"Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki ay ang kauna-unahan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kahuli-hulihan sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang kahuli-hulihan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kauna-unahan sa mga ito."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki ay ang kauna-unahan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kahuli-hulihan sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang kahuli-hulihan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kauna-unahan sa mga ito."}
«خَيْرُ صُفُوفِ الرِّجَالِ أَوَّلُهَا، وَشَرُّهَا آخِرُهَا، وَخَيْرُ صُفُوفِ النِّسَاءِ آخِرُهَا، وَشَرُّهَا أَوَّلُهَا».
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki sa ṣalāh at ang pinakamarami sa mga ito sa gantimpala at kalamangan ay ang kauna-unahan sa mga ito dahil sa kalapitan nila sa imām, pakikinig nila sa pagbigkas nito, at kalayuan nila sa mga babae. Ang pinakamasama sa mga ito, ang pinakakaunti sa mga ito sa gantimpala at kalamangan, at ang pinakamalayo sa mga ito sa hinihiling ng Kapahayagan ay ang kahuli-hulihan sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang kahuli-hulihan sa mga ito dahil ito ay higit na mapagtakip sa kanila at higit na malayo sa pakikihalubilo sa mga lalaki, pagkakita sa kanila, at tukso sa kanila. Ang pinakamasama sa mga ito ay ang kauna-unahan sa mga ito dahil sa kalapitan ng mga ito sa mga lalaki at pagkasalang sa tukso.
Humimok siya sa mga lalaki sa pakikipagmadalian sa mga pagtalima at mga unang hilera sa mga ṣalāh.
Ang pagpayag sa pagsasagawa ng ṣalāh ng mga babae sa masjid kasama ng mga lalaki sa mga hilerang hiwalay subalit kasabay ng pagtatakip at kadisentehan.
Ang mga babae, kapag nagtipon sa masjid, ay may mga hilerang gaya ng mga hilera ng mga lalaki at hindi naiiba; bagkus kailangan sa kanila ang magdikitan sa hilera at ang magpinid ng mga puwang gaya ng sa mga hilera ng mga lalaki.
Ang paglilinaw sa katindihan ng pagmamalasakit ng Kapahayagan dahil sa paghimok sa paglayo ng mga babae sa mga lalaki pati na sa mga lugar ng pagsamba.
Ang pagkakalamangan ng mga tao ay alinsunod sa mga gawa nila.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Hinggil sa mga hilera ng mga lalaki, ang mga ito ay ayon sa pagkapangkalahatan ng mga ito. Ang pinakamabuti sa mga ito ay ang kauna-unahan sa mga ito magpakailanman at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kahuli-hulihan sa mga ito magpakailanman. Hinggil naman sa mga hilera ng mga babae, ang tinutukoy sa ḥadīth ay ang mga hilera ng mga babae na nagdarasal kasama ng mga lalaki. Hinggil naman sa kapag nagdasal ang mga babae nang nakabukod, hindi kasama ng mga lalaki, sila ay gaya ng mga lalaki: ang pinakamabuti sa mga hilera nila ay ang kauna-unahan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kahuli-hulihan sa mga ito.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang unang hilerang napapupurihan na nagsaad nga ang mga ḥadīth ng kainaman nito at paghimok dito ay ang hilera na nalalapit sa imām, maging dumating man ang nakapuwesto rito nang nauna o nahuli at maging nasisingitan man siya ng isang maqṣūrah at tulad nito o hindi.
Ṣaḥīḥ Muslim (1/ 326) (440).
Ang Karagdagan (8)
سبل السلام شرح بلوغ المرام.
للصنعاني (1/ 374 ).
توضيح الأحكام مِن بلوغ المرام.
لعبد الله البسام (2/ 495).
فتح ذي الجلال والإكرام شرح بلوغ المرام.
لابن عثيمين (2/ 272).
مرقاة المفاتيح شرح مشكاة المصابيح.
للتبريزي (3/ 851).
Binanggit sa mga aklat
8 Mga Aklat- Ang Pinaiksing Makabuluhan Para sa Muadhdhin, Imam, at Khaṭīb; at ang mga Patakaran sa mga Masjid"Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki ay ang una sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang huli sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang huli sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang una sa mga i
- Ang Pinaiksing Makabuluhan Para sa Muadhdhin, Imam, at Khaṭīb; at ang mga Patakaran sa mga Masjid"Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki ay ang kauna-unahan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kahuli-hulihan sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang kahuli-hulihan sa mga ito at ang pinakamasama s
Ang Karagdagan (6)
- الصلاة التي علمها النبي ﷺ الصحابة رضي الله عنهمالصلاة التي علمها النبي ﷺ الصحابة رضي الله عنهم«خيرُ صُفوفِ الرّجالِ أوَّلُها، وشَرُّها آخِرُها، وخيرُ صُفوفِ النساء آخِرُها، وشَرها أوَلُها»[321].
- الصلاة التي علمها النبي ﷺ الصحابة رضي الله عنهم«خَيْرُ صُفُوفِ الرِّجَالِ أَوَّلُهَا، وَشَرُّهَا آخِرُهَا، وَخَيْرُ صُفُوفِ النِّسَاءِ آخِرُهَا، وَشَرُّهَا أَوَّلُهَا»[321].
- المنتقى من المتجر الرابح في ثواب العمل الصالح - المعتمدالمنتقى من المتجر الرابح في ثواب العمل الصالح“خير صفوف الرجال أولها، وشرها آخرها، وخير صفوف النساء آخرها، وشرها أولها”.
- رياض الصالحينرياض الصالحين مع فوائد وهدايات - 5«خَيْرُ صفوفِ الرِّجالِ أوَّلُهَا، وشرُّها آخرُها، وخيُر صُفوفِ النِّساءِ آخرُها، وشرُّها أوَّلُها».
- فضائل وآداب المسجد النبويفضائل وآداب المسجد النبوي، وأحكام زيارة قبر النبي عليه الصلاة والسلام وقبري صاحبيه«خَيْرُ صُفُوفِ الرِّجَالِ أَوَّلُهَا، وَشَرُّهَا آخِرُهَا، وَخَيْرُ صُفُوفِ النِّسَاءِ آخِرُهَا، وَشَرُّهَا أَوَّلُهَا»[14]،
- مجموعة زاد الفقه (2)الفقه للمستوى الثاني ( مجموعة زاد )«خَيْرُ صُفُوفِ الرِّجَالِ أَوَّلُهَا، وَشَرُّهَا آخِرُهَا، وَخَيْرُ صُفُوفِ النِّسَاءِ آخِرُهَا، وَشَرُّهَا أَوَّلُهَا».