Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

10 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{May binanggit sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking natulog sa gabi nito hanggang sa nag-umaga. Nagsabi siya: "Iyan ay lalaking umihi ang demonyo sa mga tainga niya," o nagsabi siya: "sa tainga niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang kasunduan na nasa pagitan natin at nila ay ang ṣalāh. Kaya ang sinumang umiwan nito ay tumanggi ngang sumampalataya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Ma`jah, at Imām Aḥmad.
"Mag-utos kayo sa mga anak ninyo ng pagdarasal kapag sila ay pitong taong gulang. Mamalo kayo sa kanila dahil [sa pagkukulang] dito kapag sila ay sampung taong gulang. Magpahiwalay kayo sa kanila sa mga higaan."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
"Ang sinumang nakalimot ng isang ṣalāh ay magdasal nito kapag nakaalaala nito; walang panakip-sala para rito kundi iyon (Qur'ān 20:14): {...at magpanatili ka ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.}"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
{Magpakaaga kayo sa ṣalāh sa hapon sapagkat tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagwaksi ng ṣalāh sa hapon, bumagsak nga ang gawa niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.