عربي - Arabic English Qafár af - Afar Afrikaans - Afrikanns Akan Shqip - Albanian አማርኛ - Amharic Հայերեն - Armenian অসমীয়া - Assamese Azərbaycanca - Azerbaijani Bamanankan - Bambara Bassa Bemba বাংলা - Bengali Bosanski - Bosnian Български - Bulgarian မြန်မာဘာသာ - Burmese Bisaya - Cebuano Cham Нохчий - Chechen chiCheŵa - Chewa 中文 - Chinese Адыгэбзэ - Circassian Hrvatski - Croatian Česky - Czech Dagbani Dansk - Danish فارسی دری - Dari Dendi ދިވެހި ބަސް - Dhivehi Nederlands - Dutch إستوني - Estonian Suomi - Finnish Français - French Fulfulde - Fula ქართული - Georgian Deutsch - German Ελληνικά - Greek ગુજરાતી - Gujrati Kreyòl ayisyen - Haitian Creole Hausa हिन्दी - Hindi Magyar - Hungarian Igbo Indonesia - Indonesian Italiano - Italian 日本語 - Japanese Jóola - Jola ಕನ್ನಡ - Kannada Қазақша - Kazakh ភាសាខ្មែរ - Khmer Kikuyu Ikinyarwanda - Kinyarwanda Ikirundi - Kirundi 한국어 - Korean كوردی سۆرانی - kurdish كوردي kurmancî - Kurmanji Kyrgyz ລາວ - Lao latviešu - Latvian Lingala lietuvių - Lithuanian Luganda Македонски - Macedonian Maguindanaon Malagasy - Malagasy Bahasa Melayu - Malay മലയാളം - Malayalam Mandinka मराठी - Marathi Mõõré - Moore नेपाली - Nepali أنكو - NKo Norwegian ଓଡ଼ିଆ - Odia oromoo - Oromo پښتو - Pashto فارسی - Persian Polski - Polish Portuguese ਪੰਜਾਬੀ - Punjabi Română - Romanian Русский - Russian Српски - Serbian Shona සිංහල - Sinhala Slovenščina - Slovenian Soomaaliga - Somali Soninke Sesotho - Sotho Español - Spanish Kiswahili - Swahili Svenska - Swedish Tagalog Тоҷикӣ - Tajik தமிழ் - Tamil తెలుగు - Telugu ไทย - Thai ትግረኛ - Tigrinya Türkçe - Turkish Ukrainian اردو - Urdu ئۇيغۇرچە - Uyghur Ўзбек - Uzbek Việt Nam - Vietnamese Wolof Yao Yorùbá - Yoruba Zarma زولو - Zulu
673 Mga Hadith
Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta
Mga Kategorya
Antas ng hadith
Isinalaysay sa
Tagapagsalaysay
Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (203)
{Na ang ina niya na Anak ni Rawāḥah ay humiling sa ama niya ng bahagi ng kaloob mula sa yaman niyon para sa anak nito ngunit nag-antala iyon niyan ng isang taon, pagkatapos lumitaw roon [na ibigay] kaya nagsabi naman ito: "Hindi ako nalulugod hanggang sa magpasaksi ka sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ipinagkaloob mo sa anak ko." [Nagsanaysay naman si An-Nu`mān]: Kaya humawak ang ama ko sa kamay ko noong ako sa araw na iyon ay isang bata saka pumunta siya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Tunay na ang ina nito na Anak ni Rawāḥah ay nasisiyahan na magpasaksi ako sa iyo sa pagkaloob ko sa anak niya." Kaya nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Bashīr, may anak ka ba bukod pa rito?" Nagsabi siya: "Opo." Kaya nagsabi ito: "Sa lahat sa kanila ba ay nagkaloob ka ng tulad dito?" Nagsabi siya: "Hindi po." Nagsabi ito: "Kaya huwag kang magpasaksi sa akin, samakatuwid, sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa isang pang-aapi."} Batay kay Imām Muslim: {"Ngunit magpasaksi ka rito sa iba pa sa akin."}
Tumpak Napagkasunduan sa katumpakan nito at mayroon itong ilang pagkakasambit.
"Tunay na ang pinakamagaan sa mga maninirahan sa Impiyerno sa pagdurusa ay ang sinumang may dalawang sapatos at dalawang sintas mula sa isang apoy, na kukulo dahil sa dalawang ito ang utak niya kung paanong kumukulo ang kaldero. Hindi siya makakikita na may isang higit na matindi kaysa sa kanya sa pagdurusa samantalang tunay na siya ay talagang pinakamagaan sa kanila sa pagdurusa."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Tunay na ang ipinahihintulot ay malinaw at tunay na ang ipinagbabawal ay malinaw. Sa pagitan ng dalawang ito ay may mga mapaghihinalaan, na hindi nakaaalam sa mga ito ang marami sa mga tao. Ang sinumang nangilag sa mga mapaghihinalaan ay nakapag-ingat para sa relihiyon niya at dangal niya. Ang sinumang nasadlak sa mga mapaghihinalaan ay nasadlak sa ipinagbabawal, gaya ng pastol na nagpapastol sa paligid ng isang kanlungan, na halos magpanginain siya roon. Pansinin at tunay na bawat hari ay may kanlungan. Pansinin at tunay na ang kanlungan ni Allāh ay ang mga pagbabawal Niya. Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang kimpal na laman na kapag umayos ay aayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag nasira ito ay masisira ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ako minsan ay nasa tabi ng pulpito ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka may nagsabing isang lalaki: "Hindi ako nagbibigay-pansin na hindi ako gumawa ng isang gawain matapos ng pag-anib sa Islām kundi na magpainom ako sa tagapagsagawa ng hajj." May nagsabing isa pa: "Hindi ako nagbibigay-pansin na hindi ako gumawa ng isang gawain matapos ng pag-anib sa Islām kundi na magtaguyod ako sa Masjid na Pinakababanal." May nagsabi namang isa pa: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay higit na mainam kaysa sa sinabi ninyo." Kaya napagsalitaan sila ni `Umar at napagsabihan: "Huwag kayong magtaas ng mga tinig ninyo sa tabi ng pulpito ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang araw ng Biyernes; subalit kapag nakapagdasal ako ng dasal sa Biyernes, pupunta ako saka sasangguni ako sa kanya hinggil sa bagay na nagkaiba-iba kayo." Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng: {Gumawa ba kayo sa [nakatalaga sa] pagpapainom sa tagasagawa ng ḥajj at sa pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal gaya ng sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ...} (Qur'ān 9:19) hanggang sa hulihan nito.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang paghahalintulad sa mga mananampalataya sa pagmamahalan nila, pag-aawaan nila, at pagdadamayan nila ay tulad ng katawan: kapag may dumaing mula rito na isang bahagi, magtatawagan para rito ang nalalabi sa katawan sa puyat at lagnat."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang paghahalintulad sa tumatayo sa mga hangganan ni Allāh at bumabagsak sa mga ito ay katulad ng mga taong nagpalabunutan sa pagsakay sa isang daong kaya nakabunot ang ilan sa kanila ng mataas nito at ang iba sa kanila naman ng mababa nito. Ang mga nasa mababa nito, kapag sasalok ng tubig, ay nagdaraan sa mga nasa ibabaw ng mga ito saka nagsasabi: "Kung sakaling kami ay bumutas sa bahagi namin ng isang butas at hindi na makaperhuwisyo sa mga nasa itaas namin..." Kung hinayaan nila ang mga ito at ang ninais ng mga ito, mapahahamak silang lahat; at kung pumigil sila sa mga kamay ng mga ito, maliligtas sila at maliligtas ang mga ito nang lahatan.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
"Ang pagdalangin ay ang pagsamba." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 40:60): {Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.