"O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humingi ka, humingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh.
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Ako minsan ay nasa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nagsabi siya: "O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humingi ka, humingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh. Alamin mo na ang kalipunan, kung sakaling nagkaisa ito na magpakinabang sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi magpapakinabang sa iyo kundi sa pamamagitan ng isang bagay na isinulat na ni Allāh para sa iyo; at kung sakaling nagkaisa sila na puminsala sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi pipinsala sa iyo kundi sa pamamagitan ng isang bagay na isinulat na ni Allāh laban sa iyo. Iniangat ang mga panulat at natuyo ang mga talaan."}
كُنْتُ خَلْفَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَوْمًا، فَقَالَ: «يَا غُلَامُ، إِنِّي أُعَلِّمُكَ كَلِمَاتٍ، احْفَظِ اللهَ يَحْفَظْكَ، احْفَظِ اللهَ تَجِدْهُ تُجَاهَكَ، إِذَا سَأَلْتَ فَاسْأَلِ اللهَ، وَإِذَا اسْتَعَنْتَ فَاسْتَعِنْ بِاللهِ، وَاعْلَمْ أَنَّ الْأُمَّةَ لَوِ اجْتَمَعَتْ عَلَى أَنْ يَنْفَعُوكَ بِشَيْءٍ، لَمْ يَنْفَعُوكَ إِلَّا بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللهُ لَكَ، وَلَوِ اجْتَمَعُوا عَلَى أَنْ يَضُرُّوكَ بِشَيْءٍ، لَمْ يَضُرُّوكَ إِلَّا بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللهُ عَلَيْكَ، رُفِعَتِ الْأَقْلَامُ وَجَفَّتِ الصُّحُفُ».
Nagpapabatid ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanya) na siya noon ay isang bata pa na nakasakay kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga usapin at mga bagay na magpapakinabang sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng mga ito: Ingatan mo si Allāh sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, kung saan nakatatagpo Siya sa iyo sa mga pagtalima at mga pagpapakalapit-loob at hindi Siya nakatatagpo sa iyo sa mga pagsuway at mga kasalanan. Kung ginawa mo iyon, ang ganti sa iyo ay na mangalaga sa iyo si Allāh laban sa mga kinasusuklaman sa Mundo at Kabilang-buhay at mag-adya Siya sa iyo sa mga gawain mo saan ka man tumuon. Kapag nagnais ka na humingi ng isang bagay, huwag kang humingi kundi kay Allāh sapagkat tunay na Siya – tanging Siya – ang tumutugon sa mga humihingi. Kapag ninais mo ang tulong, huwag kang magpatulong kundi kay Allāh. Magkaroon sa iyo ng isang katiyakan na walang mangyayari para sa iyo na isang kapakinabangan kahit pa man nagkaisa sa pagpapakinabang sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitala ni Allāh para sa iyo at walang mangyayari laban sa iyo na isang kapinsalaan kahit pa man nagkaisa sa pagpinsala sa iyo ang mga mamamayan ng daigdig nang lahatan maliban sa naitakda ni Allāh laban sa iyo. Ang bagay na ito ay naitala na ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at naitakda na Niya alinsunod sa hiniling ng karunungan Niya at kaalaman Niya. Walang pagpapalit sa naitala ni Allāh.
خلف النبي -صلى الله عليه وسلم-: أي على دابته رديفًا.
غلام: الصبي من حين يولد إلى أن يقارب سنَّ البلوغ.
Ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga bata at mga paslit ng mga nauukol sa Relihiyon, Tawḥīd, Etiketa, at iba pa roon.
Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.
Ang pag-uutos ng pagsandal kay Allāh at pananalig sa Kanya bukod sa iba sa Kanya. Siya ay kay inam bilang Pinananaligan.
Ang pananampalataya sa pagtatadhana at pagtatakda at ang pagkalugod dito at na si Allāh ay nagtakda nga ng bawat bagay.
Ang sinumang nagpabaya sa utos ni Allāh, tunay na si Allāh ay magpapabaya sa kanya at hindi mag-iingat sa kanya.
Sunan At-Tirmidhīy (4/ 284) (2516).
Ang Karagdagan (5)
التحفة الربانية في شرح الأربعين حديثًا النووية (ص42).
شرح الأربعين النووية.
لابن عثيمين (ص200).
فتح القوي المتين في شرح الأربعين وتتمة الخمسين.
للعباد (ص69).
Binanggit sa mga aklat
10 Mga Aklat- مشروع منهاج زادكزادك 1 طالب"... Alamin mo na ang kalipunan, kung sakaling nagkaisa ito na magpakinabang sa iyo sa pamamagitan ng isang bagay, ay hindi magpapakinabang sa iyo maliban ng isang bagay na isinulat na ni Allāh para sa iyo; at kung nagkaisa sila na puminsal
- مشروع منهاج زادكزادك 2 طالب نهائي"O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pananalita. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa harapan mo. Kapag hihingi ka, humingi ka kay Allāh. Kapag magpapatulong ka, magpatulong ka ka
- مشروع منهاج زادكزادك 3 طالب نهائيAyon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay nasa likuran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw saka nagsabi siya: "O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingata
Ang Karagdagan (7)
- الإسلام أصوله ومبادئه{واعلم أن الأمة لو اجتمعوا على أن ينفعوك لم ينفعوك إلا بشيء قد كتبه الله لك، ولو اجتمعوا على أن يضروك لم يضروك إلا بشيء قد كتبه الله عليك}[287].
- مادة العقيدة الإسلامية(وَاعْلَمْ أَنَّ الأُمَّةَ لَوِ اجْتَمَعُوا عَلَى أَنْ يَنْفَعُوكَ، لَمْ يَنْفَعُوكَ إِلاَّ بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللَّهُ لَكَ، وَلَوِ اجْتَمَعُوا عَلَى أَنْ يَضُرُّوكَ، لَمْ يَضُرُّوكَ إِلاَّ بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللَّهُ عَلَيْكَ، رُفِع
- مجالس تدارس القرآن للمبتدئين (سورة الفاتحة وقصار المفصّل)1«وَاعْلَمْ أَنَّ الأُمَّةَ لَوْ اجْتَمَعَتْ عَلَى أَنْ يَنْفَعُوكَ بِشَيْءٍ لَمْ يَنْفَعُوكَ إِلَّا بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللَّهُ لَكَ، وَلَوْ اجْتَمَعُوا عَلَى أَنْ يَضُرُّوكَ بِشَيْءٍ لَمْ يَضُرُّوكَ إِلَّا بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللَّهُ
- مجموعة زاد التربية الإسلامية (1)، والسيرة النبوبة (1)، والعقيدة (1)، والفقه (1)التربية الأسلامية 1«يا غُلامُ، إِنِّي أُعلِّمُك كلِماتٍ، احْفظِ اللّه يحْفظْك، احْفظِ اللّه تجِدْهُ تُجاهك، إِذا سألْت فاسْألِ اللّه، وإِذا اسْتعنْت فاسْتعِنْ بِاللهِ، واعْلمْ أنّ الأُمّة لوْ اجْتمعتْ على أنْ ينْفعُوك بِشيْءٍ لمْ ينْفعُوك إِلّا بِشيْءٍ قدْ كت
- مجموعة زاد التربية الإسلامية (3)، والسيرة النبوية (3)السيرة النبوية (3)«يا غلامُ، إني أعلمُك كلماتٍ».
- مجموعة زاد الحديث(3)1«يَا غُلَامُ، إِنِّي أُعَلِّمُكَ كَلِمَاتٍ، احْفَظِ الله يَحْفَظْكَ، احْفَظِ الله تَجِدْهُ تُجَاهَكَ، إِذَا سَأَلْتَ فَاسْأَلِ الله، وَإِذَا اسْتَعَنْتَ فَاسْتَعِنْ بِالله، وَاعْلَمْ أَنَّ الأُمَّةَ لَوْ اجْتَمَعَتْ عَلَى أَنْ يَنْفَعُوكَ ب
- مجموعة زاد الحديث(3)1«يَا غُلام، إني أُعَلِّمُكَ كَلِماتٍ».