Skip to content

"Ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan. ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa mga kababaihan nila."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan. ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa mga kababaihan nila."}

«أَكْمَلُ الْمُؤْمِنِينَ إِيمَانًا أَحْسَنُهُمْ خُلُقًا، وَخَيْرُكُمْ خَيْرُكُمْ لِنِسَائِهِمْ».

Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
Maganda
Ang Pagbibigay-linaw

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakalubos sa mga tao sa pananampalataya ay ang sinumang gumanda ang kaasalan niya. Iyon ay sa pamamagitan ng kaaliwalasan ng mukha, pagkakaloob ng nakabubuti, kagandahan ng pagsasalita, at pagpipigil ng perhuwisyo. Ang pinakamabuti sa mga mananampalataya ay ang pinakamabuti sa kanila sa mga kababaihan nila gaya ng maybahay niya, mga babaing anak niya, mga babaing kapatid niya, at mga babaing kamag-anak niya dahil sila ay kabilang sa pinakamarapat sa mga tao sa kagandahan ng kaasalan.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

....:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang kainaman ng mga magandang kaasalan at ang mga ito ay bahagi ng pananampalataya.

Ang paggawa ay bahagi ng pananampalataya. Ang pananampalataya ay nadaragdagan at nababawasan.

Ang pagpaparangal ng Islām sa babae at ang pagpapaibig sa paggawa ng maganda sa kanya.

Ang mga Sanggunian

Sunan Abī Dāwud (7/ 70) (4682).

Sunan At-Tirmidhīy (2/ 454) (1162).

Ang Karagdagan (9)

مسند أحمد ط الرسالة (12/ 364) (7402).

سلسلة الأحاديث الصحيحة وشيء من فقهها وفوائدها.

للألباني (1/ 573).

بهجة الناظرين شرح رياض الصالحين.

لسليم الهلالي (1/ 362).

شرح رياض الصالحين.

لابن عثيمين (3/ 130).

كنوز رياض الصالحين.

لمجموعة من الباحثين (5/ 234).