Skip to content

Ang sinumang nagwaksi ng ṣalāh sa hapon, bumagsak nga ang gawa niya."}

Ayon kay Buraydah bin Al-Ḥuṣayb (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nagsabi:

{Magpakaaga kayo sa ṣalāh sa hapon sapagkat tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagwaksi ng ṣalāh sa hapon, bumagsak nga ang gawa niya."}

بَكِّرُوا بِصَلَاةِ الْعَصْرِ، فَإِنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: «مَنْ تَرَكَ صَلَاةَ الْعَصْرِ فَقَدْ حَبِطَ عَمَلُهُ».

Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapahuli ng ṣalāh sa hapon nang lampas sa oras nito nang sinasadya at na ang sinumang gumawa niyon ay nawalang-saysay at nasira ang gawa niya at napunta sa wala.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang paghimok sa pangangalaga sa ṣalāh sa hapon sa simula ng oras nito at ang pagdadali-dali roon.

ِAng matinding banta sa sinumang nagwaksi ng ṣalāh sa hapon. Ang pagpapalampas nito sa oras nito ay higit na mabigat kaysa sa pagpapalampas ng iba rito sapagkat tunay na ito ay ang ṣalāh na pinakagitnang itinangi sa utos sa sabi ni Allāh (Qur'ān 2:238): {Mangalaga kayo sa mga dasal at [lalo na] sa dasal na pinakagitna.}

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (1/ 115) (553).

Musnad Aḥmad (38/ 152) (23045).

Ang Karagdagan (9)

شرح رياض الصالحين.

لابن عثيمين (5/ 56).

نزهة المتقين شرح رياض الصالحين.

لمصطفى الخِن وغيره (2/ 777).

فيض القدير شرح الجامع الصغير (3/ 206).

بهجة الناظرين.

لسليم الهلالي (2/ 260).

تطريز رياض الصالحين.

لفيصل آل مبارك (ص614).