{Ang pinakamadalas sa panalangin noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: "Allāhumma rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (O Allāh, Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda; at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)"}
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang pinakamadalas sa panalangin noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: "Allāhumma rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (O Allāh, Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda; at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)"}
كَانَ أَكْثَرُ دُعَاءِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «اللَّهُمَّ رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً، وَفِي الآخِرَةِ حَسَنَةً، وَقِنَا عَذَابَ النَّارِ».
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapadalas ng pagdalangin masasaklaw sa panalangin. Kabilang sa mga ito: "Allāhumma rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (O Allāh, Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda; at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)" Ito ay naglalaman ng maganda sa Mundo na panustos na kaiga-igayang malawak na ipinahihintulot, kabiyak na maayos, anak na ikinagiginhawa ng mata, kapahingahan, kaalamang nagpapakinabang, gawaing maayos, at tulad nito kabilang sa mga kahilingang naiibigan at pinahihintulutan; at ng maganda sa Kabilang-buhay na kaligtasan mula sa mga kaparusahan sa libingan, tindigan (mawqif), at Impiyerno; at pagtamo ng kaluguran ni Allāh, pagkamit ng kaginhawahang mananatili, at pagkalapit sa Panginoong Maawain.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagdalangin sa pamamagitan ng mga panalanging masaklaw bilang pagpapakatulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pinakakumpleto ay magsama ang tao sa panalangin niya sa mabuti sa Mundo at mabuti sa Kabilang-buhay.
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (8/ 83) (6389).
Ṣaḥīḥ Muslim (4/ 2070) (2690).
Ang Karagdagan (8)
توضيح الأحكام من بلوغ المرام.
للبسام (7/ 578).
منحة العلام في شرح بلوغ المرام.
لعبد الله الفوزان (10/ 463).
فتح ذي الجلال والإكرام.
لابن عثيمين (6/ 504).
سبل السلام بشرح بلوغ المرام.
للصنعاني (2/ 714).
Binanggit sa mga aklat
4 Mga AklatAng Karagdagan (3)
- رياض الصالحينرياض الصالحين مع فوائد وهدايات - 7«اللّهم آتنَا في الدُّنيا حسنةً، وفي الآخرة حسَنَةً، وقِنَا عذابَ النَّار».
- صلاتنا الخاشعة"رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً، وَفِي الآخِرَةِ حَسَنَةً، وَقِنَا عَذَابَ النَّارِ" ([35])
- مجموعة زاد الفقه (3)الفقه 3«ربنا آتنا في الدُّنيا حسنةً، وفي الآخرةِ حسنةً، وقنا عذابَ النارِ»