Skip to content
Listahan ng Surah /

فَاطِر

فَاطِر is chapter 35 of the Quran and has 45 verses. This page presents it in full in the Uthmani script, with a verse-by-verse translation of its meaning.

45 Mga Ayah Surah Blg. 35
Pumunta sa ayah
Tagalog · Rwwad
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ فَاطِرِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ جَاعِلِ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ رُسُلًا أُوْلِيٓ أَجۡنِحَةٖ مَّثۡنَىٰ وَثُلَٰثَ وَرُبَٰعَۚ يَزِيدُ فِي ٱلۡخَلۡقِ مَا يَشَآءُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Ang papuri ay ukol kay Allāh, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, na Tagagawa sa mga anghel bilang mga sugo na may mga pakpak na dalawahan, tatluhan, at apatan. Nagdaragdag Siya sa paglikha ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

مَّا يَفۡتَحِ ٱللَّهُ لِلنَّاسِ مِن رَّحۡمَةٖ فَلَا مُمۡسِكَ لَهَاۖ وَمَا يُمۡسِكۡ فَلَا مُرۡسِلَ لَهُۥ مِنۢ بَعۡدِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Ang anumang binubuksan ni Allāh para sa mga tao na awa ay walang tagapigil para rito at ang anumang pinipigil Niya ay walang tagapagpakawala para rito matapos na niyon. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡۚ هَلۡ مِنۡ خَٰلِقٍ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ

O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo. May tagalikha kayang iba pa kay Allāh, na nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo [palayo sa katotohanan]?

وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كُذِّبَتۡ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِكَۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ

Kung nagpapasinungaling sila sa iyo, may pinasinungalingan nga na mga sugo bago mo pa. Tungo kay Allāh pinababalik ang mga usapin.

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ

O mga tao, tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo kaya huwag ngang lilinlang sa inyo ang buhay na pangmundo at huwag ngang lilinlang sa inyo hinggil kay Allāh ang mapanlinlang [na si Satanas].

Explanation & meanings · 1
  1. na pagbuhay at pagganti sa Araw ng Pagbangon