Skip to content

"Ang karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagdalo sa libing, ang pagtugon sa paanyaya, at ang pagsambit ng tashmīt sa bumahin."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:

"Ang karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagdalo sa libing, ang pagtugon sa paanyaya, at ang pagsambit ng tashmīt sa bumahin."}

«حَقُّ الْمُسْلِمِ عَلَى الْمُسْلِمِ خَمْسٌ: رَدُّ السَّلَامِ، وَعِيَادَةُ الْمَرِيضِ، وَاتِّبَاعُ الْجَنَائِزِ، وَإِجَابَةُ الدَّعْوَةِ، وَتَشْمِيتُ الْعَاطِسِ».

Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga karapatan ng Muslim sa kapwa niyang Muslim. Ang kauna-unahan sa mga karapatang ito ay ang pagtugon sa pagbati ng sinumang nagbigay sa iyo ng pagbati. Ang ikalawang karapatan ay ang pagdalaw sa maysakit at ang pagbisita sa kanya. Ang ikatlong karapatan ay ang pagdalo sa libing niya mula sa bahay niya hanggang sa pinagdarasalan hanggang sa sementeryo hanggang sa mailibing. Ang ikaapat na karapatan ay ang pagtugon sa paanyaya niya kapag nag-anyaya sa isang piging ng kasal at iba pa roon. Ang ikalimang karapatan ay ang pagsasagawa ng tashmīṭ sa bumahin. Ito ay ang magsabi sa kanya, kapag nagsabi siya ng Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), ng Yarḥamuka –llāh (Maawa nawa sa iyo si Allāh). Pagkatapos magsasabi naman ang bumahin ng Yahdīkumu –llāhu wa-yuṣliḥu bālakum (Magpatnubay nawa sa inyo si Allāh at magsaayos ng lagay ninyo).

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang kadakilaan ng Islām sa pagbibigay-diin sa mga karapatan sa pagitan ng mga Muslim at pagpapatibay sa kapatiran at pag-ibig sa pagitan nila.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (2/ 71) (1240).

Ṣaḥīḥ Muslim (4/ 1704) (2162).

Ang Karagdagan (10)

كنوز رياض الصالحين.

لمجموعة من الباحثين (4/ 512).

بهجة الناظرين شرح رياض الصالحين.

لسليم الهلالي (1/ 327).

نزهة المتقين شرح رياض الصالحين.

مجموعة من الباحثين (1/ 253).

شرح رياض الصالحين.

لابن عثيمين (2/ 591).

بهجة قلوب الأبرار.

لابن سعدي (ص81).