T. Kapag sinabi sa iyo: Ipinahihintulot bang ikapit ang panlaping "`Abdu" sa mga pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh gaya ng `Abdunnabīy o `Abdulḥusayn at tulad niyon?
السؤال
T. Kapag sinabi sa iyo: Ipinahihintulot bang ikapit ang panlaping "`Abdu" sa mga pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh gaya ng `Abdunnabīy o `Abdulḥusayn at tulad niyon?
الجواب
S. Sabihin mo: Hindi ito ipinahihintulot yayamang nagkaisa ang mga Imām sa pagbabawal sa bawat pangalang may panlaping "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh. Kinakailangan ang pagpapalit ng pangalang may "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh gaya ng `Abdunnabīy, o `Abdurrasūl, o `Abdulḥusayn, o `Abdulka`bah, at iba pang mga pangalang kabilang sa mga pangalang may "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh - pagkataas-taas Niya. Ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān gaya ng nasaad ḥadīth ayon sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ang kaibig-ibig sa mga pangalan kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Kinakailangan ang pagpapalit ng pangalang may "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh. Ito ay nakaugnay sa mga buhay na mga pinangalanan ng mga pangalang may "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh.