عربي - Arabic English Qafár af - Afar Afrikaans - Afrikanns Akan Shqip - Albanian አማርኛ - Amharic Հայերեն - Armenian অসমীয়া - Assamese Azərbaycanca - Azerbaijani Bamanankan - Bambara Bassa Bemba বাংলা - Bengali Bosanski - Bosnian Български - Bulgarian မြန်မာဘာသာ - Burmese Bisaya - Cebuano Cham Нохчий - Chechen chiCheŵa - Chewa 中文 - Chinese Адыгэбзэ - Circassian Hrvatski - Croatian Česky - Czech Dagbani Dansk - Danish فارسی دری - Dari Dendi ދިވެހި ބަސް - Dhivehi Nederlands - Dutch إستوني - Estonian Suomi - Finnish Français - French Fulfulde - Fula ქართული - Georgian Deutsch - German Ελληνικά - Greek ગુજરાતી - Gujrati Kreyòl ayisyen - Haitian Creole Hausa हिन्दी - Hindi Magyar - Hungarian Igbo Indonesia - Indonesian Italiano - Italian 日本語 - Japanese Jóola - Jola ಕನ್ನಡ - Kannada Қазақша - Kazakh ភាសាខ្មែរ - Khmer Kikuyu Ikinyarwanda - Kinyarwanda Ikirundi - Kirundi 한국어 - Korean كوردی سۆرانی - kurdish كوردي kurmancî - Kurmanji Kyrgyz ລາວ - Lao latviešu - Latvian Lingala lietuvių - Lithuanian Luganda Македонски - Macedonian Maguindanaon Malagasy - Malagasy Bahasa Melayu - Malay മലയാളം - Malayalam Mandinka मराठी - Marathi Mõõré - Moore नेपाली - Nepali أنكو - NKo Norwegian ଓଡ଼ିଆ - Odia oromoo - Oromo پښتو - Pashto فارسی - Persian Polski - Polish Portuguese ਪੰਜਾਬੀ - Punjabi Română - Romanian Русский - Russian Српски - Serbian Shona සිංහල - Sinhala Slovenščina - Slovenian Soomaaliga - Somali Soninke Sesotho - Sotho Español - Spanish Kiswahili - Swahili Svenska - Swedish Tagalog Тоҷикӣ - Tajik தமிழ் - Tamil తెలుగు - Telugu ไทย - Thai ትግረኛ - Tigrinya Türkçe - Turkish Ukrainian اردو - Urdu ئۇيغۇرچە - Uyghur Ўзбек - Uzbek Việt Nam - Vietnamese Wolof Yao Yorùbá - Yoruba Zarma زولو - Zulu
673 Mga Hadith
Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta
Mga Kategorya
Antas ng hadith
Isinalaysay sa
Tagapagsalaysay
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsabi siya ng: "Sami`a -llāhu li-man ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)," ay walang nagbabaluktot na isa man sa amin ng likod niya hanggang sa lumapag ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nakapatirapa, pagkatapos lumalapag kami sa pagpapatirapa matapos niya.)
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hindi ba natatakot ang isa sa inyo (o hindi ba matatakot ang isa sa inyo), kapag nag-angat siya ng ulo niya bago ng imām, na gumawa si Allāh sa ulo niya na maging isang ulo ng isang asno o gumawa si Allāh sa anyo niya na maging isang anyo ng isang asno?"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Magpantay kayo ng mga linya ninyo sapagkat tunay na ang pagpapantay ng linya ay kabilang sa pagkalubos ng pagdarasal."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
'Kapag nagdasal kayo, magtuwid kayo ng mga hanay ninyo, pagkatapos mamuno sa inyo ang isa sa inyo. Kapag nagsagawa siya ng takbīr ay magsagawa kayo ng takbīr. Kapag nagsabi siya ng (Qur'ān 1:7): {ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsabi kayo ng āmīn, sasagot sa inyo si Allāh. Kapag nagsagawa siya ng takbīr at yumukod, magsagawa kayo ng takbīr at yumukod kayo ngunit tunay na ang imām ay yuyukod bago ninyo at aangat bago ninyo.' Nagsabi pa ang Sugo ni Allāh: 'Kaya iyon ay katumbas niyon. Kapag nagsabi siya ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)," magsabi kayo ng: Allāhumma, rabbanā, laka –lḥamd (O Allāh, Panginoon namin, ukol sa iyo ang papuri)," didinig si Allāh sa inyo.' Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi sa pamamagitan ng dila ng Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan): "Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya." Kapag nagsagawa siya ng takbīr, magsagawa kayo ng takbīr at magpatirapa kayo ngunit tunay na ang imām ay nagpapatirapa bago ninyo at umaangat bago ninyo.' Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Kaya iyon ay katumbas niyon. Kapag siya ay nasa sandali ng pagkakaupo, maging kabilang sa una sa sasabihin ng isa sa inyo ang: "Attaḥiyātu –ṭṭayyibātu –ṣṣalawātu lillāh; assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh; assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi ṣṣāliḥīn; ashhadu al lā ilāha illa –llāhu wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbating kaaya-aya [at] ang mga pagbasbas ay ukol kay Allāh. Ang kapayapaan ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang kapayapaan ay sumaamin at sa mga maaayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)'"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita ng isang lalaking nagdarasal nang mag-isa sa likuran ng hanay, kaya nag-utos siya rito na umulit ng ṣalāh nito.}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.