"O bata, sumambit ka ng ngalan ni Allāh, kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo, at kumain ka mula sa nalalapit sa iyo."
Ayon kay `Umar bin Abī Salamah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ako noon ay isang batang lalaking nasa pangangalaga ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Minsan, ang kamay ko ay naglilikot sa plato, kaya nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O bata, sumambit ka ng ngalan ni Allāh, kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo, at kumain ka mula sa nalalapit sa iyo." Kaya hindi natigil iyon bilang [paraan ng] pagkain ko matapos niyon.}
كُنْتُ غُلَامًا فِي حَجْرِ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، وَكَانَتْ يَدِي تَطِيشُ فِي الصَّحْفَةِ، فَقَالَ لِي رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «يَا غُلَامُ، سَمِّ اللهَ، وَكُلْ بِيَمِينِكَ، وَكُلْ مِمَّا يَلِيكَ» فَمَا زَالَتْ تِلْكَ طِعْمَتِي بَعْدُ.
Nagpapabatid si `Umar na anak ni Abī Salamah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), na anak ng maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Ummu Salamah (malugod si Allāh sa kanya), na noon ay nasa ilalim ng pag-aalaga at pag-aaruga ng Propeta, na noong minsang siya ay nasa sandali ng pagkain habang naglilipat siya ng kamay niya sa mga gilid ng bandehado upang damputin ang pagkain, nagturo sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlong etiketa mula sa mga etiketa ng pagkain: A. Ang pagsabi ng Bismi –llāh (Sa ngalan ni Allāh) sa simula ng pagkain. B. Ang pagkain sa pamamagitan ng kanang kamay. C. Ang pagkain mula sa gilid na malapit mula sa pagkain.
...:
Kabilang sa mga etiketa ng pagkain at pag-inom ang pagsambit ng Bismi –llāh sa simula nito.
Ang pagtuturo sa mga bata ng mga etiketa, lalo na sa mga nasa ilalim ng pag-aaruga ng tao.
Ang kabanayaran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang lawak ng tiyaga niya sa pagtuturo sa mga nakababata at pagdudulot ng edukasyon sa kanila.
Kabilang sa mga etiketa ng pagkain ang pagkain mula sa malapit sa tao, malibang kapag may sarisaring putahe sapagkat maaari sa kanya na kumuha mula sa mga iyon.
Ang pananatili ng mga Kasamahan sa etiketang itinuro sa kanila ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Iyon ay mahihinuha mula sa sabi ni `Umar: {Kaya hindi natigil iyon bilang [paraan ng] pagkain ko matapos niyon.}
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (7/ 68) (5376).
(3/ 61) (2092).
Ṣaḥīḥ Muslim (3/ 1599) (2022).
Ang Karagdagan (9)
شرح النووي على مسلم (13/ 193).
توضيح الأحكام مِن بلوغ المرام.
للبسام (5/ 440).
فتح ذي الجلال والإكرام شرح بلوغ المرام.
لابن عثيمين (4/ 616).
منحة العلام في شرح بلوغ المرام.
لعبد الله الفوزان (7/ 439).
شرح رياض الصالحين.
لابن عثيمين (3/ 169).
Binanggit sa mga aklat
8 Mga Aklat- مشروع منهاج زادكزادك 1 طالب"O bata, sumambit ka ng ngalan ni Allāh at kumain ka mula sa nakatatapat mo."
- مشروع منهاج زادكزادك 2 طالب نهائي"O bata, sumambit ka ng ngalan ni Allāh at kumain ka mula sa nakatatapat mo."
Ang Karagdagan (6)
- الذكر والدعاء والعلاج بالرقي من الكتاب والسنة"يا غلام سَمِّ اللهَ، وكل بيمينك، وكل مما يليك" فما زالت تلك طعمتي بعد .
- تحفة الأخيار تحفة الأخيار (ببيان جملة نافعة مما ورد في الكتاب والسنة من الأدعية والأذكار)«يَا غُلَامُ، سَمِّ اللَّهَ، وَكُلْ بِيَمِينِكَ، وَكُلْ مِمَّا يَلِيكَ» [77]
- رياض الصالحينرياض الصالحين مع فوائد وهدايات - 4«سَمِّ اللهَ، وَكُلْ بِيَمِينِكَ، وكُلْ مِمَّا يَلِيكَ»
- ما لا يسع أطفال المسلمين جهله«يَا غُلَامُ، سَمِّ اللَّهَ، وَكُلْ بِيَمِينِكَ، وَكُلْ مِمَّا يَلِيكَ»[115].
- مجموعة زاد التربية الإسلامية (1)، والسيرة النبوبة (1)، والعقيدة (1)، والفقه (1)التربية الأسلامية 1« يا غُلامُ، سمِّ اللّه، وكُلْ بِيمِينِك، وكُلْ مِمّا يلِيك»
- مجموعة زاد التربية الإسلامية (3)، والسيرة النبوية (3)السيرة النبوية (3)«يا غلامُ، سَمِّ الله، وكُلْ بيمينك».