Pinakahinahanap
I-filter ang mga resulta
116 card
الموضوعات
التصنيف الشرعي
S. Sabihin mo: Walang nakaaalam sa Ghayb (Lingid) kundi si Allāh at walang nakabubuhay sa mga patay kundi si Allāh. Ang patunay ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 7:188): "Sabihin mo: 'Kung sakaling nangyaring nalalaman ko ang Lingid, talagang nagtamo sana ako ng maraming kabutihan at hindi sana ako dinapuan ng isang kasagwaan." Kaya kapag ang Sugo ni Allah - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ang pinakamainam na nilikha ay hindi nakaaalam sa Lingid, ang sinumang mababa sa kanya ay higit na karapat-dapat at higit na nababagay na hindi makaalam sa Lingid.
Napagkaisahan ng apat na imām na ang sinumang naniwala na ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nakaaalam sa Lingid o nakabubuhay ng mga patay, ito ay tumiwalag sa Islām dahil ito ay nagpasinungaling kay Allāh na nag-utos sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na magsabi sa tao at jinn (Qur'ān 6:50): "Sabihin mo: 'Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh. Hindi ako nakaaalam sa Lingid. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay isang anghel. Wala akong sinusunod kundi ang isiniwalat sa akin.'" Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 31:34): "Tunay na si Allāh ay may taglay sa kaalaman sa Huling Sandali, nagpapababa ng ulan, at nakaaalam sa mga nasa mga sinapupunan. Hindi namamalayan ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan. Hindi namamalayan ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay maalam, nakababatid." Kaya naman ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay walang nalalaman sa alinman sa Lingid maliban sa ikinasi sa kanya ni Allāh at itinuro sa kanya. Hindi nag-angkin ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa isang araw na siya ay bumuhay ng isa kabilang sa mga Kasamahan Niya o isa kabilang sa mga mga anak niya na namatay bago niya, kaya papaano na silang mababa sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?
S. Sabihin mo: Ang bawat mananampalatayang taqīy (mapangilag sa pagkakasala), siya para kay Allāh ay isang walīy (katangkilik). Ang patunay ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 10:62-63): "Pakatandaan, tunay na ang mga katangkilik ni Allāh ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. [Sila] ang mga sumampalataya at sila ay nangingilag magkasala." Hindi ito natatangi sa isa sa mga mananampalataya bukod pa sa iba subalit ang mga antas nito ay nakakaiba-iba. Ang taqwā (pangingilag sa pagkakasala) ay nangangahulugan ng paggawa sa ipinag-utos ni Allāh at ng Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at pag-iwas sa sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang bawat mananampalataya ay may wilāyah ayon sa sukat ng pananampalataya niya at pagtalima niya.
S. Sabihin mo: Ang sinumang walīy na kabilang sa hindi mga propeta, tunay na siya ay hindi napangalagaan sa pagkakasadlak sa mga maliit na kasalanan o mga malaking kasalanan sapagkat may nasadlak sa hindi iisa sa mga pinakamalaki sa mga walīy at mga ṣāliḥ (maayos na tao) sa ilang mga pagkakadapa, mga pagkatisod, at mga pagkabuyo subalit sila ay nagdadali-dali sa pagbabalik-loob at pagsisisi kaya nagpatawad sa kanila si Allāh.
S. Sabihin mo: Ang tumpak ay na si Al-Khiḍr ay isang propeta kabilang sa mga propeta ni Allāh, na namatay bago ang kapanganakan ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - dahil si Allāh - pagkataas-taas Niya - ay nagsabi (Qur'ān 21:34): "Hindi Kami gumawa para sa isang tao bago mo ng pananatili. Kaya kung namatay ka, sila ba ay ang mga mananatili?" Kung sakaling siya ay buhay, talaga sanang sumunod siya sa Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at nakibaka kasama nito dahil ang Propeta nating si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay isinugo sa mga tao at mga jinn sa kalahatan. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 7:158): "Sabihin mo: 'O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo sa kalahatan," Ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nagsabi naman: "Naisaalang-alang ba ninyo ang gabi ninyong ito sapagkat tunay na sa simula ng isandaang taong ito, mula rito, ay walang matitirang isa kabilang sa sinumang nasa ibabaw ng balat ng lupa." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy. Ito ay isang patunay na si Al-Khiḍr ay isang patay kabilang sa mga patay. Batay rito, siya ay hindi nakaririnig sa isang panawagan ng sinumang nanawagan sa kanya at hindi nagpapatnubay sa sinumang naligaw sa landas kapag humiling ng patnubay sa kanya. Ang binabanggit na mga balita ng pakikipagtagpo sa kanya ng ilan sa mga tao at mga kuwento ng pagkakita sa kanya, pagkakasama sa kanya, at pagkatuto raw ng ilan sa kanila buhat sa kanya, ang mga ito ay mga haka-haka o mga kasinungalingang hayagan, na hindi pinapatulan ng sinumang tinustusan ni Allāh ng kaalaman, isip, at pagkatalos.
S. Sabihin mo: Ang mga patay ay hindi nakaririnig dahil ang sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:22): "samantalang ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa sinumang mga nasa mga libingan." Ang sabi pa Niya (Qur'ān 27:80): "Tunay na ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay" Hindi sila tumutugon sa sinumang dumalangin sa kanila. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:13-14): "samantalang ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles. Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay itatanggi nila ang pagtatambal ninyo [sa kanila kay Allāh]. Walang makapagbabalita sa iyo ng tulad ng isang nakababatid." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 46:5): "Sino ang higit na ligaw kaysa sa sinumang dumadalangin sa kabilang sa iba pa kay Allāh, na hindi tumutugon sa kanya hanggang sa Araw ng Pagkabuhay samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat?"
S. Sabihin mo: Ang mga ito ay mga tinig ng mga demonyo ng mga jinn, na inaakala ng mga mangmang na ito ay mga tinig ng nakalibing sa libingan upang tuksuin nila ang mga iyon at lituin nila ang mga iyon sa relihiyon ng mga iyon. Ang mga nakalibing sa mga libingan ay hindi nakaririnig at hindi tumutugon sa sinumang dumadalangin sa kanila o nananawagan sa kanila. Ayon sa teksto ng Qur'ān, nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 27:80): "Tunay na ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay" Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:14): "Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo," Nagsabi pa siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:22): "samantalang ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa sinumang mga nasa mga libingan." Kaya papaano tutugon ang mga ito sa kanila samantalang ang mga ito, sa Mundong pambarzakh ng mga ito, ay walang kaugnayan sa mga naninirahan sa Mundo? Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 46:5): "samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat?"
S. Sabihin mo: Sila ay hindi tumutugon sa sinumang nanawagan sa kanila at hindi nakakakaya sa pagtugon sa sinumang dumalangin sa kanila o nagpasaklolo sa kanila. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:13-14): "samantalang ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles. Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay itatanggi nila ang pagtatambal ninyo [sa kanila kay Allāh]. Walang makapagbabalita sa iyo ng tulad ng isang nakababatid." O kasawian ng sinumang nalinlang ng mga demonyo at mga tagapag-anyaya ng kaligawan sapagkat ipinang-akit nila sa kanya ang pagdalangin sa mga patay at mga nakalibing na mga propeta, mga walīy, at mga ṣāliḥ! Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 46:5): "Sino ang higit na ligaw kaysa sa sinumang dumadalangin sa kabilang sa iba pa kay Allāh, na hindi tumutugon sa kanya hanggang sa Araw ng Pagkabuhay samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat?"
S. Sabihin mo: Ito ay isang malaking shirk dahil ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 108:2): "Kaya magdasal ka sa Panginoon mo at mag-alay." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 6:162-163): "Sabihin mo: 'Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, walang katambal sa Kanya. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay una sa mga Muslim." Ang sabi ng Sugo naman - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Isinumpa ni Allāh ang sinumang nagkatay para sa iba pa kay Allāh." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
Ang panuntunan ay nagsasabi: "Ang anumang [gawaing] ang pagbaling nito kay Allāh ay isang pagsamba, ang pagbaling nito sa iba pa kay Allāh ay shirk."
S. Sabihin mo: Ito ay bahagi ng Malaking Shirk dahil ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang namanata na tatalima kay Allāh ay tumalima sa Kanya at ang sinumang namanata na susuway kay Allāh ay huwag sumuway sa Kanya." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy. Ang panata ay isang pagsambang pampananalita, pangyaman, o pangkatawan alinsunod sa ipinapanata ng namamanata. Ito ay ang pag-oobliga sa sarili ng hindi kinakailangan dito ayon sa batas ng Islām, ngunit bilang isang paghahangad sa pagtamo ng isang hinihiling o pagtulak sa isang kinasisindakan o pasasalamat dahil sa isang biyayang dumapo o sa isang kamalasang lumisan. Ito ay bahagi ng mga pagsambang hindi ipinahihintulot ang pagbaling nito sa iba pa kay Allāh dahil si Allāh ay nagpuri sa mga tumutupad sa mga panata. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 76:7): "Tumutupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan nito ay magiging laganap."
Ang panuntunan ay nagsasabi: "Ang bawat gawaing pinapurihan ni Allāh - kapita-pitagan Siya at kataas-taasan - sa gumawa nito, ito ay napaloloob sa pagsamba at anumang isang pagsamba, ang pagbaling nito sa iba pa kay Allāh ay shirk."
S. Sabihin mo: Liliwanag ang sagot sa pamamagitan ng pagkakaalam sa tatlong uri ng pagpapakupkop:
- Ang pagpapakupkop na pantawḥīd na pansamba ay ang pagpapakupkop kay Allāh laban sa bawat pinangangambahan mo. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 113:1): "Sabihin mo: 'Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway," Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 114:1-4): "Sabihin mo: 'Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao, ang Hari ng mga tao, ang Diyos ng mga tao, laban sa kasamaan ng bumubulong na palaurong"
- Ang pagpapakupkop na ipinahihintulot ay ang pagpapakupkop sa nilikhang buhay, na naririyan, na nakakaya sa nakakaya [ng tao] at anumang sa pamamagitan ng mga makakayang legal sa Islām. Nagsabi ang Sugo - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga: "Ang sinumang makatatagpo ng isang mapagkakanlungan o isang mapagpapakupkupan ay gawin niya iyon." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
- Ang pagpapakupkop na pangshirk ay ang pagpapakupkop sa iba pa kay Allāh sa anumang walang nakakakaya roon kundi si Allāh. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 72:6): "Na may mga lalaki ng tao na nagpapakupkop sa mga lalaki ng jinn, kaya nadagdagan nila ang mga ito ng isang pabigat."
S. Sabihin mo: Magsasabi ako ng iginabay sa akin ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi siya: "Ang sinumang tumuloy sa isang tinutuluyan ay magsabi siya ng A`ūdhu bikalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khala (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa masama sa nilikha Niya). Hindi siya mapipinsala ng anuman hanggang sa lumisan siya mula sa tinutuluyan niyang iyon." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
S. Sabihin mo: Ito ay bahagi ng Malaking Shirk na nagpapawalang-kabuluhan sa mga gawa, na nagpapalabas sa kapaniwalaan, na nagpapaabot sa kapahamakang walang-hanggang magpapanatili para sa sinumang nasadlak doon at hindi nagbalik-loob mula roon bago ang kamatayan, dahil ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 27:62): "O ang tumutugon ba sa nagigipit kapag dumalangin ito sa Kanya, nag-aalis ng kasagwaan," Nangangahulugan ito na walang tumutugon doon kundi si Allāh at walang nag-aalis doon kundi si Allāh. Kaya naman pinagalitan Niya - napakamaluwalhati Niya - ang nagpapasaklolo sa iba sa Kanya sa pamamagitan ng anyong patanong, dahil ang pagpapasaklolo kay Allāh ay isang pagsamba at isang pagpapatulong. Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 8:9): "[Banggitin] noong nagpasaklolo kayo sa Panginoon ninyo" Napagtibay nga sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay Abū Hurayrah - malugod si Allāh sa kanya - na ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nagsabi: "Huwag ko ngang matatagpuan ang isa sa inyo na darating sa Araw ng Pagbangon habang sa leeg niya ay may isang kamelyong may ungol, na nagsasabi: 'O Sugo ni Allāh, saklolohan mo ako,' sapagkat magsasabi ako: 'Wala akong makakaya para sa iyo na anuman; nagpaabot na ako sa iyo.' Huwag ko ngang matatagpuan ang isa sa inyo na darating sa Araw ng Pagbangon habang sa leeg niya ay may isang kabayong may halinghing, na nagsasabi: 'O Sugo ni Allāh, saklolohan mo ako,' sapagkat magsasabi ako: 'Wala akong makakaya para sa iyo na anuman; nagpaabot na ako sa iyo.'" Itinala ito ng dalawang Imām. Alam nating ipinahihintulot sa atin na magpasaklolo sa buhay na nilikha, na kapisan, na nasasaksihan natin at hindi nakaliban, kung iyon ay kaugnay sa nakakaya nito. Ang pagpapasaklolo sa buhay na nilikha ay nangangahulugan ng paghiling ng pag-alalay mula sa kanya sa anumang nakakaya ng tao, gaya ng paghiling ng kasamahan ni Moises mula kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - ng pag-alalay laban sa kaaway nilang dalawa. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 28:15): "at nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa mga kakampi niya laban sa kabilang sa mga kaaway niya." Ang pagpapasaklolo naman sa mga nakaliban kabilang sa tao, jinn, at mga nakalibing sa mga libingan ay nagkaisa ang mga Imām sa kawalang-kabuluhan nito at pagkabawal nito at na ito ay kabilang sa shirk.
S. Sabihin mo: Hindi ito ipinahihintulot yayamang nagkaisa ang mga Imām sa pagbabawal sa bawat pangalang may panlaping "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh. Kinakailangan ang pagpapalit ng pangalang may "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh gaya ng `Abdunnabīy, o `Abdurrasūl, o `Abdulḥusayn, o `Abdulka`bah, at iba pang mga pangalang kabilang sa mga pangalang may "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh - pagkataas-taas Niya. Ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān gaya ng nasaad ḥadīth ayon sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ang kaibig-ibig sa mga pangalan kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Kinakailangan ang pagpapalit ng pangalang may "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh. Ito ay nakaugnay sa mga buhay na mga pinangalanan ng mga pangalang may "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh.
S. Sabihin mo: Ito ay kabilang sa shirk dahil ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nagsabit ng anting-anting ay nagtambal nga." Isinaysay ito ni Imām Aḥmad sa Musnad niya. Ang sabi pa ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Wala ngang mananatili sa leeg ng isang kamelyo na isang kuwintas na yari sa pisi ng pana o [anumang] kuwintas malibang pinutol." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy. Ang sabi pa niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nagtali ng balbas niya o nagkuwintas ng pisi ng pana o nag-ewang ng dumi ng isang hayop o ng isang buto, tunay na si Muḥammad ay walang-kaugnayan sa kanya." Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud. Ang sabi pa niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nagsabit ng anting-anting ay hindi magpapalubos si Allāh [sa pagpapagaling] sa kanya." Isinaysay ito ni Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ niya. Nabigo ang sinumang kumapit sa mga haka-haka at mga pamahiin sapagkat nasaad sa ḥadīth: "Ang sinumang kumapit sa isang bagay ay ipagkakatiwala siya roon."
Ang gayuma (tiwalah) ay isang panggagaway (siḥr) na ginagawa. Naniniwala sila na ito ay nagpapaibig sa lalaki sa may bahay nito o nagpapahiwalay sa kanilang dalawa. Ginagawa rin nila ito upang maghasik ng pagkasuklam sa pagitan ng mga minamahal at mga kaanak.
Ang anting-anting (tamīmah) ay bagay na isinasabit sa mga bata bilang pagtutulak sa usog at inggit.
Ang kahulugan ng tamīmah. Nagsabi si Al-Mundhirīy: "[Ito ay] mga tinutuhog na butil na isinasabit nila noon, na itinuring nilang ito ay nagtutulak palayo sa kanila ng mga kapinsalaan." Ito ay kamangmangan at kaligawan dahil ito ay hindi isang kadahilanan ni batas ni tadhana. Ito ay sumasaklaw sa pagsusuot ng mga pulseras at pagsasabit ng mga tinuping [tela o papel] at mga pampasuwerte (lucky charm) sa tao, hayop, sasakyan, at bahay.
S. Sabihin mo: Dalawang bahagi.
- Tabarruk na isinabatas na nagpatunay ang Qur'ān at ang Sunnah sa pagkaisinasabatas nito at pakikinabang ng nagsasagawa nito. Hindi ipinahihintulot ang paniniwala sa biyaya sa isang bagay malibang ayon sa isang patunay mula sa Qur'ān at Sunnah sapagkat walang panghihimasok para sa mga isip at pagmamagaling kaugnay roon. Hindi natin nalalamang ang bagay na ito ay biniyayaan o may biyaya malibang sa pamamagitan ng ulat mula sa Tagapaglikhang Marunong - mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya - o mula sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang biyaya at ang kabutihan, ang lahat ng ito, ay nasa pagsunod sa Qur'ān at Sunnah. Mula rito ay nalalaman natin ang mga bagay na mabiyaya at kung papaano tayong magpapabiyaya sa pamamagitan ng mga ito gaya ng pagpapabiyaya sa pamamagitan ng persona ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at ng anumang nahiwalay mula sa kanya gaya ng laway at buhok, at anumang nadiitan ng katawan niya gaya ng kasuutan. Ito ay natatangi sa kanya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at sa anumang napagtibay na nakaugnay sa kanya at mula sa kanya gaya ng buhok at kasuutan. Ang mga alagad ng pamahiin ay nagsisinungaling at nag-aangking mayroon silang buhok mula sa buhok niya at kasuutan mula sa kasuutan niya. Lahat ng ito ay para paglaruan ang mga isip ng ilan sa mga Muslim, guluhin ang relihiyon nila, at dambungin ang ari-arian nila sa Mundo.
- Ang tabarruk na pinipigilan: ang ipinagbabawal na umaabot sa pagtatambal kay Allāh gaya ng tabarruk sa mga katawan ng mga taong maayos at sa anumang nahiwalay mula sa kanila, tabarruk sa sa mga libingan nila sa pamamagitan ng pagdarasal sa tabi ng mga iyon, at tabarruk sa pamamagitan ng mga alikabok ng mga ito sa paniniwalang ito ay isang gamot. Tulad nito ang tabarruk o ang ṭawāf o ang pagsasabit ng mga tinuping [tela o papel] sa bawat bahagi, lugar, bato, at puno na pinaniniwalaan ang kainaman nito. Nalaman nga na walang natatagpuang isinasabatas na paghalik dito o paghipo rito maliban sa Itim na Bato sa Ka`bah at panulukan nito. Ang anumang iba pa rito ay ipinagbabawal ipampunas, halikan, at ikutan. Ito ay kabilang sa Malaking Shirk para sa sinumang naniwala na ito ay nagkakaloob ng biyaya sa pamamagitan ng sarili nito, o kabilang sa Maliit na Shirk para sinumang nag-akalang ito ay isang kadahilanan para sa biyaya.