عربي - Arabic English Qafár af - Afar Afrikaans - Afrikanns Akan Shqip - Albanian አማርኛ - Amharic Հայերեն - Armenian অসমীয়া - Assamese Azərbaycanca - Azerbaijani Bamanankan - Bambara Bassa Bemba বাংলা - Bengali Bosanski - Bosnian Български - Bulgarian မြန်မာဘာသာ - Burmese Bisaya - Cebuano Cham Нохчий - Chechen chiCheŵa - Chewa 中文 - Chinese Адыгэбзэ - Circassian Hrvatski - Croatian Česky - Czech Dagbani Dansk - Danish فارسی دری - Dari Dendi ދިވެހި ބަސް - Dhivehi Nederlands - Dutch إستوني - Estonian Suomi - Finnish Français - French Fulfulde - Fula ქართული - Georgian Deutsch - German Ελληνικά - Greek ગુજરાતી - Gujrati Kreyòl ayisyen - Haitian Creole Hausa हिन्दी - Hindi Magyar - Hungarian Igbo Indonesia - Indonesian Italiano - Italian 日本語 - Japanese Jóola - Jola ಕನ್ನಡ - Kannada Қазақша - Kazakh ភាសាខ្មែរ - Khmer Kikuyu Ikinyarwanda - Kinyarwanda Ikirundi - Kirundi 한국어 - Korean كوردی سۆرانی - kurdish كوردي kurmancî - Kurmanji Kyrgyz ລາວ - Lao latviešu - Latvian Lingala lietuvių - Lithuanian Luganda Македонски - Macedonian Maguindanaon Malagasy - Malagasy Bahasa Melayu - Malay മലയാളം - Malayalam Mandinka मराठी - Marathi Mõõré - Moore नेपाली - Nepali أنكو - NKo Norwegian ଓଡ଼ିଆ - Odia oromoo - Oromo پښتو - Pashto فارسی - Persian Polski - Polish Portuguese ਪੰਜਾਬੀ - Punjabi Română - Romanian Русский - Russian Српски - Serbian Shona සිංහල - Sinhala Slovenščina - Slovenian Soomaaliga - Somali Soninke Sesotho - Sotho Español - Spanish Kiswahili - Swahili Svenska - Swedish Tagalog Тоҷикӣ - Tajik தமிழ் - Tamil తెలుగు - Telugu ไทย - Thai ትግረኛ - Tigrinya Türkçe - Turkish Ukrainian اردو - Urdu ئۇيغۇرچە - Uyghur Ўзбек - Uzbek Việt Nam - Vietnamese Wolof Yao Yorùbá - Yoruba Zarma زولو - Zulu
673 Mga Hadith
Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta
Mga Kategorya
Antas ng hadith
Isinalaysay sa
Tagapagsalaysay
{Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw, saka nangaral siya sa amin ng isang marubdob na pangaral na nasindak dito ang mga puso at lumuha dahil dito ang mga mata. Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, nangaral ka po sa amin ng isang pangaral ng isang namamaalam, kaya maghabilin ka po sa amin ng isang habilin." Kaya nagsabi siya: "Manatili kayo ng pangingilag magkasala kay Allāh at pagdinig at pagtalima [sa pinuno], kahit pa siya ay isang aliping Etyope. Makakikita kayo matapos ko ng isang matinding pagkakaiba-iba. Kaya manatili kayo sa Sunnah ko at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah. Kumagat kayo rito ng mga bagang ninyo. Kaingat kayo sa mga bagay-bagay na pinauso sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Talagang magbibigay nga ako ng watawat na ito sa isang lalaking umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya, na magpapawagi si Allāh sa pamamagitan ng mga kamay niya." Nagsabi si `Umar bin `Al-Khaṭṭāb: "Hindi ako umibig sa pamumuno maliban sa araw na iyon." Nagsabi ito: "Kaya nag-angat ako ng sarili para rito sa pag-asa na tawagin ako para rito." Nagsabi pa ito: "Saka tumawag ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Alīy bin Abī Ṭālib saka ibinigay rito iyon at nagsabi siya: Lumakad ka at huwag kang lumingon hanggang sa magpawagi si Allāh sa iyo." Nagsabi ito: "Kaya humayo si `Alīy nang kaunti, pagkatapos tumigil siya at hindi lumingon, saka sumigaw siya: O Sugo ni Allāh, batay sa ano po ako makikipaglaban sa mga tao?" Nagsabi siya: "Makipaglaban ka sa kanila hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh; sapagkat kapag ginawa nila iyan, nakapangalaga nga sila laban sa iyo ng mga buhay nila at mga ari-arian nila, maliban sa karapatan sa mga ito, at ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh, at pagdinig at pagtalima kahit pa namuno sa inyo ang isang alipin. Tunay na ang sinumang mamumuhay [nang matagal] kabilang sa inyo ay makakikita ng maraming pagkakaiba-iba. Kaya naman manatili kayo sa sunnah ko at sunnah ng mga Matinong Nagabayang Khalīfah at kumagat kayo rito ng mga bagang [ninyo]. Kaingat kayo sa mga pinauso sa mga bagay-bagay sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan ..."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.
{Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) limang [araw] bago siya mamatay habang siya ay nagsasabi: "Tunay na ako ay nagpapawalang-kaugnayan sa harap ni Allāh na magkaroon ako kabilang sa inyo ng isang matalik na kaibigan sapagkat tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay gumawa sa akin bilang matalik na kaibigan gaya ng paggawa Niya kay Abraham bilang matalik na kaibigan. Kung sakaling ako ay gagawa mula sa Kalipunan ko ng isang matalik na kaibigan, talaga sanang gumawa ako kay Abū Bakr bilang matalik na kaibigan. Pansinin at tunay na ang kabilang sa mga bago ninyo noon ay gumagawa sa mga libingan ng mga propeta nila at mga maayos na tao nila bilang mga sambahan. Pansinin, kaya huwag kayong gumawa sa mga libingan bilang mga sambahan. Tunay na ako ay sumasaway sa inyo laban doon."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi kaugnay sa mga Tagaadya (Anṣār}: "Walang umiibig sa kanila kundi isang mananampalataya at walang nasusuklam sa kanila kundi isang mapagpaimbabaw. Ang sinumang umibig sa kanila, iibig sa kanya si Allāh; at ang sinumang namuhi sa kanila, mamumuhi sa kanya si Allāh."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakapansin ng pagkawala ni Thābit bin Qays kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, ako ay mag-aalam para sa iyo ng kaalaman sa kanya." Kaya pumunta ito roon, saka nakatagpo ito roon habang nakaupo sa bahay niyon habang nagyuyuko ng ulo niyon. Kaya nagsabi ito roon: "Ano ang nangyari sa iyo?" Kaya naman nagsabi iyon: "Kasamaan." Iyon noon ay nagtataas ng tinig niyon higit sa tinig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nawalang-kabuluhan ang gawa niyon at iyon ay kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. Pumunta ang lalaki [sa Propeta] at nagpabatid sa kanya ito na iyon ay nagsabi ng ganito at ganoon. Saka [sinabing] bumalik ito roon sa ibang pagkakataon kalakip ng isang dakilang nakagagalak na balita sapagkat nagsabi siya: "Pumunta ka sa kanya saka magsabi ka sa kanya: Tunay na ikaw ay hindi kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, bagkus kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.