منهج إعداد الدعاة

منهج إعداد الدعاة

Ang Unang Nibel Mula sa Metodolohiya ng Paghahanda sa mga Dā`iyah

Language: lang_tl
Prepared by:
Version: 1.0
Translations 4
English French Portuguese Tagalog
Attachments 7
PDF
Audio
Video
+3

Ang Unang Nibel Mula sa Metodolohiya ng Paghahanda sa mga Dā`iyah

Ang Unang Bokabularyo

Bakit ang Islām?

Bakit natin pinipili ang Islām bilang relihiyon?

Ang Panimula

Kapag nagtatanong tayo kung bakit natin pinili ang Islām bilang relihiyon, tayo ay nagtatanong tungkol sa kadahilanan ng paggawa sa relihiyong ito bilang metodolohiya para sa buhay natin. Ang Islām ay higit kaysa sa payak na mga rituwal o mga pagsamba. Tunay na ito ay isang pinagsama-samang sistema na nag-oorganisa sa buhay ng tao sa lahat ng mga aspeto nitong espirituwal, pisikal, at intelektuwal. Tunay na ito ang Relihiyon na nakikipagsang-ayunan sa naturalesang pantao at sumasagot sa mga tanong na pinakamalalaki na bumibighani sa bawat tao: Sino tayo? Bakit tayo nilikha? Ano ang mangyayari matapos ng kamatayan?

Ang Islām ay Relihiyon ng Naturalesa

Ang Islām ay nagtutugma nang lubusan sa naturalesang pantao na nilalang ni Allāh ang mga tao ayon dito. Nagsasabi si Allāh: {Kaya magpanatili ka ng mukha mo *para sa Relihiyon bilang makatotoo. [Mamalagi sa] naturalesa ni Allāh na nilalang Niya ang mga tao ayon dito.} (Qur'ān 30:30) Ang naturalesang ito ay ang panloob na damdamin na nagtutulak sa tao sa pananampalataya kay Allāh, sa kairalan Niya, at sa pagiging Siya ang Tagalikha, ang Tagapagtustos. Ang Islām ay hindi nakikisalungatan sa isip at lohika; bagkus kumakatig ito sa dalawang ito. Naghahain ito ng mga maliwanag na sagot hinggil sa kairalan natin at layon natin sa buhay gaya ng sinasabi ni Allāh (napakataas Siya): {Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.} (Qur'ān 51:56) Ang pagsambang ito ay ang pagsasakatotohanan sa layon ng kairalan. Ito ay hindi lamang sa pagdarasal at pag-aayuno; bagkus sumasaklaw ito sa lahat ng mga aspeto ng buhay gaya ng gawain, pakikitungo sa mga ibang tao, at pati na sa pag-iisip hinggil sa Sansinukob.

Ang Tawḥīd: Ang Pundasyon ng Paniniwalang Islāmko

Ang isa sa pinakamahalaga sa mga simulain na kinasalalayan ng Islām ay ang Tawḥīd: ang pananampalataya sa iisang Diyos na walang katambal sa Kanya. Ang simple at pangunahing kaisipang ito ay nagpapalaya sa tao mula sa pagkaalipin sa nilikha at gumagawa sa kanya na nauugnay sa Tagalikha nang tuwiran. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {1, Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa. 2. Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan].} (Qur'ān 112:1-2) Ang Islām ay humihimok sa pagtuon ng lahat ng mga pagsamba at mga atensiyon tungo kay Allāh lamang, na nagpapalaya sa tao mula sa mga posas ng pangamba sa tao o mga iba pang nilikha. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang namatay, habang siya ay nakaaalam na walang Diyos kundi si Allāh, ay papasok sa Paraiso." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim.)

Ang Islām ay Relihiyon ng Awa at Katarungan

Ang Islām ay nag-aanyaya tungo sa awa sa lahat ng mga pakikitungo ng tao. Si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagpakilala sa sarili Niya sa Qur'ān bilang "Ang Napakamaawain, ang Maawain" at humihimok sa mga Muslim na maging maawain hindi lamang sa tao, bagkus sa lahat ng mga buhay na nilalang. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga naaawa ay kaaawaan ng Napakamaawain. Maawa kayo sa mga nasa lupa, maaawa sa inyo ang nasa langit." (Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.) Kung paano na ang katarungan ay mahalagang pundamental sa Islām, nag-utos nga si Allāh ng pagsasakatotohanan ng katarungan sa bawat bagay, pati na sa mga naiiba tayo sa kanila. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan, paggawa ng maganda,} (Qur'ān 16:90)

Ang Qur'ān ay kapatnubayang tagasaklaw at palagian.

Ang Marangal na Qur'ān ay ang binanal na aklat sa Islām. Ito ay Salita ni Allāh na pinababa Niya kay Propeta Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan). Namumukod ang Qur'ān sa pagiging ito ay kapatnubayang tagasaklaw sa buong sangkatauhan yayamang naghahain ito ng mga panuto sa lahat ng mga aspeto ng buhay. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ang Qur’ān na ito ay nagpapatnubay para sa siyang pinakaangkop} (Qur'ān 17:9) Ang Qur'ān ay hindi isang payak na mga tekstong espirituwal; bagkus naglalaman ito ng mga katuruan hinggil sa pamamaraan ng pakikitungo sa ari-arian, pamilya, mga kaasalan, at lahat na natatangi sa buhay ng tao. Kabilang sa mga himala nito na ito ay hindi napilipit o napaiba sa paglipas ng panahon. Ito ay nananatili bilang gabay na buhay para sa bawat sinumang naghahanap ng katotohanan.

Ang Pagbabalansehan sa Pagitan ng Buhay sa Mundo at Kabilang-buhay

Ang Islām ay naghahain ng isang sistemang nagbabalansehan para sa buhay sapagkat hindi ito humihiling sa tao na magpakalayu-layo sa buhay na pangmundo ni na magpakagumon sa mga minamasarap dito; bagkus nag-aanyaya ito tungo sa pagkakatamtaman at pagpapabenipisyo sa mga pagpapala ni Allāh kasabay ng pangangalaga sa espirituwalidad. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Hangarin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh ang tahanan sa Kabilang-buhay at huwag mong kalimutan ang bahagi mo sa Mundo.} (Qur'ān 28:77) Sa pamamagitan ng konseptong ito, naisasakatotohanan ng Islām para sa tao sa Mundo nang hindi nawawala ang kumpas tungo sa Kabilang-buhay. Ang Islām ay nag-aanyaya tungo sa paggawa at pagsusumikap sa Mundo kasama ng pangangalaga sa isang matibay na ugnayan kay Allāh sa pamamagitan ng pagsamba.

Ang Islām ay ang Relihiyon ng pagkakapantay at Karangalan

Ang Islām ay naglalagay ng simulain ng pagkakapantay sa pagitan ng mga tao nang walang pagtingin sa lahi o kulay o wika. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Talumpati ng Pamamaalam: "Walang kalamangan para sa isang Arabe higit sa isang di-Arabe, ni para sa isang di-Arabe higit sa isang Arabe, ni sa isang pula higit sa isang itim, ni sa isang itim higit sa isang pula maliban sa pangingilag magkasala." (Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.)

Ang Pagwawakas

Ang Islām ay relihiyong masaklaw na nagtutuon sa buhay ng tao tungo sa kaligayahan at tagumpay sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na ito ay Relihiyon ng Naturalesa na nakikipagsang-ayunan sa kalikasan ng tao, na Relihiyon ng awa at katarungan, na Relihiyon na nagbabalanse sa pagitan ng mga pangangailangan ng katawan at kaluluwa. Sa pamamagitan ng Tawḥīd at pananampalataya kay Allāh, ang Nag-iisa, naghahain ang Islām para sa tao ng mga pagsagot na nakasisiya sa mga tanong niyang pangkairalan at nagkakaloob sa kanya ng kapanatagan at panloob na kapayapaan. Ang Islām ay ang Relihiyon na nag-oorganisa ng buhay sa isang marunong at balanseng istilo at nagsasakatotohanan para sa mananampalataya ng kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay. Dahil dito, pinipili natin ang Islām bilang relihiyon dahil ito ang Relihiyon ng katotohanan, naturalesa, at awa.

Ang Unang Nibel Mula sa Metodolohiya ng Paghahanda sa mga Dā`iyah

Ang Ikalawang Bokabularyo

Ang Islām ay Relihiyon ng lahat ng mga propeta?

Ang Panimula

Ang mga propeta ay mga sugo ni Allāh sa mga tao. Nagpadala sa kanila si Allāh (napakataas Siya) upang magpaabot sila ng mensahe Niya at umakay sila sa sangkatauhan tungo sa daang tuwid. Ang nagbubuklod sa mga propeta sa kalahatan nila mula kay Adan hanggang kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay iisang mensahe na ang pinakadiwa nito ay ang Tawḥīd: ang pananampalataya sa iisang Diyos na walang katambal sa Kanya. Ang lahat ng mga propeta ay dumating upang mag-anyaya sa mga tao nila tungo sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at pag-iwan sa pagsamba sa mga diyus-diyusan o alinmang katambal sa Kanya. Ang Islām na nangangahulugan ng pagsuko kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima at pagpapasailalim sa Kanya – tanging sa Kanya – ay relihiyon ng lahat ng mga propeta sa paglipas ng mga panahon, kahit pa nagkaiba-iba ang mga batas at ang mga pagsamba alinsunod at panahon at lugar.

1. Ang Islām: Relihiyon ng mga Propeta sa Kalahatan

Ang Islām ayon sa kahulugan nitong pangkalahatan ay hindi isang relihiyong nalilimitahan kay Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan); bagkus ito ay mensahe ng Tawḥīd na isinugo ni Allāh dahil dito ang lahat ng mga propeta. Ang Islām ay nangangahulugan ng pagpapasailalim at pagsuko kay Allāh (napakataas Siya). Ito ang lagay noon ng bawat propeta kabilang sa mga propeta ni Allāh. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām.} (Qur'ān 3:19)

Ang talatang ito ay nagbibigay-diin na ang Relihiyon na kinalugdan ni Allāh para sa mga tao sa kalahatan ay ang Islām. Ito ang Relihiyon na humihiling ng pananampalataya kay Allāh, paniniwala sa kaisahan Niya, at pagsunod sa mga utos Niya. Ang mga propeta sa kalahatan nila ay mga Muslim ayon sa masaklaw na kahulugan ng salitang Islām, yayamang sila noon ay nag-aanyaya tungo sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at nagwawaksi ng Shirk at Paganismo.

2. Ang Mensahe ng Tawḥīd: Ang Pinakadiwa ng Paanyaya ng mga Propeta

Ang paniniwala sa Tawḥīd ay ang kolumnang panggulugod (vertebral column) ng lahat ng mga mensahe ng mga propeta. Ang mga propeta sa kalahatan nila ay isinugo sa mga tao nila upang mag-anyaya sila sa mga ito tungo sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at pagwaksi sa mga diyus-diyusan o alinmang iba pang nilikha. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba kayo sa Akin.} (Qur'ān 21:25)

Sa pamamagitan ng talatang ito, nakikita natin na ang mensahe ng bawat sugo ay palaging iisa: Walang Diyos kundi si Allāh.

Bilang halimbawa, ang paanyaya ni Noe (sumakanya ang pangangalaga) ay maliwanag hinggil sa usaping ito yayamang nagsabi siya sa mga tao niya: {O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya.} (Qur'ān 7:59)

Ganito rin ang paanyaya nina Abraham, Moises, Jesus, at Muḥammad (basbasan sila ni Allāh at pangalagaan). Lahat sila ay nag-anyaya tungo sa mismong paniniwala: ang Tawḥīd.

3. Si Abraham (Sumakanya ang Pangangalaga): Ang Ama ng mga Propeta at Paanyaya ng Tawḥīd.

Si Abraham (sumakanya ang pangangalaga) ay ang ama ng mga propeta. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay humirang kay Abraham para sa mensahe Niyang pangtawḥīd. Ang paanyaya niya ay nag-aanyo ng pakikidigma sa pagsamba sa mga anito at pagpapanuto sa mga tao tungo sa pagsamba kay Allāh, ang Isa.

Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) tungkol kay Abraham: {Tunay na si Abraham noon ay isang kalipunang masunurin kay Allāh bilang makatotoo – at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga tagapagtambal –} (Qur'ān 16:120)

Si Abraham noon ay isang halimbawa para sa propetang Muslim na nagpasailalim kay Allāh – tanging sa Kanya – at hindi nagtambal sa Kanya ng anuman. Siya ang nagpatayo ng Ka`bah kasama ng anak niyang si Ismael (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) upang ito ay maging isang bahay para sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya. Talaga ngang nakipagharapan siya sa ama niya at mga kababayan niya nang buong katapangan nang sila noon ay sumasamba sa mga anito. Siya noon ay nagsasabi sa kanila: {26. [Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kababayan niya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang sinasamba ninyo, 27. maliban sa lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay sa akin."} (Qur'āng 43:26-27)

Ang mga talatang ito ay nagpapaliwanag na ang paanyaya ni Abraham noon ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh at ang kawalang-kaugnayan sa Shirk.

4. Sina Moises at Jesus (Sumakanilang Dalawa ang Pangangalaga): Ang Paanyaya ng Tawḥīd Mismo

Sina Moises at Jesus (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) ay kabilang din sa pinakadakila sa mga propeta na isinugo ni Allāh (napakataas Siya). Ang mensahe nila noon ay ang mismong mensahe ng Tawḥīd. Si Moises (sumakanya ang pangangalaga) ay naghatid ng mensahe ng Tawḥīd sa mga anak ni Israel. Siya noon ay humihimok sa kanila sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya. Nakidigma nga siya sa pagsamba sa guya na kinasadlakan ng mga tao niya. Nagsabi si Allāh: {[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, tunay na kayo ay lumabag sa katarungan sa mga sarili ninyo sa paggawa ninyo sa guya [bilang diyus-diyusan] kaya magbalik-loob kayo sa Tagapaglalang ninyo;"} Qur'ān 2:54)

Hinggil naman kay Jesus (sumakanya ang pangangalaga), dumating nga siya upang magpanibago ng paanyaya ng Tawḥīd sa mga anak ni Israel matapos na lumihis sila palayo sa pagsamba kay Allāh. Nagsabi si Allāh ayon sa dila ni Jesus (sumakanya ang pangangalaga): {[Nagsabi si Jesus:] "Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya; ito ay isang landasing tuwid."} (Qur'ān 19:36)

Si Jesus ay hindi nagdala ng isang bagong paanyayang nakikisalungatan sa paanyaya ni Moises o ni Abraham; bagkus ang paanyaya niya noon ay bilang pagbibigay-diin sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh – tanging sa Kanya.

5. Si Muḥammad (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan): Ang Pangwakas sa mga Propeta at ang Pangwakas ng Mensahe ng Tawḥīd

Si Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumating upang siya ay maging ang pangwakas ng mga propeta at mga isinugo. Ang paanyaya niya ay ang pagbuo sa inihatid ng mga naunang propeta. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo, subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta.} (Qur'ān 33:40)

Ang mensahe ni Propeta Muḥammad ay bilang pagbibigay-diin at bilang pagpapanibago sa mensahe ng Tawḥīd na ipinadala ni Allāh kalakip nito ang lahat ng mga propeta. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa akin at ang paghahalintulad sa mga propeta bago ko ay gaya ng paghahalintulad sa isang lalaking nagpatayo ng isang bahay saka nagpahusay siya nito at nagparikit siya nito maliban sa isang lagayan ng ladrilyo sa isang panulukan. Kaya nagsimula ang mga tao na pumapalibot doon, humahanga doon, at nagsasabi: Bakit kaya hindi inilagay ang ladrilyong ito? Kaya ako ay ang ladrilyo at ako ay ang pangwakas sa mga propeta." (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.)

Ganito rin, ang mensahe ni Propeta Muḥammad ay bilang pagpapatuloy sa paanyaya ng mga naunang propeta. Dumating ang Qur'ān upang magbigay-diin na ang lahat ng mga propeta ay nag-anyaya tungo sa mismong paniniwala.

Ang Pagwawakas

Ang lahat ng mga propeta mula kay Adan hanggang kay Muḥammad (basbasan sila ni Allāh at pangalagaan) ay nagdadala noon ng mismong mensaheng pundamental: ang pagsamba kay Allāh lamang nang walang katambal. Ang Islām ayon sa kahulugan nitong pangkalahatan, na nangangahulugan ng pagsuko kay Allāh, ay ang Relihiyon ng lahat ng mga propeta. Ang paanyaya ng Tawḥīd ay ang kinasasalalayan na nagtipon sa paligid nito ang lahat ng mga propeta. Nagpadala nga sa kanila si Allāh sa kalahatan upang sila ay maging tagapatnubay sa sangkatauhan tungo sa katotohanan. Ang Islām ay ang Relihiyon na nagsaisa sa mensahe ng mga propeta at gumawa rito na nagpapatuloy sa paglipas ng panahon. Ito ang Relihiyon na nagbubuklod sa lahat ng mga mensaheng makalangit sa paniniwala sa kaisahan ng Tagalikhang Dakila at paggabay tungo sa sangkatauhan tungo sa pagsamba kay Allāh at pagsunod sa mga utos Niya.

Ang Unang Nibel Mula sa Metodolohiya ng Paghahanda sa mga Dā`iyah

Ang Ikatlong Bokabularyo

Ang Dalawang Pagsaksi: Ang Kahulugan ng Dalawang Ito

Ang Panimula

Ang Dalawang Pagsaksi ay ang unang haligi mula sa mga haligi ng Islām. Ang dalawang ito ang pangunahing pasukan sa pagpasok ng tao sa Relihiyong Islām. Sumasaklaw ang Dalawang Pagsaksi sa dalawang dakilang pagsaksi: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at ang pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Ang pagsaksi na ito ay hindi payak na mga salitang sinasabi; bagkus ito ay ang lubos na pagsunod sa mga kahulugan nito at mga epekto nito. Itinuturing ang Dalawang Pagsaksi na pinakadiwa ng paniniwalang Islamiko sapagkat ang dalawang ito ay nagpapahayag ng paniniwala sa kaisahan ni Allah sa pamamagitan ng pagkapropeta ni Muhammad (basbasan siya ni Allah at pangalagaan). Sa pagtatalakay na ito, mag-uusap tayo tungkol sa kahulugan ng Dalawang Pagsaksi at kahalagahan ng dalawang ito sa buhay ng Muslim.

1. Ang Pagsaksi na Walang Diyos Kundi si Allah: Ang Kahulugan ng Tawḥīd

Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh ay ang una sa Dalawang Pagsaksi. Ito ay nangangahulugan ng pagkilala sa kaisahan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at na walang sinasamba ayon sa karapatan bukod kay Allāh. Ang pagsaksing ito ay nagbubuod sa paniniwalang Islāmiko sa dalawang pangungusap subalit ito ay nagdadala ng mga dakilang kahulugan. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya):

{Ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos; walang Diyos kundi Siya, ang Napakamaawain, ang Maawain.} (Qur'ān 2:163)

Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh ay nangangahulugan na ang Muslim ay kumikilala na walang umiiral na tagalikha at tagapangasiwa sa Sansinukob kundi si Allāh at walang naging karapat-dapat sa pagsamba na isa mang iba pa sa Kanya.

Ang pahayag na ito ay nagkakaila sa lahat ng mga anyo ng Shirk, maging iyon man ay pagsamba ng mga anito o tao o alinmang iba pang umiiral. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {1. Sabihin mo: “Siyang si Allāh ay Kaisa-isa. 2. Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan]. 3. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak. 4. Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man."} (Qur'ān 112:1-4)

Ang pagsaksi sa Tawḥīd ay gumagawa sa Muslim na bumaling nang buong puso niya kay Allāh – tanging sa Kanya – sa lahat ng mga aspeto ng buhay niya, maging sa pagsamba man o gawain man o mga kaasalan man.

2. Ang Pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh: Ang Pananampalataya sa Mensahe

Ang ikalawang pagsaksi ay ang pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Ito ay nangangahulugan ng pananampalataya na si Muḥammad na anak ni `Abdullāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang kahuli-hulihan sa mga propeta at mga isinugo at na siya ay isinugo ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) para sa kapatnubayan ng sangkatauhan. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Si Muḥammad ay ang Sugo ni Allāh.} (Qur'ān 48:29)

Ang pagsaksi na ito ay nag-oobliga sa Muslim ng pagsunod sa Sunnah ng Propeta na siyang praktikal na pagpapakahulugan sa Marangal na Qur'ān yayamang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakaideyal na tinutularan sa pagpapatupad ng mga utos ni Allāh at Batas Niya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran} (Qur'ān 33:21)

Ang pagsunod kay Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang pangunahing bahagi ng paniniwalang Islāmiko. Ito ang nangangahulugan na ang Muslim ay sumusunod sa inihatid niya na mga katuruan, maging sa pagsamba man o mga kaasalan man o mga pakikitungo man o iba pa man sa mga ito.

3. Ang Dalawang Pagsaksi: Pagsunod na Praktikal at Espirituwal

Ang Dalawang Pagsaksi ay hindi payak na mga salitang sinasabi ng tao sa pamamagitan ng dila niya; bagkus ang dalawang ito ay isang pagsunod na praktikal at espirituwal na nakaaapekto sa buhay ng Muslim nang lubos. Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh ay nangangahulugan na ang tao ay kinakailangan na sumamba kay Allāh – tanging sa Kanya – na magpasailalim kay Allāh – tanging sa Kanya – sa bawat utos, at na umasa sa Kanya at magtuon sa Kanya ng panalangin at pag-asa. Nangangahulugan din ito na ang Muslim ay kinakailangan na umiwas sa bawat anumang nakikisalungatan sa Tawḥīd, tulad ng Shirk at mga bid`ah.

Hinggil naman sa pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah, ito ay nangangahulugan na ang Muslim ay kinakailangan na sumunod sa mga katuruan ng Propeta (s) at tumulad sa kanya sa buhay niya. Nagsasabi ang Propeta (s): "Ang buong kalipunan ko ay papasok sa Paraiso maliban sa sinumang umayaw." Sinabi: "At sino po ang aayaw, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay umayaw nga." (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.)

Ang pagsaksing ito ay nag-oobliga sa Muslim ng paggawa ayon sa inihatid ng Propeta na patnubay, mga kaasalan, at pag-iwas sa sinaway niya.

4. Ang Epekto ng Dalawang Pagsaksi sa Buhay ng Muslim

Ang Dalawang Pagsaksi ay nakaaapekto sa isang malaking anyo sa buhay ng Muslim yayamang ang dalawang ito ay magiging pundasyon na pagbabatayan ng lahat ng mga gagawin niya at mga sasabihin niya. Ang Tawḥīd ay nagkakaloob sa Muslim ng kapanatagan dahil siya ay nakaaalam na si Allāh ay ang Tagapangasiwa sa bawat bagay at na siya ay hindi nangangailangan ng mga tagapagitna sa pagitan niya at ng Tagalikha niya. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Pansinin, sa pag-aalaala kay Allāh napapanatag ang mga puso.} (Qur'ān 13:28)

Ang pakiramdam na ito ng pananalig kay Allāh ay nagpapagaan ng alalahanin at pangamba sa hinaharap at gumagawa sa Muslim na maging higit sa kakayahan sa pakikipagharap sa mga hamon ng buhay.

Sa kabilang dako, ang pananampalataya sa mensahe ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gumagawa sa Muslim na sumunod sa isang maliwanag na metodolohiya sa buhay niya habang nagpapagabay sa Qur'ān at Sunnah. Ang mensaheng ito ay hindi nalilimitahan sa mga pagsamba lamang; bagkus sumasaklaw ito sa lahat ng mga aspeto ng buhay gaya ng mga kaasalan, mga pakikitungo, at mga ugnayang panlipunan. Ang Muslim na sumasaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay nananatili sa mga kaasalang mataas na ipinaaanyaya noon ng Propeta, tulad ng katapatan, pagkamapagkakatiwalaan, at paggawa ng maganda sa mga ibang tao.

5. Ang Dalawang Pagsaksi: Ang Susi ng Paraiso

Ang Dalawang Pagsaksi ay ang susi ng pagpasok sa Paraiso at kaligtasan sa Kabilang-buhay. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh ay papasok sa Paraiso." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim.)

Gayon din, ang Dalawang Pagsaksi ay nagsasanggalang sa tao laban sa pamamalagi sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon kapag naging tapat siya sa pananampalataya niya at gumawa siya ayon sa inireresulta sa Dalawang Pagsaksing ito na mga gawain at mga kaasalan. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang namatay, habang siya ay nakaaalam na walang Diyos kundi si Allāh, ay papasok sa Paraiso." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim.)

Dahil doon, ang Dalawang pagsaksi ay hindi payak na mga salitang sinasabi; bagkus ang dalawang ito ay isang kasunduan sa pagitan ng tao at Panginoon niya, na humihiling sa kanya ng paggawa ayon sa inihatid ng Islām na Tawḥīd at ng pagsunod sa Sunnah ng Propeta.

Ang Pagwawakas

Ang Dalawang Pagsaksi ay ang pangunahing haligi sa Islām. Ang dalawang ito ay ang pasukan para sa pagpasok sa Relihiyong Islāmiko. Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh ay nagbibigay-diin sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagwaksi sa lahat ng mga anyo ng Shirk. Ang pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay nag-oobliga sa Muslim ng pagsunod sa patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Dalawang Pagsaksi ay hindi payak na mga salita; bagkus nagdadala ang dalawang ito ng mga kahulugang dakila na nag-oobliga sa tao ng pagpapasailalim na lubos kay Allāh at pagsunod sa mga sunnah ng Sugo Niya. Sa pamamagitan ng Dalawang Pagsaksi, nagsasakatotohanan ang Muslim ng kapanatagang sikolohikal at isang kaligayahan sa Mundo at umaasa siya sa pagtamo ng Paraiso at kaligtasan sa Kabilang-buhay.

Ang Unang Nibel Mula sa Metodolohiya ng Paghahanda sa mga Dā`iyah

Ang Ikaapat na Bokabularyo

Ang mga Haligi ng Islām

Ang Panimula

Ang Islam ay isang relihiyong masaklaw na nag-oorganisa sa buhay ng tao sa mga magkakaibang aspeto ng buhay. Para sa pagsasakatotohanan ng kumpletong sistemang ito, naglagay si Allah (zt) ng limang pangunahing haligi na kinasasalayan ng Islam. Ang mga haliging ito ay ang pundasyon na pinagbabatayan ng pananampalataya ng Muslim at mga gawaing panrelihiyon niya. Ang mga haligi ng Islam ay kumakatawan sa mga pagsamba at mga gawaing pangunahin na kinakailangan sa bawat Muslim ang magsagawa ng mga ito bilang bahagi ng pagsunod niya sa Islam. Sa pagtatalakay na ito, tatalakayin natin ang limang haliging ito nang may pagdedetalye at ipaliliwanag natin ang ginagampanan ng mga ito sa pagbuo ng Islamikong balanseng personalidad.

1. Ang Dalawang Pagsaksi: Ang Unang Pundasyon ng Islām

Ang unang haligi mula sa mga haligi ng Islām ay ang Dalawang Pagsaksi. Ang dalawang ito ay ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Ang Dalawang Pagsaksi ay ang pasukan patungo sa Islām. Kaya ang sinumang nagnais na pumasok sa Relihiyong Islām, kailangan sa kanya na bumigkas ng Dalawang Pagsaksi nang may pagpapakawagas at katiyakan.

Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh ay nangangahulugan ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at pagwaksi ng alinmang katambal para sa Kanya. Kaya hindi nagiging karapat-dapat ang pagsamba sa isang iba pa kay Allāh. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Hindi sila inutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makatotoo,} (Qur'ān 98:5)

Hinggil naman sa pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, ito ay nangangahulugan ng pananampalataya na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang Propetang Pangwakas na ipinadala ni Allāh para sa kapatnubayan ng sangkatauhan. Ang mga pagsaksing ito ay nag-oobliga sa Muslim ng pagsunod sa Sunnah ng Propeta at paggawa ayon sa inihatid niya na mga katuruan.

Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ..." (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.)

2. Ang Pagdarasal: Ang Pang-ugnay sa Pagitan ng Tao at Panginoon Niya

Ang pagdarasal ay ang ikalawang haligi mula sa mga haligi ng Islām. Ito ay ang pinakadakila sa mga haligi ng pagsamba matapos ng Dalawang Pagsaksi. Ang pagdarasal ay kumakatawan sa ugnayang tuwiran sa pagitan ng tao at Tagalikha niya, kung saan tumitindig ang Muslim limang ulit araw-araw sa harap ni Allāh, na nagpapakataimtim at nagsusumamo kay Allāh. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng panahon.} (Qur'ān 4:103)

Ang pagdarasal ay hindi payak na mga rituwal; bagkus ito ay isang kaparaanan para sa pagsasakatotohanan ng kapanatagang sikolohikal at espirituwal. Ang pagdarasal ay isang pang-araw-araw na pagpapaalaala sa Muslim sa pamamagitan ng pagtutuon sa puso niya at isip niya tungo kay Allāh. Ito ay nangangalaga sa ugnayang espirituwal na nagpapatuloy sa pagitan ng tao at Panginoon niya. Gayon din, ito ay nagdudulot ng edukasyon sa Muslim sa disiplina at pag-oorganisa ng oras at humihimok sa paglayo sa mga pagsuway yayamang nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama.} (Qur'ān 28:45)

3. Ang Zakāh: Ang Pagdadalisay ng Yaman at Sarili

Ang pagbibigay ng zakāh ay ang ikatlong haligi mula sa mga haligi ng Islām. Ito ay isang tungkuling pampananalapi na nag-oobliga sa Muslim na magpaluwal ng isang proporsiyon na itinakda mula sa mga yaman niya para sa kapakanan ng mga maralita at mga nangangailangan. Ang zakāh ay hindi payak na buwis; bagkus ito ay isang kaparaanan para sa pagdalisay sa sarili mula sa karamutan at kakuriputan at pagpapalago ng pakiramdam ng Muslim sa pakikiisa sa mga ibang tao. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Kumuha ka mula sa mga yaman nila ng isang kawanggawang magdadalisay sa kanila at magpapalago sa kanila sa pamamagitan nito} (Qur"an 9:103)

Ang Zakāh ay gumagawa para sa pagsasakatotohanan sa pagbabalansehang panlipunan yayamang umaalalay ito sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga maralita at pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng mga mayaman at mga maralita. Sa pamamagitan ng zakāh, nakararamdam ang Muslim ng pananagutan tungo sa lipunan at ang mga yaman ay nagiging isang kaparaanan para sa kabutihan at pagpapala.

Ang Zakāh ay hindi isang boluntaryong donasyon; bagkus ito ay isang tungkuling legal para sa sinumang umabot ang yaman niya sa niṣāb at lumipas dito ang isang taon. Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagbigay ng zakāh ng yaman niya, umalis nga palayo sa kanya ang kasamaan nito." (Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah.)

4. Ang Pag-aayuno: Ang Paghubog sa Sarili at ang Pagpapakalapit-loob kay Allāh

Ang pag-aayuno ay ang ikaapat na haligi mula sa mga haligi ng Islām. Dumarating ito sa buwan ng Ramaḍān na pinagpala. Ang pag-aayuno ay hindi payak na pagpipigil sa pagkain at pag-inom; bagkus ito ay isang pagsasanay na espirituwal at pisikal na naglalayon ng pagtamo ng pangingilag magkasala kay Allāh, pagsasaalang-alang sa Kanya (kapita-pitagan Siya at pagkataas-taas), paghubog sa sarili, at pagpapalakas ng pagnanais. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183)

Sa pamamagitan ng pag-aayuno, nakararamdam ang Muslim ng paghihirap ng mga maralita at mga nangangailangan at natututo siya ng pagtitiis at pagkontrol sa mga pagnanasa niya. Ang pag-aayuno ay isang pagkakataon para sa pagbabalik-loob at pagpapakalapit-loob kay Allāh yayamang nadaragdagan dito ang Muslim ng pagsamba at pagtalima. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya." (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.)

Ang pag-aayuno ay nagsasakatotohanan para sa Muslim ng kadalisayang espirituwal at pisikal at kumakatig ito sa pakiramdam ng pakikiisa sa lipunan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga pagsambang panggrupong ito.

5. Ang Ḥajj: Ang Paglalakbay ng Pananampalataya at Tawḥīd

Ang pagsasagawa ng ḥajj ay ang ikalimang haligi mula sa limang haligi ng Islām. Ito ay isang tungkulin sa bawat Muslim na nakapag-uunawang adultong nakakakaya sa pagganap ng dakilang pagsambang ito. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Magpahayag ka sa mga tao ng ḥajj, pupunta sila sa iyo nang mga naglalakad at lulan ng bawat payat na kamelyo: pupunta ang mga ito mula sa bawat daanang malalim,} (Qur'ān 22:27)

Ang ḥajj ay isang paglalakbay na espirituwal na nagtitipon sa mga Muslim mula sa lahat ng mga dako ng Daigdig sa iisang lugar para sa pagganap ng mga gawaing pagsamba na nagpapahayag ng kaisahan ng Kalipunan ng Islām at pagpapakumbaba nito sa harap ni Allāh. Sa panahon ng pagsasagawa ng ḥajj, nagsusuot ang mga Muslim ng kasuutan ng Iḥrām na sumisimbolo sa pagkakapantay sa pagitan nila sapagkat walang pagkakaiba sa pagitan ng isang mayaman at isang maralita ni sa pagitan ng isang dakila at isang aba.

Ang pagsasagawa ng ḥajj ay nagpapanumbalik sa Muslim sa naturalesa at nagpapanibago ng kaugnayan niya sa Panginoon niya. Ito ay isang pagkakataon para sa pagbabalik-loob at pagkalas sa mga pagkakasala. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj at hindi humalay ni nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya." (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.)

Ang Pagwawakas

Ang mga haligi ng Islām ay ang pundasyon na kinasasalalayan ng Relihiyong Islām. Ang mga ito ang nag-oorganisa sa buhay ng Muslim, nag-uugnay sa kanya sa Tagalikha niya, at ang nagsasakatotohanan para sa kanya ng pagbabalansehan sa buhay sa Mundo at Kabilang-buhay. Sa pamamagitan ng Dalawang Pagsaksi, nagpapatatag ang Muslim ng Tawḥīd niya at pananampalataya niya kay Allāh at sa mensahe ng Propeta. Sa pamamagitan ng pagdarasal, zakāh, pag-aayuno, at ḥajj, nahahayag ang pagsunod na pangkaalaman at espirituwal sa Islām. Ang mga haliging ito ay hindi payak na mga pagsambang pang-individuwal; bagkus ang mga ito ay isang pinagsama-samang sistemang nagtatayo ng isang lipunang malakas na nagkakapitan at nagsasakatotohanan ng katarungan at paggagarantiyahan sa pagitan ng mga individuwal nito.

Ang Unang Nibel Mula sa Metodolohiya ng Paghahanda sa mga Dā`iyah

Ang Ikalimang Bokabularyo

Ang mga Haligi ng Pananampalataya

Ang Panimula

Ang pananampalataya ay ang pundasyon ng Relihiyong Islām. Ito ang nagtatakda sa ugnayan ng tao sa Panginoon niya at sa Daigdig sa paligid niya. Ang pananampalataya sa Islām ay hindi payak na pagpapatotoo sa pamamagitan ng puso; bagkus ito ay isang pinagsama-samang isinasistemang nagbubuklod sa pagitan ng pagpapatotoo, paniniwalang tiyakan, at paggawa ayon sa inireresulta rito.

Para sa pagpapaliwanag ng konsepto ng pananampalataya, naglagay si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ng anim na haliging pundamental para sa pananampalataya, na kinakailangan sa bawat Muslim ang manampalataya sa mga ito. Ang mga ito ay ang pananampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, mga sugo Niya, Huling Araw, at pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito. Ang mga haliging ito ay bumubuo sa paniniwalang Islāmiko na pinagbabatayan ng Muslim ng ugnayan niya sa Tagalikha niya at sa Sansinukob. Sa pagtatalakay na ito, tatalakayin natin ang anim na haligi nang may pagdedetalye.

Ang Pananampalataya kay Allāh

Ang paniniwala sa kaisahan ng Tagalikha (Hindi ang paniniwala sa kaisahan ng Tagalikha lamang at dahil doon maaaring sabihing bilang Diyos, bilang sinasamba, bilang Panginoon, at bilang Tagalikha)

Ang unang haligi mula sa mga haligi ng pananampalataya ay ang pananampalataya kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya). Ito ang pundasyon na kinasasalalayan ng paniniwalang Islāmiko. Ang pananampalataya kay Allāh ay nangangahulugan ng paniniwalang tiyakan na si Allāh ay ang Tagalikha at ang Tagapangasiwa. Siya ang Isa na Kaisa-isa na walang katambal sa Kanya. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {1. Sabihin mo: “Siyang si Allāh ay Kaisa-isa. 2. Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan].} (Qur'ān 112:1-2) Ang pananampalataya kay Allāh ay humihiling sa Muslim ng paniniwala sa kaisahan Niya sa mga gawa Niya, mga Katangian Niya, at mga pangalan Niya. Ito ay sumasaklaw sa pananampalataya na si Allāh ay ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, ang Tagapagbigay-buhay, ang Tagapagbigay-kamatayan; at na Siya ay ang nailalarawan sa mga katangian ng kalubusan at kapitaganan. Ang pananampalatayang ito ay nahahayag sa pagtutuon ng pagsamba at pagtalima kay Allāh lamang nang walang pagtatambal sa Kanya ng isa man.

Ang pananampalataya kay Allāh ay nagpapalaya sa Muslim sa pagkaalipin ng tao at materyal at gumagawa sa puso niya na napapanatag na si Allāh ay ang Tagapamahala at ang Tagapangasiwa sa bawat bagay. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa hadith ni Anghel Gabriel nang nagtanong ito sa kanya tungkol sa pananampalataya: ""Na sumampalataya ka kay Allāh,..." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim.)

2. Ang Pananampalataya sa mga Anghel

Ang ikalawang haligi mula sa mga haligi ng pananampalataya ay ang pananampalataya sa mga anghel. Ang mga anghel ay mga nilikhang nilikha ni Allāh para sa pagtalima sa Kanya at pagpapatupad ng mga utos Niya. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {hindi sumusuway kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila at gumagawa sa anumang inuutos sa kanila.} (Qur'ān 66:6) Ang mga anghel ay ginagampanang tinakdaan sa pangangasiwa sa mga pumapatungkol sa Sansinukob, tulad ni Anghel Gabriel na nagbababa ng kapahayagan, ni Anghel Miguel na nakatalaga sa ulan at halaman, at ng Anghel ng Kamatayan na kumukuha ng mga kaluluwa.

Ang pananampalataya sa mga anghel ay naglalagay sa Muslim sa isang kabatiran na mayroong mga nilikha na hindi nakikita subalit ang mga ito ay gumagawa ayon sa utos ni Allāh, na kabilang sa nagpapaalaala sa kanya palagi sa kadakilaan ni Allāh at kapangyarihan Nitong walang-takda sa paglikha ng hindi natin nakikita at hindi natin natatalos sa pamamagitan ng mga pandama nating nalilimitahan.

3. Ang Pananampalataya sa mga Kasulatang Makalangit: Ang mga Mensahe ng Kapatnubayan

Ang ikatlong haligi kabilang sa mga haligi ng pananampalataya ay ang pananampalataya sa mga kasulatang makalangit na pinababa ni Allāh para sa kapatnubayan ng tao. Ang mga kasulatang ito ay nagdadala ng mga mensahe ni Allāh sa mga tao ng mga propeta at nagtutuon sa mga tao sa pagsamba kay Allāh at pagsunod sa mga utos Niya. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga malinaw na patunay at nagpababa Kami kasama sa kanila ng kasulatan at timbangan upang magpanatili ang mga tao ng pagkamakatarungan.} (Qur'ān 57:25) Ang mga kasulatang makalangit na sinasampalatayanan ng mga Muslim ay sumasaklaw sa Torah, Ebanghelyo, Salmo, at Marangal na Qur'ān, ang kahuli-hulihan sa mga kasulatang ito at ang pinakalubos sa mga ito. Ito ang mensaheng pangwakas na pinababa upang ito ay maging kapatnubayan sa sangkatauhan sa kalahatan.

Ang pananampalataya sa mga kasulatang makalangit ay kumakatig sa pag-intindi ng Muslim sa kasaysayang pangmensahe at gumagawa sa kanya na makatalos na si Allāh ay nagpababa sa bawat panahon ng nababagay rito na mga kasulatan upang gumabay sa mga tao tungo sa landasing tuwid.

4. Ang Pananampalataya sa mga Sugo: Ang Tagagabay ng Sangkatauhan

Ang ikaapat na haligi mula sa mga haligi ng pananampalataya ay ang pananampalataya sa mga sugo. Ang mga propeta at ang mga sugo ay ang mga sugo ni Allāh na pinili niya upang magpaabot ng mga mensahe Niya sa mga tao nila at gumabay sa mga iyon tungo sa pagsamba sa Kanya. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa dinidiyos.”} (Qur'ān 16:36) Ang pananampalataya sa mga sugo ay sumasaklaw sa paniniwala na sila ay mga taong pinili ni Allāh upang sila ay maging mga tagapagitna sa pagitan Niya at ng mga tao at na sila ay mga napangalagaan laban sa pagkakamali kaugnay ng ipinaaabot nila na mga mensahe ni Allāh. Kabilang sa mga sugo, na kinakailangan ang pagsampalataya sa kanila, sina Noe, Abraham, Moises, Jesus, at Muḥammad (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga).

5. Ang Pananampalataya sa Huling Araw

Ang pananampalataya sa Huling Araw ay ang ikalimang haligi mula sa mga haligi ng pananampalataya. Ang Huling Araw ay ang Araw ng Pagbangon. Ito ang Araw na bubuhay si Allāh dito ng lahat ng mga tao at makikipagtuusan sa kanila si Allāh. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {7. Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon, 8. at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.} (Qur'ān 99:7-8) Ang pananampalataya sa Huling Araw ay humihiling sa Muslim ng paniniwala na ang buhay sa Mundo ay hindi ang wakas; bagkus mayroong iba pang buhay matapos ng kamatayan yayamang bubuhayin ni Allāh ang mga tao upang makipagtuos sa kanila sa mga gawa nila. Ang sinumang sumampalataya kay Allāh at tumalima sa kanya ay papasok sa Paraiso at bibiyayaan ng pamamalagi. Ang sinumang hindi sumampalataya kay Allāh ay papasok sa Impiyerno bilang mamamalagi roon.

Ang pananampalatayang ito ay nagtutulak sa Muslim sa pagpapakatuwid sa buhay niya dahil ang ganti ay nauugnay sa bawat gawaing isinasagawa niya, maging ito man ay naging kabutihan o kasamaan. Kumakatig ang pananampalatayang ito sa pagkadama ng pananagutan at humihimok ito sa maayos na gawa.

6. Ang Pananampalataya sa Pagtatakda

Ang pananampalataya sa pagtatakda, sa kabutihan nito at kasamaan nito, ay ang ikaanim at huling haligi mula sa mga haligi ng pananampalataya. Ang pagtatakda ay nangangahulugan na si Allāh ay nagtakda ng bawat bagay sa Sansinukob at na ang bawat anumang nangyayari sa buhay na kabutihan o kasamaan ay nasa kaalaman ni Allāh. Nagsasabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.} (Qur'ān 54:49) Ang pananampalataya sa pagtatakda ay humihiling sa Muslim na malugod sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya, maging ang nangyayari sa kanya ay kabutihan man o pagsubok man. Ang pananampalataya sa pagtatakda ay nagtuturo sa Muslim ng pagpapasakop sa utos ni Allāh at nagkakaloob sa kanya ng kapanatagan na ang anumang nangyayari ay dahil sa isang kasanhiang pandiyos kahit pa man hindi nakatatalos niyon ang tao sa sandaling iyon.

Gayon din, ang pananampalataya sa pagtatakda ay hindi nangangahulugan ng pagsuko sa mga pangyayari (problema) o pag-iwan ng paggawa; bagkus kailangan sa Muslim na magsumikap at gumawa kasabay ng katiyakan na ang mga resulta ay nasa kamay ni Allāh lamang. Nagsasabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magsigasig ka sa anumang magpapakinabang sa iyo, magpatulong ka kay Allāh, at huwag kang mawalang-kakayahan." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim.)

Ang Pagwawakas

Ang anim na haligi ng pananampalataya ay ang pundasyon na kinasasalalayan ng pananampalataya ng Muslim. Ang mga ito ay ang nagtutuon sa buhay niya tungo sa pagtalima kay Allāh at pagpupunyagi para sa pagsasakatotohanan ng kaluguran ni Allāh. Ang pananampalataya kay Allāh, sa mga anghel, mga kasulatang makalangit, mga sugo, Huling Araw, at pagtatakda ay ang gumagawa sa Muslim na mamuhay ng isang buhay na balanse, na pinupuno ng kapanatagan at tiwala sa awa ni Allāh at katarungan Nito. Ang mga haliging ito ay gumagawa sa Muslim na maging higit sa kamalayan sa katayuan niya sa Sansinukob at nagtutulak sa kanya sa pananatili sa mga minamahalaga (values) sa mga kaasalan at maayos na gawain dala ng pagpupunyagi sa pagtamo sa pagkalugod ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay.

Ang Unang Nibel Mula sa Metodolohiya ng Paghahanda sa mga Dā`iyah

Ang Ikaanim na Bokabularyo

Ang mga Tagasira ng Pagkaanib sa Islām

Ang Panimula

Ang Islām ay ang Relihiyon na nakasalalay sa pananampalataya kay Allāh at pagsunod sa utos Niya. Ito ay isang relihiyong naglalayon ng pagsasakatotohanan ng kapayapaang panloob at panlabas sa pamamagitan ng pagsamba kay Allāh lamang. Sa Islām, may mga pundasyon at mga panuntunang kinakailangan sa Muslim ang pagsunod sa mga ito upang makapangalaga siya sa pananampalataya niya. Sa katapat niyan, may mga bagay na maaaring masadlak sa mga ito ang Muslim dahil sa isang pagkamangmang o isang pagkakamali, na maaaring magpawalang-saysay sa pagkaanib niya sa Islām at magpalabas sa kanya sa Relihiyon. Tinatawag ito na mga tagasira ng pagkaanib Islām. Ang mga tagasirang ito ay mga ginagawa o mga sinasabing nauuwi sa kawalang-pananampalataya at paglabas sa Islām, hanggat hindi nagbabalik-loob ang tao mula sa mga ito. Sa pagtatalakay na ito, magbibigay-linaw tayo sa mga tagasira ng pagkaanib sa Islām sa isang pinasimpleng anyo upang makaintindi ang bagong Muslim ng kahalagahan ng pag-iingat laban sa mga ito.

1. Ang Pagtatambal (Shirk) kay Allāh: Ang Pinakamabigat sa mga Tagasira

Ang pinakamahalaga sa kinasasalalayan ng Islām ay ang pananampalataya na si Allāh ay ang Diyos na Mag-isa. Ang pagtatambal (shirk) kay Allāh ay ang pinakamapanganib sa mga bagay na nagpapawalang-saysay sa pagkaanib sa Islām. Ang Shirk ay nangangahulugan na sumamba ang tao sa isang bagay o isa pang personang iba kay Allāh, tulad ng mga anito o mga patay o kahit pa umasa sa isa pang bagay na iba kay Allāh sa mga nauukol sa buhay niya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) sa Qur'ān: {Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya.} (Qur'ān 4:48)

Kapag sumamba ang Muslim sa iba pa kay Allāh o humiling ng pag-alalay mula sa mga patay o mga anito, tunay na siya ay nasadlak nga sa Shirk. Ito ay ang pinakamapanganib na maaaring gawin ng Muslim.

2. Ang Paggawa ng mga Tagapagitna sa Pagitan ng Tao at Panginoon Niya

Sa Islām, walang pangangailangan sa pag-iral ng isang tagapagpagitna sa pagitan ng tao at Panginoon niya. Ang Muslim ay makakakaya na dumalangin kay Allāh nang tuwiran at humiling mula sa Kanya ng niloloob nito. Ang paggawa ng mga tagapagpagitna sa pagitan mo at ni Allāh, tulad ng pagdalangin sa mga walīy o mga santo. Ito ay kabilang sa mga tagasira ng pagkaanib sa Islām dahil ito ay sumasalungat sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa pagsamba. Si Allāh – tanging Siya – ay ang Nakakakaya sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao. Hindi nangangailangan ang Muslim ng alinmang tagapagpagitna.

3. Ang Hindi Pagtuturing ng Kawalang-pananampalataya sa mga Tagapagtambal o ang Pagdududa sa Kawalang-pananampalataya Nila

Kabilang sa mga tagasira ng pagkaanib sa Islām na hindi magturing ang Muslim na ang Shirk ay kawalang-pananampalataya o na magduda siya roon. Ang Muslim ay kinakailangan na maging mananampalataya na ang pagsamba sa iba pa kay Allāh ay kawalang-pananampalataya. Ang sinumang naniniwala ng iba pa roon, siya ay magiging sumalungat nga sa mga pundamental ng Islām. Ang pananampalataya kay Allāh – tanging sa Kanya – ay humihiling na magturing sa pagsamba sa iba pa sa Kanya bilang pagkaligaw at kawalang-pananampalataya.

4. Ang Pagtatangi sa Patnubay na Iba pa sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)

Si Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang kahuli-hulihan sa mga propeta. Dumating ang mensahe niya upang maging kapatnubayan sa mga nilalang. Ang sinumang naniniwala na ang alinmang iba pang sistema o pamamaraan ng buhay ay higit na mainam kaysa sa Batas Islāmiko o na ang mga patakaran ng iba pa sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay higit na mainam kaysa sa mga patakaran niya, nasadlak nga ito sa isang tagasira kabilang sa mga tagasira ng pagkaanib sa Islām. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa nagpapahatol sila sa iyo sa anumang napagtalunan sa pagitan nila,} (Qur'ān 4:65)

5. Ang Pagkasuklam sa Inihatid ng Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)

Ang Islām ay nag-aanyaya sa Muslim tungo sa pag-ibig sa mga katuruan ng Relihiyon at pagpapatupad ng mga ito. Ang sinumang nasusuklam sa alinmang bahagi ng mga katuruan ng Islām o anumang inihatid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kahit pa man sumunod siya sa mga ito sa panlabas, tunay na siya ay nasadlak nga sa isang tagasira kabilang sa mga tagasira ng pagkaanib sa Islām. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Iyon ay dahil sila ay nasuklam sa pinababa ni Allāh kaya nagpawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila.} (Qur'ān 47:9)

6. Ang Pangungutya sa Relihiyon o sa Anuman sa mga Sagisag Nito

Ang pangungutya sa Relihiyon o sa anuman sa mga katuruan nito o mga sagisag nito ay isang bagay na lubhang mapanganib. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {65. Talagang kung nagtanong ka sa kanila ay talagang magsasabi nga sila: “Dati kaming tumatalakay [sa kabulaanan] at naglalaro lamang.” Sabihin mo: “Kay Allāh, sa mga tanda Niya, at sa Sugo Niya ba dati kayong nangungutya? 66. Huwag kayong magdahi-dahilan; tumanggi na kayong sumampalataya matapos ng pananampalataya ninyo. ...} (Qur'ān 9:65-66)

Ang pangungutya sa Relihiyon ay naglalantad ng kawalan ng paggalang sa pinababa mula sa ganang kay Allāh, na kabilang sa mga bagay na nagpapawalang-saysay sa pananampalataya.

7. Ang Panggagaway

Ang panggagaway ay ang pagtatangka ng paggamit ng mga lakas na hindi nakikita para sa pagsasakatuparan ng mga kapakanang personal, na kadalasang sumasaklaw sa pagpapatulong sa mga jinn o mga demonyo. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) tungkol sa panggagaway. {Hindi nagtuturo silang dalawa sa isa man hanggang sa magsabi silang dalawa: “Kami ay tukso lamang, kaya huwag kang tumangging sumampalataya.”} (Qur'ān 2:102)

Ang pagsasagawa ng panggagaway o ang paniniwala rito ay isang uri ng Shirk dahil ito ay umaasa sa mga lakas na iba pa kay Allāh.

8. Ang Pakikipagtangkilikan sa mga Tagapagtambal at ang Pakikipagtulungan sa Kanila Laban sa mga Muslim

Ang pakikipagtangkilikan sa mga tagapagtambal at ang pagtutulungan sa kanila laban sa mga Muslim ay kabilang sa mga bagay na sumasalungat sa paniniwala ng Islām. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):

{Ang sinumang tumatangkilik sa kanila kabilang sa inyo, tunay na siya ay kabilang sa kanila.} (Qur'ān 5:51)

9. Ang Paniniwala na ang Ilan sa mga Tao ay Pinapayagan sa Paglabas sa Batas ng Islām

Ang Batas ng Islām ay ang huling Batas na pinababa ni Allāh sa sangkatauhan. Ang sinumang naniniwala na may iba pang relihiyong tinatanggap na iba sa Islām o na ang ilan sa mga tao ay pinapayagan sa paglabas sa Islām, nasadlak nga siya sa kawalang-pananampalataya. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya} (Qur'ān 3:85)

10. Ang Pag-ayaw sa Relihiyon ni Allāh

Ang kahuli-hulihan sa mga tagasira ng pagkaanib sa Islām ay na umayaw ang tao sa pagkatuto ng Relihiyon ni Allāh o paggawa ayon dito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinaalalahanan sa pamamagitan ng mga tanda ng Panginoon niya, pagkatapos umaayaw sa mga ito?} (Qur'ān 32:22)

Ang pag-ayaw sa Relihiyong Islām o ang pagwawalang-bahala sa pagpapakatuto ng mga katuruan at paggawa ayon sa mga ito ay itinuturing na kabilang sa mga tagasira na nagpapalabas sa tao sa Islām.

Ang Pagwawakas

Ang mga tagasira ng pagkaanib sa Islām ay mga bagay na mapanganib na kinakailangan sa Muslim ang mag-ingat laban sa mga ito dahil ang mga ito ay nagpapawalang-saysay sa pananampalataya niya at nagpapalabas sa kanya sa Islām. Ang Muslim ay kinakailangan na kumapit sa pananampalataya niya kay Allāh at umiwas sa Shirk at lahat ng mga bagay na maaaring magbanta sa pananampalataya niya. Humihiling tayo kay Allāh na magpatatag Siya sa atin sa kalahatan sa pananampalataya at magpaiwas Siya sa atin sa pagkakasadlak sa mga tagasirang ito.