maganda sa ulila sa Islām. Ang lahat ng ito ay nagpapatunay sa iyo ng matinding pagpapahalaga sa ulila.
Ang una sa mga anyong ito ay ang pag-aanyaya tungo sa paggawa ng maganda sa ulila. Dumating nga ang Qur'ān na nag-aanyaya tungo roon sa isang malakas na istilo. Iyon ay nang nag-ugnay si Allāh (napakataas Siya) ng pag-uutos ng paggawa ng maganda sa ulila sa pamamagitan ng paniniwala sa kaisahan niya, na siyang pinakadakila sa mga kahilingan. Kaya naman nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Sumamba kayo *kay Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, ...}[81] (Qur'ān 4:36)
Kabilang sa mga istilo ng Islām sa pag-anyaya tungo sa paggawa ng maganda sa ulila ang ipinababatid sa iyo ng paglalarawang ito: may dumating ngang isang lalaki kay Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), na dumaraing ng katigasan ng puso nito kaya nagsabi rito ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Naiibigan mo ba na lumambot ang puso mo at magkamit ka ng pangangailangan mo? Kaawaan mo ang ulila, haplusin mo ang ulo niya, at pakainin mo siya mula sa pagkain mo, lalambot ang puso mo at magkakamit ka ng pangangailangan mo."[82] Nagsalaysay nito si Imām Abū Nu'aym sa Al-Ḥilyah.
Nagsagawa nga ang mga Kasamahan ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ng mga katuruang ito niya. Kaya naman si `Abdullāh na anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay hindi kumakain ng isang pagkain maliban na sa hapag niya ay may isang ulila.
Ang ikalawang anyo sa pangangalaga ng Islām sa ulila ay ang pag-aaruga sa ulila. Ito ay isang anyo na nakasalalay sa pagsasagawa ng mga kapakanan ng ulila, mula sa pagtustos, pagpapalaki, at pagtuturo. Ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga istilo ng Islām sa pagpapagaan ng hirap para sa ulila. Dahil ito ay isang tapat na anyo sa paggawa ng maganda sa ulila, naghatid nga ang Islām ng dakila sa kainaman niyon, na nasaad nang tahasan sa ḥadīth ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ako at ang tagapag-aruga ng ulila sa Paraiso ay sa ganito," at sumenyas siya ng dalawang daliri niya: ng hintuturo at hinlalato, at nagpahiwalay ng dalawang ito nang bahagya.[83] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Ang ikatlong anyo sa pangangalaga ng Islām sa ulila ay ang matinding banta laban sa pangangamkam ng ari-arian ng ulila. Maaaring mag-iwan ang ama ng ulila para sa anak nito ng isang ari-arian saka mangangasiwa naman nito ang katangkilik ng ulila sa pag-iingat sa ari-ariang ito hanggang sa lumaki ang ulila saka kunin niya ang ari-arian niya. Dahil ang ari-arian ay isang tukso, maaaring makialam ang katangkilik ng ulila sa ari-arian sa isang paraang hindi tumpak. Kaya ito ay magiging isang kadahilanan sa pagkawala ng ari-arian ng ulila. Upang mapangalagaan ng Islām ang ari-arian ng ulila, nagsaad nga ang Qur'ān ng matinding banta laban sa pangangamkam ng ari-arian ng ulila. Iyon ay nasa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ang mga kumakain ng mga yaman ng mga ulila dala ng kawalang-katarungan ay kumakain lamang sa mga tiyan nila ng apoy at masusunog sila sa isang liyab.}[84] (Qur'ān 4:10)
Ang ikaapat na anyo sa pangangalaga ng Islām sa ulila ay ang pag-iingat sa ari-arian ng ulila hanggang sa mag-adulto siya. Nag-utos ang Islām sa katangkilik ng ulila na pag-iingat ng ari-arian niya hanggang sa mag-adulto siya at makakaya siya sa pagsasagawa sa mga kapakanan niya. Hindi pinapayagan sa katangkilik na kumuha mula sa ari-arian ng ulila kapag siya ay mayaman. Kapag naman siya ay maralita, kukuha siya mula rito ayon sa nakabubuti. Ang nilamon niya ay isang hiram at isang pautang sa kanya.
Kapag nag-adulto na ang ulila at nakaalam ang katangkilik na ito ay makakakaya na sa pagsasagawa sa mga kapakanan nito, magpapasa siya rito ng ari-arian nito at magpapadalo siya ng mga saksi na sasaksi para sa kanya na siya ay nagpasa nga rito ng ari-arian nito. Nasaad nga ang pag-uutos ng lahat ng ito sa Qur’ān sa sabi ni Allāh: {Subukin ninyo ang mga ulila hanggang sa kapag umabot sila sa pag-aasawa; saka kung nakapansin kayo mula sa kanila ng isang pagkagabay, ibigay ninyo sa kanila ang mga yaman nila. Huwag kayong gumamit ng mga ito sa pagpapakalabis at pagdadali-dali na baka lumaki sila. Ang sinumang naging mayaman ay magpigil [sa pagpapabayad] at ang sinumang naging maralita ay kumuha ayon sa makatwiran. Kaya kapag nag-abot kayo sa kanila ng mga yaman nila ay magpasaksi kayo sa kanila. Sumapat si Allāh bilang Mapagtuos.}[85] (Qur'ān 4:6)
Sa ganito, tunay na ang Islām ay naglagay ng mga dakilang tuntunin para sa pangangalaga sa ulila, malasakit sa kanya, pagpapalaki sa kanya, at pagtuturo sa kanya. Sa lahat ng iyan nangalaga ito sa pagkatao niya na nagparangal sa kanya si Allāh nito, na nag-obliga na mamuhay siya gaya ng iba pa sa mga tao at hindi makaramdam na siya ay higit na mababa kaysa sa kanila.
Ang Islām at ang Tao Bilang Isang Maralita
(13)
Kung paanong lumitaw ang katotohanang nakamamanghang iyon sa pangangalaga sa ulila, may nahahayag din sa Islām na isa pang katotohanang nakamamangha. Ito ay nananawagan sa pangangalaga sa isa sa mga kasapi ng lipunan: ang maralita, na isang bahagi ng balangkas ng lipunang pantao. Hindi nawawalan ang isang lipunan ng mga maralita, subalit nagkakaibahan ang mga tao sa pakikitungo nila sa maralita, kung paanong ang reyalidad ng maralita ay nagkakaibahan sa bawat lipunan.
Subalit natatagpuan natin na ang Islām ay nagpapahalaga sa maralita at hindi ito gumawa sa kanya bilang isang itinakwil; bagkus siya ay isang bahagi ng lipunan at kinakailangan na mamuhay gaya ng iba pa sa kanya na mga tao, at magtamo ng lahat ng mga karapatan niya. Bagkus tunay na ikaw ay makatatagpo sa Qur'ān – na siyang ang unang pinagkukunan sa Islām – mga maraming talata tungkol sa pag-iingat sa mga karapatan ng maralita, pag-aanyaya tungo sa pangangalaga sa kanya, at paggawa ng maganda sa kanya, gaya ng sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Ang mga kawanggawa ay ukol lamang sa mga maralita, mga dukha, ...}[86] at gaya pa ng sabi Niya (napakataas Siya): {Ipakasal ninyo ang mga walang-asawa kabilang sa inyo at ang mga maayos kabilang sa mga lalaking alipin ninyo at mga babaing alipin ninyo. Kung sila ay mga maralita, magpapasapat sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam.}[87] (Qur'ān 9:60) (Qur'ān 24:32)
Upang ang maralita ay maging isang bahagi ng lipunang pantao at magkaroon ng makataong karangalan niya, natatagpuan natin na ang Islām ay nagparangal sa kanya at nangalaga sa kanya. Lumitaw nga ang pangangalaga ng Islām sa maralita sa maraming anyo.
Kabilang sa mga ito: Ang Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay isang tagaibig ng mga maralita at mga dukha. Iniibig niya ang pakikipag-upuan sa kanila. Bagkus humihiling siya kay Allāh sa panalangin niya na gawin siyang isang tagaibig ng mga dukha, gaya ng nasa panalangin niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paggawa ng mga kabutihan, pag-iwan ng mga nakasasama, at pag-ibig sa mga dukha."[88] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmid̆īy.
Nagsasabi si Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya), na isa sa mga Kasamahan ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Nag-utos sa akin ang matalik na kaibigan ko (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pito. Nag-utos siya sa akin ng pag-ibig sa mga dukha at pakikipaglapit sa kanila ..."
Kabilang sa mga anyo ng pangangalaga ng Islām sa maralita, ang Sugo ng Islām noon (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nagpapapuri sa mga maralita at bumabanggit ng taglay nilang kainaman sa ganang kay Allāh (napakataas Siya), nang sa gayon makapagpagaan siya sa hirap nila at makapagpalubag-loob siya sa kanila.
Kabilang sa mga anyo ng pangangalaga ng Islām sa maralita ang pagsasaalang-alang sa damdamin niya at mga nadarama niya. Lumilitaw rito ang pagkamakatao ng Islām sapagkat ang maralita ay isang tao na may mga nadarama na kinakailangan ang pagsasaalang-alang sa mga ito. Hindi pinapayagan sa Islām ang paghamak sa kanya at ang pakikitungo sa kanya na para bang siya ay mababa sa iba sa kanya. Dahil dito, nasaad nga sa Qur'ān na hindi magkawanggawa ang tao kundi mula sa anumang naiibigan niya at hindi pinapayagan na magbigay siya sa maralita mula sa isang bagay na hindi niya naiibigan. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Hindi kayo magtatamo ng *pagsasamabuting-loob hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo. Ang ginugugol ninyo na anuman, tunay na si Allāh rito ay Maalam.}[89] (Qur'ān 3:92)
Nasaad din sa Qur'ān: {O mga sumampalataya, gumugol kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay na kinamit ninyo at mula sa mga pinalabas Namin para sa inyo mula sa lupa. Huwag kayong maglayon ng karima-rimarim mula roon, na gumugugol kayo samantalang kayo ay hindi mga tatanggap nito maliban na magpikit-mata kayo rito. Alamin ninyo na si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.}[90] (Qur'ān 2:267)
Kabilang sa mga anyo ng pangangalaga ng Islām sa maralita ang pagsiyasat sa kanya at ang pagtatanong tungkol sa kanya. Talaga ngang dumating ang matinding banta sa panig ng sinumang nagpamagdamag nang busog samantalang ang kapitbahay niya ay nagugutom. Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang mananampalataya ay hindi ang nabubusog samantalang ang kapitbahay niya ay nagugutom sa tabi niya."[91] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy sa kanyang Al-Adab Al-Mufrad, Imām Aṭ-Ṭabarānīy, at Imām Al-Ḥākim.
Nasaad dito ang pagkakinakailangan ng pagsiyasat sa maralitang nangangailangan. Nasaad nga tungkol sa Propeta ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na siya ay nagsisiyasat noon sa mga maralita at mga dukha pati na sa pagkakasakit nila sapagkat dumadalaw siya sa kanila kapag nagkasakit sila at kapag namatay ang isa sa kanila ay dumadalo siya sa paghahatid ng libing nito.
Kabilang sa mga anyo ng pangangalaga ng Islām sa maralita ang pagganyak sa kanya sa pagtatrabaho. Nasaad nga ito sa pamamagitan ng isang praktikal na anyo mula sa gawain ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): na may isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan niya na dumating na dumadaing sa kanya ng pangangailangan kaya nagsabi siya rito: "Wala bang anuman sa bahay mo?" Nagsabi ang lalaki: "Opo, may isang ḥils po," tumutukoy ito sa isang magaspang na kasuutang inilalagay sa likod ng kamelyo, "na nagsusuot kami ng isang bahagi nito at naglalatag kami ng isang bahagi nito. Ito ay panlatag namin at ito ay damit namin. May isang qa`b po," tumutukoy ito sa isang tasa, "na umiinom kami rito ng tubig." Nagsabi siya: "Kaya maghatid ka sa akin ng dalawang iyan." Kaya naghatid ito sa kanya ng dalawang iyon. Kinuha ang dalawang ito ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng kamay niya. Nagsabi siya: "Sino ang bibili sa dalawang ito?" Nagsabi ang isang lalaki: "Ako po. Kukunin ko ang dalawang iyan sa halagang isang dirham." Nagsabi siya: "Sino ang magdaragdag sa isang dirham?," nang dalawang ulit o tatlong ulit. Nagsabi ang isang lalaki: "Ako po. Kukunin ko ang dalawang iyan sa halagang dalawang dirham." Kaya ibinigay niya ang dalawang ito roon, kinuha niya ang dalawang dirham, at ibinigay sa maralita. Nagsabi siya: "Bumili ka ng pagkain sa pamamagitan ng isa sa dalawa saka iabot mo iyan sa mag-anak mo at bumili ka ng isang palakol sa pamamagitan ng isa pa saka maghatid ka sa akin niyan." Kaya naghatid ito sa kanya niyon saka nagkabit doon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang kahoy sa pamamagitan ng kamay niya. Pagkatapos nagsabi siya rito: "Umalis ka saka mangahoy ka at magtinda ka. Huwag nga akong makikita sa iyo nang labinlimang araw." Kaya umalis ang lalaki upang mangahoy at magbenta [ng pinangahoy]. Dumating ito sa kanya at kumita ito ng sampung dirham. Bumili ito ng damit sa pamamagitan ng isang bahagi ng mga ito at ng pagkain sa pamamagitan ng ibang bahagi ng mga ito. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ito ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa dumating ang panghihingi bilang isang marka sa mukha mo sa Araw ng Pagbangon."[92] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Sa ganito, tunay na ikaw ay makatatagpo na ang Islām ay nangalaga sa maralita upang maging isang individuwal ng lipunang pantao at mamuhay sa gitna nila bilang pinararangalan kung paanong nagparangal sa kanya si Allāh sa pamamagitan ng pagkatao niya, na hindi pinapayagan ang paghamak dito. Sa pamamagitan ng pangangalagang ito, makararamdam ang maralita ng pagkatao niya at pagkakaanib niya sa lipunan niya.
Ang Islām at ang Kalinisan ng Tao
(14)
Ang kalinisan ay isang anyong kabilang sa mga anyo ng katotohanang nakamamangha sa Islām. Nahahayag ang katotohanang ito sa lahat ng mga aspeto ng buhay, pribado at pampubliko, yayamang nagpahalaga ang Islām sa personal na kalinisan ng tao, mula sa kalinisan ng katawan, mga kasuutan, at tahanan. Upang makumpleto ang siklo ng kalinisan, natatagpuan natin na ang Islām ay nag-utos ng pampublikong kalinisan, na siyang kalinisan ng mga pampublikong pasilidad na lumahok ang mga tao sa pagpapabenepisyo sa mga ito.
Ang pagpapahalaga ng Islām sa kalinisan, maging personal na kalinisan o pampublikong kalinisan, ay lumitaw sa sumusunod:
A. Ang Personal na Kalinisan. Lumitaw ito sa sumusunod:
Ang pag-uutos ng kalinisan ng katawan. Nasaad nga ito nang tahasan sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "May sampung bahagi ng naturalesa: ang paggupit ng bigote, ang pagpapalago ng balbas, ang paggamit ng siwāk, ang paglinis ng ilong ng tubig, ang pagputol ng mga kuko, ang paghugas ng mga buko ng daliri, ang pagbunot ng buhok sa kilikili, ang pag-ahit ng buhok sa ari, at ang paggamit ng tubig [sa pagpapalikuran]."[93] Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Ang kahulugan ng "mga buko ng daliri" ay ang mga buhok ng mga daliri at ang mga kasukasuan ng mga ito sa kalahatan ng mga ito. Ang kahulugan ng "paggamit ng tubig" ay ang paghuhugas (istinjā') matapos ng pagtugon sa tawag ng pangangailangan.
Nagsabi rin si Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magdalisay kayo sa mga katawang ito, magdadalisay sa inyo si Allāh sapagkat tunay na walang sinumang lingkod na nagpapamagdamag nang dalisay malibang may magpapamagdamag kasama niya sa suot niya na isang anghel, na hindi nababaling sa isang sandali ng gabi malibang nagsasabi ito: O Allāh, magpatawad Ka sa lingkod Mo sapagkat tunay na siya ay nagpamagdamag nang dalisay."[94] Nagsalaysay nito si Imām Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Awsat.
Gayundin, nakatatagpo tayo bilang mga pagkakahayag ng personal na kalinisan sa Islām ng pag-uutos ng pagsasagawa ng wuḍū' nang limang ulit sa pagsasagawa ng ṣalāh.
Gayundin ang pagpaligo sa araw ng Biyernes, ang pagsusuot ng mga kasuutang malinis, ang pagpahid sa buhok ng langis, at ang pagpapabango.
Gayundin ang pag-uutos ng paggamit ng siwāk para sa paglilinis ng bibig, hanggang sa nagsabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Kung sakaling hindi dahil na makapagpahirap ako sa Kalipunan ko o sa mga tao, talaga sanang nag-utos nga ako sa kanila ng paggamit ng siwāk kasama ng bawat pagdarasal."[95] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Gayundin, ang Sugo ng Islām noon (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), kapag lumabas siya mula sa pagkatugon ng tawag ng pangangailangan, ay nagkukuskos ng kamay niya sa lupa."[96] Nagsalaysay nito si Imām An-Nasā’īy.
Gayundin, nasaad sa Islām ang pagpapahalaga sa kalinisan ng mga damit sapagkat nakakita nga si Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ng isang lalaking nakasuot ng mga maruming damit kaya nagsabi siya: "Hindi ba ito nakatatagpo ng tubig na ipanlalaba sa damit niya?"[97] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Bagkus, nagsaad ang Islām ng pag-uutos ng paglilinis ng lalagyan kapag dumila rito ang aso. Nasaad dito ang pagbibigay-diin sa kalinisan. Nadaragdagan ang pagbibigay-diing ito sa bilang ng mga beses na hinuhugasan ang lalagyan na dinilaan ng aso yayamang nagsabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Dalisayin ninyo ang lalagyan ng [bawat] isa sa inyo kapag dumila rito ang aso: na maghugas siya nito nang pitong ulit, na ang una sa mga ito ay sa pamamagitan ng alabok."[98] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
B. Ang Kalinisang Pampubliko. Talaga ngang nag-utos ang Islām ng kalinisang pampubliko upang makumpleto ang siklo ng kalinisan sa lahat ng mga aspeto ng buhay at mamuhay ang tao sa buhay niya nang walang mga problemang pangkalusugan. Kabilang sa mga pagkakahayag ng pagpapahalaga ng Islām sa kalinisan ng mga pasilidad na pampubliko:
Ang pagpapaibig sa pag-aalis ng perhuwisyo sa daan gaya ng bato o tinik o bubog o bakal na nakasusugat, at bawat anumang nakapeperhuwisyo sa tao sapagkat nagsabi nga ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Talaga ngang nakakita ako ng isang lalaking nagliliwaliw sa Paraiso dahil sa isang punong-kahoy na pinutol niya mula sa gitna ng daan, na nakapeperhuwisyo noon sa mga tao."[99] Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Gayundin, dumating ang pag-uutos na huwag umihi ang tao sa daan ng mga tao o sa lilim na nagpapasilong sila sa ilalim nito yayamang nagbigay-babala ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang paggawa niyon ay nagdadahilan sa pagsumpa ng mga tao sa sinumang gumagawa niyon sapagkat nagsabi siya: "Mangilag kayo sa dalawang palasumpa." Nagsabi sila: "At ano po ang [dahilan ng] dalawang palasumpa, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang mga dumudumi sa daan ng mga tao o sa lilim nila."[100]. Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Gayundin, nasaad sa Islām ang pagsaway laban sa pag-ihi sa tubig na tulog na hindi dumadaloy, dahil sa dulot nito na pagpaparumi roon at pagdudulot ng perhuwisyo sa sinumang gumagamit niyon, yayamang nagsabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Huwag ngang iihi ang isa sa inyo sa tubig na namamalagi, na hindi dumadaloy, pagkatapos maliligo siya mula rito."[101] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Sa ganito, tunay na ang Islām ay nagpahalaga sa kalinisan alang-alang sa pagsasanggalang sa tao laban sa mga sakit na nangyayari dahilan sa kawalan ng kalinisan. Kaya sa gayon ay may isang pagprotekta laban sa mga mikrobyo, mga virus, at mga bakterya, na matatagpuan mo sa kawalan ng kalinisang pangkapaligirang naaangkop.
Ang Islām at ang Pagpapaunlad ng Tao sa Lupa
(15)
Nagsasaalang-alang ang Islām sa mga kapakanan ng tao upang magsalarawan ng katotohanang nakamamanghang iyon upang makapaghanda ang tao para sa pagpapaunlad sa Lupa. Ito ay ang misyon na sa kawalan nito ay hindi magkakaroon ng pagkakaiba sa pagitan niya at ng hayop. Tunay na ang hayop, kapag hindi ito nakatagpo ng mga kadahilanan ng pamumuhay nito, ay hindi nakakakaya sa pagpapairal nito sa pamamagitan ng paggawa. Hinggil naman sa tao, tunay na siya ay nagdudulot ng mga kadahilanan ng kabuhayan niya sa pamamagitan ng paggawa. Kaya nagsasaka siya, naghuhukay siya ng mga balon, nagtatayo siya ng mga estruktura upang magsanggalang laban sa init at lamig, at yumayari siya ng mga maisusuot upang magtakip at magsasanggalang sa pamamagitan ng mga ito sa katawan niya. Bagkus tunay na ang tao, matapos ng paglitaw ng makabagong teknolohiya, ay naging nagpapakabihasa sa mga istilo ng pamumuhay niya at ginhawa niya.
Natatagpuan natin na ang Islām, upang makapagdulot sa tao ng pinakasukdulan sa pagpapabenepisyo mula sa paggawa, ay hindi nagkasya sa pagkaisinasabatas ng paggawa. Bagkus gumawa ito para sa paggawa ng mga tuntunin at mga patakaran na nauugnay sa may paggawa, sa manggagawa, at sa kapaligiran ng paggawa.
Nakatatagpo tayo sa Islām ng pagbabawal sa bawat gawaing may dulot na kapinsalaan sa mga tao. Ito ay isang dakilang saligan para sa pag-iingat sa supling ng tao.
Nakatatagpo tayo sa Islām ng matinding paghimok sa paggawa, hanggang sa ang paggawa ay naging gaya ng pagsamba. Nasaad sa Qur'ān ang pag-uutos ng paglalakbay alang-alang sa pangangalakal, gaya ng sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] maamo, kaya maglakad kayo sa mga dako nito at kumain kayo mula sa panustos Niya. Tungo sa Kanya ang pagkabuhay.}[102] (Qur'ān 67:15)
Nasaad sa Islām ang paglilinaw sa kabutihang-loob ni Allāh (napakataas Siya) sa mga tao at kung papaano Niya pinagsilbi para sa kanila ang nasa lupa at ang pagbibigay-kakayahan sa kanila sa pagpapabenepisyo na hindi nangyayari kundi sa pamamagitan ng paggawa. Kaya naman ang magsasaka ay hindi nakakakaya na magpalabas ng halaman at mga bunga ng lupa kundi sa pamamagitan ng pagsasaka at pag-aararo. Ang mangingisda ay hindi nakakakaya na magpalabas ng isda mula sa dagat kundi sa pamamagitan ng pangingisda sa pamamagitan ng lambat at pagsakay sa bangka at barko. Ang tagapagtayo ay hindi nakakakaya ng pagtatayo kundi sa pamamagitan ng paggamit ng nasa lupa na mga bagay na nakatutulong sa pagtatayo. Ang mga pabrika ng bakal ay hindi nakakakaya ng pagdudulot nito kundi sa pamamagitan ng pagpapalabas nito mula sa lupa, pagtunaw nito, at paghulma nito. Gayundin, ang mga mangangalakal ng mga mamahaling metal gaya ng ginto, pilak, mga hiyas, at iba pa sa mga ito na mga mamahaling metal ay hindi nakapagpapalabas ng mga ito kundi sa pamamagitan ng paggawa. Nasaad nga ang lahat ng ito at ang iba pa rito sa Qur'ān nang sa gayon malaman natin na si Allāh (napakataas Siya) ay naghanda para sa tao sa lupa ng lahat ng mga kadahilanan na nakatutulong sa kanya sa pagkakahalili sa lupa, at na ang paggawa ay ang mag-isang landas para sa pagpapabenepisyo mula sa lahat ng mga kabutihang ito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {19. Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matatag na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat bagay na balanse. 20. Gumawa Kami para sa inyo rito ng mga kabuhayan at sa sinumang hindi kayo sa kanya mga tagapagtustos. 21. Walang anumang bagay malibang nasa ganang Amin ang mga *imbakan nito, at hindi Kami nagbababa nito malibang ayon sa sukat na nalalaman.}[103] (Qur'ān 15:19-21)
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {71. Hindi ba sila nakaalam na Kami ay lumikha para sa kanila mula sa ginawa ng mga kamay Namin na mga hayupan kaya sila sa mga ito ay mga tagapagmay-ari? 72. Nagpaamo Kami sa mga ito para sa kanila kaya ilan sa mga ito ay mga sasakyan nila at ilan sa mga ito ay kinakain nila. 73. Para sa kanila sa mga ito ay mga pakinabang at mga inumin. Kaya hindi ba sila magpapasalamat?}[104] (Qur'ān 36:71-73)
Bagkus, natatagpuan natin na ang Islām ay nag-utos ng paggawa matapos ng pagkasagawa ng pagsamba. Dito ay may pagbaling pagtawag-pansin sa kahalagahan at ng paggawa at pagkakailangan nito, gaya ng nasaad sa Qur'ān sa sabi ni Allāh: {9. O mga sumampalataya, kapag nanawagan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magmadali kayo sa pag-alaala kay Allāh at iwan ninyo ang pagtitinda. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam. 10. Kaya kapag natapos ang pagdarasal ay magsikalat kayo sa lupain, maghangad kayo mula sa kabutihang-loob ni Allāh, at mag-alaala kayo kay Allāh nang madalas nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.}[105] (Qur'ān 62:9-10)
Nang sa gayon hindi iwanan ng mga tao ang paggawa, natatagpuan natin na ang Islām ay pumula sa paghingi sa mga tao. Nasaad dito ang matinding pagpapalayo ng loob, gaya ng nasaad sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Hindi natitigil ang tao na nanghihingi sa mga tao hanggang sa makipagkita siya kay Allāh sa Araw ng Pagbangon habang sa mukha niya ay walang isang pilas ng laman."[106] Ang kahulugan ng pilas ay isang piraso. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1405 at Imām Muslim: 1040.
Nang humimok ang Islām sa paggawa, ito sa gayon ay lumulunas sa suliranin ng kawalan ng trabaho, na siyang isa sa mga mabigat na suliranin sa lipunang pantao, na nagreresulta ng maraming katiwalian na nagbabanta sa kapanatagan at katatagan sa mga lipunang pantao.
Natatagpuan natin na ang Islām ay nagsasaalang-alang sa mga nadarama ng tao sa sandali ng pangangailangan niya sa paggawa at hindi siya nakatatagpo nito, kaya napipilitan siya sa panghihingi sa mga tao upang makatugon sa pangangailangan niya. Kaya natatagpuan natin na ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nag-anyaya nga tungo sa paggawa upang mangalaga ang tao ng sarili niya laban sa pagkaaba ng paghingi sapagkat nagsabi siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Talagang ang kumuha ang isa sa inyo ng lubid niya saka pumunta siya sa bundok saka magdala siya ng isang bigkis ng panggatong sa ibabaw ng likod niya saka magtinda siya nito para pumigil si Allāh dahil dito sa mukha niya [laban sa kahihiyan] ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa humingi siya sa mga tao, na magbibigay sa kanya o magkakait sa kanya."[107] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1401 at Imām Muslim: 1042.
Upang makinabang ang lahat ng mga tao mula sa bunga ng paggawa, natatagpuan natin kabilang sa mga kaparaanan ng Islām dito ang pagganyak sa mga tao sa paggawa sa pamamagitan ng pagmamay-ari ng lupain kapag binuhay ito ng tao sa pamamagitan ng pagsasaka. Kaugnay rito, nagsasabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang sinumang naglinang ng isang lupaing hindi sa sinuman, siya ay higit na karapat-dapat."[108] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 2335.
Si Khalīfah `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay nagbibigay sa mga magbubukid mula sa bahay-yaman nang sa gayon magsaka sila ng lupain nila.
Hindi tumigil ang Islām sa paghimok sa paggawa; bagkus lumampas ito roon patungo sa pag-aanyaya tungo sa mga kaasalang mainam na nakabatay sa mga ito ang paggawa nang sa gayon hindi mangyari ang pandaraya at ang pagsisinungaling para makasira sa mga kapakanan ng mga tao. Dahil ang gawang tagapagpakinabang ay nakabatay sa pagpapakahusay, natatagpuan natin na ang Islām ay nag-utos ng pagpapakahusay sa paggawa. Kaugnay rito, nagsasabi si Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na si Allāh ay nakaiibig, kapag gumawa ang isa sa inyo ng isang gawain, na magpakahusay siya nito."[109]. Nagsalaysay nito si Imām Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Awsaṭ: 987.
Nagsasanga buhat sa pagpapakahusay ang pagkamapagkakatiwalaan at napaloloob sa ilalim nito ang marami sa mga anyo na kinakailangan ng tao sa pakikinabang sa paggawa gaya ng pagkamapagkakatiwalaan sa mga ari-arian ng may pagawa, pagkamapagkakatiwalaan sa pag-empleyo ng mga akma, at iba pa rito kabilang sa mga bagay na pumipigil sa pandaraya at pagsisinungaling. Natatagpuan natin sa Qur'ān na si Allāh (napakataas Siya) ay nag-utos sa mga mananampalataya ng pag-iingat ng lahat ng mga ipinagkatiwalang tungkulin. Iyon ay nasaad sa sabi ni Allāh: {na sila sa mga ipinagkatiwala sa kanila at sa kanila ay mga tagapag-alaga,}[110] (Qur'ān 23:8)
Sa ganito, tunay na ikaw ay nakakikita na ang Islām ay masigasig sa paggawa. Nalalantad ang kasigasigang ito sa matinding paghimok sa paggawa, bagkus, at paglalakbay alang-alang sa paggawa, at ang matinding pagpapalayo ng loob sa paghingi sa mga tao nang sa gayon sumali ang lahat ng mga tao sa paggawa, kaya mangyayari ang paglinang sa lupa na siyang isang dakilang layon alang-alang sa pagsasakatotohanan ng pagkakahalili ng tao sa lupa.
Ang Islām at ang mga Karapatan ng Tao Bilang Isang Salik
(16)
Kapag ang pagpapaunlad ng tao sa Lupa ay naging isang anyong kabilang sa mga anyo ng katotohanang nakamamangha sa Islām, tunay na ang pagsasanggalang ng Islām sa mga karapatan ng manggagawa na nagpapaunlad sa Lupa ay isa pang anyong kabilang sa mga anyo ng katotohanang nakamamangha, na nangalaga sa mga ito ang Islām sa pamamagitan ng mga mahigpit na patakaran. Tunay na ang mga karapatan ng manggagawa ay isang dakilang haligi sa pagpapaunlad sa Lupa dahil ang pagkukulang sa mga karapatan ng manggagawa ay magiging isang kadahilanan sa pagkukulang niya sa trabaho at ang pagkukulang sa trabaho ay nakaaapekto sa produksyon at sa takbo ng buhay. Gunigunihin mo kung sakali na ang lahat ng mga manggagawa sa isa sa mga bansa ay nagwelga sa trabaho at nanatili sa mga bahay nila, magiging papaano na ang kalagayan ng bayang ito? Bagkus, kung sakaling nagwelga ang mga manggagawa ng kalinisan, talaga sanang nagkatambak-tambak ang mga karumihan sa mga lansangan at kumalat ang mga sakit. Ang lahat ng ito ay naghahantad sa iyo ng kahalagahan ng manggagawa sa pagbuo ng buhay ng sangkatauhan.
Dahil dito, nagpahalaga ang Islām sa manggagawa kumilala ito para sa kanya ng halaga niya at mga karapatan niya hanggang sa punto na ang Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nagsabi: "Magbigay kayo sa upahan ng upa niya bago matuyo ang pawis niya."[111] Ito ay nagsaad ng isang matinding sigasig sa pagbibigay sa manggagawa ng mga karapatan niya. Hindi ka makatatagpo sa mga teksto ng mga batas at mga sistema ng higit na masidhi kaysa sa pananalitang ito sa pagpapahalaga sa mga karapatan ng mga manggagawa. Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah.
Sa pag-iingat sa mga karapatan ng mga manggagawa ay may pagpaparangal sa tao na pinarangalan ni Allāh (napakataas Siya) at itinangi Niya higit sa natitira sa mga nilikha.
Alang-alang sa pagpaparangal na ito, tunay na tayo ay nakatatagpo na ang Islām ay nagpapahalaga sa manggagawa at lumitaw ang pagpapahalagang ito nang may kaliwanagan sa ilang anyo:
Ang una rito ay ang pagpapaigting ng pagbabayad ng mga upa ng mga manggagawa. Lumitaw nga ito nang may kaliwanagan sa naunang pananalita ng Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) nang nag-utos siya na ibigay sa manggagawa ang upa niya bago matuyo ang pawis niya.
Bagkus, tunay na ang pagpapahalaga sa mga karapatan ng mga manggagawa sa Islām ay lumampas sa pawang na pag-uutos ng pagbibigay sa kanya ng karapatan niya tungo sa isang higit na dakila. Ito ay gaya ng nasaad sa ḥadīth qudsīy na nagsasalaysay nito ang Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) tungkol sa Panginoon niya (napakataas ang pagbubunyi sa Kanya). Nasaad dito: {Nagsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "May tatlong [tao na] Ako ang kaalitan nila sa Araw ng Pagbangon: isang lalaking nagbigay [ng panunumpa] sa pamamagitan Ko pagkatapos nagtaksil, isang lalaking nagbenta ng isang taong malaya saka kinain ang halaga nito, at isang lalaking umupa ng isang upahan saka nagpalubus-lubos siya mula rito [ng trabaho] at hindi naman nagbigay rito ng upa nito."} Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.
Ang ikalawang anyo sa pagganap sa mga karapatan ng mga manggagawa ay ang pag-adya sa manggagawang mahina. Naghatid nga ang Islām ng pag-uutos ng pag-adya sa inaapi. Ang manggagawang mahina na hindi nakakakayang magkamit ng mga karapatan niya ay isang inaapi. Kinakailangan sa Islām ang pagpanig sa kanya hanggang sa makuha niya ang mga karapatan niya.
Ang ikatlong anyo sa pagganap sa mga karapatan ng mga manggagawa ay ang pagtupad sa mga kontrata. Talagang naghatid nga ang Islām ng pagpapaigting sa pagtupad sa mga kontrata at mga kasunduan sa lahat ng mga transaksyon na nasa pagitan ng mga tao. Kabilang sa mga ito ang mga karapatan ng mga manggagawa, kaya naman kinakailangan sa may paggawa na tumupad para sa manggagawa sa lahat ng nasaad sa kontrata sa paggawa. Nasaad nga sa Qur'ān ang utos ng pagtupad sa mga kasunduan sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, magpatupad kayo sa mga kontrata. ...} (Qur'ān 5:1)
Nasaad sa ḥadīth na nagsalaysay si Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ayon sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "O mga lingkod Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng pang-aapi at gumawa nito bilang ipinagbabawal sa pagitan ninyo, kaya huwag kayong mag-apihan."[114] Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Sa lahat ng ito, tunay na ikaw ay nakatatagpo na ang Islām ay nag-iingat para sa mga manggagawa ng mga karapatan nila at ito, sa pamamagitan niyan, ay nag-iingat para sa kanila ng pagkatao nila, na nagparangal sa kanila si Allāh dahil sa mga ito, dahil sa pang-aapi sa mga manggagawa ay may paghamak sa pagkataong ito at pagkukulang sa pagkilala sa halaga nito.
Ang Islām at ang mga Karapatan ng May Pagawa (Employer)
(17)
Nauugnay sa atin ang katotohanang nakamamangha upang maggarantiya ng mga karapatan ng may pagawa kung paanong gumarantiya ito sa mga karapatan ng manggagawa sa isang pagkakabuuhang sumasalamin sa pagkamasaklaw ng Islām.
Tunay na ang mga may paggawa ay sa kanila nakasalig ang ekonomiya at ang pag-unlad ng lipunang pantao. Ang pagkaganap ng kawalang-katarungan sa kanila ay nagsasadahilan ng pagkukulang nila sa misyon nila na nakasalalay rito ang pag-unlad ng tao.
Dahil dito, naghatid ang Islām ng pag-iingat sa mga karapatan nila, gaya ng pag-iingat nito sa mga karapatan ng mga manggagawa.
Natatagpuan natin na ang Islām ay nangalaga sa mga karapatan ng mga may pagawa sa ilang anyo. Kabilang sa mga ito:
A. Ang Pagtupad sa mga Kontrata. Ang mga kontrata ng mga may paggawa ay nakabatay sa mga ito ang trabaho. Ang mga kontratang ito ay maaaring maging sa pagitan ng mga individuwal at ng may pagawa, maaaring maging sa pagitan ng estado at ng may pagawa, at maaaring maging sa pagitan ng mga kompanya sa isa't isa sa mga ito. Sa lahat ng mga anyong ito, kinakailangan sa lahat ang pagtupad sa may pagawa ng anumang nasaad sa mga kontratang ito at hindi pinapayagan ang paglabag doon. Inilarawan ng Islām ang sinumang hindi Naglarawan nga ang Islām sa hindi tumutupad sa mga kontrata bilang may pagkukunwari, na kabilang sa pinakapangit sa mga paglalarawan, gaya ng nasaad sa sabi ni Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging mapagpaimbabaw na lantay; at ang sinumang naging nasa kanya ang isang katangian mula sa mga ito, naging nasa kanya ang isang katangian mula sa pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraydor siya; kapag nakipag-alitan siya, nagmamasamang-loob siya."[115] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
B. Ang Pagkamapagkakatiwalaan. Talaga ngang naghatid ang Islām ng paghubog sa mga kaasalan at pag-uugali nang sa gayon mamuhay ang mga tao sa gitna nila nang may kapayapaan, pag-ibig, at pagkapalagayang-loob. Ang pagkamapagkakatiwalaan ay isang dakilang haliging kabilang sa mga haligi ng magaganda sa mga kaasalan, na siyang nag-iingat sa mga karapatan ng mga tao sa pagitan nila at nagsasamatuwid dahil sa mga ito ang buhay nila.
Nasaad sa Qur'ān ang pag-uutos ng pagkamapagkakatiwalaan sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala ...}[116] Nasaad din dito: {O mga sumampalataya, huwag kayong magtaksil kay Allāh at sa Sugo at magtaksil sa mga ipinagkatiwala sa inyo habang kayo ay nakaaalam.}[117] (Qur'ān 4:58) (Qur'ān 8:27)
Kaya kinakailangan sa mga manggagawa at sa bawat sinumang nakipagkontratahan sa may pagawa na magpakatapat sa kanya at hindi mandaya sa kanya o maglaru-laro sa mga kundisyon ng kasunduan.
C. Ang Pagpapakahusay sa Gawain. Tunay na bahagi ng karapatan ng may pagawa na magpakawagas ang manggagawa sa kanya sa gawain nito. Kaya hindi ito magkukulang doon at magsasagawa ito ng pagpapakahusay sa buong paggawa nito na nakipagkasunduan ito sa kanya roon. Napaloloob dito ang lahat ng mga produkto na tinatanggap ng may pagawa mula sa mga kumpanyang nakipagkontratahan siya sa mga ito sa pagpoprodukto ng isang produkto ayon sa mga itinakdang espesipikasyon. Hindi pinapayagan ang paglabag sa mga espesipikasyong ito. Nagsaad nga ang Islām ng pag-uutos ng pagpapakahusay sa gawain at nagsaad din ito ng pagbabawal sa pandaraya, gaya ng nasaad sa sabi ng Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na si Allāh ay nakaiibig, kapag gumawa ang isa sa inyo ng isang gawain, na magpakahusay siya rito."[118] Nagsabi siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang sinumang nandaya sa atin ay hindi kabilang sa atin."[119] Nagsalaysay nito si Imām Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Awsaṭ. Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
D. Hindi Pinapayagan ang Pagsasamantala sa Katungkulan. Talaga ngang nagtiwala ang may pagawa sa manggagawa sa gawain niya. Kaya hindi pinapayagan sa kanya ang magtaksil dito sa ipinagkatiwalang tungkulin sa kanya sa pamamagitan ng pagsasamantala sa katungkulan niya para sa kapakanan niya, maging sa pagtubo ng mga tubong natatangi sa kanya o pagkiling sa pag-empleyo sa mga kakilala niya at mga kaibigan niya alang-alang sa pagkakakilala at pagkakaibigan at hindi alang-alang sa kaakmaan. Sa lahat ng ito ay may pagtitiwali sa mga kapakanan ng may pagawa. Naghatid nga ang Islām ng pagbabawal sa lahat ng mga uri ng katiwalian at naghatid ito ng pagbabawal sa pagsasamantala sa katungkulan, gaya ng nasaad sa kuwentong ito na isang tapat na ehemplo mula sa talambuhay ng Propeta ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Ito ay ang kuwento ng lalaking isinugo ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) upang magtipon ng kawanggawa. Noong nakarating ito, nagsabi ito: "Ito ay para sa inyo at ito ay para sa akin." Kaya tumayo si Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa pulpito saka nagpuri kay Allāh at dumakila sa Kanya, pagkatapos nagsabi: "Ano ang lagay na manggagawa: nagpadala tayo sa kanya saka dumarating siya habang nagsasabi: 'Ito ay para sa iyo at ito ay para sa akin?' Kaya bakit hindi siya naupo sa bahay ng ama niya at ina niya saka titingin siya kung reregaluhan ba siya o hindi? Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang kumukuha ng anuman malibang maghahatid siya nito sa Araw ng Pagbangon na nagpapasan nito sa leeg niya: kung isang kamelyo, may ungol ito; o [kung] isang baka, may unga ito; o [kung] isang tupa, umuungal ito. Pagkatapos nag-angat siya ng mga kamay niya nang mataas at nagsabi: 'Pansinin, nakapagpaabot kaya ako?' nang tatlong ulit."[120] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Sa ganito nag-ingat ang Islām ng mga karapatan ng may pagawa laban sa pag-aaksaya at pagsasayang nang sa gayon umusad ang daloy ng produksyon at ekonomiya nang may seguridad at makumpleto ang mga kapakanan ng tao sa buhay.
Ang Islām at ang Pagprotekta sa Tao Laban sa Rasismo
(18)
Lumilitaw ang katotohanang nakamamangha sa Islām upang magsanggalang sa balangkas ng lipunan laban sa pagkawasak at mga sigalot sa isang matibay na pagbabatas na nagsasanggalang sa mga individuwal nito laban sa sakit ng rasismo, na nananawagan ng pagtatangi-tangi sa pagitan ng mga tao sa lahi nila, pinagmulan nila, at kulay nila.
Talaga ngang nakipagdigmaan dito ang Islām magmula pa nang unang araw na dumating dito ang mensahe ng langit sa Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) nang ang pagtangkilik ay nasa katapatan ng pagkaanib sa relihiyon at hindi sa lahi o kulay.
Lumaki nga si Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa isang lipunang nakasalalay sa pagbubukud-bukod sa rasismo sa lahi at kulay. Namumuhay ang mga tao rito sa mga kasta (caste) na nagkakaibahan. Ang pamantayan ng pagtatangi ay ang lahi, ang kulay, at ang dami ng yaman. Kaya walang pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga tao at walang paggalang sa pagkatao.
Nang dumating ang mensahe ng langit kay Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), ang higit na marami sa mga tagasunod niya ay kabilang sa mga mahina at mga maralita at ang ilan sa kanila ay kabilang sa kasta ng mga alipin. Ang lipunan noon ay nakasalalay sa mga maharlika, na kabilang sa kastang aristokrata. Nakapansin nga ang kastang ito na tumangging sumampalataya sa Islām na si Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay hindi nagtatangi-tangi sa pagitan ng mga Kasamahan niya at ang lahat sa ganang kanya ay nasa iisang antas. Kaya nagtaka sila kung papaanong sila ay magiging mga magkapantay sa isang kastang higit na mababa kaysa sa kanila. Bagkus sa mga ito ay may ilan sa mga alipin nila! Kaya humiling sila sa kanya na itaboy niya itong mga maralita at mga alipin upang sila ay maging kabilang sa mga tagasunod niya. Nagsabi sila sa kanya: "Kapag nagnais ka sa amin na pumasok kami sa Islām, itaboy mo itong mga mahina at mga alipin."
Subalit dumating ang Qur'ān mula kay Allāh (napakataas Siya) na nag-uutos sa kanya na huwag niyang itaboy ang mga tapat na Kasamahan niya alang-alang sa mga maharlikang ito, gaya ng nasaad sa sabi Niya (napakataas Siya): {Huwag kang magtaboy sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at dapit-hapon, na nagnanais [ng ikalulugod] ng mukha Niya. Walang kailangan sa iyo na pagtutuos sa kanila sa anuman at walang pagtutuos sa iyo na kailangan sa kanila sa anuman, para magtaboy ka sa kanila para ikaw ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.}[121] at gayundin sa sabi pa Niya: {Magpatiis ka ng sarili mo kasama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at gabi, na nagnanais [ng kaluguran] ng mukha Niya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng gayak ng buhay *na pangmundo. Huwag kang tumalima sa sinumang nagpalingat Kami sa puso niya palayo sa pag-aalaala sa Amin at sumunod sa pithaya niya habang ang nauukol sa kanya ay naging kapabayaan.}[122] (Qur'ān 6:52) (Qur'ān 18:28)
Sa ganito dumating ang utos mula kay Allāh (napakataas Siya) para kay Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na siya ay maging kasama nitong mga mahihina at mga maralita at mag-iwan siya sa yaong mga rasistang iyon, na nagmamagaling ng pagtaboy sa lahat ng mga hindi tulad sa kanila sa uri, kulay, at yaman.
Naghatid nga ang Islām ng pag-aanyaya tungo sa pagpaparangal sa tao nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan ng mga tao, at na ang lahat ng mga tao sa ganang kay Allāh ay magkakapantay at walang pagkalamangan sa pagitan nila kundi sa katapatan ng pananampalataya at pagtalima kay Allāh (napakataas Siya). Nagpapatunay rito ang ilan sa mga talata ng Qur'ān at mga ḥadīth ni Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), gaya ng talatang ito: {O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.}[123] (Qur'ān 49:13)
Nagpatnubay nga ang Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa simulain ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga tao ayon sa sabi niya: "Ang mga tao ay mga anak ni Adan at si Adan ay nilikha mula sa alabok."[124] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
Sa pagsisimula mula sa simulain ng pagkakapantay-pantay at pakikipagdigmaan sa diskriminasyon, ang lahat ng mga yugto ng buhay ng Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Lumitaw ang pagpapatupad niyon sa pamamagitan ng mga ginagawa niya at mga sinasabi niya. Kaya siya ay hindi nagtatangi-tangi sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila), hanggang sa nangyaring ang lalaking estranghero, kapag dumating ito, ay nagsasabi: "Alin sa inyo si Muḥammad?" Si Bilāl Al-Ḥabashīy (malugod si Allāh sa kanya) noon ay pumapasok sa kanya upang magpabatid sa kanya ng oras ng pagdarasal at pumapasok sa kanya sa mga oras na walang pumapasok sa mga ito na isa man kabilang sa mga maharlika ng lipi niya. Si Bilāl na ito noon ay isang alipin ng isa sa mga mamamayan ng Makkah bago ng Islām.
Si Propeta Muḥammad noon (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay tumutugon sa pangangailangan ng lahat nang walang pagtatangi-tangi, hanggang sa tunay na ang babaing mahina ay kumakausap sa kanya hinggil sa kinakailangan nito saka nakikinig naman siya sa pananalita nito at tumutugon siya sa pangangailangan nito. Humahatol siya noon ayon sa katarungan sa pagitan ng mga Kasamahan niya kapag nagkaalitan sila, nang walang pagsasaalang-alang sa antas nila sa lipunan. Kapag dumating ang oras ng pagdarasal, humahanay ang mga Muslim sa likuran niya sa mga hanay na walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila sa lahi o kulay. Ang pinakamalapit sa mga tao sa kanya sa pagdarasal ay ang dumarating nang maaga bago ng mga Kasamahan niya. Kapag nag-anyaya sa kanya ang isa sa mga Kasamahan niya sa bahay nito, tumutugon siya sa paanyaya nito at nalulugod siya sa anumang inihahain nito sa kanya na pagkain gaano man iyon kaunti. Tumutugon siya sa paanyaya ng lahat, nang walang pagtatangi-tangi o rasismo. Kapag nakaririnig siya sa isa sa mga Kasamahan niya na tinatawag sa pangalan ng lipi nito at lahi nito, nagsasabi siya: "Iwanan ninyo iyan sapagkat tunay na iyan ay mabaho."[125] Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Ḥibbān.
Sa ganito, tunay na ang Islām ay nagsaalang-alang sa karangalan ng tao sapagkat ang mga tao sa Islām ay lahat magkakapantay, walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila sa lahi, ni sa kulay, ni sa yaman. Tanging ang pagkakabukuran at ang pagkakalamangan sa ganang kay Allāh ay sa pangingilag magkasala.
Ang Islām at ang mga Kaasalan ng Tao
(19)
Ito ay isang tapat na anyo ng katotohanang nakamamangha sa Islām nang itinatayo ng Islām ang mga kaasalan gaya ng isang pinakamarikit na estruktura.
Tunay na ang mararangal sa mga kaasalan ay kabilang sa pinakadakila sa mga haligi ng estruktura ng lipunang pantao sapagkat tunay na ang tao sa kawalan ng mga kaasalan ay walang pagkakaiba sa pagitan niya at mga hayop. Ang tao kapag walang mga kaasalan ay hindi makararamdam ng pagkatao niyang nagparangal sa kanya ng mga ito si Allāh (napakataas Siya).
Kasama ng mararangal sa mga kaasalan, nangingibabaw sa gitna ng mga tao ang kapayapaan at ang kapanatagan.
Alang-alang doon naghatid ang Islām ng pag-aanyaya tungo sa mararangal sa mga kaasalan; bagkus tunay na ang Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay gumawa sa mararangal sa mga kaasalan bilang mensahe niya, na nakasalalay sa mga ito ang Islām. Iyon ay nang nagsabi siya: "Ipinadala lamang ako upang lumubos ako ng mararangal sa mga kaasalan."[126] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bayhaqīy sa As-Sunan at Imām Al-Ḥākim sa Al-Mustadrak.
Ang pag-aanyaya nga ng Propeta ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) tungo sa mararangal sa mga kaasalan ay sa pamamagitan ng mga gawa niya sapagkat siya noon nga ay ang pinakamalaking tinutularan para sa mga Muslim sa mararangal sa mga kaasalan. Umabot siya rito sa puntong hanggang sa tunay na ang mga kaaway niya noon ay kumikilala sa pagkamapagkakatiwalaan niya, katapatan niya, at pagtupad niya sa mga pangako niya; at nagtitiwala sa kanya nang matinding pagtitiwala. Ang pinakadakilang pagbubunyi sa mga kaasalan niya ay ang nasaad sa Qur'ān, kung saan nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang dakila.}[127] (Qur'ān 68:4)
Tunay na ito ay pinakadakilang pagbubunyi sapagkat ito ay isang pagbubunyi mula kay Allāh (napakataas Siya), ang Tagalikha ng mga nilikha at ang Tagapagmay-ari ng paghahari, na nakaaalam tungkol sa mga nilikha Niya bago pa ng paglikha sa kanila at nakaaalam sa lihim nila at sa hayag nila.
Inilarawan nga sa atin ni `Ā'ishah na maybahay ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ang mga kaasalan niya sa isang paglalarawang wasto, gaya ng nasaad sa naunang talata nang nagtanong sila rito tungkol sa mga kaasalan niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sapagkat nagsabi ito: "Nagsabi si Allāh: {Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang dakila.} Ang kaasalan ni Muḥammad ay ang Qur'ān."[128] Nagsalaysay nito ni Imām Abū Ya`lā.
Kapag itong Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nasa isang mataas na antas ng mararangal sa mga kaasalan, tunay na ito ay nangangahulugan na ang Islām ay nag-aanyaya tungo sa mararangal sa mga kaasalan. Lumitaw nga ito sa higit sa isang anyo:
A. Gaya ng nagdaan mula sa paglalarawan sa mga kaasalan ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at nalalaman na siya ay ang pinakamataas na tinutularan ng mga Muslim.
B. Talaga ngang dumating ang utos mula kay Allāh (napakataas Siya) para sa Propeta Niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na siya ay maging mabait at banayad sa pakikitungo niya sa mga tao, at na siya ay hindi maging magaspang, nang sa gayon hindi lumayo sa kanya ang loob ng mga tao. Nasaad ito sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila mula sa paligid mo. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, humingi ka ng tawad para sa kanila at makipagsanggunian ka sa kanila sa usapin. Kaya kapag nagtika ka ay manalig ka kay Allāh; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nananalig.}[129] (Qur'ān 3:129)
C. Talaga ngang nag-anyaya ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) tungo sa mararangal sa mga kaasalan at bumanggit siya ng hinggil doon na pabuya at dakilang gantimpala, gaya ng nasaad sa sabi niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na kabilang sa pinakakaibig-ibig sa inyo sa akin at pinakamalapit sa inyo mula sa akin sa upuan sa Araw ng Pagbangon ay ang pinakamagaganda sa inyo sa mga kaasalan."[130] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmid̆īy.
Nagsabi pa siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Walang anumang higit na mabigat sa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon kaysa sa magandang kaasalan. Tunay na si Allāh ay namumuhi sa mahalay na bastos."[131] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Nagsabi pa siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na ang mananampalataya ay talagang nakaaabot dahil sa kagandahan ng kaasalan niya sa antas ng nag-aayuno [sa maghapon] na nagdarasal pa [sa gabi]."[132] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
D. Sa pamamagitan ng pagbibigay-babala laban sa masasagwa sa mga kaasalan. Nasaad nga iyon sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."[133] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
E. Sa pamamagitan ng pakikisama sa mabubuti. Nag-udyok nga ang Islām sa pakikisama sa mabubuti at sumaway laban sa pakikisama sa masasama. Iyon ay dahil sa pagkaapekto ng kaibigan sa kaibigan nito, na siyang nasasaksihan sa reyalidad. Nasaad nga iyon sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang paghahalintulad lamang sa kapisang maayos at kapisan sa kasagwaan ay gaya ng tagapagdala ng musk at tagaihip ng bubulusan. Ang tagapagdala ng musk ay maaari na mag-aginaldo sa iyo, maaari na bumili ka mula sa kanya, at maaari na makasamyo ka mula sa kanya ng isang kaaya-ayang amoy samantalang ang tagaihip ng bubulusan ay maaari na makasunog ng mga kasuutan mo at maaari na makasamyo ka ng isang karima-rimarim na amoy."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Sa ganito nagpunyagi ang Islām sa pagpapakintal ng mararangal sa mga kaasalan, na siyang kabilang sa mga kadahilanan ng pagkakatugmaan ng lipunang pantao, at paglaganap ng kapayapaan, kapanatagan, at ng kaligayahan ng tao sa kapwa niyang tao.
Ang Islām (Pagpapasakop) at ang Katapatan ng Tao
(20)
Talaga ngang inilagay ng Islām ang katapatan sa pinakaangat sa mga antas. Kaya naman naging iyon ang katotohanang nakamamangha, na nahayag sa pinakamarikit na anyo upang magsalarawan para sa tao ng tumpak na tatahakan, na kinakailangan niya gaya ng pangangailangan niya sa pagkain at inumin. Kapag ang buhay ng tao ay hindi napananatili kundi sa pamamagitan ng pagkain at inumin, tunay na ang katapatan, gayundin, ay naitataguyod dito ang kabuuan ng buhay niya. Sa kawalan ng katapatan, tunay na ang tao ay higit na masahol kaysa sa hayop dahil ang mga hayop mismo ay hindi nakaiibig ng pagsisinungaling. Sa kawalan ng katapatan, magiging papaano ang pakikitungo ng mga tao sa gitna nila? Sila ay nangangailangan ng mga kasunduan at mga tipan, nangangailangan ng katapatan sa mga sinasabi at mga ginagawa, at nangangailangan ng katapatan sa pagtitinda at pagbili; bagkus, nangangailangan ng katapatan sa pagpapasa ng mga ulat, nangangailangan ng katapatan sa mga anak upang lumaking mga maayos, at nangangailangan ng katapatan sa mga pagsaksi sa mga hukuman.
Ang higit na dakila kaysa sa lahat ng ito ay ang katapatan kay Allāh (napakataas Siya) sa pagsamba sa Kanya, pagtalima sa Kanya, at paghahanap ng kaluguran Niya sapagkat tunay na ang mga ito ay ang pinakadakilang layon na nilikha ni Allāh ang tao alang-alang sa mga ito.
Ang lahat ng ito ay naglagay sa katapatan sa isang malaking katayuan sa Islām. Dahil dito, natatagpuan mo ang pagbanggit sa katapatan sa Qur'ān nang madalas, hanggang sa antas na nag-utos si Allāh (napakataas Siya) sa mga mananampalataya na sila ay maging palaging kasama ng mga tapat, gaya ng sa sabi Niya (napakataas ang pagbubunyi sa Kanya): {O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at maging kasama kayo sa mga tapat.}[135] (Qur'ān 9:119)
Nang dumating sa Qur'ān ang pagbubunyi sa mga Kasamahan ni Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), ang pagbubunyi sa kanila ay dahil sa katapatan, gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya): {Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking nagpakatapat sa ipinangako nila kay Allāh sapagkat mayroon sa kanila na tumupad sa panata niya at mayroon sa kanila na naghihintay pa. Hindi sila nagpalit [sa pangako] sa isang pagpapalit,}[136] (Qur'ān 33:23)
Ang konsepto ng katapatan sa Islām ay isang konseptong nakasasaklaw, na napaloloob dito ang lahat ng mga pakikitungo sa mga tao na mga sinasabi at mga ginagawa. Lumilitaw ito sa sumusunod:
A. Ang katapatan ayon sa Islām ay alang-alang sa pagpapalaganap ng kapanatagan sa lipunang pantao. Ang kapanatagan ay isang pangkinakailangang salik para sa katatagang pansarili at panlipunan ng tao; bagkus para sa katatagang pang-ekonomiya at pampulitika. Dahil doon, nagsabi ang Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo sapagkat tunay na ang katapatan ay kapanatagan at tunay na ang kasinungalingan ay pag-aalinlangan."[137] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
B. Ang matinding pagpapaibig sa katapatan at ang matinding pagbibigay-babala laban sa pagsisinungaling. Hinggil dito ay nagsasabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Manatili kayo sa katapatan sapagkat tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob at tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso. Hindi natitigil ang tao na nagpapakatapat at naghahangad ng katapatan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang isang napakatapat. Kaingat kayo sa pagsisinungaling sapagkat tunay na ang pagsisinungaling ay pumapatnubay tungo sa pagsasamasamang-loob at tunay na ang pagsasamasamang-loob ay pumapatnubay tungo sa Impiyerno. Hindi natitigil ang tao na nagsisinungaling at naghahangad ng kasinungalingan hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang isang palasinungaling."[138] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
C. Talaga ngang nag-utos ang Islām ng katapatan kahit sa mga bata kaya hindi pinapayagan ang pagsisinungaling sa kanila at ang pagdadahilan na sila ay mga bata na hindi naaapektuhan ng pagsisinungaling; bagkus tunay na sa ganito ang pagtuturo sa kanila ng pagsisinungaling. Dahil dito, tunay na ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nagbigay-babala laban sa pagsisinungaling sa mga bata, gaya ng nasaad sa kuwento ng babae na tumawag sa anak niya at nagsabi rito: "Halika rito, bibigyan kita." Kaya nagsabi sa kanya si Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ano naman ang ninais mo na ibigay sa kanya?" Nagsabi ito: "Magbibigay ako sa kanya ng datiles." Nagsabi siya rito: "Tunay na ikaw, kung sakaling hindi nagbigay sa kanya ng anuman, ay pagtatalaan laban sa iyo ng isang pagsisinungaling."[139] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
D. Hindi pinapayagan ang pagsasalaysay at pagpapasa ng mga ulat sa lahat ng bagay; bagkus, kinakailangan ang paghahangad ng katapatan ng ipinapasa sa iyo ng iba pa sa iyo at hindi pinapayagan sa Islām ang pagsisinungaling alang-alang sa pagpapatawa ng mga tao sapagkat nasaad nga ang pagsaway laban sa lahat ng ito sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Nakasapat sa tao bilang kasinungalingan na magsanaysay siya ng bawat narinig niya."[140] Nagsabi rin Siya: "Kapighatian sa nagsasanaysay ng isang sanaysay upang matawa rito ang mga tao saka kapighatian sa kanya at kapighatian sa kanya!"[141] Nagsalaysay nito si Imām Muslim. Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.
E. Naghatid ang Islām ng katapatan sa pagtitinda at pagbili. Nalalaman na ang mga kapakanan ng mga tao ay napipinsala dahil sa pandaraya at pagsisinungaling sa pagtitinda at pagbili. Dahil dito, dumating nga ang tahasang paggabay hinggil dito mula kay Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) nang nagsabi siya: "Ang dalawang nagbibilihan ay nasa pagpili hanggat hindi silang dalawa naghiwalay," o nagsabi siya: "hanggang sa maghiwalay silang dalawa. Kaya kung nagtapat silang dalawa at naghayag silang dalawa, magpapala para sa kanilang dalawa sa pagtitinda nilang dalawa; at kung naglihim silang dalawa at nagsinungaling silang dalawa, pupuksain ang pagpapala sa pagbibilihan nilang dalawa."[142] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
F. Nasaad sa Islām ang utos ng katapatan sa paggawa. Kaya hindi pinapayagan ang pandaraya sa alinmang paninda, maging sa pagkayari nito o sa sandali ng pag-aalok nito; bagkus hindi pinapayagan sa manggagawa, kapag gumawa siya ng isang gawain, na magwalang-bahala rito sa alinmang uring kabilang sa mga uri ng pagkukulang. Nasaad nga ang pag-uutos hinggil sa lahat ng ito sa sabi ng Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na si Allāh ay nakaiibig, kapag gumawa ang isa sa inyo ng isang gawain, na magpakahusay siya rito."[143] Nagsalaysay nito si Imām Aṭ-Ṭabarānīy sa Al-Awsat.
G. Nasaad sa Islām ang pag-uutos ng katapatan kahit sa mga kaaway. Kaya hindi pinapayagan ang pagsisinungaling sa kanila; bagkus kinakailangan ang katapatan sa sandali ng pagsaksi laban sa kanila kapag sila ay karapat-dapat doon, gaya ng pagkasaad ng pag-uutos dito sa Qur'ān sa sabi si Allāh (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kayo ay maging mga tagapagpanatili ng pagkamakatarungan, mga saksi para kay Allāh kahit pa laban sa mga sarili ninyo o mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak. Kung naging isang mayaman o isang maralita, si Allāh ay higit na karapat-dapat sa kanilang dalawa. Kaya huwag kayong sumunod sa pithaya, na baka lumihis kayo. Kung magbabaluktot kayo [ng pagsasaksi] o aayaw kayo, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.}[144] (Qur'ān 4:135)
Sa ganito nakatatagpo ka na ang Islām ay nagnanais na ang katapatan ay maging laganap sa mga individuwal, sa pamilya, sa lipunan, at sa lahat ng mga pumapatungkol sa tao nang sa gayon lumigaya ang tao sa kapanatagan at magsamatuwid ang mga kapakanan niya sapagkat tunay na ang katapatan ay ang puso ng maligayang makataong buhay.
Ang Islām, ang Kabaitan, at ang Kabanayaran sa mga Tao
(21)
Sa isang anyong kabilang sa mga anyo ng katotohanang nakamamangha sa Islām, nakatatagpo tayo ng pagpapahalaga ng Islām sa anumang nagpapaayos sa mga tao at nakikidigma sa lahat ng mga uri ng pangangaway at pagkamuhi.
Yayamang nag-anyaya ang Islām tungo sa kabaitan at kabanayaran, na siyang kasalungatan ng karahasan at kalupitan, at kapag ang karahasan ay nagpapalaganap sa pagitan ng mga tao ng pangangaway, pagkamuhi, at pagkawala ng mga karapatan ng mahihina, tunay na ang kabaitan at kabanayaran ay nagpapalaganap naman sa pagitan ng mga tao ng awa, pag-ibig, at pagbibigay-katarungan sa naapi.
Dahil dito, nag-utos nga nito ang Islām at naglarawan nito ang Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa sinabi niya: "Ang sinumang pinagkaitan ng kabaitan ay pinagkaitan ng kabutihan sa kabuuan nito."[145] Nagsalaysay nito sina Imām Muslim at Imām Abū Dāwud.
Sa ganito, tunay na ang kabaitan ayon sa Islām ay ang kabutihan sa kabuuan nito. Ito ay nangangahulugan na ito ay ipinag-uutos sa lahat ng mga pakikitungo sa pagitan ng mga tao. Gayundin, makikita ang kahalagahan ng kabaitan at kabanayaran ayon sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na ang kabaitan ay hindi nagiging nasa isang bagay malibang gumagayak iyon dito at hindi naaalis mula sa isang bagay malibang nagpapapangit iyon dito."[146] at gayundin sa sabi pa niya: "Tunay na si Allāh ay Mabait na nakaiibig sa kabaitan, nalulugod dito, at tumutulong dito ng hindi Niya itinutulong sa karahasan ..."[147] Nagsabi rin Siya: "Ipinagbawal sa Impiyerno ang bawat mahinahon, banayad, madaling [pakisamahan], [at] malapit sa mga tao."[148] Nagsalaysay nito si Imām Muslim. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim. Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad sa Al-Musnad.
Lumitaw nga ang kabaitan at ang kabanayaran sa Islām sa ilang anyo. Kabilang sa mga ito:
Nasaad sa Qur'ān ang pag-uutos sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ng kabaitan at kabanayaran, gaya ng nasaad sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila mula sa paligid mo. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, humingi ka ng tawad para sa kanila at makipagsanggunian ka sa kanila sa usapin. Kaya kapag nagtika ka ay manalig ka kay Allāh; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nananalig.}[149] (Qur'ān 3:159)
Nasaad sa Qur'ān ang kuwento ng Propeta ni Allāh na si Moises (sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga) kasama ni Paraon na mapagmalabis na nagmalaki sa lupain at nag-angkin na siya raw ay Diyos at Panginoon ng mga tao. Siya ay matindi ang pagdaluhong sa mga anak ni Israel. Sa kabila nito, nag-utos nga si Allāh (napakataas Siya) sa propeta Niya na si Moises at kapatid niya na si Aaron (sumakanilang dalawa ang pagpapala at ang pangangalaga) na magsabi sa kanya ng isang salitang banayad na walang ditong kabagsikan. Iyon ay nasaad sa sabi Niya (napakataas Siya): {43. Pumunta kayong dalawa kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis. 44. Saka magsabi kayong dalawa sa kanya ng isang pagsasabing banayad nang sa gayon siya ay magsasaalaala o matatakot.}[150] (Qur'ān 20:43-44)
Bagkus tunay na ang Islām ay nag-utos ng kabaitan pati sa hayop. Kaya hindi pinapayagan sa Islām ang pamemerhuwisyo sa hayop at ang pagdudulot ng pagdurusa rito. Lumitaw nga ito nang may kaliwanagan sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa lalaking hindi nagpapakain ng kamelyo nito at pumapagod niyon sa gawain: "Hindi ka ba nangingilag magkasala kay Allāh kaugnay sa hayop na ito na nagpamay-ari nito sa iyo si Allāh? Tunay na ito ay dumaraing sa akin na ikaw ay gumugutom nito at pumapagal nito."[151] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Gayundin, dumating ang pag-uutos ng kabaitan sa hayop na kinakatay sapagkat nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na si Allāh ay nag-obliga ng pagpapakahusay sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo ay magpakahusay kayo sa paraan ng pagpatay at kapag kumatay kayo ay magpakahusay kayo sa paraan ng pagkatay. Humasa ang isa sa inyo ng patalim niya at magpaginhawa siya sa kakatayin niya."[152] Nagsalaysay nito sina Imām Muslim at Imām At-Tirmidhīy.
Sa ganito, tunay na ang Islām ay nag-anyaya tungo sa kabaitan at kabanayaran sa lahat ng mga kalagayan at sa lahat-lahat pati sa hayop. Sa ganito ay may kaayusan para sa tao dahil ang kabaitan at kabanayaran ay magtatanim ng awa at pag-ibig sa pagitan ng lahat at maaalis ang pag-aaway at karahasan.
Ang Islām at ang Pagpaparaya sa Pagitan ng mga Tao
(22)
Ang pagpaparaya ay isa sa mga anyo ng katotohanang nakamamangha sa Islām sapagkat tunay na ito ay kabilang ito sa pinakamarikit sa mga katangian ng mahusay na malakas na kaluluwa. Ang buhay sa pagitan ng mga tao ay hindi nagsasamatuwid kundi sa pamamagitan ng pagpaparaya dahil ang tao ay nakikisalamuha sa kapwa niyang tao. Sa sandali ng pakikisalamuhang ito, may nangyayaring mga pagkakamali mula sa isa sa dalawang panig. Ang bawat pagkakamali ay hindi nagiging karapat-dapat sa galit at parusa. Kaya naman nararapat ang pagpaparaya upang magpatuloy ang marikit na kaugnayan sa pagitan ng mga tao.
Dahil sa kahalagahan ng pagpaparaya sa buhay ng tao, naghatid nga niyon ang Islām sa pagkarami-raming porma upang sumaklaw sa mga sinasabi at mga ginagawa.
Ang saklaw ng pagpaparaya ayon sa Islām ay isang malawak na saklaw, na napaloloob dito ang pagkaawa, ang pagpapaumanhin, ang pagpapawalang-bahala, at ang paggawa ng maganda. May napaloloob sa ilalim ng mga pamagat na ito na maraming bagay.
Dahil ang pagpaparaya ay nangangailangan ng pagtitiis, pagpipigil sa sarili, at pagwaksi sa pagpapadalus-dalos, kaunti yaong mga naisasalarawan sa marikit na katangiang ito dahil ang pagpaparaya ay nangangahulugan ng pagkasalarawan ng lahat ng mga mainam na kaasalan. Ang bawat isa ay hindi nakahanda sa kanya iyon.
Lumilitaw ang halaga ng pagpaparaya ayon sa Islām sa pamamagitan ng maraming talata sa Qur'ān, na nag-aanyaya tungo sa pagpaparaya at pagpapaumanhin, at gayundin ng mga ḥadīth ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), na siyang pinakadakila sa mga tao sa pagsasaasal ng pagpaparaya at pagpapaumanhin.
Hinggil naman sa Qur'ān:
Nagsabi nga si Allāh (napakataas Siya) habang nakikipag-usap sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): {... ngunit magpaumanhin ka sa kanila at magpawalang-sala ka. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda.}[153] (Qur'ān 5:153)
Nagsabi rin Siya sa kanya: {Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila mula sa paligid mo. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, humingi ka ng tawad para sa kanila at makipagsanggunian ka sa kanila sa usapin. ...}[159] (Qur'ān 3:159)
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) sa paglalarawan sa mga nangingilag magkasala, na sila ang pinakamataas sa mga tao sa antas: {na mga gumugugol sa kariwasaan at kariwaraan, mga nagpipigil ng ngitngit, at mga nagpapaumanhin sa mga tao. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda,}[134] (Qur'ān 3:134)
Hinggil sa pagpapaibig sa pagpaparaya, nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang ganti sa masagwang gawa ay isang masagwang gawang tulad niyon; ngunit ang sinumang nagpaumanhin at nakipag-ayos, ang pabuya sa kanya ay nasa kay Allāh. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan.}[156] (Qur'ān 42:40)
at sa iba pa rito na mga talata.
Hinggil naman sa ḥadīth ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga),
ginawa nga ang pagpaparaya na kabilang sa pinakamainam na pananampalataya, gaya ng nasaad sa sabi niya: "Ang pinakamainam na pananampalataya ay ang pagtitiis at ang pagkamapagparaya." Nagsalaysay nito si Imām Ad-Daylamīy.
Ang pagpaparaya ay isang kadahilanan sa kaligtasan mula sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon, gaya ng nasaad sa ḥadīth ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ipinagbawal sa Impiyerno ang bawat mahinahon, banayad, madaling [pakisamahan], [at] malapit sa mga tao."[158] Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
Ang pagkamapagparaya sa pamamagitan ng pagpipigil ng galit ay isang kadahilanan sa kaligtasan mula sa pagdurusa. Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang sinumang nagpigil ng galit nito, magpipigil si Allāh para rito ng pagdurusang dulot Niya. Ang sinumang nag-ingat ng dila nito, magtatakip si Allāh sa kahubaran niya."[159] Nagsalaysay nito si Imām Abū Ya`lā.
Bagkus, nasaad ang pagpapaibig sa pagkamapagparaya sa pagtitinda, pagbili, pagbabayad ng utang, at paniningil ng salapi mula sa nangutang. Ang lahat ng iyon ay nasa ḥadīth ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Maawa si Allāh sa isang lingkod na mapagparaya kapag nagtinda, na mapagparaya kapag bumili, na mapagparaya kapag nagbayad,na mapagparaya kapag naningil."[160] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Siya noon (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay mapagparaya sa pakikitungo sa mga Kasamahan niya, mapagtimping hindi nagagalit para sa sarili niya gaano man ang natamo niya na perhuwisyo. Hinatak nga siya minsan ng isang lalaki mula sa isang balabal na nasa leeg niya nang isang matinding paghatak, hanggang sa lumitaw ang bakas ng balabal sa leeg. Pagkatapos nagsabi ang lalaki: "O Muḥammad, mag-utos ka na magbigay sa akin mula sa yaman ni Allāh na nasa piling mo." Kaya lumingon doon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka tumawa, pagkatapos nag-utos siya na magbigay rito ng isang bigay."[161] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Siya noon (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nag-uutos sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) ng pagpapaumanhin at pagpapalampas sa bawat bagay na mayroon ditong karapatan.
Sa ganito, tunay na ang Islām ay nag-anyaya tungo sa pagpaparaya sa pagitan ng mga tao, pati sa pagpapaumanhin sa mga pagpaslang. Dito ay may pagpapalaganap ng pag-ibig at pagpapalagayan ng loob sa pagitan ng mga tao. Narito ang pundasyon ng maligayang buhay para sa tao.
Ang Islām at ang Pagtatakip sa mga Tao
(23)
Nahahayag ang katotohanang nakamamangha sa Islām sa pinakamarikit sa mga anyo nito nang nananawagan ang Islām tungo sa pagtatakip. Ang pagtatakip ay ang hindi paghahantad ng mga kapintasan ng mga tao at mga pagkakamali nila sa harap ng mga tao nang sa gayon manatili ang paggalang at ang pagpapahalaga sa pagitan ng mga tao at hindi magkondena ang isa't isa sa kanila dahil sa mga pagkakamali dahil walang lipunang nawawalan ng mga pagkakamali at mga pagkakasala na nasasadlak sa mga ito ang ilan. Gayundin, hindi nawawalan ang mga lipunang ito ng isang kaparusahang nakalaan dahil sa mga pagkakamaling ito. Subalit nagkakaibahan ang mga antas ng mga pagkakamali at mga pagkakasalang ito sapagkat mayroong mga pagkakamaling ang pinsala ng mga ito ay hindi lumalampas sa tagagawa ng mga ito. Mayroong mga pagkakamaling nalilimitahan sa pagitan ng dalawang tao. May mga pagkakamaling umaabot ang pinsala ng mga ito sa isang lipunan mismo. May mga pagkakamaling umaabot ang pinsala ng mga ito sa lahat ng mga tao.
Kung paanong nagkakaibahan ang mga pinsala ng mga pagkakamali at mga pagkakasala, gayundin nagkakaibahan ang kaparusahan sa mga ito alinsunod sa bigat ng pinsala.
Dahil sa ang tao ay namumuhay sa Sansinukob na ito kasama ang kapwa niyang tao, kinakailangan ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng lahat. Ito ay ang isinaalang-alang ng Islām nang nagpataw ito ng mga kaparusahan laban sa pagpinsala sa mga kapakanan ng mga tao.
Subalit kasama ng pagbabatas ng mga kaparusahang ito, ang Islām ay naging flexible nga sapagkat nagsaalang-alang ito pati ng kapakanan ng nagkamali kapag hindi nagkaroon ng isang kapinsalaan sa pagsasaalang-alang na ito. Lumilitaw sa atin ito sa prinsipyo ng pagtatakip na itinaguyod ng Islām; bagkus naglagay ang Islām dito ng isang dakilang gantimpala mula kay Allāh (napakataas Siya).
Nagmumula ang prinsipyo ng pagtatakip ayon sa Islām mula sa natatanging pakikitungo sa pagitan ng mga tao, kung saan nalilimitahan ang pagkakamali sa isang makitid na saklaw, na hindi lumalampas sa nagkamali. Kapag lumawak ito, malilimitahan ito sa nagkamali at nakaaalam sa ginawa ng nagkamali. Sa kapwa kalagayang ito, nakatatagpo tayo na ang Islām ay nag-anyaya tungo sa prinsipyo ng pagtatakip.
Hinggil sa unang kalagayan, nagtatakip siya sa sarili niya at hindi siya nakikipaghayagan ng pagsuway niya sa gitna ng mga tao.
Hinggil naman sa ikalawang kalagayan, nagtatakip dito ang nakaaalam sa ginawa ng nagkamali, na tagataglay ng pagkakamali, nagkakasya siya sa pagpapayo rito at pagsawata rito sa pagsuway, at hindi siya nagsasampa ng kaso nito sa tagapamahala.
Ang Unang Kalagayan: Nasaad hinggil dito ang sabi ng Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga nakikipaghayagan [ng kasalanan]. Tunay na bahagi ng pakikipaghayagan [ng kasalanan] na gumawa ang tao sa gabi ng isang [masamang] gawain, pagkatapos inumaga siya habang nakapagtakip nga sa kanya si Allāh roon, saka magsabi siya: 'O Polano, nakagawa ako kahapon ng ganito at gayon,' samantalang nagpamagdamag na nagtatakip sa kanya ang Panginoon niya at inuumaga naman siya na naghahantad ng pinagtakpan ni Allāh sa kanya."[162] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Hinggil naman sa ikalawang kalagayan, nauugnay ito sa lahat ng mga kasapi ng lipunan, kung saan ang pag-uugnayan at ang panghihimasok kaya nagkakataon na masadlak ang paningin ng isa sa kanila sa pagkakamali ng kapwa niya. Ano ang gagawin niya? Pagtatakpan ba niya ito at pagpapayuhan niya o idudulog niya ang kaso nito sa tagapamahala?
Dito ay nakatatagpo tayo na ang Islām ay nag-uudyok nang may katindihan sa pagtatakip, bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng nagkakamali upang hindi maiskandalo ang nauukol sa kanya sa harap ng lahat, malibang kapag ang nagkakamali ay kabilang sa mga nakikipaghayagan ng mga pagkakasala at mga nagpupunyagi sa pagkakalat ng kahalayan. Hinggil naman sa natatakpan ang kalagayan, na hindi nakikipaghayagan ng mga pagkakasala, nararapat ang pagtatakip sa kanya at ang pagsawata sa kanya sa pamamagitan ng pribadong pagpapayo.
May nasaad sa ibang anyo na isang paglilinaw na ang sinumang nagtatakip sa nagkakasala ay gagantihan ni Allāh ng tulad ng gawa niya, kaya magtatakip Siya rito sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Nasaad nga ito sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay."[163] Nagsalaysay nito sina Imām Muslim at Imām Abū Dāwud.
Sa pamamagitan ng pagkamasaklaw na ito ng konsepto ng pagtatakip, nakatatagpo tayo na ang Islām ay nag-ingat sa mga kapakanan ng lahat ng mga tao at nagsaalang-alang sa mga nadarama nila at mga pribadong usapin nila. Sa lahat ng ito ay may pagkakaugnayan para sa pagbuo ng lipunang pantao at pag-iingat dito laban sa kaguluhan ng mga tagasubaybay sa mga pagkakamali ng mga tao sa layunin ng pagpapalaganap ng mga iskandalo sa lipunan.
Ang Islām at ang Pag-aalo sa Damdamin ng Tao
(24)
Sa pag-aalo sa mga damdamin, lumilitaw ang katotohanang nakamamangha sa Islām. Ito ay nagsasaalang-alang pati na sa mga nadarama at mga simpatiya. Lumilitaw Ito sa pagdudulot ng galak sa mga kaluluwa sa pamamagitan ng nakabubuti sa paraang materyal o espirituwal at pagpapaaya-aya sa mga puso sa pamamagitan ng kaaya-ayang salita. Tunay na ang pag-aalo sa mga damdamin ay isang pagkakailangan na walang pagkaiwas mula sa mga ito mula sa tao para sa kapwa tao niya hanggat sila ay namumuhay sa isang lipunan na nagbubuklod sa kanila. Ang pag-aalo sa mga damdamin ay ang tagapaggarantiya sa pagkakalapitan ng mga puso, na sa paglalapitan ng mga ito nangyayari ang pag-ibig sa pagitan ng mga tao, ang paggawa ng maganda ng isa't sa kanila, at ang pagkaibig ng isa't isa sa kanila sa kabutihan at kaligayahan.
Dahil ang Islām ay relihiyon ng kapayapaan at relihiyon ng awa, nakatatagpo tayo rito na nagbigay-halaga nga sa prinsipyo ng pagsasaalang-alang ng mga damdamin.
Talaga ngang may lumitaw na mga praktikal na tapat na anyo sa talambuhay ng Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na nag-aanyaya tungo sa pag-aalo sa mga damdamin. Sa lahat ng mga anyong ito, lumilitaw sa atin ang kabaitan at ang awa ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), na nagsabi sa kanya ang Panginoon niya (napakataas Siya) sa Qur'ān: {Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalalang.}[164] (Qur'ān 21:107)
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dakila ang kaluluwa, na nag-aalo ng mga damdamin ng nakababata at nakatatanda. Kabilang sa kaasalan niya na siya ay hindi nakikipagharapan sa isa man sa pamamagitan ng isang bagay na kinasusuklaman nito at hindi nag-aadya para sa sarili niya maliban na labagin ang mga kabanalan ni Allāh. Hindi siya pumipili kundi ng pinakamadali sa dalawang bagay. Siya ay palagi ang pagngiti. Siya ay hindi pumuputol ng pagsasalita ng isa man sa pagtitipon niya hanggang sa makakumpleto ito ng pananalita nito. Kapag nainis siya sa isang bagay, nag-iiba ang mukha niya kaya nalalaman ng mga Kasamahan niya ang pagkainis niya sa bagay na ito. Kapag nagregalo sa kanya ang isa sa kanila ng isang bagay, tinutumbasan niya ito sa regalo nito. Nakikipaglaro siya sa mga bata at nakikipagbiruan sa kanila. Sa lahat ng mga kaasalang ito lumilitaw sa mga ito ang pag-aalo sa mga damdamin sa pinakamatayog na mga kahulugan nito.
May nasaad sa Qur'ān sa Kabanatang Ad-Duḥā na isang masidhing aral sapagkat nag-utos nga si Allāh doon kay Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na mag-alo ng damdamin ng ulila at dukha sapagkat nagsabi Siya rito: {9. Kaya hinggil naman sa ulila ay huwag kang manlupig. 10. Hinggil naman sa nanghihingi ay huwag kang magtaboy.} (Qur'ān 93:9-10)
Kabilang sa pag-aalo sa mga damdamin sa Islām ang pagpapalubag-loob sa binabagabag sa mga pagkabagabag niya para magpagaan sa kanya sa pamamagitan ng isang kaaya-ayang salita, na nagtatanim sa sarili niya ng pag-asa at pagkagalak.
Pumasok nga minsan si Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa masjid saka nakatagpo siya ng isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan niya na tinatawag na Abū Umāmah saka nagsabi siya rito: "O Abū Umāmah, ano ang mayroon na nakakikita ako sa iyo sa masjid sa hindi oras ng pagdarasal?" Kaya nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, mga alalahanin at mga pagkakautang na kumapit sa akin." Nagsabi siya: "Kaya hindi ba ako magtuturo sa iyo ng isang sanaysay na kapag ikaw ay nagsabi nito ay mag-aalis si Allāh ng alalahanin mo at magbabayad Siya ng pagkakautang mo?" Nagsabi ito: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Sabihin mo kapag inumaga ka kapag ginabi ka: Allāhumma a`ūdhu bika mina -lhammi wa-lḥazan, wa-a`ūdhu bika mina -l`ajzi wa-lkasal, wa-a`ūdhu bika mina -ḍala`i -ddayni wa-ghalabati -rrijāl. (O Allāh, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa alalahanin at kalungkutan, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kawalang-kakayahan at katamaran, at nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa bigat ng utang at panggagapi ng mga tao.)" Nagsabi si Abū Umāmah: "Kaya nagsabi ako nito saka nag-alis sa akin si Allāh ng dalamhati ko at alalahanin ko at nagbayad ng pagkakautang ko."[166] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Bagkus pati ang mga munting bata, tunay na sila ay nakatagpo ng isang lugar sa puso ng Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) upang mag-alo sa mga damdamin nila.
Nagpapabatid sa atin si Anas bin Malik (malugod si Allāh sa kanya) sapagkat nagsasabi siya: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakamaganda sa mga tao sa kaasalan. Siya minsan ay pumapasok sa amin. Mayroon akong isang nakababatang lalaking kapatid na tinataguriang Abū `Umayr. Mayroon siyang isang nughar (ibon) na nilalaro niya ngunit namatay ito. Kaya pumasok sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nakita niya itong malungkot kaya nagsabi siya: "Ano ang lagay niya?" Nagsabi sila: "Namatay ang nughar niya." Kaya nagsabi siya: "O Abū `Umayr, ano ang ginawa ng nughayr?" Nagsimula siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na makipagbiruan dito habang siya ay humahaplos sa ulo nito.[167] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Ang nughayr ay ang pangmaliitang anyo ng nughar, na isang batang ibon na pula ang tuka.
Sa ganito, natatagpuan mo ang prinsipyo ng pag-aalo ng mga damdamin ayon sa Islām, na nasaad ang praktikal na pagpapatupad nito sa pinakamataas sa mga antas ng pagpatupad. Iyon ay nasa talambuhay ng Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), ang ipinadala alang-alang sa kaligayahan ng tao.
Ang Islām at ang Pagpapaginhawa sa Tao
(25)
Kumakasama sa tao ang katotohanang nakamamanghang iyon ng Islām upang malubos ang pagsaalang-alang sa kahinaang pampisikal ng tao dahil sa sakit o iba pa.
Nagsaalang-alang nga ang Islām sa kahinaan ng tao sa lahat ng mga kalagayan. Nasaad ang pagbibigay-diin sa kahinaan ng tao sa Qur'ān sapagkat nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Nagnanais si Allāh na magpagaan sa inyo. Nilikha ang tao na mahina.}[168] (Qur'ān 4:28)
Ang pagpapagaan na nabanggit sa talata ay ang pagpapaginhawa na nakasalalay rito ang Islām sa kabuuan nito dahil ito ay isang relihiyon mula sa ganang kay Allāh (napakataas Siya), ang Tagalikha ng tao, sapagkat Siya ay nakaaalam sa katotohanan ng taong ito at anumang kinakailangan ng taong ito. Dahil doon, nasaad ang pagpapaginhawa sa mga palabatasan ng Islām at nasaad ito sa Qur'ān: {... Nagnanais si Allāh sa inyo ng isang ginhawa at hindi Siya nagnanais sa inyo ng hirap ...}[169] (Qur'ān 2:185)
Dahil nasa pagsasabatas ni Allāh ang kaayusan ng tao, ginawa nga ni Allāh ang pagsasabatas Niya na tumutugma sa kakayahan at lakas ng tao. Ang pag-aatang sa tao ng anumang hindi niya kaya ay gagawa sa kanya na mamumuhi sa mga tungkuling iniatang ng Relihiyon. Dahil dito, nasaad mula sa Qur'ān ang naunang talata at nasaad dito: {Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa kundi ng kaya nito. ...}[170] at nasaad pa rito: {... Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa kundi ng ibinigay Niya rito. Gagawa si Allāh, matapos ng isang hirap, ng isang ginhawa.}[171] (Qur'ān 2:286) (Qur'ān 65:7)
Sa ganito, tunay na ang prinsipyo ng pagpapaginhawa ay ang pangkalahatang paglalarawan sa mga pagbabatas ng Islām. Walang lugar dito para sa pagkahirap, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {... at hindi naglagay sa inyo sa Relihiyon ng anumang pagkaasiwa, ...}[172] (Qur'ān 22:78)
Sa pamumuhay ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), may isang anyo na pampagpapatupad ng prinsipyo ng pagpapagaan, gaya ng ipinabatid sa atin ng maybahay niyang si `Ā'ishah (malugod si Allāh dito), na nagsabi: "Hindi pinapili ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagitan ng dalawang bagay malibang kinuha niya ang pinakamadali sa dalawa, hanggat ito ay hindi kasalanan; ngunit kung ito ay kasalanan, siya ay ang pinakamalayo sa mga tao mula roon."[173] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Tumutugma ang Palabatasan ng Islām sa tao sa sandali ng pagkakasakit. Kaya natatagpuan mo rito ang pagpapagaan para sa kanya sa pagdarasal, sa pagdadalisay na nakasalalay rito ang pagdarasal, sa pag-aayuno, at gayundin sa paglalakbay. Iyon ay dahil sa hirap nito sa tao. Sa lahat ng ito ay may pagpapagaan sa tao dahil siya ay mahina. Kasama ng pagpapagaang ito, sumisigla ang tao para sa pagsasagawa ng mga tungkulin sa Relihiyon alinsunod sa nakakaya niya. Kaya nagpapatuloy ang espirituwalidad at ang pagkamananamba kay Allāh (napakataas Siya) at hindi napuputol kundi dahil sa kamatayan.
Ang pagpapagaan ayon sa Islām ay sumasaklaw sa pagpapaikli ng mga pagdarasal sa paglalakbay at pagsasama ng mga ito dahil sa pangangailangang nananawagan nito gaya ng pagkakasakit, paglalakbay, at matinding ulan.
Ang pagpapaginhawa ayon sa Islām ay magiging nasa pag-aayuno rin. Kabilang sa mga pagkakahayag nito ang pagpayag sa pagtigil-ayuno para sa maysakit, manlalakbay, nagbubuntis, at nagpapasuso. Nasaad sa Qur'ān: {... ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay naging may-sakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw. ...}[174] (Qur'ān 2:184)
Ang pagpapagaan ayon sa Islām ay magiging nasa ḥajj din dahil sa pagsasakundisyon ng kakayanan ayon sa mga uri nito na pampananalapi at pampisikal, ng seguridad ng daan, at gayundin ng pagmamay-ari ng panggastos sa ḥajj at panggastos sa pamilya niya.
Hindi ang layunin ng pagsamba ang pagtatamo ng paghihirap. Tanging ang pagtatamo ng pinakadiwa ng pagsamba.
Kabilang sa mga bunga ng pagpapaginhawa ang pagsasakatotohanan ng kapahingahan, kaligayahan, at kapanatagan para sa individuwal; at ang pagpapakatotoo ng pag-ibig at pagkakaugnayan sa lipunan dahil sa natatamo na pagpapaginhawa sa mga transaksyong pampananalapi.
Ang Islām at ang Seguridad ng Tao
(26)
Nahahayag ang Islām sa isang tapat na anyo ng katotohanang nakamamangha ng Islām nang nagpunyagi ito sa paggarantiya ng seguridad ng tao, na siyang pundasyon ng maligayang buhay.
Hindi natigil ang tao magmula ng matandang panahon hanggang sa panahon natin na nagpupunyagi sa pagpapatatag ng seguridad sa buhay niya, maging isang individuwal o mga pamahalaan. Hindi mamumuhay ang tao nang maligaya sa isang lipunan na pinaghaharian ng kaguluhan at kaligaligan at hindi magiging isang kabihasnan ni kaunlaran sa isang lipunan na wala ritong katiwasayan.
Dahil doon, natatagpuan natin na ang Islām ay nagsigasig sa seguridad at tumawag-pansin sa kahalagahan nito magmula sa simula ng mensahe ng Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sapagkat nasaad sa Qur'ān ang pagpapaalaala sa mga kababayan niya kabilang sa liping Quraysh hinggil sa biyaya ng katiwasayan yayamang nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {na nagpakain sa kanila mula sa isang pagkagutom at nagpatiwasay sa kanila mula sa isang pangamba.}[175] (Qur'ān 106:4)
Nagpunyagi nga ang Islām para sa pagpapatibay ng konsepto ng seguridad alang-alang sa pagpapaligaya ng tao sa pamamagitan ng mga matibay na saligan. Ang mga ito ay ang sumusunod:
A. Ang Pagpapatibay ng Pananampalataya. Ang pananampalataya kay Allāh (napakataas Siya) ay ang pinakamahal na minamay-ari ng tao dahil ito ay ang buhay ng kaluluwa niya na sa kawalan nito ay walang halaga para sa buhay ng katawan. Ang tapat na pananampalataya, kapag nag-ugat sa puso, tunay na ito ay pumipigil sa tao palayo sa mga krimen at pagdanak ng dugo, na kabilang sa pinakamapanganib sa mga tagapagbanta ng katiwasayan. Kaya ang pananampalataya ay humuhubog sa kaluluwa at nagpapataas sa mga kaasalan. Dahil dito, nasaad sa Qur'ān: {Walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: "Palabasin ninyo sila mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakadalisay."}[176] (Qur'ān 6:82)
B. Ang mga Kaparusahan. Naghatid ang Islām ng pagsawata sa krimen alang-alang sa seguridad ng tao. Dahil dito nagsabatas ang Islām ng mga kaparusahang tagasawata sa krimen upang mamuhay ang lipunan sa isang seguridad, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {Ukol sa inyo sa ganting-pinsala ay buhay, O mga may isip, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.}[177] (Qur'ān 2:179)
C. Ang Pagbibigay-seguridad sa mga Yaman. Nagsigasig ang Islām sa mga pagsasabatas na nag-iingat sa mga yaman. Kaya naghatid ito ng mga pagsasabatas na nagbibigay-sigla sa yaman sa tumpak na pamamaraan. Gayundin, naghatid ng mga pagsasabatas na gumagabay tungo sa tumpak na pamamaraan sa paggugol nito. Nakatatagpo ka na ang pinakamahabang talata sa Qur'ān ay nasaad para sa pag-iingat sa mga ari-arian. Nagsimula ang talatang ito sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kapag nag-utangan kayo ng isang pautang sa isang taning na tinukoy ay isulat ninyo ito ...}[178] (Qur'ān 2:282)
Kaya nasa talatang ito ang pag-uutos ng pagsasadokumento ng mga pautang sa pamamagitan ng pagsulat at pagpapasaksi ng mga saksi. Ang pag-uutos ng pagsulat ng mga pautang ay kahit pa ang mga ito ay maliliit. Sa lahat ng ito ay may pag-iingat sa mga ari-arian ng mga tao at may pagseseguro para sa mga ito mula sa mga kamay ng mga malikot.
D. Ang Seguridad na Pampagkain. Talaga ngang nasaad sa Islām ang paghimok sa paggawa at pagkita mula sa paggawa ng kamay. Napaloloob sa paggawa ng kamay ang pagsasaka, na siyang pundasyon ng seguridad pampagkain. Nasaad nga sa Qur'ān ang pagtawag-pansin sa kahalagahan ng pagsasaka sa higit sa isang talata, gaya ng sabi ni Allāh: {33. Isang tanda para sa kanila ang lupang patay; nagbigay-buhay Kami rito at nagpalabas Kami mula rito ng mga butil, saka mula rito ay kumakain sila. 34. Gumawa Kami rito ng mga hardin ng datiles at mga ubas at nagpabulwak Kami rito ng mga bukal 35. upang kumain sila mula sa bunga nito, at hindi gumawa nito ang mga kamay nila. Kaya hindi ba sila magpapasalamat?}[179] (Qur'ān 36:33-35)
Humimok ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa pagsasaka sa higit sa isang ḥadīth. Kabilang sa mga ito: "Walang Muslim na nagtatanim ng isang tanim o nagsasaka ng isang sakahin saka may kumain mula rito na isang ibon o isang tao o isang hayop malibang ito para sa kanya ay magiging isang kawanggawa."[180] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Bagkus umabot pa ang paghimok ng Islām sa pagsasaka sa pag-uutos ng pagtatanim kahit sa kahuli-hulihang oras ng Mundo, gaya ng nasaad sa sabi ni Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Kapag sumapit sa isa sa inyo ang [Araw ng] Pagbangon habang sa kamay niya ay may supling ng palma, itanim niya ito."[181] Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad sa Al-Musnad.
Ang supling ng palma ay ang batang palma.
E. Ang Seguridad na Pampamilya. Ang pamilya ay ang pundasyon ng lipunan. Dahil dito, naghatid ang Islām ng pagpapahalaga rito at pagsasanggalang dito laban sa pagkakalansag.
Napaloloob sa pagsasanggalang sa seguridad ng pamilya ang pagsasanggalang sa buhay pangmag-asawa. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsasabatas ng anumang magiging isang kadahilanan ng pagpapanatili sa kaugnayang pangmag-asawa. Iyon ay sa pamamagitan ng paggalang nilang dalawa sa isa't isa sa kanilang dalawa at pagkaalam ng bawat isa sa mga karapatan ng kabiyak sa kanya.
Bahagi ng pagsasanggalang sa seguridad ng pamilya ang pangangalaga sa mga anak. Nangyayari iyon sa pamamagitan ng tumpak na pangangalaga. Iyon ay sa pamamagitan ng wastong pag-aaruga, paggugol sa kanila, at hindi pagpapabaya sa kanila, kasama ng pagmamalasakit sa kanila, at katarungan sa pagitan nila nang sa gayon hindi magkaroon ng away sa pagitan ng mga anak. Nasaad sa Islām ang matinding pagbibigay-babala laban sa kawalan ng katarungan sa pagitan ng mga anak. Nagsaalang-alang nga ang Islām ng pagbabaytang-baytang sa pangangalaga sa mga anak magmula ng pagkapaslit at hanggang sa pagkaadulto.
Sa ganito, nakatatagpo ka na ang Islām, dahil sa mga tuntuning ito at mga sumasangay buhat sa mga ito, ay nagsigasig sa seguridad ng tao sa lahat ng mga yugto ng buhay at mga aspeto nito upang magarantiyahan ang estabilidad at ang kapanatagan para sa tao.
Ang Islām at ang Disiplina ng Tao
(27)
Ang disiplina ay isa sa mga anyo ng katotohanang nakamamangha, na gumawa sa Islām bilang isang pamantayan sa pagdisiplina sa pag-uugali, pagkilos, pagsasagawa ng mga kinakailangan nang walang pangangailangan sa isang mapagmasid. Ang kawalan ng kawalang-kaayusan ay pangkinakailangan para sa tao sa pag-oorganisa ng buhay niya; bagkus ito ay pangkinakailangan para sa pagkaorganisa ng buhay ng lipunan sapagkat tunay na ang mga kamay ng orasan ay hindi tumitigil. Kinakailangan na magkaroon ng gawaing niregulahan para sa tao hanggat ang panahon ay hindi tumitigil.
Nag-anyaya nga ang Islām tungo sa pagkadisiplina pati sa pag-iisip, kaya walang puwang para sa kaguluhan. Bagkus, nagpapatalos sa atin ang Qur'ān na ang Sansinukob na ito sa kabuuan nito ay nilikha ni Allāh (napakataas Siya) nang eksakto sa sukat at wala ritong depekto yayamang nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {...lumikha Siya ng bawat bagay saka nagtakda rito ng isang pagtatakda.}[182] (Qur'ān 25:2)
Tumatawag-pansin sa atin ang Qur'ān sa pagkadisiplina ng paggalaw ng Sansinukob sa isang eksaktong sistema. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {38. Ang araw ay umiinog para sa isang pagtitigilan para rito. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam. 39. Ang buwan ay nagtakda Kami rito ng mga yugto hanggang sa nanumbalik ito gaya ng buwig na magulang. 40. Ang araw ay hindi nararapat para rito na umabot sa buwan at ang gabi ay hindi mauuna sa maghapon. Lahat, sa ikutan, ay lumalangoy.}[183] (Qur'ān 36:38-40)
Nagpatibay nga ang mga siyentipikong kontemporaryong pananaliksik sa katapatan niyon sapagkat iyon ay naging isang nakalitaw na himala sa katapatan ng pagkapropeta ni Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).
Matatagpuan mo sa Islām ang pagtuturo ni Allāh sa mga lingkod Niya ng pagregula ng mga oras nila at pagregula ng mga oras ng pagsamba nila sa isang tinakdaang panahon yayamang nasaad sa Qur'ān: {Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga bagong buwan. Sabihin mo: "Ang mga ito ay mga sukatan ng panahon para sa mga tao at sa ḥajj." ... }[184] (Qur'ān 2:189)
Dumating sa Islām ang pagregula sa limang ṣalāh (pagdarasal) yayamang gumawa ito para sa mga ito ng isang panahon. Mayroong mga palatandaan na nagreregula sa pagpasok ng oras ng ṣalāh at paglabas nito. Kaya kapag pumasok ang fajr (madaling-araw), pumapasok ang oras ng ṣalāh na fajr; at kapag sumikat ang araw, lumilipas ang oras ng fajr. Sa ganito, ang natitira sa mga ṣalāh ay nireregulahan sa tinakdaang oras. Bagkus sumasama sa iyo ang pagkadisiplina sa ṣalāh, pati sa pamamaraan ng mga hanay sa sandali ng pagsasagawa ng ṣalāh. Kaya hindi pinapayagan na mauna sa hanay o mahuli. Kailangan sa kanya na magtapat ng balikat niya sa balikat ng kapatid niya. Gayundin, nagtatapat siya ng bukung-bukong ng paa niya sa bukung-bukong ng paa ng kapatid niya. Gayundin, ang pagkaharap ay sa iisang qiblah sa alinmang lugar sa lupa. Gayundin, ang pagkadisiplina sa pakikipagsunuran sa imām sa ṣalāh sa konggregasyon. Kaya yumuyukod siya matapos ng pagyukod ng imām at nagpapatirapa siya matapos ng pagpapatirapa ng imām. Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ginawa lamang ang imām upang sundan. Kapag yumukod siya, yumukod kayo. Kapag umangat siya, umangat kayo. Kapag nagpatirapa siya, magpatirapa kayo."[185] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Sa buwan ng Ramaḍān, kapag sumapit ang madaling-araw, nagpipigil ang Muslim sa pagkain at pag-inom, at kapag lumubog ang araw, pinapayagan sa kanya ang pagkain at pag-inom.
Gayundin ang pagkadisiplina sa ḥajj. Kapag nagsagawa siya ng ṭawāf sa paligid ng Ka`bah, magsasagawa siya ng ṭawāf nang pitong paglibot, nang walang pagdaragdag o pagbabawas. Ang simula ng bawat paglibot ay mula sa Batong Itim at ang wakas ng paglibot ay sa tabi ng Batong Itim. Ipupuwesto niya ang Batong Itim sa kaliwa niya. Ang lahat ay nagsasagawa ng ṭawāf sa paligid ng Ka`bah sa ganitong pagkadaloy. Gayundin, sa sandali ng pagsasagawa ng sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah, magsasagawa siya ng sa`y nang pitong pagtawid, na ang simula ng pagtawid ay mula sa Ṣafā at ang wakas nito ay sa Marwah. Gayundin, kapag nagsagawa siya ng ramy sa tatlong jamrah, magsisimula siya sa Maliit na Jamrah, pagkatapos sa Gitnang Jamrah, pagkatapos sa Malaking Jamrah. Hindi pinapayagan na magbaliktad siya niyon. Magsasagawa siya ng ramy sa bawat jamrah sa pamamagitan ng pagbato ng pitong munting bato. Hindi pinapayagan na magdagdag siya sa bilang na ito.
Bagkus, dumating ang Islām upang magparunong sa tao pati sa pagdisiplina ng dila niya. Tunay na ang bawat salitang lumalabas mula sa bibig ay kinakailangan na lumabas nang disiplinado nang sa gayon magkaroon ang salita ng halaga sa sandali ng pagtitinda at pagbili, sa sandali ng pag-aasawa, at sa sandali ng diborsiyo, sapagkat tunay na iisang disiplinadong salita ang magtatakda ng pagtanggap sa iyo sa pagtitinda o sa pagbili o sa pag-aasawa o sa pagkaganap ng diborsiyo.
Gayundin ang pagkadisiplina sa pamilya. Ang maybahay ay may isang nalalamang karapatan sa pagpapamagdamag [ng asawa niya sa piling niya], sustento, at tirahan. Gayundin ang kantidad ng mana mula sa yaman ng asawa matapos ng pagkamatay nito at sa kabaligtaran kapag namatay ang maybahay. Gayundin ang mga anak, mayroon silang mga niregulahang karapatan sa mana matapos ng pagkamatay ng isa sa mga magulang at mayroon silang niregulahang karapatan habang nabubuhay silang dalawa. Hindi pinapayagan ang pagtatangi sa isa sa mga anak sa bigay at regalo. Ito ang timbangan ng katarungan, na kabilang sa mga pinakaeksakto sa mga timbangan. Ang sukatan ng timbangang ito ay pati sa paghalik sa mga anak, kaya naman kinakailangan na magpakamakatarungan sa kanila pati sa bilang ng mga ulit ng paghalik.
Ang pagkadisiplina sa pagkain at pag-inom: sapagkat sinaway ng Islām ang pagpapalabis-labis sa pagkain at pag-inom, gaya ng nabanggit sa Qur'ān: {... Kumain kayo at uminom kayo at huwag kayong magpakalabis; ...}[186] (Qur'ān 7:31)
Nagsabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Hindi pumuno ang anak ni Adan ng isang sisidlang higit na masama kaysa sa tiyan niya. Kasapatan sa anak ni Adan na may mga makakaing magtatayo sa likod niya; ngunit kung naging hindi posible, sangkatlo para sa pagkain niya, sangkatlo para sa inumin niya, at sangkatlo para sa paghinga niya."[187] Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nisā'īy, at Imām Ibnu Mājah.
Sa ganito, sumasamba ang pagkadisiplina sa Islām sa tao sa bawat dako ng mga dako ng buhay upang mag-organisa para sa tao ng buhay niya. Kaya walang kaguluhan at walang kawalang-kaayusan.
Ang Islām at ang Pag-iingat ng Oras ng Tao
(28)
Ang oras sa Islām ay nasa pinakamataas sa mga antas ng katotohanang nakamamanghang iyon yayamang tunay na ito ay may dakilang halaga. Ito ang biyaya na nararapat sa tao na magpasalamat kay Allāh dahil dito. Natatagpuan mo sa Islām na ang bawat oras na ipinamumuhay ng tao ay isang pagkakataon para sa pagsasakatuparan at maayos na gawain.
Lumitaw nga ang halaga ng oras ayon sa Islām dahil nasaad nga sa Qur'ān na si Allāh ay sumumpa sa oras. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Sumpa man sa gabi kapag bumabalot ito, 2. sumpa man sa maghapon kapag nahayag ito,}[188] Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {1. Sumpa man sa kaliwanagan [ng umaga], 2. sumpa man sa gabi kapag lumukob ito;}[189] Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Sumpa man sa panahon, 2. tunay na ang tao ay talagang nasa isang pagkalugi,}[190] (Qur'ān 92:1-2) (Qur'ān 93:1-2) (Qur'ān 103:1-2)
Kapag ka na makaalam ng halaga ng oras sa Islām, magbulay-bulay ka sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "May dalawang biyaya na nagulangan sa dalawang ito ang marami sa mga tao: ang kalusugan at ang kawalang-gawain."[191] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Ang nagulangan ay ang bumibili sa makailang ulit ng presyo o nagtitinda nang mababa sa halaga ng katulad.
Ang kahulugan: Ang sinumang naging malusog ang katawan, malaya sa mga pagkakaabalahan, at hindi nagpapabenepisyo mula sa oras niya sa anumang nagpapakinabang sa kanya, tunay na ang kalagayan niya ay gaya ng nagulangan sa pagtitinda, ibig sabihin nalulugi.
Hinubog nga ng Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ang mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) sa pagkilala sa halaga ng oras, hanggang sa nagsabi ang isa sa mga Kasamahan niya: "Wala akong pinagsisihang anumang gaya ng pagsisisi ko sa isang araw na lumubog ang araw nito, na nabawasan doon ang taning na buhay ko at hindi nadagdagan doon ang gawa ko." Dahil sa tindi ng sigasig nila sa oras, naglarawan sa kanila ang isa sa mga nakapanahon nila sapagkat nagsabi ito: "Nakaabot ako sa mga taong sila noon sa mga oras nila ay higit na matindi kaysa sa inyo sa pagkasigasig sa mga dirham ninyo at mga dinar ninyo."
Lumitaw nga ang halaga ng oras sa lahat ng mga yugto ng kasaysayan ng mga Muslim, hanggang sa nag-ingat para sa atin ang kasaysayan ng mga kahanga-hangang ehemplo mula sa pag-iingat ng mga Muslim sa oras at hindi pagsasayang nito sa anumang hindi nagpapakinabang. Kabilang sa mga ehemplong ito si Al-Fatḥ bin Khāqān na ministro ng Khalīfah na `Abbāsīy na si Al-Mutawakkil `alā Allāh. Nagdadala siya ng kasulatan sa manggas niya. Kapag tumayo siya sa harapan ni Al-Mutawakkil para sa isang pangangailangan o sa pagdarasal, inilalabas niya ang kasulatan saka tinitingnan ito habang siya ay naglalakad, hanggang sa makaabot siya sa puwesto na ninanais niya. Pagkatapos gumagawa siya ng tulad niyon sa pagbabalik niya hanggang sa lumagay siya sa upuan niya. Kapag naman nagnais si Al-Mutawakkil na tumayo para sa isang pangangailangan, inilalabas niya ang kasulatan mula sa manggas niya at binabasa ito sa kapulungan ni Al-Mutawakkil hanggang sa oras ng pagpabalik nito.
Ang pamumuhunan ng oras at ang pag-iingat nito sa Islām ay para sa kaligayahan ng Mundo at ng Kabilang-buhay, sapagkat ang layunin ng pag-iingat ng oras sa Islām ay lumalampas sa isang pawang na pagsasakatuparang panandalian o kasiyahang natatagpuan ng sinumang namumuhunan ng kanyang oras; bagkus ito ay isang marangal na tunguhin na ang layon ay pagsamahin ang kaligayahan ng Mundo, at ang kaligayahan ng Kabilang-buhay.
Sa ganito, inoorganisa ng Islām ang buhay ng tao sa lahat ng mga yugto ng buhay niya upang mag-ugnay sa kanya sa mga gawang nagpapakinabang, na ang ilan ay nalilimitahan sa mga individuwal at ang ilan ay sa buong lipunan upang pumitas ang lahat ng bunga ng buhay sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang Islām at ang Pag-ibig sa Gitna ng mga Tao
(29)
Ang konsepto ng pag-ibig ayon sa Islām ay nagsasalarawan sa iyo ng katotohanang nakamamanghang iyon sa isang namumukod na anyo. Ang pag-ibig ay mga maligayang nadarama, na nakararamdam ng mga ito ang tao, na papasok sa sarili niya ng dilag at galak. Ito ay isa sa pinakadakila sa mga lihim ng kaligayahan.
Ang pag-ibig sa pagitan ng mga tao ay ang nagtatanim ng seguridad at kapanatagan at nagpapalaganap ng kapayapaan. Ang kabaliktaran nito at ang pagkamuhi sapagkat tunay na ito ay nagpapalaganap ng pangangaway at pagkasuklam, bagkus ng mga digmaan at mga kasamaan.
Ang Islām ay Relihiyon ng pag-ibig at pagtupad. Ang konsepto ng pag-ibig ayon sa Islām ay isang konseptong malawak, na napaloloob dito ang bawat natatagpuan ng tao na mga lihim ng kaligayahan ng tapat na pag-ibig.
Ang pag-ibig ayon sa Islām ay hindi pawang mga nadaramang pangmatalik at panromantikong panandalian; bagkus ito ay mga nadaramang tapat at palagian.
Dahil dito, tunay na ang Islām ay nagmula sa mga matibay na saligan, na nagsasapundasyon ng isang masaklaw na konsepto pag-ibig at hindi nalilimitahan sa isang panandaliang pag-ibig, na maaaring mahaluan ng mga bagay na hindi tumpak, na nakasisira sa tapat na pag-ibig.
Ang una sa mga antas ng pag-ibig ayon sa Islām at ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig kay Allāh (napakataas Siya) at ang pag-ibig sa Sugo Niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Ito ang pag-ibig na lumiligaya dahil dito ang tagapagtaglay nito sa Mundo at Kabilang-buhay; bagkus, ito ang pag-ibig na nakatatagpo dahil dito ang tao ng tamis ng pananampalataya.
Kaya naman ang pag-ibig kay Allāh (napakataas Siya) ay ang panlunas ng tunay na buhay sapagkat tunay na ang bawat kaligayahan ay kaakibat nito.
Papaanong hindi iniibig ng tao ang sinumang siya ay umiiral dahil sa Kanya, ang kadahilanan ng pananatili niya ay mula sa Kanya, ang pangangasiwa sa kanya ay nasa kamay Niya, at ang pagbabalik niya ay tungo sa Kanya. Ang bawat minamagandang iniibig ay mula sa pagkayari Niya. Kaya ang umiibig sa Kanya ay namumuhay sa kasarapan ng tunay na buhay habang siya ay napapanatag ang kalooban. Hindi siya naghahangad ng iba pa sa panustos Niya. Hindi siya nawawalan ng pag-asa sa sandali ng pagsubok. Nagpapakadalisay ang puso niya mula sa mga karumihan ng pagkainggit, pagkamuhi, at pagkapoot. Ito ay ang kaligayahan sa Mundo, kasama ng hinihintay ng tagapagtaglay niyon na kagandahan ng ganti sa Araw ng Pagbangon, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa.}[192] (Qur'ān 16:97)
Ganito ang pag-ibig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Siya rin ang panlunas ng buhay at lihim ng kaligayahan sapagkat siya ay sumagip sa mga tao mula sa mga kadiliman ng buhay tungo sa liwanag at tanglaw at mula sa bilangguan ng purong materya tungo sa kalawakan ng kalayaan ng kaluluwa, na nagluluwalhati sa kaharian ni Allāh at nagtatamasa sa tamis ng pananampalataya.
Ang pag-ibig ayon sa Islām ay natampok sa pinakamatamis na mga anyo nito. Kaya makikita ka nito sa pag-ibig ng mga mag-asawa sa isa't isa sa kanila. Nasaad ang pagpapahayag nito sa Qur'ān sa pinakamarikit na anyo. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Kabilang sa mga tanda Niya na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.}[193] (Qur'ān 30:21)
Nagpahayag nito ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa pinakatapat na pagpapahayag nang nagtanong sa kanya ang isa sa mga Kasamahan niya: "O Sugo ni Allāh, sino po ang pinakakaibig-ibig sa mga tao sa iyo?" Nagsabi siya: "Si `Ā'ishah."[194] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Kabilang sa mga pagkakahayag ng pag-ibig ayon sa Islām ang pag-ibig sa mga anak, na siyang lumitaw sa pinakamarikit na anyo mula sa gawain ng Sugo ng Islām (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang nagpapabatid sa atin ang isa sa mga Kasamahan niya. Nagsabi ito: "Pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang gabi para sa isang pangangailangan. Kaya lumabas ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay bumabalot ng isang bagay na hindi ko nalalamang kung ano iyon. Kaya noong natapos ako sa pangangailangan ko, nagsabi ako: "Ano iyang ikaw ay bumabalot niyan?" Nagsabi siya: Kaya nagtambad siya nito, saka ito pala ay sina Ḥasan at Ḥusayn, na nasa mga baywang niya, saka nagsabi siya: "Ang dalawang ito ay dalawang anak ko at dalawang anak ng babaing anak ko. O Allāh, tunay na ako ay umiibig sa kanilang dalawa, kaya ibigin Mo silang dalawa at ibigin Mo ang sinumang umiibig sa kanilang dalawa."[195] Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Ḥibbān, at Imām Aḥmad.
Kabilang sa mga pagkakahayag ng pag-ibig sa Islām ang pag-ibig sa pagitan ng magkakapatid sapagkat nasaad ito sa isang tapat na ehemplo nang humawak ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) isang araw sa kamay ng isa sa mga Kasamahan niya, at nagsabi rito: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Nagsabi sa kanya ni Mu`ādh: "Tubusin ng ama ko, ikaw, at ng ina ko, O Sugo ni Allāh. Ako man, sumpa man kay Allāh, ay umiibig sa iyo." Nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: huwag ka ngang mag-iiwan sa bawat pagtatapos ng pagdarasal na magsabi ka ng: Allāhumma, a`innī `alā dhikrika wa-shukrika, wa husni ibadatik. (O Allāh, tulungan mo ako sa pag-alaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at kagandahan ng pagsamba sa Iyo.)"[196] Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām An-Nasā'īy.
Kabilang sa mga pagkakahayag ng pag-ibig sa Islām ang pag-ibig sa mga maralita at mga dukha. Ito ay isa sa mga marikit na uri ng pag-ibig sa Islām. Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paggawa ng mga kabutihan, pag-iwan ng mga nakasasama, pag-ibig sa mga dukha .."[197] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
Sa ganito nga nagpapanagana ang Islām ng nakapagpapagaling na panlunas ng pag-ibig sa mga hapdi ng buhay kaya nakadarama ang tao ng kaligayahan kapag sinusuklian siya ng isa pang puso ng mga pagkadama ng pag-ibig.
Hindi napunta ang mga teoryang pantao nang malayo sa paninindigan ng Islām na ang pag-ibig ay panlunas ng buhay at lihim ng kaligayahan nito. Sa isang pag-aaral na nagpatuloy nang pitumpu't limang taon, na isinagawa ng Harvard University ng Amerika, nagsasabi si Robert Waldinger, propesor ng psychoanalysis sa Harvard University at direktor ng programang Grant para sa pag-aaral ng mga kadahilanan ng kaligayahan: "Ang isang pag-aaral na isinagawa ng mga dalubhasa sa programa sa paglipas ng mga taon ay nagpatunay na ang pag-ibig at hindi ang yaman ay ang lihim ng kaligayahan!" Ang proyektong ito ay ang pinakamahabang programa para sa pag-aaral ng human psyche. Nagsimula nga ito sa panahon ng Pangulong Amerikano na si Franklin Roosevelt.
Sa ganito, winasak ng pag-aaral na ito ang namamayani sa ganang mga tao na ang yaman ay ang lihim ng kaligayahan sa Mundo.
Kapag ang kaligayahan ay nakalagay sa puso; tunay na ang Islām ay naghatid ng mga pagsasabatas ng pagsasaayos sa pusong ito at pagbibigay-sigla rito sa pamamagitan ng mga sangkap ng tunay na buhay nito; upang lumigaya ang may-ari nito, at hinggil dito ay nagsabi ang Sugo ng Islām (sumakanya ang pagpapala at ang kapayapaan): (Tunay na sa katawan ay may isang laman na kapag umayos ay umaayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag tumiwali ay tumitiwali ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso.)[198] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Talaga ngang ang mga ito ay naging pinakatampok sa mga anyo ng tapat na pag-ibig ayon sa Islām, na siyang nararapat sa tao na pagbatayan ng mga tapat na nadarama niya, malayo sa mga pag-aangkin ng pag-ibig na dumaraan nang panandalian sa buhay niya at hindi nagkakaroon ng isang palagiang bakas sa kanyang sarili na katulad ng sa mga tapat na anyong ito.
Ang Islām at ang Pagtupad ng Tao sa Tao
(30)
Ang pagtupad ayon sa Islām ay ang marikit na anyong sumasalamin sa katotohanang nakamamangha ng Islām.
Kaya ang pagtupad ayon sa Islām ay ang malawak na kahulugang iyon. Tunay na mayroon sa mga tao na umaalaala ng isang kabutihan kahit pa ito ay maliit, mayroon sa mga tao na nagsasaalang-alang ng payak na isang ngiti o isang pagbati na inihahandog mo sa kanya, at mayroon sa mga tao na kapag nagpalubag-loob ka sa kanya ng iisang salita ay nagtuturing na may ukol sa iyon sa kanya na isang dakilang kabutihan sa kanya. Subalit mayroon sa mga tao na isang ibang klase, na kung sakaling nagsubo ka sa kanya ng pulut-pukyutan ay talagang kakagat siya ng daliri mo!
Ang konsepto ng pagtupad ayon sa Islām ay isang konseptong masaklaw, na nangyayari sa pagitan ng mga individuwal, sa pagitan ng mga individuwal at lipunan, sa pagitan ng lipunan at mga individuwal, at sa pagitan ng mga estado.
Ang pinakadakilang pagtupad ay ang pagtupad kay Allāh (napakataas Siya), na lumikha sa tao, nagparangal sa kanya ng pagkakahalili sa lupa, at nagpasilbi para sa kanya ng bawat bagay. Kaya naman ang ganti rito ay na magbukod-tangi siya kay Allāh sa Tawḥīd at pagsamba at magbukod-tangi siya sa Kanya sa pasasalamat sa mga biyaya Niya at mga pagpapala Niya.
Dahil doon, nasaad sa Qur'ān ang pagbanggit sa pagtupad ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) dahil sila ay pinakadakila sa mga tao sa Tawḥīd para kay Allāh (napakataas Siya) at sa pagpapakawagas sa pagkamananamba sa Kanya yayamang nagsabi Siya (napakataas Siya) tungkol sa propeta Niyang si Abraham (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): {at [mga kalatas] ni Abraham na tumupad:}[199] Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
Napaloloob sa konsepto ng masaklaw na pagtupad ayon sa Islām ang pagtupad sa pangako, ang pagtupad sa mga kasunduan at mga tipan, ang pagtupad sa pagitan ng mga mag-asawa, at ang pagtupad sa pagitan ng mga kaibigan at mga kasamahan.
Hinggil naman sa pagtupad sa pangako, nasaad nga sa Qur'ān ang pagbubunyi sa Propeta ni Allāh na si Ismael (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na siya noon ay mapagtupad sa pangako niya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Banggitin mo sa Aklat si Ismael. Tunay na siya noon ay tapat sa pangako at naging isang sugong propeta.}[200] (Qur'ān 19:54)
Dahil sa kahalagahan ng pagtupad sa pangako, nasaad nga sa talatang ito ang pagkauna nito sa pagkapropeta at pagkasugo.
Nasaad nga sa Islām ang matinding pagpapalayo ng loob sa hindi pagtupad sa pangako yayamang ang tagagawa nito bilang mapagpaimbabaw, gaya ng nasaad sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang tanda ng mapagpaimbabaw ay tatlo: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nangako siya, sumisira siya; at kapag pinagkatiwalaan siya, nagtataksil siya."[201] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Hinggil naman sa pagtupad sa mga kasunduan at mga tipan, nag-utos nga si Allāh (napakataas Siya) sa mga mananampalataya sa Qur'ān na tumupad sila sa mga kasunduan at mga tipan sapagkat nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, magpatupad kayo sa mga kontrata. ...}[202] (Qur'ān 5:1)
Nagsabi pa si Allāh: {... Magpatupad kayo ng kasunduan; tunay na ang kasunduan ay laging pinananagutan.}[203] (Qur'ān 17:34)
Nasaad sa Qur'ān ang pagbubunyi sa mga nagpapatupad ng kasunduan nila, at iyon ay kabilang sa mga katangian ng mga lingkod ni Allāh, na mga mabuting-loob at mga tagapangilag magkasala. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {... at ang mga nagpapatupad ng kasunduan nila* kapag nakipagkasunduan sila; ...}[204] (Qur'ān 2:177)
Ang Sugo ng Islām na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kabilang nga noon sa pinakamatindi sa mga tao sa pagtupad sa mga kasunduan at mga tipan. Kaya naman nang nakipagkasunduan siya sa mga kaalitan niyang liping Quraysh sa Pakikipagpayapaan sa Al-Hudaybīyah, bahagi ng nilalaman ng kasunduan na nasa pagitan niya at nila ay na magpabalik siya sa kanila ng bawat sinumang dumating bilang isang Muslim mula sa mga mamamayan ng Makkah. Kaya tumupad naman siya sa kanila hinggil doon. Nang dumating sa kanya si Abū Jandal bin Suhayl bin `Amr, pinabalik niya ito sa kanila. Iyon ay naging matindi para sa mga Muslim habang sila ay nakaririnig sa pagsigaw nito sapagkat kinuha na ito ng mga kalipi nito habang ito ay nagsasabi: "O katipunan ng mga Muslim, ibabalik ako sa mga tagapagtambal [kay Allāh] upang manligalig sila sa akin sa relihiyon ko!" Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na tayo ay nakipagkasundo na ng isang pagpayapa sa pagitan natin at ng mga tao at nagbigay na sa kanila niyon. Nagbigay sila sa atin ng isang kasunduan. Tunay na tayo ay hindi magtataksil sa kanila."
Hinggil naman sa pagtupad sa pagitan ng mga mag-asawa, tunay na nalalaman na ang bigkis ng pagkaasawa ay nakasalalay sa pag-ibig at pagpapakawagas sa pagitan ng mag-asawa. Sa tuwing nagiging matapat ang mag-asawa sa pagtupad [ng tungkulin] sa isa't isa sa kanilang dalawa, doon ay may pamamalagi ng pag-ibig sa pagitan nilang dalawa at doon ay may kaayusan para sa pamilya. Mamumuhay silang dalawa sa isang kaligayahan at isang kapanatagan. Kapag naman nasira ang balanseng ito at hindi nagtaguyod ang mag-asawa ng mga karapatan ng bigkis ng pagkaasawa, mangyayari ang panlalamig, salungatan, at pagkakagulo sa mga usapin ng pamilya.
Mayroon para sa atin sa talambuhay ng Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ang pinakatapat na ehemplo sa pagtupad ng tungkulin sa pagitan ng mag-asawa. Nagpakasal nga ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), bago dumating sa kanya ang mensahe ng pagkapropeta mula, kay Allāh kay Khadījah na anak ni Khuwaylid (malugod si Allāh dito). Kaya nagkaroon sa pagitan nilang dalawa ng pag-ibig at pagtupad. Pagkatapos tunay na ang pag-ibig at pagtupad na ito ay hindi naputol matapos ng pagyao ng maybahay niyang si Khadījah. Bagkus, siya noon ay nagbubunyi sa kanya nang madalas. Umabot ang pagkatupad niya ng katapatan dito na siya ay nagpaparangal sa mga kaibigan nito. May dumating ngang isang matandang babae minsan saka malugod na tumanggap dito ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at nagsabi siya rito: "Kumusta po kayo? Papaano po ang kalagayan ninyo? Papaano po kayo matapos namin?" Nagsabi naman ito: "Nasa mabuti naman; tubusin ng ama ko, ikaw, at ng ina ko, O Sugo ni Allāh." Matapos na nakalabas ito, nagsabi si `Ā'ishah (malugod si Allāh dito) na maybahay ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "O Sugo ni Allāh, humaharap ka sa matandang babaing iyan nang ganitong pagharap?" Kaya nagsabi siya: "Tunay na siya noon ay pumupunta sa amin sa panahon ni Khadījah at tunay na ang kagandahan ng pagkakilala ay bahagi ng pananampalataya."[205] Nagsalaysay nito sina Imām Aṭ-Ṭabarānīy, Imām Al-Ḥākim, at Imām Al-Bayhaqīy sa Shu`ab Al-Īmān.
Siya noon, kapag may dumating sa kanya na isang regalo o may kinatay na isang tupa, ay nagsasabi: "Magdala kayo nito kay Polana sapagkat tunay na siya ay kaibigan ni Khadījah. Magdala kayo nito sa bahay ni Polana sapagkat tunay na siya ay nakaiibig kay Khadījah."[206] Nagsalaysay nito sina Imām Aṭ-Ṭabarānīy, Imām Al-Ḥākim, at Imām Ibnu Ḥibbān.
Sa ganito, hindi naputol ang pagkatupad ng katapatan ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa maybahay niyang si Khadījah (malugod si Allāh dito) pati na matapos ng kamatayan nito. Ito ay bahagi ng pinakaangat sa mga antas ng pagtupad ng katapatan sa pagitan ng mag-asawa.
Hinggil naman sa pagtupad ng katapatan sa pagitan ng mga kaibigan at mga kasamahan, ito ay isang pagtupad ng katapatang nangyayari kapag nagpakatapat ang kaibigan sa kaibigan niya at nakatatagpo naman ito sa kanya sa oras ng kagipitan. Mayroon tayo ritong pinakatapat na ehemplo sa Islām. Ito ay ang pagtupad ni Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ng katapatan sa Kasamahan niyang si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh dito), na siyang kauna-unahang sumampalataya sa pagkapropeta niya at nagtiis kasama niya sa mga araw ng kagipitan, ang mga unang araw sa Islām, nang ang liping Quraysh sa Makkah ay namemerhuwisyo sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at nagpapasinungaling sa kanya. Hindi nagkasya si Abū Bakr sa pagpapatotoo; bagkus gumugugol siya mula sa yaman niya alang-alang sa pag-aadya sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Matapos na lumaganap ang Islām at lumakas ang mga Muslim, hindi nakalimot ang Propeta sa katapatan ng pagkakasamahan ng Kasamahan niyang si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh dito) sapagkat ito ay naging ang kaupuan niyang minalapit sa kanya. Nagbunyi siya rito sa harap ng mga tao ng pinakadakilang pagbubunyi sapagkat nagsabi siya: "Tunay na ang pinakamapagmabuting-loob sa mga tao sa akin sa pagkakasamahan niya at yaman niya ay si Abū Bakr. Kung sakaling ako ay gagawa mula sa mga tao ng isang matalik na kaibigan, talaga sanang gumawa ako kay Abū Bakr bilang isang matalik na kaibigan, subalit ang pagkamatalik na kaibigan sa Islām at ang pagmamahal nito [ay mainam]. Wala ngang maiiwan sa masjid na isang pinto na hindi naipinid maliban sa pinto ni Abū Bakr."[207] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Sa pamamagitan ng mga pinaiksing anyong ito, nakatatagpo tayo na ang pagtupad sa Islām ay sumasaling sa pangangailangan ng tao sa bahay niya, sa lipunan niya, kasama ng mga kasamahan niya, bagkus, at kasama ng mga kaalitan niya.
Ang Islām at ang Optimismo ng Tao
(31)
Ang optimismo ay yaong marikit na kahulugan. Ito ay isa sa mga marikit na anyo ng katotohanang nakamamangha sa Islām.
Ang optimismo ayon sa Islām ay kabilang sa mga antas ng pananampalataya na hindi naaangkop sa Muslim na hindi magsaasal siya ng mga ito. Nasaad sa Qur'ān mula sa pananalita ni Jacob (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa mga anak niya: {O mga anak ko, umalis kayo saka makiramdam kayo hinggil kay Jose at sa kapatid niya at huwag kayong mawalan ng pag-asa sa habag ni Allāh; tunay na walang nawawalan ng pag-asa sa habag ni Allāh kundi ang mga taong tagatangging sumampalataya."}[208] Iyon ay matapos na nawalay sa kanya ang anak niyang si Jose (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa loob ng mga mahabang taon subalit hindi siya nawalan ng pag-asa at optimismo. Nagpabatid nga sa atin ang Qur'ān na ang ganti sa optimismong ito ay ang pagkaupo sa trono ng Ehipto kasama ng anak niyang nawala sa kanya nang matagal. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Nag-angat siya sa mga magulang niya sa trono at *sumubsob sila sa harap niya na mga nakapatirapa. Nagsabi siya: "O ama ko, ito ay ang pagsasakatuparan ng panaginip ko bago pa niyan. Ginawa nga ito ng Panginoon na totoo. Gumawa nga Siya ng maganda sa akin noong nagpalabas Siya sa akin mula sa pagkabilanggo at naghatid Siya sa inyo mula sa ilang *matapos na nagpasigalot ang demonyo sa pagitan ko at ng mga kapatid ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagtalos sa anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay ang Maalam, ang Marunong.}[209] (Qur'ān 12:87) (Qur'ān 12:100)
Ang optimista ayon sa Islām ay nasa isang mataas na antas mula sa mga antas ng pananalig kay Allāh (napakataas Siya) sapagkat ang optimista ay nagpaganda ng palagay kay Allāh, kaya siya ay nasa isang katiyakan na si Allāh ay hindi nagtatakda para sa kanya kundi ng isang kabutihan. Nasaad sa ḥadīth qudsīy: {Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Ako ay nasa ganang palagay ng lingkod Ko sa Akin. Kung nagpalagay siya sa Akin ng isang kabutihan, ukol sa kanya ito; at kung nagpalagay siya ng isang kasamaan, ukol sa kanya."}[210] Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
Ang optimista ayon sa Islām ay matatagpuan mong hindi nawawalan ng pag-asa sapagkat siya ay nakaaalam na si Allāh ay hindi nagpapabaya sa kanya. Dahil dito, makatatagpo ka sa kanya na palagi sa pagtitiwala kay Allāh. Nag-aangat siya ng mga kamay niya nang madalas sa pagdalangin, habang humihiling kay Allāh na nagmamay-ari ng bawat bagay. Nasaad sa Qur'ān: {Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo." ...}[211] Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {O ang sumasagot ba sa nagigipit kapag dumalangin ito sa Kanya, nag-aalis ng kasagwaan, ...}[212] (Qur'ān 40:60) (Qur'ān 27:62)
Bagkus, nakatatagpo ka na ang Muslim ay nagtitiwala na ang ginhawa ay kaakibat ng hirap. Gaano man tumindi sa kanya ang mga kapighatian, siya ay nakaaalam na ang ginhawa ay darating matapos ng hirap dahil siya ay sumasampalataya nasaad sa Qur'ān, gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya): {5. Kaya tunay na kasama ng hirap ay ginhawa. 6. Tunay na kasama ng hirap ay ginhawa.}[213] (Qur'ān 95:5-6)
Nasaad nga ayon sa Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na siya ay nakaiibig sa optimismo at nasusuklam sa pesimismo, na siyang kabaliktaran ng optimismo. Siya noon ay nagsasabi: "Walang minamasamang turing at nakaiibig ako sa mabuting turing." Nagsabi sila: "Ano po ang mabuting turing, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang salitang maganda." Sa isang salaysay: "Ang salitang kaaya-aya." Sa isang salaysay: "Ang salitang maayos ay naririnig ng isa sa inyo."[214] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy, Imām Muslim, at Imām Abū Dāwūd.
Bagkus, ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nag-ooptimismo pati sa magandang pangalan. Bahagi ng katindihan ng pagkaibig niya sa optimismo sa magandang pangalan, pinapalitan niya noon ang mga pangalan na nagpapahiwatig ng pesimismo ng mga pangalang higit na maganda kaysa sa mga iyon, na nagpapahiwatig ng optimismo.
Ang Islām ay nagsasabi sa tao: "Maging optimista ka palagi at magtaboy ka ng pesimismo sa malayo."
Ang Islām ay nagsasabi sa tao: "Maging tagapagtiwala ka kay Allāh (napakataas Siya) at Siya ay magpapabaya sa iyo."
Ang Islām ay nagsasabi sa tao: "Ang pananalig kay Allāh ay ang daan mo patungo sa kapanatagan at kapahingahang sikolohikal."
Ang Islām ay nagsasabi sa tao: "Ang ginhawa ay kaakibat ng hirap at matapos ng dilim ng gabi ay darating ang tanglaw ng maghapon."
Sa ganito, tunay na ang Islām ay nagnais para sa tao na mamuhay siya ng buhay niya bilang isang optimista palagi upang lumigaya siya sa buhay niya at walang lumiligalig sa buhay niya na anuman sa pesimismo, na nagiging isang kadahilanan sa kamiserablehan ng marami na hindi tumitingin sa buhay kundi sa pamamagitan ng mata ng pesimismo.
Ang Islām at ang Taong May Kapansanan
(32)
Sa isang dakilang anyong makatao, lumilitaw sa iyo ang katotohanang nakamamangha sa Islām habang ikaw ay nakakikita sa Islām na nagpapahalaga sa may kapansanan at nagsisigasig na siya ay maging isang kumpletong bahagi sa lipunan.
Gaano man nagkaibahan ang mga antas ng kapansanan, tunay na ang Islām ay gumawa para sa lahat ng karapatan sa kumpletong pangangalaga at pagtatamasa sa mga karapatang moral at materyal.
Lumilitaw sa iyo ang katotohanang nakamamanghang iyon sa pakikitungo ng Islām sa may kapansanan sa sumusunod:
A. Ang may kapansanan ayon sa Islām ay isang kumpletong tao. Ang may kapansanan ayon sa Islām ay isang individuwal ng lipunan, at siya ay isang taong iginagalang ang pagkatao, at hindi nakaaapekto roon ang kawalang-kakayahan niyang maglingkod sa lipunan gaya ng malusog; sapagkat siya ay malalagay sa angkop na lugar na sa pamamagitan nito ay makapaglilingkod siya sa lipunan.
Lumitaw ang kahulugang ito magmula ng simula ng Islām nang may dumating na isang lalaking bulag sa Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) habang siya ay nag-aanyaya tungo sa Islām sa isang pangkat ng mga maharlika ng Quraysh sa Makkah. Humiling ito sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na magturo siya rito ng Islām ngunit hindi siya pumansin dito dahil sa pagkaabala niya sa mga maharlikang ito, na kung sakaling umanib sila sa Islām sa pag-anib nila sa Islām ay may malaking kapakanan. Subalit bumaba ang pagkasi kay Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na pumupula sa kanya sa pagtalikod niya sa bulag na ito, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {1. Nagkunot-noo siya at tumalikod siya 2. dahil dumating sa kanya ang bulag. 3. Ano ang magpapaalam sa iyo na marahil siya ay magpapakabusilak [sa kasalanan] 4. o magsasaalaala para magpakinabang sa kanya ang paalaala? 5. Tungkol sa nag-akalang nakasasapat, 6. ikaw ay sa kanya nag-aasikaso. 7. Ano [ang maisisisi] sa iyo na hindi siya magpakabusilak [sa kasalanan]? 8. Hinggil naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi 9. habang siya ay natatakot [kay Allāh], 10. ikaw ay sa kanya nagwawalang-bahala. 11. Aba’y hindi! Tunay na ang mga [talatang] ito ay isang pagpapaalaala; 12. kaya ang sinumang lumuob ay mag-aalaala siya nitong [ Qur’ān]. (Qur'ān 80:1-12)
Sa mga talatang ito, nagpapaalaala si Allāh (napakataas Siya) sa Propeta Niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang layon ay ang kapatnubayan at hindi ang mga tao sapagkat tunay na ang kapatnubayan ng lalaking bulag na ito ay higit na mainam kaysa sa mga maharlika at mga ginoo ng liping Quraysh sa Makkah dahil sila ay mga nagmamatigas at tumatanggi sa Islām at namemerhuwisyo sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at mga Muslim na pumasok sa Islām.
Ang bulag na ito ay si Abdullāh bin Ummi Maktūm. Ito nga, matapos niya, ay naging kabilang sa mga minalapit sa Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) hanggang sa punto na ito noon magkaminsan ay humahalili sa kanya sa pamumuno sa pagdarasal sa mga Muslim sa Madīnah kapag lumisan siya sa isang paglalakbay. Bagkus, ito noon ay isang mu'adhdhin ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na nananawagan para sa pagdarasal na siyang pinakadakila sa mga Haligi ng Islām matapos ng Tawḥīd.
B. Ang pagkakalakip ng may kapansanan sa lipunan. Gaya ng nagdaan sa iyo na ang taong may kapansanan ayon sa Islām ay may kumpletong pagkakaanib sa lipunan. Walang pagkakaiba sa pagitan niya at ng walang kapansanan maliban sa uri ng mga gawaing ginaganap ng walang kapansanan, na hindi naaangkop sa may kapansanan.
Ang pagkakalakip na ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay-puwang ng pagkakataon sa may kapansanan na makiambag sa lipunan niya ayon sa nakakaya niya. Dahil sa tindi ng pagpapahalaga ng Islām sa may kapansanan, nabanggit nga sa Qur'ān na si Allāh (napakataas Siya) ay nagbibigay-katwiran sa kawalan ng kakayahan niya sa ilan sa mga gawain, gaya ng kawalan ng kakayahan niya sa pakikipaglaban, gaya ng nasaad sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Walang pagkaasiwa sa bulag, walang pagkaasiwa sa pilay, at walang pagkaasiwa sa may-sakit [na magpaiwan]. ...}[216] (Qur'ān 48:17)
May lumitaw sa Islām na mga malaking iskolar na mga may kapansanan subalit hindi nakapigil sa kanila ang kapansanan sa pakikiambag sa nagpapakinabang sa lipunan. Nalakip nga sila sa lipunan at naupo sila sa pinakamataas na mga kapulungan ng kaalaman, tulad ni `Aṭā’ bin Abī Rabāḥ, na mag-aaral ni Ibnu `Abbās na isa sa mga Kasamahan ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Si `Aṭā’ na ito ay naging kabilang nga sa pinakadakila sa mga hurista ng mga Muslim. Siya ay bulag sa isang mata, paralisado, at pilay. Hindi nakapigil sa kanya ang kapansanan sa pagkalakip sa lipunan niya. Kaya siya noon ang nagsasagawa ng tungkulin ng pagtuturo at pagbibigay ng fatwā sa Masjid na Pinakababanal sa Makkah hanggang sa punto na ang tagapanawagan ay nananawagan noon sa panahon ng ḥajj: "Walang magbibigay ng fatwā sa mga tao kundi si `Aṭā’ bin Abī Rabāḥ."
C. Ang Pagsasaalang-alang sa Panig na Sikolohikal. Nalalaman na ang may kapansanan ay nangangailangan ng isang espesyal na pangangalagang sikolohikal. Nagsaalang-alang nga ang Islām ng aspetong ito. Kaya hindi pinapayagan sa Islām na pintasan ng isa ang may kapansanan dahil sa kapansanan nito o kutyain ito, tulad ng pagsasabi rito: "Hoy pilay! Hoy kirat! Hoy lumpo!" Nasaad nga sa Qur'ān: {O mga sumampalataya, huwag manuya ang ilang lalaki sa ilang lalaki: baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti kaysa sa kanila [na nanunuya]; at huwag [manuya] ang ilang babae sa ilang babae: baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti sa kanila [na nanunuya]. Huwag kayong manuligsa sa isa’t isa sa inyo at huwag kayong magtawagan ng mga [masamang] taguri. ... } (Qur'ān 49:11)
Sa halip, naghatid ang Islām ng pagtugon sa hangarin ng may kapansanan kapag naghangad siya ng pagganap ng isang gawaing hindi nababagay sa kanya, bilang pagsasaalang-alang sa kalagayang sikolohikal, gaya ng nasaad sa kuwento ni `Amr bin Al-Jamūḥ (malugod si Allāh dito), na kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Pumunta nga ito sa kanya, na humihiling na makilahok sa pakikipaglaban samantalang ito ay isang lalaking pilay, saka nagsabi ito: "Tunay na ako ay talagang umaasa na magsamartir upang makaapak ako kalakip ng pagkapilay kong ito sa Paraiso!" Kaya nagpahintulot dito ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa pakikilahok sa pakikipaglaban matapos na nagpabatid siya rito na ito ay pinagpapaumanhinan.
D. Ang Dakilang Pabuya sa Kapansanan. Talaga ngang nasaad sa Islām ang pangako ng dakilang pabuya sa kapansanan sa Araw ng Pagbangon. Sa pangakong iyon may isang dakilang pag-aliw para sa may kapansanan at isang pagpapagaan para sa kanya kapag nalaman niya na ang pinsala ng kapansanan niya ay hindi aalis nang walang dakilang panumbas. Nasaad nga kaugnay roon ang sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): {Tunay na si Allāh ay nagsabi: "Kapag sumubok Ako ng lingkod Ko dahil sa dalawang kaibig-ibig niya saka nagtiis siya at umasa siya ng gantimpala, walang naging ukol sa kanya na ganti sa ganang Akin kundi ang Paraiso."}[218] Ang kahulugan ng dalawang kaibig-ibig niya ay ang dalawang mata niya. Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
Bagkus nasaad sa Islām ang pangako ng gantimpala at pabuya sa bawat pagsubok. Napaloloob dito ang lahat ng mga kapansanan sapagkat nagsabi nga siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na ang bigat ng ganti ay kasama ng bigat ng pagsubok. Tunay na si Allāh, kapag umibig Siya sa mga tao, ay sumusubok sa kanila. Kaya ang sinumang nalugod, ukol sa kanya ang lugod; at ang sinumang nainis, ukol sa kanya ang inis."[219] Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
Sa gayon, tunay na ang kapansanan ayon sa Islām ay hindi nagpapawalang-bisa sa tao ng mga karapatan niya at hindi nagbabawas mula sa pagkatao niya, na nagparangal sa kanya nito si Allāh. Kaya nakararamdam ang may kapansanan ng halaga niya sa lipunan niya saka nabubuhay siya sa buhay niya nang walang mga pagod at walang pagkaramdam ng kakulangan.
Ang Islām at ang Tao Bilang Matanda
(33)
Lumilitaw sa iyo ang katotohanang nakamamanghang iyon ng Islām nang nangalaga ito sa matandang may edad, na naglingkod sa lipunan niya sa mga araw ng kalakasan niya. Kaya naman bahagi ng karapatan niya na maglingkod sa kanya ang lipunan kapag humina siya.
Nalalaman na ang tao ay dumaraan sa mga yugto sa buhay niya. Sa bawat yugto, namumuhay siya sa pamamagitan ng nakikipag-ayunan dito. Kaya kapag tumindi ang katipunuan, nagsisimula siya sa pagtatrabaho. Sa yugtong ito, nagpupunyagi siya para sa pagseseguro ng pamumuhay niya at pamumuhay ng mga anak niya. Kapag naman hindi siya nagkaroon ng mga anak, siya ay nasa paglilingkod sa lipunan niya.
Subalit ang lakas ng tao ay nababawasan nang unti-unti kasabay ng paglipas ng mga taon, hanggang sa sumapit siya sa gulang na humihina rito ang lakas niya sa pagtatrabaho, bagkus, maaaring mangailangan siya ng sinumang mag-aalalay sa kanya sa mga pansariling gawain. Dito dumarating ang tungkulin ng mga anak at lipunan upang sumukli ng kabutihan sa kanya yayamang nagiging karapat-dapat siya sa pangangalaga at pag-aasikaso sapagkat sumaid nga siya ng kabataan niya at lakas niya sa pagpupunyagi alang-alang sa mga anak niya at lipunan niya.
Naghatid ang Islām ng pagbibigay-diin sa mga karapatan ng matatanda ang edad sa pangangalaga at paggawa ng maganda. Lumitaw nga ito sa sumusunod:
A. Ang Paggalang sa Matanda. Talaga ngang nag-anyaya ang Islām tungo sa pagpipitagan sa matanda habang ito dahil diyan ay nagtutuon ng mga pansin sa halaga ng matatanda ang edad dahil ang pagpipitagan ay ang una sa mga antas ng pagpapahalaga at pangangalaga. Nasaad nga ito nang tahasan sa sabi ng Sugo ng Islām na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Hindi kabilang sa atin ang sinumang hindi naaawa sa nakababata sa atin at [hindi] nakakikilala sa dangal ng nakatatanda sa atin."[220] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmid̆īy.
Bagkus, Tunay na ang Islām ay gumawa sa paggalang sa matanda bilang bahagi ng pagpipitagan kay Allāh at pagdakila sa Kanya. Dito ay may isang matinding pagbibigay-diin sa pagkakinakailangan ng paggalang sa matanda yayamang nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Bahagi ng pagpipitagan kay Allāh ang pagpaparangal sa matandang Muslim."[221] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
B. Ang Pagpapauna sa Matanda. Ito ay napaloloob sa pagdakila at pagrespeto sa nakatatanda, kung saan isinasagawa ang pag-uuna sa kanya kaysa sa nakababata. Ito ay bahagi ng pagdakila ng Islām sa nakatatanda. Nasaad ang pag-uutos ng pagpapauna sa nakatatanda sa pinakadakilang pagtitipon na nagsasama-sama sa mga Muslim, ang Pagdarasal sapagkat nag-utos nga ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang nasa likuran niya sa pagdarasal ay ang mga nakatatanda. Iyon ay nasaad sa sabi niya: "Tumabi sa akin kabilang sa inyo ang mga may mga pagtitimpi at katinuan."[222] Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Gayundin, nagsaad ang pag-uutos na ang nakatatanda ay may pagkauna sa pamumuno sa pagdarasal. Iyon ay matapos na matugunan ang mga kundisyon ng pamumuno sa pagdarasal sa higit sa isa. Iyon ay nasaad sa sabi ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Mamumuno sa dasal sa mga tao ang pinakamapagbigkas (magaling) sa kanila ng Aklat ni Allāh at ang pinakauna sa kanila sa pagbigkas; ngunit kung ang pagbigkas nila ay naging pantay, mamuno sa kanila ang pinakauna sa kanila sa paglikas; ngunit kung sila sa paglikas ay naging pantay, mamuno sa kanila ang pinakamatanda sa kanila sa edad."[223] Ang ḥadīth na ito ay tahasan sa pagdakila ng Islām sa nakatatanda nang gumawa ito sa katandaan ng edad bilang isang matimbang na pamantayan sa pagkakarapat-dapat sa pamumuno sa pagdarasal. Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Bagkus, umabot ang pagkalinga ng Islām sa nakatatanda na ito ay nag-obliga sa nakababata na magsimula siya sa nakatatanda ng pagbati kapag dumaan sa kanya ang nakatatanda, gaya ng nasaad sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Babati ang nakababata sa nakatatanda, ang dumaraan sa nakaupo, at ang kaunti sa marami."[224] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
C. Ang Pagsasamabuting-loob sa mga Magulang. Talaga ngang naghatid ang Islām ng pagpapaigting sa pagsasamabuting-loob sa mga magulang at paggawa ng maganda sa kanila. Lumitaw nga ito nang may kaliwanagan sa bagay na ang pag-uutos hinggil doon ay nasaad sa Qur'ān, na siyang pinakakatiwa-tiwala sa mga pinagkukunan at pinakamalakas sa mga ito sa mga pinagkukunan ng pagsasabatas sa Islām. Nang nasaad iyon sa Qur'ān, nasaad iyon kaakibat ng pag-uutos ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh (napakataas Siya), na siyang pinakadakila sa mga haligi ng Islām. Kaugnay rito ay may isang pagtawag-pansin sa kainaman ng pagsasamabuting-loob sa mga magulang. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {23. Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda. Kung aabutan nga naman sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng pagkasuya at huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal. 24. Magbaba ka para sa kanila ng loob sa pagkaaba *dahil sa* pagkaawa at magsabi ka: "Panginoon ko, maawa Ka sa kanilang dalawa yayamang nag-alaga silang dalawa sa akin noong bata pa [ako]."}[225] (Qur'ān 17:23-24)
Nasaad sa talatang ito ang pagbibigay-diin sa pagsasamabuting-loob sa mga magulang sa pamamagitan ng mga malakas na pagbibigay-diin:
Nasaad ang pag-uutos ng pagsasamabuting-loob sa kanila kaakibat ng Tawḥīd, na siyang pinakadakila sa mga haligi ng Islām.
Ang pagsaway na magsabi sa kanilang dalawa ng: "Pwe," na isang pagsambit na walang pananalita, sa sandali ng pagkasuya. Nasaad dito na ang pagsambit nito ay higit na matindi sa pagkasaway.
Ang pagsaway laban sa pagbulyaw sa kanilang dalawa. Bagkus kinakailangan sa kanya: Ang makipag-usap sa kanilang dalawa nang may etiketa at respeto at hindi magtaas ng tinig niya higit sa tinig nilang dalawa.
Ang magsabi sa kanilang dalawa sa sandali ng pakikipag-usap sa kanilang dalawa ng isang marikit na pananalitang wala ritong alinmang kagaspangan.
Ang maawa sa kanilang dalawa at mahabag sa kanilang dalawa dahil silang dalawa ay tumanda na at nangangailangan mula sa kanya ng pagkaawa at pagmamalasakit, kung paanong silang dalawa ay nagmamalasakit sa kanya noong siya ay bata pa, bagkus, pati nang lumaki na siya.
Ang manalangin kay Allāh ng pagkaawa at kapatawaran para sa kanilang dalawa habang buhay pa silang dalawa at matapos ng pagkamatay nilang dalawa.
Sa gayon, tunay na ang Islām ay nagsaalang-alang sa mga karapatan ng tao sa lahat ng mga yugto nila, sa pagsisimula sa pagkapaslit, bagkus, sa tiyan ng ina niya, sa pagdaan sa yugto ng pagkakabataan, pagkatapos sa pagkakasapatang-gulang, pagkatapos sa katandaan, upang maingatan sa tao ang karangalan na nagparangal nito sa kanya si Allāh (napakataas Siya).
Ang Islām at ang Sakit ng Tao
(34)
Ang pangangalaga ng Islām sa maysakit ay isa sa mga anyo ng katotohanang nakamamangha sa Islām. Lumilitaw ang pagkalinga ng Islām sa maysakit sa mga sumusunod:
A. Ang Pagkalingang Espirituwal. Malinaw na sa ganang mga espesyalistang manggagamot na ang aspetong espirituwal at sikolohikal ay may malaking gampanin sa paggaling mula sa sakit. Sa pamamagitan ng pagkalingang espirituwal nakakaya ng maysakit ang pakikipamuhay sa sakit, ang paglaban dito, ang hindi pagsuko, ang pagtitiis, at ang hindi pagkabalisa. Ito sa kabuuan nito ay nakikiambag ng malaki sa paggaling.
Ang pinakadakila sa inihatid ng Islām kaugnay rito ay na ito ay nag-ugnay sa maysakit kay Allāh (napakataas Siya) sapagkat Siya ang nasa kamay Niya ang paggaling. Sa pamamagitan ng kaugnayang ito, nakatatagpo tayo na ang Islām ay nagpagaan para sa maysakit dahil sa pag-uugnay sa kanya sa gantimpala ni Allāh (napakataas Siya) para sa kanya at na ang sakit ay isang pagkakataon para sa pagtatakip-sala sa mga pagkakasala. Kaya ang bawat pagdurusang natatagpuan ng maysakit ay tinutumbasan siya rito ng pabuya at gantimpalang dakila. Nasaad nga ito nang tahasan sa sabi ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Walang dumadapo sa Muslim na pagkapagal ni pagkakasakit ni pag-aalala ni pagkalungkot ni pagkaperhuwisyo ni pagkapighati − pati na ang tinik na tuminik sa kanya − malibang magtatakip-sala si Allāh dahil sa mga ito sa mga kamalian niya."[226] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Napaloloob sa pagkalingang espirituwal sa maysakit ang pagpapaibig sa pagbisita sa kanya para sa pagpapagaan para sa kanya. Nasaad nga rito ang pangako ng dakilang gantimpala sa Araw ng Pagbangon. Nagsabi ang Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang sinumang dumalaw sa isang maysakit o bumisita sa isang kapatid niya [sa pananampalataya] dahil kay Allāh, may mananawagan sa kanya na isang tagapanawagan [na nagsasabi]: Umaya-aya ka at umaya-aya ang gantimpala mo at lumuklok ka mula sa Paraiso sa isang tahanan."[227] Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmid̆īy.
B. Ang Pagkalingang Pampanggagamot. Ito ay isang pagpapalawig ng pagkalingang espirituwal dahil ang epekto ng panggagamot kasama ng epektong espirituwal ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng paggaling. Gumabay nga ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) tungo sa mga anyo ng pagkalingang pampanggagamot, na nagpapatunay sa pagkalinga ng Islām sa maysakit. Kabilang sa mga anyong ito:
Ang nasaad kaugnay sa paggamot sa lagnat sa pamamagitan ng tubig. Kaugnay rito, nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang lagnat ay mula sa init ng Impiyerno. Kaya mag-apula kayo nito sa pamamagitan ng tubig."[228] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Ang Paglulunas sa Pamamagitan ng Pulut-pukyutan: Talaga ngang gumabay ang Qur'ān na ang pulut-pukyutan ay isang pagpapagaling para sa mga sakit. Napagtibay nga ang katapatan niyon sa mga pangmedisinang kontemporaryong pananaliksik. Nasaad sa Qur'ān ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {68. Nagkasi ang Panginoon mo sa babaing bubuyog, na [nagsasabi]: "Gumawa ka mula sa mga bundok ng mga bahay, mula sa mga punong-kahoy, at mula sa ipinatatayo nila. 69. Pagkatapos kumain ka mula sa lahat ng mga bunga saka tumahak ka sa mga landas ng Panginoon mo nang sunud-sunuran." May lumalabas mula sa mga tiyan ng mga iyon na isang inuming nagkakaiba-iba ang mga kulay nito, na may taglay itong lunas para sa mga tao. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.}[229] (Qur'ān 16:68-69)
Nasaad ang praktikal na pagpapatupad ng talatang ito mula sa Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sapagkat may pumunta sa kanya na isang lalaki saka nagsabi ito: "Ang kapatid ko ay dumaraing ng tiyan niya." Kaya nagsabi siya: "Magpainom ka sa kanya ng pulut-pukyutan." Pagkatapos pumunta ito sa ikalawang pagkakataon saka nagsabi siya: "Magpainom ka sa kanya ng pulut-pukyutan." Pagkatapos pumunta ito sa kanya sa ikatlong pagkakataon saka nagsabi siya: "Magpainom ka sa kanya ng pulut-pukyutan." Pagkatapos pumunta ito sa kanya saka nagsabi ito: "Ginawa ko na," kaya nagsabi siya: "Nagtotoo si Allāh at nagsinungaling ang tiyan ng kapatid mo. Magpainom ka sa kanya ng pulut-pukyutan." Kaya nagpainom uli ito niyon saka gumaling iyon.[230] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Magkakasya tayo sa dalawang anyong ito sapagkat naroon ang marami sa mga praktikal na anyo sa paggamot ng mga sakit. Nasaad nga ang mga ito sa ḥadīth ng Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).
C. Ang Pagpapagaan Para sa Maysakit sa mga Pagsamba: Ang Islām ay isang relihiyong nakasalalay sa ginhawa at pagpapagaan. Ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nakaiibig nga noon ng pagpapagaan sa mga tao at hindi nag-aatang sa kanila kundi ng nakakayanan nila, hanggang sa tunay na siya ay nag-iwan ng ilan sa mga pagsamba na hindi nakakayanan ng bawat isa, nang sa gayon hindi maisatungkulin ang mga ito sa mga Muslim.
Dahil ang sakit ay nagpapahina sa lakas ng maysakit, nasaad nga ang pagpapagaan para sa kanya sa pagganap ng mga pagsamba na nangangailangan ng isang lakas na pangkatawan, gaya ng pagdarasal, pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān, at pakikipaglaban. Hinggil naman sa pagdarasal, nagsabi nga ang Sugo ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Magdasal ka nang patayo, ngunit kung hindi mo nakaya ay paupo, ngunit kung hindi mo nakaya ay [pahiga] sa tagiliran."[231] Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Hinggil naman sa pag-aayuno, pinapayagan sa maysakit na tumigil-ayuno sa buwan ng Ramaḍān at magbayad-pagsasagawa ng ayuno niya matapos ng paggaling niya, gaya ng nasaad sa Qur'ān: {Ang buwan ng Ramaḍān ay ang [buwang] pinababa rito ang Qur’ān bilang patnubay para sa mga tao at bilang mga malinaw na patunay mula sa patnubay at saligan. Kaya ang sinumang nakasaksi kabilang sa inyo sa buwan [ng Ramaḍān] ay mag-ayuno siya rito at ang sinumang maysakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa mga ibang araw. Nagnanais si Allāh sa inyo ng isang ginhawa at hindi Siya nagnanais sa inyo ng hirap at upang bumuo kayo ng bilang *at upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.}[233] (Qur'ān 2:185)
Gaya ng pagkasaad sa talatang ito ng permiso para sa maysakit sa pagtigil-ayuno sa buwan ng Ramaḍān dahil sa hirap ng pag-aayuno sa kanya, gayundin nasaad dito ang permiso sa pagtigil-ayuno para sa manlalakbay dahil sa hirap ng paglalakbay.
Sa ganito, nakatatagpo ka na ang Islām ay nagpapahalaga sa maysakit sa pagsisimula sa aspetong espirituwal at sa pagwawakas sa pagpapagaan para sa kanya sa pagganap ng ilan sa mga pagsamba. Sa lahat ng ito ay may pagsasaalang-alang sa kalagayan ng tao sa pagkakasakit, gaya ng pagsasaalang-alang sa kalagayan niya sa kalusugan. Dahil ang tao ay mahina, nangangailangan siya ng tulad ng ganitong pagkalinga nang sa gayon ito ay maging isang tulong para sa kanya sa paggaling upang manumbalik siya sa pagganap ng misyon niya nang kumpleto, na ang pinakadakila rito ay ang pagsamba kay Allāh (napakataas Siya).
Ang mga Haligi ng Islām at ang Tao
(35)
Lumilitaw ang katotohanang nakamamangha sa Islām sa pinakamataas sa mga anyo nito sa mga haligi ng Islām, na siyang gaya ng pundasyon para sa estruktura, na sa kawalan ng pundasyon, ay hindi tatatag ang estruktura.
Ang mga haligi ng Islām ay ang mga nakahayag na gawa ng tao, na sinasabi at ginagawa. Ang mga ito ay ang mga batayan ng mga pagsamba, na nagpapakalapit-loob sa pamamagitan ng mga ito ang Muslim sa Panginoon niya.
Hindi nakukumpleto ang Relihiyon ng Muslim hanggang sa magsagawa siya sa mga ito nang kumpleto.
Ang unang haligi mula sa mga Haligi ng Islām ay na sumaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Ang pagsaksing ito ay ang pagkilala. Ito ay ang magkaila sa lahat ng sinasamba bukod pa kay Allāh at ang magpatibay ng pagsamba para kay Allāh – tanging sa Kanya – at sumasaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).Sa pamamagitan nito, ang tao ay nagiging isang Muslim.
Pagkatapos magkukumpleto ang tao ng natitira sa mga Haligi ng Islām:
Ang ikalawang haligi, ang Pagdarasal, ay isang gawaing pangkatawan at isang pakikiugnay sa pagitan ni Allāh at ng Muslim, na nag-uugnay sa Muslim kay Allāh (napakataas Siya) at namumuhay siya kasama nito sa isang sikolohikal na dakilang kapahingahan. Dahil doon, ang Sugo ng Islām noon (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nagsasabi: "O Bilāl, magsagawa ka ng iqāmah ng pagdarasal, magbigay-kapahingahan ka sa amin sa pamamagitan nito."[233] Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Ang pagdarasal ay ipinang-uugnay ng Muslim sa Panginoon niya (napakataas Siya) nang walang tagapagpagitna. Bumabaling siya sa Kanya sa pamamagitan ng puso niya at humihingi sa Kanya ng anumang niloob niya mula sa mga pangangailangan niya. Kaya naman siya ay nakatindig sa harapan ng pinto ng Hari ng mga hari (napakamapagpala Siya at napakataas). Namumuhay ang Muslim sa mga maligayang sandaling ito sa araw at gabi nang limang ulit at naghahanda siya para rito sa pamamagitan ng wuḍū’, kadalisayan, kalinisan ng lugar, at pagsusuot ng mga kasuutang naaangkop.
Ang ikatlong haligi, ang zakāh, ay isang gawaing pampananalapi na dumarating nang isang ulit sa isang taon. Ito ay nagdadalisay ng yaman at nagpapalago nito. Nag-ugnay nga ang Islām sa mga kasapi nito at gumawa ito sa kanila bilang magkakapatid, na umiibig ang isa't isa sa kanila at nagmamalasakit ang isa't isa sa kanila. Umiiral sa kanila ang pagmamagandang-loob, ang pagkahabag, at ang pag-ibig. Dahil doon, nag-obliga Ito ng isang lubhang maliit na bahagi ng yaman na kinukuha mula sa mga mayaman at ibinibigay sa mga maralita, nang sa gayon ang lipunan ay maging nagkakaugnayan. Sa ganito ay may isang pagpapakilos na pang-ekonomiya para sa yaman dahil ang mga maralita ay bumibili sa pamamagitan ng yamang ito ng mga paninda. Sa zakāh ay may lunas para sa suliranin ng inggit at poot na maaaring dumapo sa mga maralita tungo sa mga mayayaman. Ang zakāh ay gumagawa sa kanila na makaramdam na ang mga mayamang kapatid nila ay nagpapalubag-loob sa kanila mula sa mga yaman ng mga ito.
Ang Ikaapat na haligi, ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān, ay isang gawaing pangkatawan na dumarating nang isang ulit sa isang taon. Ang reyalidad nito ay ang pagpapatigil sa pagnanasa ng tiyan at ari. Tunay na ang buwan ng Ramaḍān na isinatungkulin ni Allāh sa Muslim ay nagpapadama sa kanya ng pagkakait sa mga maralita at mga nangangailangan kapag namuhay siya sa ilang panahon kasama ng gutom at uhaw. Kaya naman nagpapakilos sa kanya ito sa pag-alalay sa mga nangangailangan. Kaya ang buwan ng Ramaḍān ay ang buwan ng kawanggawa at kagalantehan. Ang Sugo ng Islām nga (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay madalas ang pagkamapagbigay at ang kagalantehan sa buwan ng Ramaḍān. Sa mga gabi ng buwan ng Ramaḍān ay namumuhay ang Muslim sa mga maligayang sandali kasama ng pagdarasal ng tarāwīḥ sapagkat ito ay isang sustansiyang espirituwal dahil ito ay nag-aayuda sa kaluluwa ng isang lakas na espirituwal para sa buong taon. Nagpipinid ang Muslim ng pag-aayuno niya sa pamamagitan ng pagbibigay ng zakātulfiṭr. Ito ay bago ng araw ng `eid. Ito ay isang pagpapalawig ng dakilang pinapakay sa pag-aayuno, ang pag-alalay sa mga maralita sa pamamagitan ng pagkain nang sa gayon hindi sila mangailangan ng panghihingi sa mga tao sa araw ng eid. Gayundin, tunay na ang zakātulfiṭr ay isang pagpapahayag ng pagkatuwa sa pagwawakas ng pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān.
Ang ikalimang haligi, ang ḥajj, ay isang gawaing pinagsamang pangkatawan at pampananalapi at isinasagawa nang isang beses sa tanang buhay. Ito sa diwa nito ay ang pagsadya sa Bahay na Pinakababanal at sa Makkah nang may layunin ng pagsamba. Ito ay isang pagsambang nakabatay sa pagbibigay-sigla sa katawan sa pamamagitan ng isang pagkaing espirituwal mula sa isang uring hindi nauulit sa loob ng isang taon kundi isang beses, kung saan makatatagpo ang Muslim ng sarili niya sa harap ng Ka`bah, na siyang qiblah, na nagdarasal siya sa dako niyon ng limang dasal sa bawat araw at gabi. Gayundin, ang ḥajj ay paggasta ng yaman, na siyang panggastos sa paglalakbay niya papunta sa Makkah. Dito ay may pagpapahirati ng sarili sa pag-uukol ng yaman sa pagtalima kay Allāh (napakataas Siya). Sa ḥajj ay mamumuhay ang Muslim sa mga sandaling hindi nauulit dahil siya ay makakikita sa harap niya ng mga Muslim na nagdatingan mula sa lahat ng mga panig ng Mundo. Sa ḥajj ay may isang dakilang aral sa pagkakapantay-pantay sapagkat ang lahat dito ay nagsusuot ng iisang gayak na hindi natatangi sa panlabas na anyo. Ang lahat ay gumaganap ng mga rituwal ng ḥajj sa iisang lugar, na tumatayo sa harap ni Allāh (napakataas Siya) habang silang lahat ay mga lingkod Niya. Nagpahintulot nga ang Islām ng pangangalakal sa panahon ng ḥajj. Dito ay may kapakanang pang-ekonomiya, kung saan lumalago ang mga bentahan sa mga pamilihan ng Makkah at Madīnah at mga karatig na lungsod. Tumawag-pansin ang Qur'ān sa pagsasama sa ḥajj sa pagitan ng pagsamba at ng makamundong kapakinabangan at pagpapalubag-loob sa mga maralita, gaya ng nasaad sa sabi ni Allāh (napakataas Siya): {upang makasaksi sila ng mga pakinabang para sa kanila at bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa mga araw na nalalaman dahil sa itinustos Niya sa kanila na hayop na mga panghayupan. Kaya kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo sa sawing-palad na maralita.}[234] (Qur'ān 22:28)
Ang mga Haligi ng Pananampalataya at ang Tao
(36)
Nauugnay ang katotohanang nakamamangha ng Islām upang makumpleto para sa tao ang aspeto ng pananampalataya at ang aspeto ng gawain. Sumasalamin ang Islām sa dalawang bagay at hindi nagsasakatotohanan ang pagkaanib sa Islām ng tao kundi sa pamamagitan ng dalawang ito.
Ang mga Haligi ng Pananampalataya ay mga gawaing panloob, na ang kinalalagyan ng mga ito ay ang puso. Ang mga ito ay anim:
A. Ang Pananampalataya kay Allāh: Ito ay ang pagpapatotoo sa kairalan ni Allāh, na Tagapagmay-ari ng Sansinukob sa kabuuan nito at Tagapangasiwa nito, ang pagsamba sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) tanging Siya, ang pananampalataya sa bawat anumang pinagtibay ni Allāh para sa sarili Niya na mga katangian, at ang pagpapaakay sa mga inuutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
B. Ang Pananampalataya sa mga Anghel: Ang pananampalataya na si Allāh ay lumikha ng mga anghel mula sa isang liwanag. Sila ay hindi nangangailangan ng pagkain at inumin. Sila ay mga pinagsisilbi para sa pagtalima sa Kanya. Kabilang sa mga tungkulin nila na sila ay mga tagapagpagitna sa pagitan ni Allāh (napakataas Siya) at ng mga propeta Niya at mga sugo Niya (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga), na nagbaba ng pagkasi.
C. Ang Pananampalataya sa mga Kasulatang Makalangit: Ang pananampalataya na ang mga ito ay salita ni Allāh at pagkasi Niya, na pinababa Niya sa mga propeta Niya at mga sugo Niya (sumakanila ang pagpapala at ang pangangalaga), kasama ng pananampalataya na ang Qur'ān ay ang kahuli-hulihan sa mga makalangit na kasulatang iyon at ito ay ang Aklat na nagpawalang-bisa sa mga makalangit na naunang kasulatan. Ang pagkakaiba sa pagitan nito at ng mga iyon ay na ang mga naunang kasulatan ay nahaluan ng salita ng tao at kaisipan nila. Hinggil naman sa Qur'ān, ito ay salita ni Allāh, na hindi nahaluan ng salita ng tao. Nasaad sa Qur'ān: {Nagpababa Kami sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na kasulatan at bilang tagapagsubaybay rito. ...}[235] (Qur'ān 5:48)
D. Ang Pananampalataya sa mga Sugo (Sumakanila ang Basbas at ang Pangangalaga): Ang pagpapatotoo sa lahat ng mga propeta at mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) bilang pagbubuod at bilang pagdedetalye sa mga nasaad ang pagkabanggit sa kanila sa Qur'ān. Sila ay dalawampu't lima. Nasaad sa Qur'ān: {Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya." Nagsabi sila: "Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan."}[236] (Qur'ān 2:285)
E. Ang Pananampalataya sa Huling Araw: Ito ay ang araw na tatakdaan dito ang kahahantungan ng mga nilikha at ang pananampalataya sa lahat ng nasaad sa Qur'ān at ayon sa Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na mga pabatid na pangnakalingid, na kabilang sa mga ito ang mga palatandaan ng Huling Sandali, ang yugto matapos ng kamatayan, ang pagkabuhay ng mga nilikha, ang pagtungo ng mga ito sa Lupain ng Kalapan [ng mga binuhay], ang pagtigil nila para sa paglalahad at pagtutuos, pagkatapos ang paglalagay ng timbangan, ang [pagtawid sa] Ṣirāṭ (Landasin), pagkatapos ang huling kahahantungan patungo sa Paraiso o Impiyerno.
F. Ang pananampalataya sa Pagtatakda: sa Kabutihan nito at Kasamaan Nito. Ang pagpapatotoo na si Allāh ay nagtakda ng bawat bagay magmula ng simula ng paglikha hanggang sa Araw ng Pagbangon. Siya ay Nakaaalam sa bawat anumang magiging at mangyayari dahil ang bawat anumang itinakda Niya ay mangyayari ayon sa kalooban Niya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {... at lumikha Siya ng bawat bagay saka nagtakda rito ng isang pagtatakda."}[237] (Qur'ān 25:2)
Ang Islām at ang Pananampalataya ng Tao sa Lahat ng mga Propeta (Sumakanila ang Basbas at ang Pangangalaga)
(37)
Dito lumilitaw sa iyo ang katotohanang nakamamangha sa Islām yayamang namumukod ang Islām sa tahasang pag-aanyaya at pagbibigay-diin sa pagkakinakailangan ng pananampalataya sa lahat ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga).
Nagsaad ang Islām ng pananampalataya sa lahat ng mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) at ng pagkakinakailangan ng pagpapatotoo sa kanila. Sa isang pagwawangis na kagilas-gilas, natatagpuan natin na si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nagwangis sa mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) sa magkakapatid, na ang ama nila ay iisa at ang mga ina nila ay iba-iba: "Ako ay pinakamalapit sa mga tao kay Jesus na anak ni Maria sa Mundo at Kabilang-buhay. Walang propeta sa pagitan ko at niya. Ang mga propeta ay mga anak ng mga doaya, na ang mga ina nila ay iba-iba at ang relihiyon nila ay iisa."[238] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Sa Islām ay nakatatagpo tayo na ang Qur'ān ay bumanggit na ang mensahe ng lahat ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) ay iisa. Ito ay ang pag-aanyaya tungo sa Tawḥīd ni Allāh (napakataas Siya) at na Siya ay ang karapat-dapat – tanging Siya – sa pagkasinasamba.
Nagsigasig nga ang Islām sa pagtuturo sa mga tagasunod nito ng pagkakailangan ng pananampalataya sa lahat ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) at ng hindi pagtatangi-tangi sa pagitan nila. Dahil sa kahalagahan ng bagay na iyon, nagbaba niyon ang Qur'ān sa isang maliwanag na anyo, bagkus, nag-ugnay ito niyon sa pananampalataya kay Allāh (napakataas Siya) dahil Siya ay ang nagsugo ng lahat ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya." Nagsabi sila: "Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan."}[239] (Qur'ān 2:285)
Yayamang ang mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) sa kalahatan ay mga ipinadala mula kay Allāh (napakataas Siya), sila ay magkakapantay sa pagpapatotoo at pananampalataya sa kanila dahil ang pinagmulan ay iisa. Ang sinumang hindi sumampalataya sa lahat ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga), siya ay nasasadlak sa isang mabigat na pagkasalungatan sapagkat tunay na ang kalagayan niya rito ay gaya ng kalagayan ng isang taong may dumating sa kanya na isang ulat na tapat mula sa isang pangkat na mayroong isang pangyayaring nangyari nga, saka nagsabi siya: "Ako ay naniniwala kay Polano at kay Polano subalit hindi naniniwala kay Polano at kay Polano!" Kaya makapagsasabi tayo sa kanya: "Ito ay isang pagkamangmang at isang pagkasalungatan mula sa iyo sapagkat tunay na ang ulat ay iisa. Ang lahat sa kanila ay nagpaabot sa iyo ng mismong ulat. Kaya walang kahulugan sa kawalan ng paniniwala mo sa isa sa kanila. Tunay na ito ay isang kahangalan na hindi nalulugod dito ang isang nakapag-uunawa sa sarili niya.
Ang kaligayahan ng tao ay nakaugnay sa pagpapatotoong ito dahil siya ay magiging nakadugtong sa iisang pinagkukunan, na si Allāh (napakataas Siya), na nagsugo sa lahat ng mga propetang ito (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga).
Nakatatagpo ka sa Islām na ang pananampalataya sa lahat ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) ay kabilang sa Anim na Haligi ng Pananampalataya, na siyang ang pananampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, sa Huling Araw, at sa pagtatakda, sa kabutihan nito at kasamaan nito.
Sa Islām, kinakailangan ang pagdakila sa lahat ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) at ang paggalang sa kanila. Kapag bumanggit tayo ng isa sa kanila, nagsasabi tayo: "Sumakanya ang basbas at ang pangangalaga." Nasaad nga ang pagbubunyi sa Qur'ān sa lahat ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {33. Tunay na si Allāh ay humirang kay Adan, kay Noe, sa mag-anak ni Abraham, at sa mag-anak ni `Imrān higit sa mga nilalang. 34. mga supling na ang ilan sa kanila ay mula sa ilan. Si Allāh ay Madinigin, Maalam. }[240] (Qur'ān 3:33-34)
Nasaad sa Qur'ān ang pagbubunyi sa Propeta ni Allāh na si Jesus (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): {30. Nagsabi ito: "Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Kasulatan at gumawa Siya sa akin bilang propeta. 31. Gumawa Siya sa akin bilang pinagpala saan man ako naroon at nagsatagubilin Siya sa akin ng pagdarasal at pagkakawanggawa hanggat nananatili akong buhay. 32. [Gumawa Siya sa akin] bilang mabuting-loob sa ina ko, at hindi Siya gumawa sa akin bilang *palasupil na malumbay. 33. Ang kapayapaan ay sumaakin sa araw na ipinanganak ako, sa araw na mamamatay ako, at sa araw na bubuhayin ako bilang buhay." }[241] (Qur'ān 19:30-33)
Nasaad sa Qur'ān ang pagbubunyi sa propeta ni Allāh na si Moises (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): {Banggitin mo sa Aklat si Moises. Tunay na siya noon ay isang itinangi at naging isang sugong propeta.}[242] (Qur'ān 19:51)
Bagkus tunay na ang Islām ay nagtanggol sa mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) kontra sa mga tagapagpasinungaling at kontra sa mga namemerhuwisyo noon sa kanila. Ito ay isang pagbibigay-diin sa katayuan nila sa Islām, at na sila sa kalahatan ay naging karapat-dapat sa pagpapatotoo at paggalang yayamang nasaad sa Qur'ān ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {... Kaya ba sa tuwing may naghatid sa inyo na isang sugo ng hindi pinipithaya ng mga sarili ninyo ay nagmamalaki kayo sapagkat sa isang pangkat ay nagpapabula kayo at sa isang pangkat ay pumapatay kayo?}[243] Nasaad din ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Talaga ngang nangutya sa mga sugo bago mo pa kaya pumaligid sa mga nanuya kabilang sa kanila ang dati nilang kinukutya.}[244] (Qur'ān 2:87) (Qur'ān 6:10 at Qur'ān 21:41)
Bagkus tunay na ikaw ay makatatagpo sa Qur'ān na ang pagkabanggit sa ilan sa mga propeta ay nasaad nang higit kaysa sa pagkabanggit sa pangalan ni Propeta Muḥammad (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga), na nasaad ang pagkabanggit ng pangalan niya sa Qur'ān nang apat na ulit, samantalang nasaad ang pagkabanggit kay Jesus (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa Qur'ān nang 16 beses at nasaad ang pagkabanggit kay Moises (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa Qur'ān nang 124 beses.
Bagkus nasaad sa Qur'ān ang pagkabanggit kay Maria (sumakanya ang pangangalaga) nang 30 beses habang walang nasaad na pagkabanggit sa alinman sa isa sa mga ina o mga maybahay ni Propeta Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).
Kaya naman ang Islām ay nag-aanyaya sa tao tungo sa pagsampalataya sa lahat ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga), sa pagdakila sa kanila at paggalang sa kanila dahil tunay na sa bagay na iyon ay may pag-aanyaya tungo sa pagkakaisa ng kaligayahan ng sangkatauhan, na hindi naisasakatotohanan kundi sa pamamagitan ng pagsunod sa mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) at pagpapatotoo sa kanila.1
Ang Paghihimalang Pangkaalaman sa Qur'ān at sa Tao
(38)
Ang katotohanang nakamamangha na dala ng Islām ay ang pagpapabatid ng Marangal na Qur'ān hinggil sa mga katotohanang makaagham, na pinatunayan ng agham na eksperimental kamakailan, at napagtibay na hindi maaaring matanto sa pamamagitan ng mga kaparaanang pantao sa panahon ng pagkasugo ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mahigit labing-apat na siglo na ang nakalilipas. Babanggit tayo ng ilan sa mga ito:
Ang mga Yugto ng Paglaki ng Fetus sa Tiyan ng Ina Nito. Nasaad nga ang katotohanang nakamamangha sa Qur'ān, na nagdedetalye hinggil sa mga yugto ng pagkabuo ng fetus sa tiyan ng ina nito daan-daang taon bago ng paglitaw ng mga kaparaanan ng makabagong teknolohiya. Kinilala nga ito ng isa sa malalaking siyentipiko ng embryology sa Daigdig, ang Kanadiyanong si Keith Moore, sa aklat niyang awtorisado sa mga kolehiyo ng medisina sa Daigdig. Nagsabi siya: "Tunay na ang Marangal na Qur'ān ay ang mag-isang aklat na bumanggit bago ng kasalukuyang panahon natin nang may sukdulang kawastuhan ng mga yugto ng paglaki ng fetus."
Nasaad nga ang mga yugto ng fetus sa Qur'ān ayon sa isang pagkakasunud-sunod na pinatibayan ng mga pananaliksik na makaagham. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {12. Talaga ngang lumikha Kami ng tao mula sa isang hinango mula sa isang putik. 13. Pagkatapos gumawa Kami sa kanya na isang patak sa isang pamamalagiang matibay. 14. Pagkatapos lumikha Kami sa patak bilang malalinta, saka lumikha Kami sa malalinta bilang kimpal ng laman, saka lumikha Kami sa kimpal ng laman bilang mga buto, saka bumalot Kami sa mga buto ng laman. Pagkatapos nagpaluwal Kami nito bilang iba pang nilikha. Kaya napakamapagpala si Allāh, ang pinakamaganda sa gawa sa mga tagalikha.} (Qur'ān 23:12-14) Nagsimula nga ang talata sa paglikha kay Ādam (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na siyang pinagmulan ng sangkatauhan. Pagkatapos binanggit ng talata ang paglikha sa mga supling niya. Ang paglikhang ito ay nagsisimula sa patak; pagkatapos ay malalinta na kumakapit sa lamad (membrame) ng sinapupunan; pagkatapos ay kimpal ng laman, na nahahawig sa nginuyang masa (dough) at nangyayari ito matapos ng ilang linggo. Mula sa kimpal ng lamang ito nabubuo ang mga buto bago ng laman, gaya ng napagtibay ng modernong embriyolohiya. Nasaad nga sa Qur'ān din ang pahiwatig na ang fetus ay nasa tatlong kadiliman. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {... Lumilikha Siya sa inyo sa mga tiyan ng mga ina ninyo sa isang paglikha *matapos na* ng isang paglikha sa tatlong kadiliman. Iyon si Allāh, ang Panginoon ninyo; ukol sa Kanya ang paghahari. Walang Diyos kundi Siya. Kaya paano kayong inililihis [mula sa katotohanan]?} (Qur'ān 39:6) Pinagtibay na ng makabagong embriyolohiya ang katotohanang nakamamanghang ito, kung saan napaliligiran ang fetus ng tatlong kadiliman: ang kadiliman ng dingding ng tiyan, ang kadiliman ng dingding ng sinapupunan, at ang kadiliman ng mga lamad ng inunan.
Ang Tubig at ang Buhay: Nasaad sa Qur'ān ang pahayag na ang tubig ay ang pinagmulan ng buhay ng bawat bagay na buhay, gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya): {... Gumawa Kami mula sa tubig ng bawat bagay na buhay. Kaya hindi ba sila sumasampalataya?} (Qur'ān 21:30) Pinagtibay na ng mga pananaliksik na makaagham ang katotohanang nakamamanghang ito. Ang tubig ay ang daluyan na nagdadala ng mga asin at mga sustansiya para sa katawan at halaman. Kung sakaling wala ito, walang mananatiling isang buhay sa lupa. Tunay na ang 97% ng timbang ng tao ay mula sa tubig, habang siya ay isang fetus sa sinapupunan ng ina niya matapos ng tatlong araw mula ng pagkabuo sa kanya. Matapos ng tatlong buwan, ang bahagdan ay nagiging 91%. Matapos ng pagkapanganak sa kanya, ito ay nagiging 80%. Matapos ng isang taon mula ng pagkapanganak sa kanya, ito ay nagiging 66%. Nagkakaibahan ang bahagdan ng tubig sa mga bahagi ng katawan: sa mga selula ng utak ay 70%, sa dugo ay 82%, at sa mga baga ay 90%. Pinagtibay ng mga pananaliksik na pang-agham na ang kemikal na pangunahing sangkap ng mga buhay ay hindi nabubuo kundi sa pamamagitan ng tubig. Gayundin, ang mga kodigong henetiko (genetic codes) sa lupa ay hindi nakikipaginteraksyon kundi sa pamamagitan ng tubig. Nagpahiwatig nga ang Qur'ān sa makaagham na katotohanang ito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {na nagbaba mula sa langit ng tubig ayon sa isang sukat saka bubuhay sa pamamagitan nito ng isang patay na bayan. ...} (Qur'ān 43:11)
Ang dumi at ang dugo sa agham ng histolohiya ay nasaad sa Qur'ān: {Tunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may maisasaalang-alang. Nagpapainom Kami sa inyo ― mula sa mga tiyan ng mga ito sa pagitan ng dumi at dugo ― ng isang gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom.} (Qur'ān 16:66) Nagsiwalat nga ang talatang ito ng isang katotohanang makaagham na nakamamangha, na nalalaman ng Propeta ng Islām (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) bago pa ang mahigit sa isang libo at apat na raang taon, at hindi nalaman nito ng modernong agham maliban noong ikadalawampung siglo. Ito ay ang katotohanan ng gatas na iniinom ng tao at iniinom ng hayop. Nabanggit nga sa naunang āyah na ang gatas na ito ay lumalabas mula sa pagitan ng dumi at ng dugo. Ang dumi ay ang nasa sikmura bago ang paglabas nito. Kaya ang gatas ay lumalabas mula sa duming ito at mula sa dugo pagkatapos ng proseso ng pagsipsip, at ito ay isang masalimuot na proseso, yayamang ibinubomba ang dugo patungo sa mga glandula ng gatas sa suso ng hayop, upang maglaan ng mga sustansiya, na sinisipsip ng dugo mula sa dumi, saka ipinararating ang mga ito sa mga glandula ng gatas, at sinisipsip ng mga glandulang ito ang mga sangkap ng gatas mula sa dugo, nang hindi nag-iiwan ng bakas ng dumi at ng dugo, saka idinaragdag dito mula sa mga sisidlan ng gatas ang sangkap na asukal ng gatas, upang maging kasiya-siya para sa mga umiinom, at ito ang ipinahayag ng Qur'ān sa naunang āyah: {... dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom.} Ang katotohanang nakamamanghang ito ay hindi narating ng makabagong agham kundi noong ikadalawampung siglo lang at matapos ng pagkaimbento ng mga aparato ng diseksyon.
Ang pagbaba ng proporsyon ng oxygen sa sandali ng pagkaakyat sa napakataas na lugar ay nasaad sa Qur'ān: {Kaya sa sinumang *ninanais ni Allāh na patnubayan* ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito para sa Islām. Sa sinumang magnanais Siya na magligaw ay gagawa Siya sa dibdib nito na [maging] isang masikip na pagkaasiwa na para bang umaakyat siya sa kalangitan. ...} (Qur'ān 6:125) Nasaad sa talatang ito ang pagkabanggit sa dibdib, na siyang kinalalagyan ng mga baga at sa pamamagitan ng mga ito ay humihinga ang tao. Nasaad sa talata ang paghahalintulad na ang taong naliligaw, na hindi lumuluwag ang dibdib para sa pagtanggap sa totoo, ay tulad ng isang umaakyat sa dako ng langit, kung saan nawawala ang oxygen, kaya sumisikip ang dibdib nito dahil sa kakulangan ng oksiheno. Ito ay isang katotohanang nakamamangha na natuklasan ng makabagong agham: na ang tao, kapag umaangat sa pinakamataas, ay nakadarama ng paninikip ng dibdib at kahirapan sa paghinga yayamang nangangaunti ang presyong atmosperiko at ang oksiheno, at gayundin, nababawasan ang timbang niya. Ito ay nasasaksihan sa mga astronaut, na nakikita ng mga tao sa loob ng mga sasakyan nilang pangkalawakan, na lumulutang sa loob ng mga ito na gaya ng magaang dahon na tinatangay ng hangin. Nakasuot nga sila ng mga kasuutang pangkalawakan na nagpapanatili ng antas ng presyon ng hangin sa paligid ng mga katawan nila. Sa loob ng mga ito ay may mga kagamitang umaalalay sa kanila sa paghinga.
Ang mga panloob na alon sa mga kalaliman ng mga dagat ay nasaad sa Qur'ān: {O gaya ng mga kadiliman sa isang dagat na pagkalalim-lalim na binabalot ng mga alon, na mula sa ibabaw ng mga ito ay may mga alon, na mula sa ibabaw ng mga ito ay may mga ulap. Mga kadiliman [ang mga ito], na ang ilan sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba. Kapag naglabas siya ng kamay niya ay hindi halos siya makakita nito. ...} (Qur'ān 24:40) Ang mga along panloob ay ang katotohanang nakamamangha na hindi nalaman ng makabagong agham kundi bago ng isandaang taon kung kailan natuklasan nila na mayroong mga along nabubuo sa kahabaan ng kalatagan na naghihiwalay sa pagitan ng dalawang suson (layer) ng tubig na magkakaiba sa punto ng densidad, presyon, init, at pagtaas at pagbaba ng tubig. Ang mga panloob na along ito ay nakahahawig ng mga alon sa ibabaw at hindi maaaring mapanood nang may kadalian mula sa ibabaw. Ang mga along ito ay nasa dagat at malalim na karagatan, gaya ng pagkasaad sa pagkapahayag ng Qur'ān: {sa isang dagat na pagkalalim-lalim} Ang pagkapahayag ng talata ay nagpapabatid sa atin tungkol sa pagtatabing ng mga along pang-ibabaw at mga along panloob sa liwanag ng araw at gayundin ng mga ulap, pagkatapos ng kakapalan ng tubig sa tuwing nadaragdagan ang lalim ng tubig. Ito ay gaya ng nasaad sa talata: {Mga kadilimang ang ilan sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba.} (Qur'ān 24:40)
Ang maramihang kadiliman sa mga kalaliman ng mga dagat na pagkalalim-lalim. Nasaad sa naunang talata: {Mga kadiliman [ang mga ito], na ang ilan sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba. Kapag naglabas siya ng kamay niya ay hindi halos siya makakita nito. ...} (Qur'ān 24:40) Nagpabatid sa atin ang talatang ito tungkol sa mga kadiliman ng mga dagat at na ang mga ito ay mga kadilimang ang ilan sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba. Ito ay ang katotohanang nakamamangha na natuklasan ng agham noong ikadalawampung siglo yayamang natuklasan na ang mga dagat at ang mga karagatan ay nababalutan ng makakapal na malabuntun-buntong ulap (cumulus cloud), na tumatabing sa maraming bahagi ng liwanag ng araw. Nagtatalbog din ang tubig ng isang bahagi ng liwanag ng araw at sumisipsip ang tubig ng dagat ng natitira mula sa liwanag ng liwanag, na humihina sa tuwing nadaragdagan ang lalim ng dagat. Gayundin, tunay na ang mga kulay ng ispektrum ay napaparam kapagka tumatagos ang mga ito sa kalaliman ng dagat. Nagpahayag nga ang Qur'ān ng pananalitang: "mga kadiliman" upang magpahiwatig na ang mga kadilimang ito ay hindi iisang kadiliman, at sa pamamagitan ng aparatong Secchi ay nagagawa ng makabagong agham na makaalam sa lalim ng tubig.
Nagsaad nga ang Qur'ān ng katotohanang nakamamanghang ito bago ng higit sa 1400 taon sa mga taong namumuhay sa disyerto at hindi nakaaalam ng paglangoy. Dito ay lumilitaw ang paghihimalang makaagham ng Qur'ān.
Ang kalikasan ng mga bundok bilang mga tulos sa agham ng heolohiya ay nasaad sa Qur'ān: {6. Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang nakalatag 7. at sa mga bundok bilang mga tulos?} (Qur'ān 78:6-7) Ang talatang ito ay nagpapabatid sa atin na si Allāh ay gumawa ng mga bundok para sa lupa gaya ng mga tulos na nagpapatatag ng mga haligi ng tolda. Talagang napagtibay nang makaagham na ang lithosphere (mabatong balot) ng daigdig ay nagutay-gutay ayon sa anyo ng mga mabatong tipak, na lumulutang sa isang suson ng malalusaw (semi-molten layer), na nagsasaaktibo sa pamamagitan nito ang mga daloy na pang-init. Nagsasagawa ang mga daloy na ito ng pagtulak ng mga tipak ng mabatong balot nang tuluy-tuloy. Hindi kumakalma ang pagkakaaktibo ng mga daloy na ito kundi sa pamamagitan ng isang bulubundukin na pumapaligid sa mga gilid ng balat ng lupa, gaya ng pagpaligid ng mga tulos ng tolda sa tolda para sa pagpapatatag nito. Ito ang kahulugan na nasaad sa naunang talata. Nagpatibay nga ang mga pag-aaral na heopisikal na ang mga bundok ay may ekstensyon sa kailaliman ng lupa na humihigit sa lima o sampung ulit ng taas ng mga ito sa ibabaw ng lupa, hanggang sa umabot ang ekstensyong ito sa lava zone (sona ng mga lusaw na bato).
Sa lahat ng mga katotohanang nakamamanghang ito, may tumawag sa pansin ng tao sa ipinarangal ni Allāh na pagpapasilbi ng kagilas-gilas na Sansinukob na ito sapagkat ang lahat ay pumapaligd sa tao sa isang pagkakatugmaang kahanga-hanga, na sumasaksi na si Allāh (napakataas Siya) ay ang karapat-dapat – tanging Siya – sa lahat sa pagdakila at pagsamba.
Ang Wakas
Talaga ngang lumitaw ang malakas na kaugnayang iyon sa pagitan ng Islām at tao, na naging kabilang sa resulta nito ay na ang Islām ay dumating alang-alang sa pagpapaligaya ng tao sa Mundo at Kabilang-buhay at alang-alang sa pag-akay sa kamay niya tungo sa tumpak na landas. Ang landas na ito ang gagawa sa kanya na maging maligaya sa buhay niya kapag nalalaman niya na ang kairalan niya sa malaking Sansinukob na ito ay hindi naging walang-kapararakan. Ito lamang ay para sa isang dakilang layon at isang tungkulin na siyang pinakamataas na tungkulin na kinakailangan sa tao na gumanap nito nang may katapatan at pagpapakawagas at hindi nag-aatubili sa pagganap sa tungkuling ito. Ang tungkuling ito ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh at ang pagsamba sa Kanya.
Kapag nalalaman ng tao na ang Sansinukob na ito ay may Tagalikha at Tagapangsiwa na naging karapat-dapat sa pagsamba at kinakailangan ang pagtalima sa Kanya, tunay na siya ay makatatagpo sa sarili niya na namumuhay alang-alang sa isang dakilang layon. Ang layong ito ay ang gagawa sa buhay niya na bilang balanse, maligaya, at malayo sa kaguluhan at kawalang-kaayusan.
Kapag nagkakaugat ang pagkakilala ng tao sa Panginoon niya (napakataas Siya), na Siya ay ang Tagalikha ng Sansinukob, at na Siya ay ang Namumukod-tangi sa pagkadiyos at Siya ang karapat-dapat sa pagtalimang walang-takda, sa sandaling iyon makadarama siya ng pagkakailangan ng pagpapaakay sa mga sugo at mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) dahil sila ang nagpaparating sa kanya kay Allāh (napakataas Siya) at sa pamamagitan nila makikilala niya ang tumpak na landas na nararapat na tahakin niya nang sa gayon hindi siya matuliro sa pagtahak niya, gaya ng kalagayan ng marami na naligaw palayo sa pagkakilala kay Allāh (napakataas Siya).
Nasa aklat na ito ang paglilinaw sa matibay na kaugnayang iyon sa pagitan ng Islām at tao. Ito ang kaugnayan nananawagan sa pagsasaayos ng panloob at panlabas ng tao. Ito ang kaugnayan na magpapatnubay sa kanya tungo sa kaligayahan upang siya ay mamuhay ng isang pirmihang napapanatag na buhay sa kalagayang espirituwal at materyal. Ito ang kaugnayan na gagawa sa kanya na nakararamdam ng halaga niya at na siya ay kabilang sa pinakamarangal sa mga nilikha, na nagparangal sa kanya si Allāh sa pamamagitan ng pang-unawa at nagpasilbi para sa kanya ng bawat bagay sa Sansinukob alang-alang sa pagpapaligaya sa kanya. Ito ang kaugnayan na magbubukod sa kanya sa pamamagitan ng mga kaasalang natatangi na kinakailangan na magsakaasalan ng mga ito ang lahat ng mga nakapag-uunawa. Ito ang kaugnayan na makararamdam siya sa pamamagitan nito na siya ay isang taong nagparangal sa kanya si Allāh (napakataas Siya) ng isang marangal na siklo ng buhay, na nagsisimula sa pangmag-asawang wastong buhay, na nakasalalay sa pag-aawaan at pagtutulungan sa pagitan ng mag-asawa. Ang resulta sa pangmag-asawang buhay na ito ay ang mga anak, na magsasagawa ang mag-asawa ng pagkalinga sa kanila sa isang pagtutulungan sa pagitan ng mag-asawa. Ito ang kaugnayan na makadarama ang tao mula rito kung papaanong ang Islām ay nag-ingat sa mga karapatan ng lahat, pati na ng fetus sa tiyan ng ina nito bago pa ito lumabas sa Mundo. Ito ang kaugnayan na makadarama siya mula rito ng matibay na pagkaugnay na iyon sa pagitan ng mga magulang at ng mga anak nila at ng pagkalingang iyon sa mga magulang at pagsasamabuting-loob sa kanilang dalawa kapag tumanda silang dalawa. Ito ang kaugnayan na nakikita sa pamamagitan nito ang pagkakaugnayang pampamilya at ang pagkakadugtungan sa pagitan ng mga kamag-anak. Ito ang kaugnayan na nag-ingat pati ng mga karapatan ng mga kapitbahay at paggawa ng maganda sa kanila. Ito ang kaugnayan na nag-ingat sa mga karapatan ng tao na gumagarantiya sa pagkatao niya. Ito ang kaugnayan na gumawa sa katarungan bilang isang timbangan para sa isang buhay na hindi pinapayagan ang kawalang-katarungan. Ito ang kaugnayan na nag-ingat para sa babae na mga karapatan niya at gumawa sa kanya bilang kabahagi ng lalaki. Ito ang kaugnayan na gumawa para sa ulila na nawalan ng mga magulang niya ng kumpletong pangangalaga mula sa lipunan. Ito ang kaugnayan na gumawa para sa mahirap ng mga karapatan sa mga mayaman at sa estado. Ito ang kaugnayan na makararamdam siya sa pamamagitan nito ng kahalagahan ng personal at pampublikong kalinisan. Ito ang kaugnayan na nakikita niya rito ang pagkakatiyakan ng pagkalinga sa pagpapaunlad sa Lupa, mga karapatan ng mga manggagawa, at mga karapatan ng mga may pagawa, at ang pagprotekta laban sa rasismo. Ito ang kaugnayan na nagpapatibay sa mararangal sa mga kaasalan, mga kapuri-puring katangian, pagpapadali para sa mga tao, at pagsisigasig sa seguridad nila. Ito ang kaugnayan na nag-aanyaya tungo sa disiplina, pag-iingat sa oras, pag-ibig sa pagitan ng mga tao, pagtupad, optimismo, at pagkalinga sa mga may kapansanan, mga matatanda, at mga maysakit.
Ang wakas ng aklat ay naging ang paglilinaw sa pagkakailangan ng mga haligi ng Islām, mga haligi ng Pananampalataya, at pananampalataya sa lahat ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) para sa pagpapaalaala sa kahalagahan ng mga bagay na ito, at na ang mga ito ay nakadikit sa tao sa buhay niya sa kabuuan nito.