بشارة المسيح عيسى عليه السلام
يهدف الكتاب إلى تقديم رسالة مبسطة ومختصرة للقارئ، خصوصًا للنصارى، لمقارنة تعاليم الأنبياء وما جاء في الكتب المقدسة مع الديانة النصرانية الحالية. يركز الكتاب على بشارة المسيح عليه السلام بالنبي محمد ﷺ، ويتناول أصول الدين الواحد والتوحيد، مبينًا اتفاق الأنبياء والمرسلين على القيم الربانية وعبادة الله وحده. الكتاب مترجم إلى عدة لغات ولاقى قبولًا واسعًا، وقد أسلم بسببه عدد من النصارى.
Ang Magandang Balita ni Kristo (Sumakanya ang Pangangalaga)
Propesor Doktor Muḥammad bin `Abdillāh bin Ṣāliḥ As-Suḥaym
(Dating) Propesor ng Teyolohiya sa King Sa`ūd University sa Riyadh
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang Panimula
Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagsugo kay Kristo (sumakanya ang pangangalaga) bilang tagapagbalita ng nakagagalak at bilang sugo gaya ng pagsusugo Niya sa mga iba pang sugo upang sila ay maging awa para sa mga nilalang, patnubay, at liwanag upang magligtas sa sangkatauhan mula sa kaparian ng tao, kawalang-katarungan nila, at pagmamalabis nila; at magpatnubay sa kanila tungo sa landasing tuwid na nagpaparating sa kaluguran ni Allāh at Paraiso Niya. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – na hindi gumawa ng isang asawa ni isang anak, hindi nagkaroon sa Kanya ng isang katambal sa paghahari, at hindi nagkaroon sa Kanya ng isang katangkilik dahil sa kaabahan. Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya (basbasan siya at pangalagaan nang maraming pangangalaga). Nagsugo sa kanya ang Panginoon niya bilang awa sa mga nilalang, bilang tagagabay, bilang mapagbalita ng nakagagalak, bilang tagapag-anyaya tungo kay Allāh ayon sa pahintulot Niya, at bilang sulo na nagbibigay-liwanag.
Sa pagsisimula:
Ang aklat na ito ay inihahandog ko sa mambabasa sa kalahatan at sa taong Kristiyano sa paraang natatangi. Naglalaman ito ng isang pinadaling paglalahad ng Magandang Balita ni Kristo (sumakanya ang pangangalaga). Si Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay naghatid ng isang dakilang magandang balita, kung paanong naghatid ang lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga) ng magandang balita. Gayon pa man, si Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay inatangan ni Allāh ng pagpaparating ng pangkalahatang magandang balita gaya ng pag-atang Niya sa nalalabi sa mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga). Inatangan siya ng pagpaparating ng isang natatanging magandang balita, na darating ang pagdedetalye nito mamaya sa loob ng aklat na ito ayon sa pahintulot ni Allāh.
Magkukuwento ako sa iyo sa isang matinding pagpapaiksi ng simula ng sangkatauhan sa Daigdig na ito, ng mga batayang sinasampalatayanan ng lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga), at gayon din ng mga pagsambang ipinansasamba nila. Kabilang sa ikinuwento ni Allāh sa atin sa Aklat natin, ang Dakilang Qur'an, ay ang mga makapanginoong pinahahalagahan (values) na komun sa kanila. Maaaring bumanggit ako ng ilan sa pagkalihis na kinasadlakan ng ilan sa mga tagasunod ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga), na kabilang sa ikinuwento ni Allāh sa atin sa Aklat natin, ang Dakilang Qur'an, din.
Nanatili ako na magsaad ng mga patunay na sinaligan ko sa paglilinaw sa katotohanan mula sa Bibliya at Dakilang Qur'an nang sa gayon makaalam ang mambabasa na ako ay nagnais maglinaw ng katotohanan at katunayan sa tama, na malayo sa kasinungalingan at panlilinlang. Umaasa ako na tumingin sa mga ito ang mambabasa nang may mata ng makatarungan na naghahangad na hanapin ang katotohanan.
Nanatili ako rito sa kasukdulan ng kaiksian upang hindi magsawa ang mambabasa dahil sa pagpapahaba at kung hindi, ang bawat usaping isinaad ko, ang pagdedetalye ng pagtatalakay tungkol dito ay hihiling ng maraming pahina.
Tutukoy ako sa iyo, O tao, bilang: O Marangal, dahil si Allāh ay nagpaabot sa atin sa Marangal na Qur'an na Siya ay nagparangal sa lahat ng mga anak ni Adan. Nagsabi si Allāh: {Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi.} (Qur'an 17:70) Kaya ang tao ay pinarangalan sa Aklat ng Panginoon ko (kaluwalhatian sa Kanya).
Tunay na ako ay talagang umaasa na makatagpo ka sa aklat na ito ng isang pagpapayaman sa mga pagkakaalam mo at isang liwanag na maghahari sa ilan sa mga madilim na sulok sa kasaysayan upang makita mo ang mga reyalidad na minimithi ng taong naghahanap ng katotohanan.
Sa pagwawakas, tanggapin mo nawa ang mga paanyaya ko sa iyo sa kabutihan at kaaya-ayang maligayang buhay.
Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh at mga pagpapala Niya.
Isinulat ni Propesor Doktor Muḥammad bin `Abdillāh bin Ṣāliḥ As-Suḥaym.
(Dating) Propesor ng Teyolohiya sa Departamento ng mga Islāmikong Pag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon
King Sa`ūd University sa Riyadh
Ang Nag-iisang Pinagmulan
O Marangal, ang lahat ng mga tao ay nilikha ni Allāh mula sa iisang pinagmulan. Siya ay si Adan (sumakanya ang pangangalaga). Nagsabi si Allāh: {O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga kaanak. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid.} (Qur'ān 4:1) Nagsabi si Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O mga tao, pansinin, tunay na ang Panginoon ninyo ay nag-iisa at tunay na ang ama ninyo ay nag-iisa. Pansinin, walang kalamangan para sa isang Arabe higit sa isang di-Arabe ni para sa isang di-Arabe higit sa isang Arabe, ni para sa isang pula higit sa isang itim ni para sa isang itim higit sa isang pula, maliban sa pangingilag magkasala. Ako ba'y nakapagparating? Sabi nila: Nakapagparating ang Sugo ni Allāh." Kaya sa Islām, hindi pinapayagan para sa isa na magmataas sa mga tao dahilan sa lahi niya o katayuan niya o yaman niya o bayan niya o kaangkanan niya. Ang pagkakalamangan sa pagitan ng mga tao ay nasa pananampalataya kay Allāh, paggawa ng mga maayos, pagkakaloob ng kabutihan sa mga tao, at pagpigil ng perhuwisyo sa kanila. Nagsabi si Allāh: {O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga tribo upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.} (Qur'ān 49:13) Nagsabi pa si Allāh: {Huwag kang mag-iwas ng pisngi mo sa mga tao at huwag kang maglakad sa lupa dala ng pagpapakatuwa [sa sarili]. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat hambog na mayabang.} (Qur'ān 31:18) Al-Musnad: 23489
Ang Simula ng Pagkalihis
Nanatili ang sangkatauhan sa paniniwala sa kaisahan ni Allah at pagpapakatuwid sa pagsamba sa Kanya sapagkat ang Panginoon nito ay nag-iisa, ang pinagmulan nito ay nag-iisa, at ang relihiyon nito ay nag-iisa mula sa panahon ni Adan (sumakanya ang pangangalaga) hanggang sa panahon ni Noe (sumakanya ang pangangalaga). Nagsabi si Allah: {Ang mga tao noon ay kalipunang nag-iisa, saka [nagkaiba-iba sila kaya] nagpadala si Allāh ng mga propeta bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala. Nagpababa Siya kasama sa kanila ng kasulatan kalakip ng katotohanan upang humatol sa pagitan ng mga tao sa anumang nagkaiba-iba sila hinggil doon.} (Qur'ān 2:213) Nagsabi pa si Allah: {Walang iba dati ang mga tao kundi nag-iisang kalipunan, saka nagkaiba-iba sila. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila hinggil sa anumang kaugnay roon ay nagkakaiba-iba sila.} (Qur'ān 10:19) Nagpabatid si Muhammad na Sugo ni Allah (s) na si Allah ay lumikha ng mga lingkod Niya bilang mga makatotoo sa tuwid na relihiyon at na ang mga demonyo ay dumating sa kanila saka nakaakay sa kanila palayo sa relihiyon nila kaya nagsabi siya isang araw sa sermon niya: "Pansinin, tunay na ang Panginoon ko ay nag-utos sa akin na magturo ako sa inyo ng hindi ninyo nalalaman, mula sa mga itinuro Niya sa akin sa araw kong ito. [Nagsabi Siya]: Bawat yaman na ipinagkaloob Ko sa isang tao ay ipinahihintulot. Tunay na Ako ay lumikha ng mga lingkod Ko bilang mga makatotoo sa kalahatan nila. Tunay na sila ay pinuntahan ng mga demonyo saka nakaakay ang mga ito sa kanila palayo sa relihiyon nila. Nagbawal ang mga ito sa kanila ng ipinahintulot Ko sa kanila, at nag-utos ang mga ito sa kanila na magtambal sila sa Akin ng hindi Ako nagpababa roon ng isang katibayan."[5] Ṣaḥīḥ Muslim: 2865.
Ang kauna-unahang shirk (idolatriya) na naganap ay sa mga kababayan ni Noe (sumakanya ang pangangalaga). Ipinadala ni Allah sa kanila si Noe saka nanatili ito sa kanila ng 950 taon. Nag-anyaya siya sa kanila tungo sa monoteismo at pagtapon ng idolatriya. Subalit sila ay sumuway sa kanila at sumunod sa mga diyos nila, kaya naman nagpadala si Allah sa kanila ng gunaw.
Ang mga sugo ay mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala.
Nagsugo si Allāh ng mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala, na nag-aanyaya sa mga tao tungo sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at pag-iwan sa pagsamba ng anumang iba sa Kanya. Nagpapalabas ang mga sugo sa mga tao mula sa mga kadiliman ng idolatriya at kawalang-pananampalataya tungo sa liwanag ng pananampalataya at pagtalima at mula sa pang-aapi ng mga relihiyon tungo sa katarungan ng Islām. Sumasagip ang mga sugo sa mga tao sa kawalang-katarungan ng mga tao sa isa't isa sa kanila. Nagsabi si Allāh: {Si Allāh ay Katangkilik ng mga sumampalataya; nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Ang mga tumangging sumampalataya, ang mga katangkilik nila ay ang nagpapakadiyos; nagpapalabas ito sa kanila mula sa liwanag tungo sa mga kadiliman. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.} (Qur'ān 2:257) Nagbabalita ang mga sugo ng nakagagalak hinggil sa kaluguran ni Allāh, Paraiso Niya, at kaaya-ayang buhay kung sila ay tumalima sa Kanya at sumunod sa mga sugo Niya. Nagbababala ang mga sugo sa kanila ng galit ni Allāh, masakit na parusa Niya, kamiserablehan, at hikahos na buhay sa Mundo at Kabilang-buhay kung sumuway sila kay Allāh at sa mga sugo Niya.
Ang una sa mga propeta ay si Noe (sumakanya ang pangangalaga), pagkatapos nagsunuran ang mga propeta matapos niya (sumakanila ang pangangalaga), at ang huli sa mga propeta ay si Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Nag-iisang Kapaniwalaan at ang Nag-iisang Relihiyon: ang Islām
O Marangal, ang mga propeta at ang mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga) ay nasa nag-iisang kapaniwalaan at nag-iisang relihiyon. Ito ay ang Islām. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) habang nagpapabatid tungkol kay Noe (sumakanya ang pangangalaga) na siya ay nagsabi: {Ngunit kung tumalikod kayo ay hindi ako humingi sa inyo ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Inutusan ako na ako ay maging kabilang sa mga tagapagpasakop."} (Qur'ān 10:72)
Nagsabi si Allāh habang nagpapabatid tungkol kay Abraham (sumakanya ang pangangalaga), ang matalik na kaibigan, na siya ay isang Muslim at hindi naging isang Hudyo ni isang Kristiyano: {Hindi nangyaring si Abraham ay isang Hudyo ni isang Kristiyano, subalit siya noon ay isang makatotoong Muslim at hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh].} (Qur'ān 3:67)
Noong dumating kay Jacob ang pagpanaw, nagtanong siya sa mga anak niya tungkol sa sasambahin nila matapos niya. Kaya nagsabi sila gaya ng ipinabatid sa atin ni Allāh tungkol sa kanila: {O kayo ba ay mga saksi noong dumating kay Jacob ang kamatayan? Noong nagsabi siya sa mga anak niya: “Ano ang sasambahin ninyo matapos na [ng pagkayao] ko” ay nagsabi sila: “Sasambahin namin ang Diyos mo at ang Diyos ng mga ninuno mong sina Abraham, Ismael, at Isaac: nag-iisang Diyos, at kami ay sa Kanya mga tagapagpasakop.”} (Qur'an 2:133)
Nagpabatid si Allāh tungkol kay Yusuf (sumakanya ang pangangalaga) na siya ay dumalangin sapagkat nagsabi siya gaya ng ipinabatid ni Allāh tungkol sa kanya: {Panginoon ko, nagbigay Ka nga sa akin ng bahagi ng paghahari at nagtuturo Ka sa akin ng bahagi ng pagpapakahulugan sa mga panaginip. Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Ikaw ay Katangkilik ko sa Mundo at Kabilang-buhay. Magpapanaw Ka sa akin bilang Muslim at magpasama Ka sa akin sa mga maayos.”} (Qur'an 12:101)
Kumausap si Moises (sumakanya ang pangangalaga) sa mga kalipi niya, na nagsasabi ng gaya ng ipinabatid ni Allāh tungkol sa kanya: {At sinabi ni Moises: O mga tao ko, kung kayo ay nanampalataya kay Allah ay sa Kanya kayo manalig kung kayo ay mga tagapagpasakop.} (Qur'an 10:84)
Noong nakadama si Jesus (sumakanya ang pangangalaga) mula sa mga kalipi niya ng kawalang-pananampalataya, humiling siya sa mga disipulo ng pakikipag-adya nila sa kanya sapagkat nagsabi siya gaya ng ipinabatid ni Allāh tungkol sa kanya: {Ngunit noong nakadama si Jesus mula sa kanila ng kawalang-pananampalataya ay nagsabi siya: “Sino ang mga tagaadya ko tungo kay Allāh?” Nagsabi ang mga disipulo: “Kami ay ang mga tagaadya ni Allāh; sumampalataya kami kay Allāh, at sumaksi ka na kami ay mga tagapagpasakop [kay Allāh].} (Qur'an 3:52)
Ang Pagpapasakop ng mga Disipulo
O Marangal, talaga ngang nagpahayag ang mga disipulo ng pananampalataya nila kay Allāh at sumaksi sila sa mga sarili nila na sila ay mga tagapagpasakop. Nagsabi si Allāh: {[Banggitin] noong nagkasi Ako sa mga disipulo, na [nagsasabi]: “Sumampalataya kayo sa Akin at sa Sugo Ko” ay nagsabi sila: “Sumampalataya kami at sumaksi Ka na kami ay mga tagapagpasakop.”} (Qur'ān 5:111)
Naghatid ang Sugong Pangwakas (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tulad ng inihatid ng mga propeta (sumakanila ang pangangalaga) ng pag-aanyaya tungo sa Pagpapasakop (Islam) at pagpapakawagas sa monoteismo para kay Allāh na Panginoon ng mga nilalang. Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām.} (Qur'ān 3:19) Nagsabi pa si Allāh: {Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.} (Qur'ān 3:85) Naghatid siya ng pagbibigay-diin na kinakailangan na ang Kalipunan ay maging nasa nag-iisang kapaniwalaan. Nagsabi si Allāh: {Tunay na ito ay kalipunan ninyo – kalipunang nag-iisa, at Ako ay Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Akin.} (Qur'ān 21:92)
Si Allāh ay ang nagpangalan sa mga Muslim sa pangalang ito.
Ang pagpapangalang ito sa mga alagad ng pananampalataya sa pangalang Muslim ay isang pandiyos na pagpapangalan. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Makibaka kayo alang-alang kay Allāh nang totoong pakikibaka. Siya ay humalal sa inyo at hindi Siya naglagay sa inyo sa relihiyon ng anumang pagkaasiwa, bilang kapaniwalaan ng ama ninyong si Abraham. Siya ay nagpangalan sa inyo na mga Muslim bago pa niyan at sa [Qur’ān na] ito upang ang Sugo ay maging isang saksi sa inyo at kayo ay maging mga saksi sa mga tao. Kaya magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at mangunyapit kayo kay Allāh. Siya ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo! Kaya kay inam ang Pinagpapatangkilikan at kay inam ang Mapag-adya!} (Qur'ān 22:78)
May sumampalataya na maraming nilikha kabilang sa mga May Kasulatan sa panahon ng Propeta natin (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa pinababa ni Allāh mula sa Qur'ān. Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Kanya; tunay na kami noon bago pa niya ay mga Muslim." Nagsabi si Allāh habang nagpapabatid tungkol sa kanila: {52. Ang mga binigyan Namin ng kasulatan bago pa nito, sila rito ay sumasampalataya. 53. Kapag binibigkas ito sa kanila ay nagsasabi sila: “Sumampalataya kami rito. Tunay na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon Namin. Tunay na kami dati bago pa niyon ay mga tagapagpasakop.”} (Qur'ān 28:52-53)
Ang Pagkakasundo ng mga Propeta at mga Isinugo sa mga Batayan ng Relihiyon
O Marangal, ang mga propeta at ang mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga) ay mga nagkakasundo sa pananampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, mga sugo Niya, Huling Araw, at pananampalataya sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito. Sila ay mga nagkakasundo sa pananampalataya na si Allāh ay nag-iisa sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. Nagsabi si Allāh: {Sabihin mo: “Sumampalataya kami kay Allāh, sa anumang pinababa sa amin, sa anumang pinababa kay Abraham, kay Ismael, kay Isaac, kay Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], sa anumang ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa sa kanila at kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.”} (Qur'ān 3:84)
Kabilang sa napagkasunduan ang mga pandiyos na mensahe na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay nag-iisa na walang katambal sa Kanya. Nagsabi si Allāh: {Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba kayo sa Akin.} (Qur'ān 21:25)
Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi nagkaanak at hindi ipinanganak. Walang isa sa mga tao na katambal kay Allāh sa mga katangian Niya o paghahari Niya o pangangasiwa Niya. Nagkakasundo rin ang mga pandiyos na mensahe na ang sinumang gumawa kasama kay Allāh ng isang katambal sa pagkapanginoon Niya o paghahari Niya o pangangasiwa Niya o pagkadiyos Niya, ito ay isang tagapagtambal na tagatangging sumampalataya na labas sa Relihiyon na kinalugdan ni Allāh para sa sarili Niya at isinugo Niya dahil dito ang mga sugo Niya (sumakanila ang pangangalaga).
Ang Monoteismo ay ang pinakadakila sa ipinag-utos ng mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga)
O Marangal, tunay na pinakadakila sa ipinag-utos ng mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) sa mga kalipunan nila at ang pinakadakila sa inihatid nila alang-alang doon ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya.
Ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa pagkadiyos Niya ay na maniwala ka na Siya ay ang Tagalikha, ang Tagatustos, ang Tagapangasiwa, ang Tagapagmay-ari na nagsasagawa ng pamamatnugot sa mga nauukol sa mga tao at nag-aalaga sa kanila sa ninanais Niya at alinsunod sa kaalaman Niya at karunungan Niya.
Ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa pagkadiyos Niya ay ang pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba sapagkat walang sinasamba kasama kay Allāh na isa man naging sino man ito.
Ang paniniwala sa kaisahan Niya sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya ay na sumampalataya ka na si Allāh ay nailalarawan sa mga katangian ng pagkakumpleto at na walang nakikitambal sa Kanya na isa man sa nilikha sa mga katangian Niya.
Ang pinakamatayog na pinapakay na inihatid ng mga propeta at mga isinugo ay ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba. Ito ay ang layon na alang-alang dito nilikha ni Allāh ang mga nilikha. Nagsabi si Allāh: {Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.} (Qur'ān 51:56) Ang bawat sugo at propeta ay nag-utos sa mga tao nito ng pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – dahil sila ay nilikha lamang alang-alang doon, bago nag-utos ito sa kanila ng pagdarasal o pagkakawanggawa o pag-aayuno. Sa tagubilin ni Muḥammad, ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) nang nagsugo siya rito sa Yemen, nagsabi siya rito, gaya ng isinalaysay ni Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Tunay na ikaw ay pupunta sa mga tao na mga may kasulatan kaya ang una sa iaanyaya mo sa kanila ay ang pagsamba kay Allāh. Kapag nakakilala sila kay Allāh, magpabatid ka sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin nga sa kanila ng limang pagdarasal sa araw nila at gabi nila. Kapag nagsagawa sila, magpabatid ka sa kanila na si Allāh ay nagsatungkulin sa kanila ng isang kawanggawa mula sa mga yaman nila at ibabalik ito sa mga maralita nila. Kapag tumalima sila rito, kumuha ka nito sa kanila at mangilag ka sa mga mamahalin sa mga ari-arian ng mga tao."[6] Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 1458 at Ṣaḥīḥ Muslim: 31.
Ang pagtatambal kay Allāh ay ang pinakamabigat na sinaway ng mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga)
Ang pinakamabigat na sinaway ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) ay ang pagtatambal kay Allāh. Ang pagtatambal kay Allāh ay maraming uri, na kabilang sa mga ito:
1. Ang pagtatambal kay Allāh sa pagkapanginoon Niya ay sa pamamagitan ng paggawa ng tao ng isang katambal kasama kay Allāh sa pagkapanginoon, na para bang naniniwala siya na may isang tagalikha o isang katambal kasama kay Allāh, na namamatnugot sa paghahari ni Allāh at nilikha Niya o ito ay nagiging nakikitambal kay Allāh sa gawain Niya gaya ng pagbibigay-buhay, pangangasiwa sa mga nilikha, pagtutustos sa kanila, at pagtutuos sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay.
2. Ang pagtatambal kay Allāh sa pagkadiyos Niya ay sa pamamagitan ng pagsamba ng tao sa iba pa kay Allāh o pagsamba kasama kay Allāh ng isa pang diyos o pagbaling sa iba pa kay Allāh ng isang bahagi ng pagsamba, na para bang nagdarasal siya rito o naghahandog siya rito ng mga alay o umaasa siya rito o nangangamba siya rito o dumadalangin siya rito o humihiling siya mula rito ng walang nakakakaya roon kundi si Allāh upang magpawi ito ng pinsala sa kanya o mag-aalis ito sa kanya ng kasawiang-palad.
3. Ang pagtatambal kay Allāh sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya ay sa pamamagitan ng paniniwala ng tao na may isa sa mga nilikha na nakikitambal kay Allāh sa isang katangian kabilang sa mga katangian na hindi nararapat kundi para sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) gaya ng kaalaman sa nakalingid.
Ang pagtatambal ay ang pinakamabigat na pagkakasala na isinuway kay Allāh at dahil ang pagtatambal kay Allāh ay lubhang mabigat. Ang kauna-unahang tagubilin na itinagubilin ni Luqmān, ang marunong, sa anak niya ay ang pagbibigay-babala rito laban sa pagtatambal kay Allāh. Nagsabi si Allāh: {[Banggitin] noong nagsabi si Luqmān sa anak niya habang siya ay nangangaral dito: “O anak ko, huwag kang magtambal kay Allāh; tunay na ang pagtatambal ay talagang isang kawalang-katarungang sukdulan.”} (Qur'ān :13) Yayamang ang pagtatambal kay Allāh ay nagpapawalang-kabuluhan sa gawa at nag-oobliga ng kalugihan, naglinaw si Allāh sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan): {Talaga ngang ikinasi sa iyo at sa mga bago mo pa na talagang kung nagtambal ka [kay Allāh] ay talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa mo at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi.} (Qur'ān 39:65)
Nagkaila si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na nagkaroon Siya ng anak gumawa Siya ng asawa sapagkat nagsabi Siya (napakataas Siya): {100. Gumawa sila para kay Allāh ng mga katambal – ang mga jinn samantalang nilikha Niya ang mga ito – at gumawa-gawa sila para sa Kanya ng mga anak na lalaki at mga anak na babae nang walang kaalaman. Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang inilalarawan nila. 101. Ang Mapagpasimula ng mga langit at lupa ay paano nagiging mayroong anak samantalang hindi naman Siya naging mayroong asawa? Lumikha Siya ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Maalam.) (Qur'ān 6:100-101)
Noong naparaan ang mga kalipi ni Moises (sumakanya ang pangangalaga) sa mga taong gumawa ng mga diyos bukod pa kay Allāh, humiling sila kay Moises na gumawa para sa kanila ng mga diyos kung paanong ang mga taong ito ay may mga diyos ngunit nagmasama siya sa kanila gaya ng ipinabatid ni Allāh tungkol sa kanila sa sabi Niya: {138. Nagpalampas Kami sa mga anak ni Israel sa dagat saka napunta sila sa mga taong namimintuho sa mga anito para sa mga iyon. Nagsabi sila: “O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.” Nagsabi siya: “Tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang.” 139. Tunay na ang mga ito ay dinurog ang anumang sila ay naroon at walang-kabuluhan ang anumang dati nilang ginagawa. 140. Nagsabi siya: “Sa iba pa kay Allāh ba maghahangad ako sa inyo bilang Diyos samantalang Siya ay nagtangi sa inyo sa mga nilalang?”} (Qur'ān 7:138-140) Noong nag-angkin ang mga huling tagasunod ni Jesus na siya raw ay Diyos, nagmasama si Allāh sa kanila ng sukdulang pagmamasama at naglarawan Siya sa gawa nilang ito na ito ay idolatriya. Naglinaw si Allāh na ang Kristo ay inutusan Niya lamang na mag-anyaya sa mga tao tungo sa pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya – at sumaway Siya laban sa idolatriya gaya ng pagkasaad niyon sa Marangal na Qur'ān: {Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: “Tunay na si Allāh ay ang Kristo na anak ni Maria,” samantalang nagsabi ang Kristo: “O mga anak ni Israel, sumamba kayo kay Allāh, na Panginoon ko at Panginoon ninyo.” Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na mga tagaadya.} (Qur'ān 5:72)
Naglinaw si Allāh na hindi nararapat para sa tao – naging anuman ang katayuan niya – na magsabi sa mga tao: "Maging mga lingkod kayo para sa akin bukod pa kay Allāh." Nagsabi si Allāh: {Hindi naging ukol sa isang tao na magbigay rito si Allāh ng kasulatan, kapamahalaan, at pagkapropeta, pagkatapos magsabi ito sa mga tao: “Kayo ay maging mga mananamba para sa akin bukod pa kay Allāh,” bagkus [magsabi ito]: “Kayo ay maging mga paham dahil kayo noon ay nagtuturo ng kasulatan at dahil kayo noon ay nag-aaral;”} (Qur'ān 3:79) Kaya ang bawat sinumang nag-anyaya sa mga tao upang sila ay maging mga lingkod para sa kanya, na para bang nag-aangkin siya ng pagpapatawad sa mga pagkakasala nila o pagpawi ng mga pighati nila o pamamagitan para sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay nang walang pahintulot at kaluguran mula kay Allāh o na siya raw ay magsasagawa ng pagtutuos sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay, gumawa nga siya sa sarili niya bilang katambal kay Allāh at gumawa nga siya sa mga tao bilang mga alipin para sa kanya.
Naglinaw si Allāh na ang mga may kasulatan ay gumawa sa mga maalam nila at mga banal nila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh. Nagsabi si Allāh: {Gumawa sila sa mga pantas nila at mga monghe nila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh at pati na sa Kristo na anak ni Maria samantalang walang ipinag-utos sa kanila kundi sumamba sila sa nag-iisang Diyos – walang Diyos kundi Siya. Kaluwalhatian sa Kanya higit sa mga itinatambal nila!} (Qur'ān 9:31) Ayon kay `Adīy bin Ḥātim (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Pumunta ako sa Propeta, habang sa leeg ko ay may krus na yari sa ginto, kaya nagsabi siya: "O `Adīy, alisin mo ang diyus-diyusang iyan mula sa leeg mo." Kaya inalis ko ito saka napunta ako sa kanya habang siya ay bumibigkas ng Kabanatang Barā'ah saka bumigkas siya ng talagang ito (Qur'ān 9:31): "Gumawa sila sa mga pantas nila at mga monghe nila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh at pati na sa Kristo na anak ni Maria samantalang walang ipinag-utos sa kanila kundi sumamba sila sa nag-iisang Diyos – walang Diyos kundi Siya. Kaluwalhatian sa Kanya higit sa mga itinatambal nila!" hanggang sa nakatapos siya nito. Nagsabi ako: "Tunay na kami ay hindi sumasamba sa kanila." Kaya nagsabi siya: "Hindi ba sila nagbabawal ng ipinahintulot ni Allāh saka nagbabawal kayo nito at nagpapahintulot sila ng ipinagbawal ni Allāh saka nagsasapahintulot kayo nito?" Kaya nagsabi ako: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay pagsamba sa kanila."}[7] Al-Mu`jam Al-Kabīr ni Aṭ-Ṭabarānīy: 218 at Sunnan At-Tirmidhīy: 3095.
Kapag naging Araw ng Pagkabuhay na, tunay na si Allāh ay magtatanong kay Kristo (sumakanya ang pangangalaga): "Ikaw ba ay nagsabi sa mga tao na gumawa sila sa iyo at ina mo bilang mga diyos? Kaya tingnan natin kung ano ang sagot niya. Nagsabi si Allāh: {116. [Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: “O Jesus na anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang diyos bukod pa kay Allāh?” Magsasabi ito: “Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi nagiging ukol sa akin na magsasabi ako ng anumang ukol sa akin ay hindi isang karapatan. Kung nangyaring nagsabi ako niyon ay nakaalam Ka nga niyon. Nakaaalam Ka ng nasa sarili ko at hindi ako nakaaalam ng nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid. 117. Hindi ako nagsabi sa kanila maliban ng ipinag-utos Mo sa akin na: Sumamba kayo kay Allāh na Panginoon ko at Panginoon ninyo. Ako noon sa kanila ay isang saksi hanggat nananatili ako sa piling nila; ngunit noong kumuha Ka sa akin, Ikaw ay ang Mapagmasid sa kanila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi.} (Qur'ān 5:116-117)
Ang mga Pinakamalaking Pagsamba na Inihatid ng mga Isinugo (Sumakanila ang Basbas at ang Pangangalaga)
O Marangal, tunay na ang mga propeta at ang mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga) ay nagkasundo sa mga batayan ng Relihiyon. Ipinag-utos sa kanila ni Allāh ang mga pinakamalaking pagsamba. Ang mga ito ay ang pagdarasal, ang pagkakawanggawa, ang pag-aayuno, at ang peregrinasyon, kahit pa nagkaiba-iba ang mga pamamaraan ng mga pagsambang ito at mga panahon ng mga ito sa pagitan nila. Dahil dito nagsabi si Allāh tungkol sa kanila: {Tunay na Kami ay nagkasi sa iyo kung paanong nagkasi Kami kay Noe at sa mga propeta matapos na niya; nagkasi kay Abraham, kay Ismael, kay Isaac, kay Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], kay Jesus, kay Job, kay Jonas, kay Aaron, at kay Solomon; at nagbigay Kami kay David ng Salmo.} (Qur'ān 4:163) Nagsabi pa si Allāh: {Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng anumang itinagubilin Niya kay Noe, ng ikinasi sa iyo, at anumang itinagubilin kina Abraham, Moises, at Jesus, na [nagsasabi]: “Magpanatili kayo ng Relihiyon at huwag kayong magkahati-hati rito.” Lumaki [sa bigat] sa mga tagapagtambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila. Si Allāh ay humalal para sa Kanya ng sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya ng sinumang nagsisising bumabalik.} (Qur'ān 42:13) Nagsabi pa si Allāh: {Para sa bawat kabilang sa inyo ay gumawa Kami ng isang pagbabatas at isang pamamaraan.} (Qur'ān 5:48)
Ang mga propeta at ang mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga) ay nag-anyaya sa mga tao nila tungo sa pagtatayo ng mga pagbabatas ng Pinakadakilang Relihiyon gaya ng pagdarasal, pagkakawanggawa, pag-aayuno, at peregrinasyon. Si Abraham (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), noong nag-utos sa kanya si Allāh ng pagpapatayo ng Ka`bah, ay inutusan na magdalisay ng Bahay Niya para sa mga pumapalibot, at mga tagayukod na nagpapatirapa. Nagsabi si Allāh: {[Banggitin] noong nagtalaga Kami para kay Abraham ng pook ng Bahay, na [nagsasabi]: “Huwag kang magtambal sa Akin ng anuman at magdalisay ka ng Bahay Ko para sa mga pumapalibot, mga tumatayo [sa pagdarasal], at mga tagayukod na nagpapatirapa.} (Qur'ān 22:26) Nag-utos si Allāh kay Moises (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at mga kalipi niya ng pagdarasal. Nagsabi si Allāh: {Nagkasi Kami kay Moises at sa kapatid niya, na [nagsasabi]: “Magtalaga kayong dalawa para sa mga kalipi ninyong dalawa sa Ehipto ng mga bahay. Gumawa kayo ng mga bahay ninyo [paharap] sa qiblah. Magpanatili kayo ng pagdarasal. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.”} (Qur'ān 10:87) Nagsabi si Kristo (sumakanya ang pangangalaga) nang nagsalita siya habang siya ay nasa duyan: {30. Nagsabi ito: “Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Kasulatan at gumawa Siya sa akin bilang propeta. 31. Gumawa Siya sa akin bilang pinagpala saan man ako naroon at nagsatagubilin Siya sa akin ng pagdarasal at pagkakawanggawa hanggat nananatili akong buhay.} (Qur'ān 19:30-31)
Ang lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga) ay nag-ayuno para kay Allāh at nag-utos sa mga tao nila ng pag-aayuno. Nagsabi si Allāh habang nagpapabatid na nagsatungkulin ng batas ng pag-aayuno sa lahat ng mga kalipunan: {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183)
Nagpabatid si Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Moises (sumakanya ang pangangalaga) at si Jonas (sumakanya ang pangangalaga) ay gumanap nga ng tungkulin ng peregrinasyon. Ayon kay Ibnu `Abbās: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naparaan sa lambak ng Al-Azraq saka nagsabi: "Aling lambak ito?" Kaya nagsabi sila: "Ang lambak ng Al-Azraq." Nagsabi siya: "Para bang ako ay tumitingin kay Moises (sumakanya ang pangangalaga) habang lumalapag mula sa daanan habang mayroon siyang ungol tungo kay Allāh bilang pagtugon." Pagkatapos pumunta siya sa daanan ng Harshā saka nagsabi siya: "Aling daanan ito?" Nagsabi sila: "Daanan ng Harshā." Nagsabi siya: "Para bang ako ay tumitingin kay Jonas na anak ni Amittai (sumakanya ang pangangalaga) habang lulan ng isang pulang matipunong babaing kamelyo, habang sa kanya ay may kapa na lana, na ang renda ng babaing kamelyo niya ay hibla ng datiles, habang siya ay tumutugon."}[8] Ṣaḥīḥ Muslim: 268.
Nagpabatid din siya na si Jesus (sumakanya ang pangangalaga), kapag bumaba siya sa wakas ng panahon, ay magsasagawa ng ḥajj at `umrah, papalibot sa Bahay ni Allāh habang tumutugon kay Allāh. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang sasambit nga ng talbiyah ang Anak ni Maria sa daanan ng Ar-Rawḥā' bilang tagapagsagawa ng ḥajj o bilang tagapagsagawa ng `umrah o talagang magsasabay nga siya ng dalawang ito."}[9] Ṣaḥīḥ Muslim: 216.
Nakikita mo ba, O Marangal, kung papaano na ang lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) at ang mga tagasunod nila ay mga nagkasang-ayon sa mga batayan ng pananampalataya at mga batas ng Relihiyon at mga tagapagsagawa para kay Allāh ng mga pagsasatungkulin Niya gaya ng pagdarasal, pagkakawanggawa, pag-aayuno, at peregrinasyon?
O Marangal, tunay na si Allāh ay nag-utos sa kalipunan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumampalataya sa sinampalatayanan ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Nagsabi si Allāh habang nakikipag-usap sa mga Muslim: {Sabihin ninyo: “Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin, at sa pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa kabilang sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.”} (Qur'ān 2:136) Kaming mga Muslim ay sumasampalataya sa sinampalatayanan ng mga propeta, na kabilang sa kanila ay si Kristo (sumakanya ang pangangalaga), at sa sinampalatayanan ng mga disipulo. Hindi kami kumukontra sa kanila at hindi kami sumasalungat sa kanila.
Ang mga Pinahahalagahang Komun sa mga Propeta at mga Isinugo (Sumakanila ang Basbas at ang Pangangalaga)
O Marangal, tunay na ang mga pinakamalaking pinapupurihang pinahahalagahan (value) na minamahalaga ng tao sa bawat panahon at bayan ay kabilang sa napagkasunduan ng lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Nagkasundo sila gayon din sa pagbibigay-babala laban sa mga mahalay at mga kasalanan at pagsasakrimen ng mga ito. May nasaad na marami mula roon sa Sampung Utos sa Torah. "At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi, Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, ..." (Exodo 20:1-5) Sa paghahangad na makapagbigay ang siping ito ng mga hinahangad na bunga mula rito, umaasa ako sa bawat sinumang nagnais na magsalin nito sa alinmang wika na sumalig sa laganap na limbag sa pagliliwat ng mga teksto ng Bibliya sa wikang pagsasalinan nito.
At ito ang pinahahalagahang kapuri-puri. Dumating ang Marangal na Qur'an bilang tagapagbigay-diin sa mga pinapupurihang pinahahalagahang ito. Nasaad din dito ang pagbibigay-babala – sa sukdulang pagbibigay-babala – laban sa mga mahalay at mga kasalanan gaya ng nasaad sa sabi ni Allāh: {23. Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda. Kung aabutan nga naman sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng pagkasuya at huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal. 24. Magbaba ka para sa kanila ng loob sa pagkaaba dahil sa pagkaawa at magsabi ka: "Panginoon ko, maawa Ka sa kanilang dalawa yayamang nag-alaga silang dalawa sa akin noong bata pa [ako]." 25. Ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa anumang nasa mga sarili ninyo. Kung kayo ay magiging mga maayos, tunay na Siya laging sa mga palabalik [sa pagsisisi] ay Mapagpatawad. 26. Magbigay ka sa may pagkakamag-anak ng karapatan nito, sa dukha, at sa kinapos sa daan. Huwag kang magwaldas ng isang pagwawaldas. 27. Tunay na ang mga tagapagwaldas ay laging mga kapatid ng demonyo. Ang demonyo sa Panginoon niya ay laging mapagtangging magpasalamat. 28. Kung aayaw ka nga naman sa kanila dala ng paghahangad sa isang awa mula sa Panginoon mo na inaasam mo ay magsabi ka sa kanila ng isang pananalitang pinadali. 29. Huwag kang gumawa sa kamay mo na nakakulyar sa leeg mo at huwag kang magpaluwag nito nang buong pagpapaluwag para mauwi kang isang sinisising nasaid. 30. Tunay na ang Panginoon mo ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit. Tunay na Siya sa mga lingkod Niya ay laging Mapagbatid, Nakakikita. 31. Huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dala ng takot sa isang paghihikahos. Kami ay magtutustos sa kanila at sa inyo. Tunay na ang pagpatay sa kanila ay laging isang pagkakamaling malaki. 32. Huwag kayong lumapit sa pangangalunya; tunay na ito ay laging mahalay at sumagwa bilang landas. 33. Huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh [na patayin] malibang ayon sa karapatan. Ang sinumang pinatay na nilabag sa katarungan ay nagtalaga Kami sa katangkilik niya ng isang kapamahalaan, ngunit huwag siyang magpakalabis kaugnay sa pagpatay. Tunay na siya ay laging maiaadya. 34. Huwag kayong lumapit sa yaman ng ulila kundi sa [paraang] pinakamaganda hanggang sa umabot siya sa katindihan niya. Magpatupad kayo sa kasunduan; tunay na ang kasunduan ay laging pinananagutan. 35. Magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal kapag nagtatakal kayo at tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagpapawakas. 36. Huwag kang tumalunton sa anumang walang ukol sa iyo hinggil doon na isang kaalaman. Tunay na ang pandinig, ang paningin, at ang puso, ang bawat isa sa mga iyon ay laging pinananagutan. 37. Huwag kang lumakad sa lupa sa kapalaluan; tunay na ikaw ay hindi tatagos sa lupa at hindi aabot sa mga bundok sa pagmamataas. 38. Lahat ng iyon, ang masagwa niyon sa ganang Panginoon mo ay laging kinasusuklaman. 39. Iyon ay kabilang sa ikinasi sa iyo ng Panginoon mo na karunungan. Huwag kang gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa sapagkat maipupukol ka sa Impiyerno bilang sinisising pinalalayas.} (Qur'ān 17:23-39)
Tunay na ang mga tekstong ito ay naglaman ng pinakadakila sa mga pinahahalagahan na punto ng pagkasang-ayon sa mga magkapantay na tao. Kabilang sa mga pinakatampok sa mga ito ang pag-uutos ng pagsamba kay Allāh lamang, pagbabawal sa idolatriya, pagbabawal sa kasuwalian sa mga magulang, pagbabawal sa pangangalunya, pagbabawal sa pagpatay ng tao, pagbabawal sa pakikinabang sa yaman ng ulila, pagkakinakailangan ng katarungan sa pagitan ng mga tao, pagdakila sa responsabilidad ng salita, at na ang tao ay kinakailangan na hindi magsalita maliban ng nalalaman niya at nalalaman niya na iyon ay ang totoo.
Ang mga propeta (sumakanila ang pangangalaga) ay naglulubos ang nahuli sa kanila sa gawain ng nauna.
O Marangal, tunay na ang mga propeta at ang mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga) – gaya ng nakita mo – ay mga nagkasundo sa mga batayang katuruan at mga nag-uutos ng mga pinakamalaking pagsamba. Ang nahuli sa kanila ay naglulubos ng inihatid ng nauna. Alam na ang pagkapropeta matapos ng propeta ni Allāh na si Abraham (sumakanya ang pangangalaga) ay naging nasa mga supling niya.
Si Isaac (sumakanya ang pangangalaga) ay ama ni Jacob (sumakanya ang pangangalaga). Kabilang sa mga supling niya sina Yusuf, David, Solomon, Moises, Aaron, Jesus (sumakanila ang pangangalaga), at iba pa sa kanila. Ang pinamayanan nila ay ang Jerusalem at ang nakapaligid dito mula sa Sirya.
Dumating si Kristo (sumakanya ang pangangalaga) bilang tagapaglubos ng mensahe ni Moises (sumakanya ang pangangalaga). Dahil dito nagsabi si Jesus sa mga kalipi niya: "Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin." (Mateo 5:17) Nagpabatid si Allāh tungkol sa pagpapatotoo ni Kristo kay Moises (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) sapagkat nagsabi Siya: {Nagpatunton Kami, sa mga bakas nila, kay Jesus na anak ni Maria, bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa kanya na Torah. Nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo, na dito ay may patnubay at liwanag, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na Torah bilang patnubay at bilang pangaral para sa mga tagapangilag magkasala.} (Qur'ān 5:46) Nagsabi si Allāh tungkol kay Kristo (sumakanya ang pangangalaga) na siya ay nagsabi sa mga kalipi niya habang nagpapaliwanag ng layon niya at tungkulin niya na siya ay tagapagpatotoo para sa nauna sa kanya na Torah. Nagsabi si Allāh: {[Dumating ako] bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at upang magpahintulot ako para sa inyo ng ilan sa ipinagbawal sa inyo. Naghatid ako sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.} (Qur'ān 3:50) Nagsabi pa si Allāh: {[Banggitin] noong nagsabi si Jesus na anak ni Maria: “O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah} (Qur'ān 61:6)
Si Ismael na anak ni Abraham (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) ay nakatira noon sa Pinarangalang Makkah. Kabilang sa mga supling niya si Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang pagkapropeta niya ay bilang pagtugon sa panalangin ng ninuno niyang si Abraham na matalik na kaibigan ni Allāh (sumakanya ang pangangalaga) yayamang nagsabi ito gaya ng ipinabatid ni Allāh: {Panginoon namin, at magpadala Ka sa kanila ng isang sugo kabilang sa kanila, na bibigkas sa kanila ng mga talata Mo, magtuturo sa kanila ng kasulatan at karunungan, at magbubusilak sa kanila. Tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.”} (Qur'ān 2:129) Si Abraham noon (sumakanya ang pangangalaga) ay masigasig sa sukdulang sigasig na magpadala si Allāh sa mga supling niya mula kay Ismael (sumakanya ang pangangalaga) ng isang propetang magpapanatili sa kanila sa kapaniwalaan ng ninuno nilang si Abraham (sumakanya ang pangangalaga) at magbuo para sa kanila ng Relihiyon nila.
Kaya dumating ang Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang maglubos si Allāh para rito ng Relihiyon at magbuo sa kanya ng biyaya. Nagsabi si Allāh. {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} (Qur'ān 5:3)
Nagsabi ang Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ipinadala lamang ako upang maglubos ako ng maayos sa mga kaasalan." Al-Musnad: 8952, Al-Mustadrak: 4221. Nagsabi si Al-Ḥākim: Ito ay isang tumpak na ḥadīth ayon sa kundisyon ni Imām Muslim ngunit hindi nagsadokumento nito ang dalawa.
Nakatalos ang mga maalam ng mga Hudyo sa panahon ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) sa katayuan ng talatang ito sa paglilinaw ng pagkalubos ng Relihiyon at pagkabuo ng biyaya kaya may nagsabing isang lalaki kabilang sa kanila kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya): {"O pinuno ng mga mananampalataya, may talata sa Aklat ninyo na binibigkas ninyo. Kung sakaling sa amin na katipunan ng mga Hudyo bumaba ito, talaga sanang gumawa kami sa araw na iyon bilang pagdiriwang." Nagsabi siya: "Aling talata?" Nagsabi ito: {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} (Qur'ān 5:3) Nagsabi si `Umar: "Nakaalam nga kami sa araw na iyon at lugar na binabaan nito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nakatayo sa `Arafah sa araw ng Biyernes."} Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 45. Ang pananalita ay batay sa kanya. Ṣaḥīḥ Muslim: 3017.
Naglinaw ang Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung papaanong binuo ang sinimulan ng mga propeta bago niya at kung papaanong ang gawain niya ay naging tagalubos sa gawain nila sapagkat nagsabi siya: "Tunay na ang paghahalintulad sa akin at ang paghahalintulad sa mga propeta noong bago ko ay gaya ng paghahalintulad sa isang lalaking nagpatayo ng isang bahay saka nagpahusay siya nito at nagparikit siya nito maliban sa isang lagayan ng ladrilyo sa isang sulok. Kaya nagsimula ang mga tao na pumapalibot doon, humahanga doon, at nagsasabi: Bakit kaya hindi inilagay ang ladrilyong ito? Nagsabi siya: Kaya ako ay ang ladrilyo at ako ay ang pangwakas sa mga propeta." Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 3535. Ang pananalita ay batay sa kanya. Ṣaḥīḥ Muslim: 2286. Ang pagwawangis na ito mula sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumasang-ayon nang lubusang pagkasang-ayon sa propesiya nina David at Kristo (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) hinggil sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sabi nilang dalawa: "Ang bato na itinakwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok." (Salmo 118:22) Darating ito kasama natin sa kasunod na parapo ayon sa pahintulot ni Allāh.
Sa pamamagitan nitong Sugong Pangwakas na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na ipinababa ni Allāh sa kanya ang Dakilang Qur'ān, nalubos ang Relihiyon at nabuo sa sangkatauhan ang biyayang pandiyos dahil sa pagkaalam nila sa ninais ni Allāh sa kanila. Dahil dito nagsabi ang Totoo (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) habang nagpapaliwanag na ang Marangal na Qur'ān ay tagapagpasapat at tagapaglinaw sa bawat bagay: {Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay, bilang patnubay, bilang awa, at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim.} (Qur'ān 16:89)
Nagsabi si Allāh habang nagpapabatid tungkol sa kasapatan ng Marangal na Qur'ān na ito para sa mga tao sa lahat ng mga aspeto ng buhay nila: {Hindi ba nakasapat sa kanila na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat na binibigkas sa kanila? Tunay na sa gayon ay talagang may awa at paalaala para sa mga taong sumasampalataya.} (Qur'ān 29:51)
Ang Propesiya ng mga Propeta (Sumakanila ang Pangangalaga) Hinggil sa Sugo ni Allāh na si Muḥammad (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Talaga nang nagkasunuran ang mga propesiya ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) hinggil sa Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Si Abraham na matalik na kaibigan ng Panginoon ay dumalangin sa Panginoon niya na magpadala sa mga supling ni Ismael ng isang propeta.
Si Moises (sumakanya ang pangangalaga) ay nagpropesiya ng darating na dakilang propetang ito sapagkat nagsabi siya gaya ng nasaad sa Deuteronomio: "Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya." (Deuteronomio 18:18-19) Ang mga kapatid ng mga anak ni Israel ay ang mga anak ni Ismael. Walang lumitaw mula sa mga anak ni Ismael ng isang sugo bukod kay Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Si Moises (sumakanya ang pangangalaga) ay bumabanggit sa tekstong ito ng banta ni Allāh sa sinumang hindi nakikinig sa salita ng Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ito ay ang sabi Niya: "aking sisiyasatin yaon sa kaniya." Ang sinumang siniyasat ni Allāh ay maaabutan Niya ito.
Nagpropesiya hinggil sa kanya si Moises (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isa pang pagkakataon at nagpabatid na ang huling propeta ay lilitaw mula sa Paran yayamang nagsabi siya sa Deuteronomio: "Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai, At bumangon mula sa Seir na patungo sa kanila; Siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran," (Deuteronomio 33:2) Ang Paran ay ang Pinarangalang Makkah. Walang lumabas na isang propeta mula sa Pinarangalang Makkah matapos ni Ismael (sumakanya ang pangangalaga) kundi si Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nagpropesiya rin hinggil sa kanya si David (sumakanya ang pangangalaga) yayamang nagsabi ito: "Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok. Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata." (Salmo 118:22-23) Ang kahulugan ng propesiyang ito ay na ang mga mensaheng pandiyos ay iwinangis sa pagpapatayo at na ang bawat propeta ay nagbubuo ng sinimulan ng propeta na nauna sa kanya hanggang magkabuuhan ang pagpapadala sa mga propeta at walang natira kundi ang huling propeta. Nalapit ang pagkakapatayo sa pagkabuo at walang natira rito kundi nag-iisang ladrilyo. Ipinadala ni Allāh ang Sugo Niya at ang matalik na kaibigan Niya na si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) kaya nabuo sa pamamagitan nito ang Relihiyon, nalubos sa pamamagitan nito ang biyaya, nagwakas ang mga pagkapropeta, at nagkabuuhan ang pagpapatayo. Kaya naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pangwakas sa mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Siya ang taong inilahad para sa kanya ang paghahalintulad sa batong tinutukoy sa propesiyang ito.
Nagpabatid si Isaias tungkol sa katangian ng pagdating ni Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, mula sa Pinarangalang Makkah, kung saan sumalubong sa kanya ang mga mamamayan nito habang umuulit-ulit ang mga paslit nila at ang ilan sa mga babae nila ng tula dala ng pagkatuwa sa kanya at pagkagalak sa pagdating niya. Nagsabi si Isaias: "Kayo ay magdiwang, kayong nasa disyerto, at sa mga bayan, mga taga-Kedar, kayo ay magdiwang; mga taga-Sela, kayo'y mag-awitan, kayo ay umakyat sa tuktok ng bundok at kayo'y sumigaw sa kagalakan." (Isaias 42:11) Ang Sela ay isang bundok sa Madinah na humayo mula rito ang mensahe ni Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Kedar ay pangalan ng isa sa mga ninuno ng Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang bayan na tinirahan ni Kedar ay ang Pinarangalang Makkah, na mula rito ang simula ng pagpapadala sa Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Naghatid si Malakias ng isang dakilang propesiyang naglaman ng paglalarawan sa kanya na siya ay maghahanda ng daan sa harapan ng mga lingkod ni Allah. Siya ay ang Sugo ng Tipan. "Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo." (Malakias 3:1) Ang Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naghanda ng daan sa harap ng mga nagpakamananamba kay Allāh at gumabay sa kanila tungo sa daang totoo at landasing tuwid. Siya ang Sugo ng Kasunduan at Tipan. Tumanggap si Allāh ng kasunduan sa lahat ng mga propeta (sumakanila ang pangangalaga): na sumampalataya sila sa Sugong si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) kung ipinadala Niya ito habang sila ay mga buhay pa. Nagsabi si Allāh: {[Banggitin] noong gumawa si Allāh ng kasunduan sa mga propeta, [na nagsasaad]: “Talagang ang anumang ibinigay Ko sa inyo na kasulatan at karunungan, pagkatapos may dumating sa inyo na isang Sugo na tagapagpatotoo para sa taglay ninyo, ay talagang sasampalataya nga kayo rito at talagang mag-aadya nga kayo rito." Nagsabi Siya: “Kumilala ba kayo at tumanggap ba kayo kaugnay roon sa kasunduan sa Akin?" Nagsabi sila: “Kumilala kami." Nagsabi Siya: “Kaya sumaksi kayo, at Ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagasaksi."} (Qur'ān 3:81) Tingnan ang aklat na Muhammad in the Bible (115-122), na akda ni Abdul'ahad Dawud, na isang dating Kristiyano saka umanib sa Islām.
Ang Propesiya ng Kristo (Sumakanya ang Pangangalaga) Hinggil sa Sugong si Muḥammad (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Nagpabatid si Allāh tungkol sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga) na siya ay dumating na nagbabalita ng nakalulugod hinggil sa Sugong Pangwakas na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). {[Banggitin] noong nagsabi si Jesus na anak ni Maria: "O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko na, na ang pangalan niya ay Aḥmad." Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga malinaw na patunay ay nagsabi sila: "Ito ay isang panggagaway na malinaw."} (Qur'ān 61:6)
Ang propesiya ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) sa mga kalipi niya ay naiiba sa mga naunang propesiya dahil ang mensahe ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay naglalaman ng mga dakilang misyon, na ang ilan sa mga ito:
A. Ang pag-aanyaya sa mga anak ni Israel tungo sa pagsamba kay Allāh lamang at pag-iwan sa pagsamba sa iba sa Kanya. Nasaad nga sa Torah na dumating ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) bilang tagapagpatotoo rito: "Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko." (Exodo 20:2-3) Nagsabi naman si Allāh habang nagpapabatid tungkol sa dakilang misyon: {samantalang nagsabi ang Kristo: "O mga anak ni Israel, sumamba kayo kay Allāh, na Panginoon ko at Panginoon ninyo."} (Qur'ān 5:72)
B. Ang pagpapatotoo para sa nauna sa kanya na Torah at ang pagpapahintulot sa mga anak ni Israel ng ilan sa ipinagbawal sa kanila. Nagsabi si Allāh: {[Dumating ako] bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at upang magpahintulot ako para sa inyo ng ilan sa ipinagbawal sa inyo. Naghatid ako sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.} (Qur'ān 3:50)
C. Ang pagpapabatid ng paglipat ng pagkapropeta mula sa mga supling ni Isaac patungo sa mga supling ni Ismael (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) dahil ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay ang kahuli-hulihang propeta mula sa mga supling ni Isaac. Nagsabi ang Kristo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng nasaad sa Mateo: "Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga." (Mateo 21:43) Pagbulay-bulayan mo ang kahanga-hangang pabatid na ito na naglaman ng propesiyang ito: na ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay nagpabatid sa mga anak ni Israel na ang pagkapropeta ay lalapit buhat sa kanila patungo sa mga anak ni Israel (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Propeta na ipinadala ni Allāh mula sa mga supling ni Ismael ay ang pangwakas ng mga propeta, si Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
D. Ang propesiya hinggil sa darating na dakilang sugo na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Dahil dito nagpropesiya sa kanya at dumami ang pag-uusap tungkol sa kanya. Dahil doon, dumami ang mga tekstong naiparating mula sa Kristo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nasaad sa mga ebanghelyong naglalaman ng propesiya hinggil kay Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang pangwakas ng mga propeta. Naglinaw ang Kristo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Pangwakas na Propetang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dahilan ng pagkabuo ng mga mensaheng pandiyos dahil sa pagkapadala sa kanya. Bubuuhin niya ang Relihiyon at lulubusin sa pamamagitan niya ang biyaya. Dahil dito nagsabi siya gaya ng ipinaabot ni Mateo: "Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, Ang batong itinakwil ng nangagtatayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok; Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?" (Mateo 21:42) Ang propesiyang ito ay nauna nang napag-usapan sa propesiya ni David (sumakanya ang pangangalaga) at nasaad din sa Unang Sulat ni Pedro 2:7.
Nagsabi rin si Juan: "Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin: At kayo naman ay magpapatotoo, sapagka't kayo'y nangakasama ko buhat pa nang una." (Juan 15:26-27)
Kaya sino ang sumaksi para sa Kristo sa pagkasugo at nagpawalang-kaugnayan sa kanya tungkol sa ginawa-gawa ng mga Hudyo laban sa kanya at laban sa ina niya (sumakanya ang pangangalaga) bukod pa kay Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan)? Nagsabi ang Kristo: "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag." (Juan 16:12-14)
Si Muḥammad ay Mang-aaliw. Siya ang tinukoy ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga). Siya ang pumatnubay sa mga nilikha sa katotohanan dahil siya ay hindi nagsasalita ng mula sa sarili niya; bagkus nagsasalita batay sa pagkasi na dumating mula kay Allāh. Siya ay hindi bumibigkas ayon sa pithaya. Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.
Ang pabatid kay Muḥammad na Sugo ni Allāh, ang mga paglalarawan sa kanya, at ang pabatid sa pagkapropeta niya sa Matanda at Bagong Tipan ay marami at lubhang masagana, hanggang sa sila noon ay nakakikilala sa kanya na siya ay ang Propeta dahil si Moises gaya ng naunang nabanggit ay nagsabi: "Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo" (Deuteronomio 18:18) Sila noon ay naghihintay sa kanya. Dahil dito, noong dumating si Juan (sumakanya ang pangangalaga) sa mga anak ni Israel, may isinugo ang mga Hudyo sa kanya, na nagtatanong sa kanya: "Ikaw ba si Elias? Ikaw ba ang Kristo? Ikaw ba ang Propeta?" Ang tekstong ito ay nasa Ebanghelyo ni Juan: "At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga? At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo. At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi. Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? Upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili?" (Juan 1:19:22)
Harinawang ang mga tekstong ito na sinipi ko mula sa mga aklat ng Matanda at Bagong Tipan ay gagabay sa nagpapagabay at mag-aakay sa kanya tungo sa tama.
Ang Dakilang Balita at ang Kapita-pitagang Pangyayari
Ang dakilang pangyayari na hinihintay noon ng sangkatauhan ay ang pagpapadala kay Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Siya ay ang Propeta na hiniling ni Abraham na ipadala. Siya ay ang nagkasunuran ang mga propesiya ng mga propeta hinggil sa pagpapadala sa kanya at pagkalapit ng panahon niya, gaya ng dumaan sa atin sa naunang parapo. Dahil dito, ang mga Hudyo noon sa Madīnah bago ng pagpapadala sa kanya ay nagsasabi sa mga pagano kabilang sa mga naninirahan sa Madīnah: "Nalapit na ang panahon ng pagpapadala sa isang dakilang propeta. Sasampalataya kami sa kanya at makikipaglaban kami sa inyo kasama niya." Ngunit noong ipinadala siya ni Allāh, lumipat sa Madīnah, at nakita siya ng mga pantas ng mga Hudyo, nakilala nila siya at nakatiyak sila sa kanya dahil sila ay nakakikilala sa kanya kung paanong nakikilala nila ang mga anak nila gaya ng sinabi ni Allāh: {Ang mga binigyan Namin ng kasulatan ay nakakikilala rito gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila. Tunay na may isang pangkat kabilang sa kanila na talagang nagkukubli sa katotohanan habang sila ay nakaaalam.} (Qur'ān 2:146) Dahil siya ay nailarawan sa Torah sa isang paglalarawang nagbigay-kakayahan sa kanila, nang nakita nila siya, na makatiyak na ito ay ang binanggit sa Torah, dahil doon, sumampalataya sa kanya ang ilan sa mga maalam nila gaya ni `Abdullāh bin Salām at tumangging sumampalataya sa kanya ang mga iba pa sa kanila dala ng pagkainggit at pangangaway dahil sila ay nagmimithi na ipadala ang mula sa lahi nila ngunit noong ipinadala ito na mula sa mga Arabe, tumanggi silang sumampalataya.
Nagsasabi ako na tunay na siya ay ang Dakilang Balita dahil si Allāh ay nag-utos sa kanya na magpawalang-saysay siya sa lahat ng mga relihiyon, hindi siya malugod kundi sa Islām, magpanatili sa kapaniwalaan ng ninuno niyang si Abraham (sumakanya ang pangangalaga), at magpalaganap siya ng Islām, wawasakin ni Allāh ang idolatriya sa mga kamay niya. "... magpatayo ng isang bagong Landasin, isang relihiyong pansansinukob, na nagtuturo na sa pagitan ng Diyos at tao ay walang ganap na tagapamagitan, walang pari, santo o sakramento"[15]; bagkus lantay na monoteismo at lantay na pagsamba kay Allāh na Panginoon ng mga nilalang. Muḥammad in the Bible, pahina 97.
Nagsasabi ako na tunay na siya ay ang Dakilang Balita dahil sa pagkapadala sa kanya, nagwakas ang mga mensaheng pandiyos, nalubos dahil sa mensahe niya ang mga pampanginoong batas, nagpawalang-bisa ang mensahe niya sa lahat ng mga mensaheng pandiyos na nauna, at nagpawalang-saysay si Allāh sa pagpapakamananamba sa pamamagitan ng mga ito at paghahanda sa pamamagitan ng mga ito.
Nagsasabi ako na tunay na siya ay ang Dakilang Balita dahil ang mensahe niya ay naghari sa Mundo sa isang paghaharing hindi naabot ng mensahe ng isang propeta bago niya. Iyon ay sa pamamagitan ng mga sumusunod na aspeto:
A. Sa punto ng panahon, walang natatagpuang isang mensahe kabilang sa mga mensahe ng mga propeta (sumakanila ang pangangalaga) na lumaganap sa ganitong bilis, hanggang sa umabot ito sa naabot nito habang siya ay hindi tumigil magmula ng pagkakapadala sa kanya hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh matapos ng 23 taon.
B. Sa punto ng lugar, walang nalalamang may isang mensaheng naghari at lumaganap sa Daigdig gaya ng paghahari ng mensahe ng Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Hindi lumipas sa pagkakapadala sa kanya ang limampung taon malibang pumasok na sa Relihiyon niya ang tatlong kapat ng mga naninirahan sa Mundo sa panahong iyon. Hindi tumitigil ang mga tao hanggang sa ngayon sa pagpasok sa Relihiyong Islām nang pulu-pulutong mula sa magkakaibang mga lahi at magkakaibang mga nibel na pangkaisipan at panlipunan.
C. Sa punto ng bilang ng mga mananampalataya sa mensahe niya, ang mga disipulo na naging kasama kay Jesus (sumakanya ang pangangalaga) ay malapit sa 70 samantalang ang mga nagperegrinasyon kasama ng Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Peregrinasyon ng Pamamaalam ay higit sa isandaang libo. Hindi mabilang ang bilang ng mga tagasunod niya sa ngayon na nasa Relihiyon niya, na hindi lumihis at hindi nagpalit.
D. Sa punto ng pagkakaingat ng mensahe, iningatan ni Allāh ang Aklat Niya, ang Dakilang Qur'ān, kaya ito ay nanatili gaya ng pagkapababa ni Allāh, na walang nawala mula rito na iisang titik sa wikang pinagbabaan nito, ang wikang Arabe, na sinasalita noon ng Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
E. Sa punto ng paghihimala at paghahamon, humamon nga si Allāh sa mga tao na maglahad sila ng tulad ng Qur'ān o tulad ng isang kabanata nito. Hindi natitigil ang hamon na nananatili hanggang sa panahong ito. Walang naglakas-loob na isa man doon.
F. Ang pagkakaingat ng sunnah (kalakaran) ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat walang nawala mula sa mga ito na iisang ḥadīth. Heto ang mga antolohiya ng Sunnah, puspos ng lahat ng mga pagdedetalye ng Relihiyon at Batas. Iningatan ni Allāh ang Batas Islāmiko laban sa pagpapalit at pagpilipit. Kaya naman ang pagdarasal at ang pag-aayuno na ginanap sa ngayon ng Muslim na Afrikano o Indonesyano ay ang pagdarasal at ang pag-aayunong ginanap ng Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Kapanganakan ni Maria at ng Anak Niya, ang Kristo, (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) gaya ng nasaad sa Marangal na Qur'ān.
Ang Marangal na Qur'ān ay nagpabatid tungkol sa kuwento ni Maria (sumakanya ang pangangalaga) nang sapat na pagdedetalye, na hindi matatagpuan ng mananaliksik sa alinmang iba pang pinagkukunan na hindi Qur'ān; bagkus ang Marangal na Qur'ān ay bumanggit kay Maria sa pangalan niya at hindi bumanggit sa alinmang babaing iba pa sa kanya. Ang Qur'ān ay nagpabatid tungkol sa kapanganakan ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) din at na ang kapanganakan niya ay isang himala mula sa mga himala ni Allāh. Nagsabi si Allāh habang nagpapabatid tungkol doon: 33. Tunay na si Allāh ay humirang kay Adan, kay Noe, sa mag-anak ni Abraham, at sa mag-anak ni `Imrān higit sa mga nilalang, 34. mga supling na ang ilan sa kanila ay mula sa ilan. Si Allāh ay Madinigin, Maalam. 35. [Banggitin] noong nagsabi ang maybahay ni `Imrān: "Panginoon ko, tunay na ako ay nagpanata para sa Iyo ng nasa sinapupunan ko bilang nakalaan, kaya tanggapin Mo mula sa akin; tunay na Ikaw ay ang Madinigin, ang Maalam." 36. Ngunit noong nagsilang siya ito ay nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay nagsilang sa kanya na isang babae," – samantalang si Allāh ay higit na maalam sa isinilang niya at ang lalaki ay hindi gaya ng babae – "tunay na ako ay nagpangalan sa kanya na Maria, at tunay na ako ay naglalagay sa kanya at supling niya sa pagkukupkop Mo laban sa demonyong kasumpa-sumpa." 37. Kaya tinanggap ito ng Panginoon nito sa isang pagtanggap na maganda, hinubog Niya ito sa isang paghubog na maganda, at ipinaaruga Niya ito kay Zacarias. Sa tuwing pumapasok sa kinaroroonan nito si Zacarias sa sambahan, nakatatagpo siya sa piling nito ng isang panustos. Nagsabi Siya: "O Maria, paanong mayroon ka nito?" Nagsabi ito: "Ito ay mula sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay nagtutustos sa sinumang niloloob Niya nang walang pagtutuos." Pagkatapos nagsabi pa si Allāh: 42. [Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel kay Maria: "O Maria, tunay na si Allāh ay humirang sa iyo, nagdalisay sa iyo, at humirang sa iyo higit sa mga babae ng mga nilalang. 43. O Maria, magmasunurin ka sa Panginoon mo, magpatirapa ka, at yumukod ka kasama ng mga yumuyukod. 44. Iyon ay kabilang sa mga balita ng nakalingid; nagkakasi Kami nito sa iyo. Wala ka noon sa piling nila noong nagpapalabunutan sila sa mga panulat nila kung alin sa kanila ang mag-aaruga kay Maria at wala ka noon sa piling nila noong nag-aalitan sila. 45. [Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel: "O Maria, tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang salita mula sa Kanya, na ang pangalan nito ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria, bilang pinarangalan sa Mundo at sa Kabilang-buhay at kabilang sa mga inilapit [kay Allāh]. 46. Magsasalita siya sa mga tao habang nasa duyan pa at nasa kasapatang-gulang na, at [magiging] kabilang sa mga maayos." 47. Nagsabi siya: "O Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang anak samantalang walang nakasaling sa akin na isang lalaki?" Nagsabi ito: "Gayon si Allāh, lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito. 48. Magtuturo Siya rito ng Kasulatan, karunungan, Torah, at Ebanghelyo. 49. [Gagawa Siya rito] bilang sugo sa mga anak ni Israel, [na magsasabi]: ‘Na ako ay naghatid nga sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo; na ako ay lilikha para sa inyo mula sa putik ng gaya ng anyo ng ibon, saka iihip rito, saka ito ay magiging isang ibon ayon sa pahintulot ni Allāh. Magpapagaling ako ng ipinanganak na bulag at ketungin. Magbibigay-buhay ako sa mga patay ayon sa pahintulot ni Allāh. Magbabalita ako sa inyo ng kinakain ninyo at iniimbak ninyo sa mga bahay ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya.} (Qur'ān 3:33-49)
Nagsabi pa si Allāh: 16. Banggitin mo sa Aklat si Maria noong nagpakalayu-layo siya mula sa mag-anak niya sa isang pook na silanganin. 17. Saka gumawa siya, sa pagbukod sa kanila, ng isang lambong, saka nagsugo Kami sa kanya ng Espiritu Namin, saka nag-anyo ito sa kanya bilang taong lubos. 18. Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapakupkop sa Napakamaawain laban sa iyo; [lumayo ka,] kung ikaw ay isang mapangilag magkasala." 19. Nagsabi ito: "Ako ay sugo ng Panginoon mo lamang upang maghandog ako sa iyo ng isang batang lalaking busilak." 20. Nagsabi siya: "Paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang walang sumaling sa akin na isang lalaki at hindi ako naging isang mapakiapid?" 21. Nagsabi ito: "Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Ito sa Akin ay madali, at upang gumawa Kami sa kanya bilang tanda para sa mga tao at bilang awa mula sa Amin. Ito ay naging isang bagay na naitadhana." 22. Kaya nagdalang-tao siya nito at nagpakalayu-layo siya kasama nito sa isang pook na liblib. 23. Saka nagpapunta sa kanya ang sakit ng panganganak tungo sa katawan ng punong datiles. Nagsabi siya: "O sana ako ay namatay bago nito at naging isang limot na kinalimutan." 24. Saka may nanawagan sa kanya mula sa ilalim niya: "Huwag kang malungkot; naglagay nga ang Panginoon mo sa ilalim mo ng isang batis. 25. Yumugyog ka patungo sa iyo sa katawan ng punong datiles, may maglalaglagan sa iyo na mga hinog na datiles na sariwa. 26. Kaya kumain ka, uminom ka, at magalak ka. Saka kung makakikita ka nga naman kabilang sa mga tao ng isa man ay sabihin mo: Tunay na Ako ay namanata para sa Napakamaawain ng isang pananahimik kaya hindi ako mangungusap ngayong araw sa isang tao." 27. Saka nagdala siya nito sa mga kalipi niya habang kinakarga ito. Nagsabi sila: "O Maria, talaga ngang nagdala ka ng isang bagay na mapanirang-puri! 28. O kapatid ni Aaron, ang ama mo ay hindi naging isang lalaki ng kasagwaan at ang ina mo ay hindi naging isang mapakiapid." 29. Kaya tumuro siya rito. Nagsabi sila: "Papaano kaming mangungusap sa sinumang nasa lampin na isang paslit?" 30. Nagsabi ito: "Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Kasulatan at gumawa Siya sa akin bilang propeta. 31. Gumawa Siya sa akin bilang pinagpala saan man ako naroon at nagsatagubilin Siya sa akin ng pagdarasal at pagkakawanggawa hanggat nananatili akong buhay. 32. [Gumawa Siya sa akin] bilang mabuting-loob sa ina ko, at hindi Siya gumawa sa akin bilang palasupil na malumbay. 33. Ang kapayapaan ay sumaakin sa araw na ipinanganak ako, sa araw na mamamatay ako, at sa araw na bubuhayin ako bilang buhay." 34. Iyon si Jesus na anak ni Maria, bilang pagsasabi ng katotohanan na kaugnay sa kanya ay nagtataltalan sila. 35. Hindi nangyaring ukol kay Allāh na gumawa Siya ng anumang anak – kaluwalhatian sa Kanya! Kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito. (Qur'ān 19:16-35)
Sa mga talatang ito ay may pagdedetalyeng eksakto at nagpapahanga tungkol sa kasaysayan ng pinagpalang mag-anak na ito, maging kabilang sa mga ito ang nauugnay kay Maria (sumakanya ang pangangalaga) nang siya ay ipinagdadalang-tao sa tiyan ng ina niya at ang kinauwian ng nauukol sa kanya o ang nauugnay sa pumapatungkol sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga) at ang ninais ni Allāh para sa kanya.
Ang Katayuan ng Kristo at Ina Niya (Sumakanilang Dalawa ang Pangangalaga) sa Marangal na Qur'ān
Bahagi ng nararapat na malaman ng mambabasa na ang Kristo at ang ina niya (sumakanila ang pangangalaga) ay may dakilang katayuan sa Qur'ān at sa Sunnah ng Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sa ganang mga Muslim sa pangkalahatan. Ang mga Muslim ay sumasampalataya sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga) at naniniwala na siya ay isa sa mga dakilang sugo ni Allāh. Siya ay kabilang sa mga may pagtitika sa mga sugo. Ang ina niya ay napakatapat at dinadakila sa Qur'ān at Sunnah at sa ganang mga Muslim.
Ang Dakilang Qur'ān ay bumanggit sa dakilang katayuan ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) sa ganang kay Allāh gaya ng nasaad sa sabi Niya: {[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel: “O Maria, tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang salita mula sa Kanya, na ang pangalan nito ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria, bilang pinarangalan sa Mundo at sa Kabilang-buhay at kabilang sa mga inilapit [kay Allāh].} (Qur'ān 3:45)
Nagsabi pa si Allāh: {Ang mga sugong iyon ay nagtangi Kami sa iba sa kanila higit sa iba kabilang sa kanila. Mayroon sa kanila na kinausap ni Allāh. Nag-angat Siya sa iba sa kanila sa mga antas. Nagbigay kay Jesus na anak ni Maria ng mga malinaw na patunay at umalalay sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan.} (Qur'ān 2:253) Nagsabi pa si Allāh: {Nagpatunton Kami, sa mga bakas nila, kay Jesus na anak ni Maria, bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa kanya na Torah. Nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo, na dito ay may patnubay at liwanag, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na Torah bilang patnubay at bilang pangaral para sa mga tagapangilag magkasala.} (Qur'ān 5:46)
Nagsabi si Allāh habang naglilinaw na ang kalagayan ni Jesus (sumakanya ang pangangalaga) ay gaya ng kalagayan ng ninuno niyang si Adan. {Tunay na ang paghahalintulad kay Jesus sa ganang kay Allāh ay gaya ng paghahalintulad kay Adan; lumikha Siya rito mula sa alabok, pagkatapos nagsabi Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.} (Qur'ān 3:59) Kahit pa ang kapanganakan niya ay kahanga-hanga at isang himala mula sa mga himala ni Allāh, hindi pinapayagan na gumawa tayo sa kanya bilang diyos o mag-angkin tayo na siya ay isang anak ng Diyos dahil lamang sa kahanga-hangang kapanganakan niya. Naglinaw nga si Allāh sa Marangal na Qur'ān na ang pagkalikha kay Adan (sumakanya ang pangangalaga) ay higit na kahanga-hanga kaysa sa kanya at higit na dakila samantalang wala ritong anumang mula sa pagkadiyos. Hindi pinapayagan na gumawa kay Adan bilang anak ni Allāh o bilang kaagaw sa Kanya o bilang katambal sa Kanya.
Ang Islām ay nag-uutos ng pagsampalataya sa lahat ng mga propeta at mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Ang sinumang tumangging sumampalataya sa iisang propeta, para bang siya ay tumangging sumampalataya sa lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Ang Muslim ay nakaaalam na ang pinakamainam sa mga propeta at mga sugo ay ang mga may pagtitika na sina Noe, Abraham, Moises, Jesus, at Muḥammad (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Nagsabi si Allāh: {Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng anumang itinagubilin Niya kay Noe, ng ikinasi sa iyo, at anumang itinagubilin kina Abraham, Moises, at Jesus, na [nagsasabi]: “Magpanatili kayo ng Relihiyon at huwag kayong magkahati-hati rito.” Lumaki [sa bigat] sa mga tagapagtambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila. Si Allāh ay humalal para sa Kanya ng sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya ng sinumang nagsisising bumabalik.} (Qur'ān 42:13)
Ang Katayuan ng mga Disipulo sa Marangal na Qur'ān
Nagbunyi ang Marangal na Qur'ān sa mga disipulo at nagpapuri sa pananampalataya nila gaya ng nasaad sa sabi ni Allāh: {Ngunit noong nakadama si Jesus mula sa kanila ng kawalang-pananampalataya ay nagsabi siya: "Sino ang mga tagaadya ko tungo kay Allāh?" Nagsabi ang mga disipulo: "Kami ay ang mga tagaadya ni Allāh; sumampalataya kami kay Allāh, at sumaksi ka na kami ay mga tagapagpasakop [kay Allāh].} (Qur'ān 3:52)
Ang Saloobin ng mga Anak ni Israel sa Kristo (Sumakanya ang Pangangalaga)
Nilinaw ng Marangal na Qur'ān ang saloobin ng mga anak ni Israel sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga) at na sila noon ay dalawang pangkat: isang pangkat na sumampalataya sa kanya at isang pangkat na nagpasinungaling sa kanya, gaya ng ipinabatid ni Allāh tungkol doon sapagkat nagsabi Siya: {... sinabi ni Jesus na anak ni Maria sa mga disipulo niya: “Sino ang mga tagapag-adya ko tungo kay Allāh?” Nagsabi ang mga disipulo: “Kami ay ang mga tagapag-adya tungo kay Allāh.” Kaya may sumampalataya na isang pangkatin mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na isang pangkatin. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya laban sa kaaway nila, kaya sila ay naging mga tagapangibabaw.} (Qur'ān 61:14) Nagsabi pa si Allāh: {[Banggitin] noong nagsabi si Jesus na anak ni Maria: "O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko na ang pangalan niya ay Aḥmad." Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga malinaw na patunay ay nagsabi sila: "Ito ay isang panggagaway na malinaw."} (Qur'an 61:6)
Ang Pagmamakatarungan ng Dakilang Qur'ān sa mga Hudyo at mga Kristiyano
Kumausap ang Marangal na Qur'ān sa mga Hudyo at mga Kristiyano sa isang pakikipag-usap na marubdob na nagmamakatarungan sapagkat nagpuri ito sa mga kabilang sa kanila na nasa katotohanan at patnubay. Nagsabi si Allāh: {Hindi sila magkapantay; mayroon sa mga May Kasulatan na isang kalipunang matuwid. Bumibigkas sila ng mga talata ni Allāh sa mga bahagi ng gabi habang sila ay nagpapatirapa.} (Qur'ān 3:113)
Nagsabi pa si Allāh: {Mayroon sa mga May Kasulatan na kung magtitiwala ka sa kanya ng isang bunton [na salapi] ay magsasauli siya nito sa iyo. Mayroon sa kanila na kung magtitiwala ka sa kanya ng isang dīnār ay hindi siya magsasauli nito sa iyo malibang hindi ka tumigil sa kanya na naniningil. Iyon ay dahil sila ay nagsabi: "Wala sa aming kasalanan kaugnay sa mga iliterato." Nagsasabi sila hinggil kay Allāh ng kasinungalingan samantalang sila ay nakaaalam.} (Qur'ān 3:75)
Nagsabi pa si Allāh habang naglilinaw na mayroon sa mga pantas ng mga Kristiyano at mga maalam nila na tumatanggap ng katotohanan at sumusunod sa mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). {82. Talagang makatatagpo ka nga na ang pinakamatindi sa mga tao sa pagkamuhi sa mga sumampalataya ay mga Hudyo at ang mga nagtambal [kay Allāh]. Talagang makatatagpo ka nga na ang pinakamalapit sa kanila sa pagmamahal para sa mga sumampalataya ay ang mga nagsabi: "Tunay na kami ay mga Kristiyano." Iyon ay dahil mayroon sa kanilang mga ministro at mga monghe at dahil sila ay hindi nagmamalaki. 83. Kapag nakarinig sila ng pinababa sa Sugo ay makakikita ka sa mga mata nila habang nag-uumapaw sa luha dahil sa nakilala nila na katotohanan. Nagsasabi sila: "Panginoon Namin, sumampalataya kami kaya magtala Ka sa amin kasama sa mga tagasaksi. 84. Ano ang mayroon sa amin na hindi kami sumasampalataya kay Allāh at sa dumating sa amin na katotohanan, at naghahangad kami na magpapasok sa amin ang Panginoon namin [sa Paraiso] kasama sa mga taong maayos?} (Qur'ān 5:82-84) Naglinaw ang Qur'ān na may isang pangkat ng mga Hudyo at mga Kristiyano na sumalungat sa mga isinugo, pumilipit, nagpalit, at sumunod sa mga pithaya nila kaya naligaw sila at nanligaw nang walang kaalaman. Nagsabi si Allāh: {Kaya kapighatian ay ukol sa mga sumusulat ng kasulatan sa pamamagitan ng mga kamay nila, pagkatapos nagsasabi silang ito ay mula sa ganang kay Allāh upang bumili sila kapalit nito ng isang kaunting panumbas. Kaya kapighatian ay ukol sa kanila mula sa sinulat ng mga kamay nila at kapighatian ay ukol sa kanila mula sa nakakamit nila.} (Qur'ān 2:79)
Ang Pag-aanyaya ng Marangal ng Qur'ān sa mga May Kasulatan Tungo sa Islām
Ang Marangal na Qur'ān, kung paanong nagmakatarungan ito sa mga May Kasulatan, ay nag-anyaya nga sa kanila tungo sa pagsamba kay Allāh lamang at pag-iwan sa pagsamba sa iba sa Kanya at nag-anyaya sa kanila, kung paanong nag-anyaya ito sa iba pa sa kanila, tungo sa pagwaksi sa idolatriya. Nagsabi si Allāh: {Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo: na hindi tayo sasamba kundi kay Allāh, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh." Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin ninyo: "Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim."} (Qur'ān 3:64)
Talaga ngang naglinaw si Allāh sa mga Muslim kung papaanong makipagtalo sa mga May Kasulatan. Nagsabi si Allāh: {Huwag kayong makipagtalo sa mga May Kasulatan malibang ayon sa pinakamaganda, maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila.} (Qur'ān 29:46)
Nagsabi si Allāh: {Sabihin ninyo: "Sumampalataya kami sa pinababa sa amin at pinababa sa inyo. Ang Diyos namin at ang Diyos ninyo ay nag-iisa. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop."} (Qur'ān 29:46) Nag-utos Siya na ipahayag ang monoteismo nang tahasan at na sabihin nila: "Sumampalataya kami sa pinababa sa amin at pinababa sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop."
Kaya minamaganda sa tagapaghanap ng katotohanan, na tagaibig nina Jesus at Maria (sumakanilang dalawa ang pangangalaga), na tumingin sa Marangal na Qur'ān dahil ito ay salita ni Allāh, ang mensaheng makadiyos na mamamalagi, na magmuni-muni sa nasaad dito na kapatnubayan at batas na marunong na isinatahasan, na tumingin sa mga katunayan nito at mga patotoo nito na nag-aakay sa nagpapakamakatarungan tungo sa katotohanan, at na magpakaalam sa reyalidad ng mensahe ng Kristo, magsuri sa mga ulat kay Maria at anak nito, ang Kristo, (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) mula sa Marangal na Qur'ān, at tumingin kung papaanong nagpakamakatarungan ang Islām kina Maria at Jesus (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) at kung papaanong nagpakamakatarungan ang Islām sa mga tagasunod ng Kristo at sa iba pa sa kanila. Sinaksihan ng Islām para sa mananampalataya sa kanila ang pananampalataya, sinaksihan nito laban sa tagaayaw ang pag-ayaw nito at kawalang-pananamapalataya nito, inanyayahan nito sila tungo sa pagpasok sa Relihiyon ni Allāh, at nilinaw nito sa kanila na ang sinumang sumampalataya sa Pangwakas na Propetang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ukol sa kanya ang pabuya niya nang dalawang ulit: isang ulit dahil sa pagsampalataya niya sa propeta niya at isang ulit dahil sa pagsampalataya niya sa Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi si Allāh: {52. Ang mga binigyan Namin ng kasulatan bago pa nito, sila rito ay sumasampalataya. 53. Kapag binibigkas ito sa kanila ay nagsasabi sila: "Sumampalataya kami rito. Tunay na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon Namin. Tunay na kami dati bago pa niyon ay mga tagapagpasakop." 54. Ang mga iyon ay bibigyan ng pabuya nila nang dalawang ulit dahil nagtiis sila at nagtataboy sila sa pamamagitan ng magandang gawa sa masagwang gawa, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.} (Qur'ān :52-54)
Ang Paghahambing sa Pagitan ng mga Batayang Katuruang Inihatid ng mga Propeta at ng mga Batayang Katuruang Kinababatayan ng Kristiyanismo
Matapos na nalaman natin ang mga batayang katuruang napagkasunduan ng mga propeta (sumakanila ang pangangalaga), ang mga pinakamalaking pagsambang sila noon ay nagpapakamananamba kay Allāh sa mga ito at nag-uutos sa mga tao nila ng pagganap ng mga ito, ang mga pinapupurihang pinahahalagahan (value) na ipinag-utos nila, at ang mga mahalay at ang mga kasalanan din na nagkaisa sila sa pagsaway laban sa mga ito, lumiliwanag sa atin na ang mga tapat na tagasunod ng mga propeta ay sumasampalataya sa mga batayang katuruang ito, nagsasagawa ng mga pagsambang ito, nananatili sa pinapupurihang pinahahalagahan, at umiiwas sa mga mahalay at mga kasalanan.
Yayamang nilinaw rin natin ang mga propesiya ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) hinggil sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang ulat ng kapanganakan ni Maria at ng anak nito, ang Kristo, (sumakanilang dalawa ang pangangalaga), ang katayuan ng Kristo at ina niya sa Qur'ān at Sunnah at sa ganang mga Muslim, at kung papaanong nagpakamakatarungan ang Islām sa mga May Kasulatan at iba pa sa kanila at nag-anyaya sa kanila tungo sa pagpasok sa Islām, gayon pa man nakatatagpo tayo na mayroong mga nangungulit na katanungang naggigiit ng sarili ng mga ito sa mambabasa at nag-oobliga sa kanya na makatagpo para sa mga ito ng isang nakasisiyang nakakukumbinsing kasagutan. Ang mga katanungang ito ay ang sumusunod:
1. Ang Kristiyanismo ba sa ngayon ay sumasang-ayon sa inihatid ng lahat ng mga propeta at mga isinugo o sumasalungat sa kanila sa mga batayang katuruan?
2. Ang Kristiyanismo ba sa ngayon sa mga batayang katuruan nito at mga saligan nito ay nakikipagsang-ayunan sa inihatid ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) o sumasalungat sa kanya? Nanatili ba ang Kristiyanismo sa anyo nitong ibinaba ito ni Allāh sa lingkod Niya at sugo Niyang si Jesus (sumakanya ang pangangalaga) o hindi?
3. Ang ipinaabot ba sa mga aklat na ito tungkol sa buhay ng Kristong Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumasang-ayon sa larawang idinibuho ng mga iglesya para sa inaakalang personalidad ng Kristo (ang Diyos) o sumasalungat?
4. Ang Bibliya ba ay sumasaksi para sa Kristiyanismo sa ngayon o naninindigan bilang saksi laban dito?
5. Ang pagkakaiba-iba at ang salungatan ba sa Kristo ay naganap sa mga batayang katuruan ng Kristiyanismo at mga saligan nito o sa mga sangay na katuruan at mga sekondaryo nito?
6. Ang mga pantas at ang mga ministro ba sa Kristiyanismo ay nag-uutos sa mga tao sa ngayon ng ipinag-utos ng mga propeta (sumakanila ang pangangalaga) at sumasaway sa mga ito ng sinaway ng mga iyon o ang taglay nila ay ang mga natatanging metodolohiya nila at mga natatanging paniniwala nila na hindi noon nalalaman ng mga propeta (sumakanila ang pangangalaga) at mga tagasunod ng mga iyon?
Bago ang pag-uusap tungkol sa mga batayang katuruan ng Kristiyanismo, minamaganda sa atin na bumanggit tayo ng batayang katuruan ng relihiyong Kristiyanismo at kung papaano naging ganito? Ito ay alang-alang sa paghahanda ng isip ng mambabasa para sa paghahambing na ito sa pagitan ng mga batayang katuruan ng Kristiyanismo at ng mga batayang katuruan na inihatid ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang basbas ang pangangalaga).
Ang Batayang Katuruan
Ang Kristiyanismo sa pinag-ugatan nito at pinakadiwa nito ay isang makadiyos na mensahe gaya ng iba pa rito na mga makadiyos na mensahe, gaya ng mensahe nina Noe, Abraham, Moises, at Muḥammad (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Sa pamamagitan ng sumusunod na paghahambing, liliwanag sa atin kung ang Kristiyanismo ba ay nanatili ayon sa inihatid ng Kristo o nakapasok rito ang pagpilipit at ang pagpapalit?
Nalalaman natin na ang lahat ng mga makadiyos na mensahe ay sumasang-ayon – gaya ng naunang nabanggit – sa mga pinakamalaking batayang katuruan gaya ng pananampalataya na si Allāh ay nag-iisa sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya; pananampalataya sa mga anghel at mga makadiyos na kasulatan; pananampalataya sa mga propeta at mga sugo (sumakanila ang pangangalaga); at pananampalataya sa Huling Araw at pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito.
Kabilang sa nagkasundo ang mga makadiyos na mensahe na si Allāh ay nag-iisang walang katambal sa Kanya, na Siya ay hindi nagkaanak at hindi ipinanganak, na walang isa sa mga tao na katambal kay Allāh sa mga katangian Niya o kaharian Niya o pangangasiwa Niya. Nagkasundo rin ang mga ito na ang sinumang gumawa kasama kay Allāh ng isang katambal sa pagkapanginoon Niya o paghahari Niya o pangangasiwa Niya o pagkadiyos Niya, ito ay isang tagapagtambal kay Allāh, na isang tagatangging sumampalataya na labas sa Relihiyon na kinalugdan ni Allāh para sa sarili Niya at ipinadala Niya dahil dito ang mga sugo Niya (sumakanya ang pangangalaga).
Walang nasaad sa kasaysayan sa kabuuan nito mula kay Adan hanggang sa pinakahuli sa mga propeta, si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na may isang makadiyos na mensaheng dumating na sumasalungat sa mga paniniwalang ito. Ang salungatan lamang sa pagitan ng mga ito ay sa mga uri ng mga pagsamba at mga anyo ng mga ito, mga klase ng mga ipinagbabawal at mga pinapayagan, mga kadahilanan ng mga ito, at iba pa roon kabilang sa isinabatas ni Allāh para sa mga propeta Niya (sumakanila ang pangangalaga) at ipinag-utos Niya sa kanila ang paglilinaw nito sa mga tao na pinagsuguan sa kanila.
Samakatuwid, ang Kristiyanismo na inihatid ng Kristo ay isang makadiyos na mensahe na nag-aanyaya tungo sa pananampalataya na si Allāh ay nag-iisa, na walang katambal sa Kanya, at na Siya ay hindi nagkaanak at hindi ipinanganak; nagbibigay-diin na si Allāh ay may mga sugo at mga propetang hinirang Niya at pinili Niya mula sa nalalabi sa mga tao upang magpaabot ng mensahe Niya sa mga tao upang ang mga tao ay hindi magkaroon ng katwiran kay Allāh matapos ng pagsusugo ng mga sugo.
Ito ay ang panahon ng pagtingin at paghahambing sa pagitan ng mga batayang katuruan na kinasasalalayan ng Kristiyanismo sa ngayon. Maghahambing tayo ng mga ito sa sumusunod:
A. Sa kung nasa ano ang mga propeta at ang mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga);
B. Sa nabanggit sa Marangal na Qur'an;
C. Sa nasaad sa Matanda at Bagong Tipan;
D. Sa tinatanggap ng mga matinong pag-iisip (logic);
Ang mga ito ay ang pinakatampok sa mga paniniwala na magiging isang larangan ng paghahambing at pag-aaral.
A. Ang Paniniwala ng mga Kristiyano na ang Kristo ay Anak ng Diyos o Siya ay Diyos
Ang paniniwalang ito ay kabilang sa mga sukdulang batayang katuruan sa Kristiyanismo; bagkus ang lahat ng mga paniniwala ng Kristiyanismo ay umiikot dito. Kapag binubuklat natin ang Bagong Tipan upang tingnan ang pundasyon na pinagbatayan ng paniniwalang ito, matatagpuan natin na ito ay naglalaman sa pagitan ng mga pahina nito ng mga tekstong nagpapahayag ng buong katahasan at kaliwanagan na walang Diyos kundi si Allāh at na ang Kristo ay lingkod ni Allāh at Sugo Niya, na isinugo ni Allāh sa mga anak ni Israel kalakip ng Ebanghelyo at bilang tagapagpatotoo sa Torah, at na si Allāh (napakataas Siya) ay hindi gumawa ng isang anak at hindi nagsugo ng isang diyos. Ang mga ito ay ang ilan sa mga teksto na kumakatig doon:
1. Tunay na ang kauna-unahan sa Sampung Utos na nasaad sa Torah ay ang pagsaway laban sa idolatriya at ang pagbabawal sa paggawa ng mga diyos na sinasamba kasama kay Allāh. Nasaad sa Exodo: "Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin," (Exodo 20:2-5) Kaya ang sinumang naniwala na ang Kristo ay Diyos o Anak ng Diyos, gumawa nga siya kasama kay Allāh ng isang katambal. Ang sinumang gumawa kasama kay Allāh ng isang katambal, sumalungat nga siya sa lahat ng mga pandiyos na mensahe at tumangging sumampalataya kay Allāh, ang Dakila.
2. Ang sabi ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga): "At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. Niluwalhati kita sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin. At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako" (Juan 17:3-5) Kaya ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay kumikilala sa tekstong ito na si Allāh ay Siya lamang ang totoong Diyos at na ang Kristo ay isang sugo lamang.
3. Ang Kristo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nailarawan sa mga katangian ng tao sapagkat siya ay kumakain ng pagkain, bagkus naghangad siya ng igos sa punong-kahoy sa hindi panahon nito sapagkat nabanggit sa Ebanghelyo ni Marcos ang ulat na ito: "pumaroon siya sa Betania na kasama ang labingdalawa. At sa kinabukasan, pagkaalis nila sa Betania, ay nagutom siya. At pagkatanaw niya sa malayo ng isang puno ng igos na may mga dahon, ay lumapit siya, na baka sakaling makasumpong doon ng anoman: at nang siya'y malapit sa kaniya ay wala siyang nasumpungang anoman kundi mga dahon; sapagka't hindi panahon ng mga igos." (Marcos 11:11-13) Ito ay nagpapatunay ng isang hayag na katunayan ng pagkatao ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) sapagkat ang Panginoon ay hindi kumakain ng pagkain at hindi nagaganap sa Kanya ang kamangmangan sa pag-alam sa mga panahon ng mga prutas. Nagsabi si Allāh sa Dakilang Qur'ān, na nagpapaliwanag ng reyalidad ng pagkatao ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga): {Walang iba ang Kristo na anak ni Maria kundi isang sugo, na nakalipas na bago pa niya ang mga sugo. Ang ina niya ay isang matapat. Silang dalawa noon ay kumakain ng pagkain. Tumingin ka kung papaanong naglilinaw Kami para sa kanila ng mga tanda. Pagkatapos tumingin ka kung paanong nalilinlang sila.} (Qur'ān 5:75) Nagsabi si Ibnu Jarīr At-Ṭabarīy (kaawaan siya ni Allāh) sa sandali ng pagpapakahulugan niya sa talatang ito: "Ang sinabing {Silang dalawa noon ay kumakain ng pagkain.} ay isang pabatid mula kay Allāh (napakataas Siya), na binanggit Niya tungkol sa Kristo at ina niya: na silang dalawa noon ay may mga pangangailangan sa magbubusog sa kanilang dalawa at magpapanatili ng mga katawan nilang dalawa, na mga makakain at mga maiinom, gaya sa nalalabi sa mga tao na mga anak ni Adan. Tunay na ang sinumang ganyan ay hindi umiiral na diyos dahil ang nangangailangan ng pagkain, ang ikinabubuhay niya ay nasa iba pa sa kanya. Ang katotohanan na ang ikinabubuhay niya ay nasa iba pa sa kanya at ang pangangailangan niya ay nasa nakabubuhay sa kanya ay isang maliwanag na patunay sa kawalang-kakayahan niya at ang walang-kakayahan ay walang iba kundi isang namamanginoon hindi Panginoon."[16] Jāmi` Al-Bayān: 10/485.
4. Ang Kristo ay nagkakaila para sa sarili niya ng katangian ng ganap na kalubusan dahil siya ay nakaaalam na ang may ganap na kalubusan ay si Allāh lamang sapagkat sa Ebanghelyo ni Mateo ay matatagpuan natin ang tekstong ito: "At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan? At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos." (Mateo 19:16-17)
5. Ang mga disipulo ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay nakaintindi at nakatanggap buhat sa kanya na si Allāh ay nag-iisa at wala Siyang katambal. Nagpaabot ang Ebanghelistang si Marcos ng sabi ng eskriba sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga): "At sinabi sa kaniya ng eskriba, Sa katotohanan, Guro, ay mabuti ang pagkasabi mo na siya'y iisa; at wala nang iba liban sa kaniya:" (Marcos 12:33) Kaya papaanong, sa kabila ng maliwanag na katuruang ito mula sa kanya para sa mga tagasunod niya, naniniwala ang mga Kristiyano sa ngayon na ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay isang diyos kasama kaya Allāh? Napakataas si Allāh higit doon ayon sa kataasang malaki!
6. Ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay nangangamba at nalulungkot kung paanong ang mga tao ay nalulungkot. Ang Panginoon ay hindi inilalarawan sa mga katangian ng kahinaang pantao. Itong si Lucas ay nagpapabatid sa atin tungkol sa mga huling sandali ng buhay ng Kristo sa lupa: "At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin, Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo. At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya. At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa." (Lucas 22:41-44)
7. Matapos na nagpakita si Allāh sa mga kamay ng Kristo ng isa sa mga himala na ipinang-ayuda sa kanya ni Allāh, sumaksi sa kanya ang mga nasa paligid niya na siya ay isang propeta, gaya ng nasaad sa Ebanghelyo ni Lucas: "At sinidlan ng takot ang lahat: at niluluwalhati nila ang Dios, na sinasabi, Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang propeta: at, dinalaw ng Dios ang kaniyang bayan." (Lucas 7:16)
8. Nagpaabot ang Ebanghelistang si Lucas buhat kay Cleopas ng pagsaksi nito na ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay isang propetang makapangyarihan yayamang nagsabi siya: "At isa sa kanila, na nagngangalang Cleopas, sa pagsagot ay sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y nakikipamayan lamang sa Jerusalem, at hindi nakaalam ng mga bagay na doo'y nangyari nang mga araw na ito? At sinabi niya sa kanila, Anong mga bagay? At sinabi nila sa kaniya, Ang mga bagay tungkol kay Jesus na Nazareno, na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Dios at ng buong bayan:" (Lucas 24:18-19) Ang tagasulat ng mga Gawa ng mga Apostol ay sumaksi rin sa pagkatao ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) yayamang nagsabi siya: "Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo," (Mga Gawa 2:22)
9. Ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay dumating na naglulubos ng Batas ng Torah. Nasaad ang sabing ito sa Ebanghelyo ni Mateo: "Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit." (Mateo 5:17-19) Nasaad ang pagbibigay-diin sa katotohanang ito sa Marangal na Qur'ān sa sabi ni Allāh: {Nagpatunton Kami, sa mga bakas nila, kay Jesus na anak ni Maria, bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa kanya na Torah. Nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo, na dito ay may patnubay at liwanag, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na Torah bilang patnubay at bilang pangaral para sa mga tagapangilag magkasala.} (Qur'ān 5:46) Kaya hanggat ang Kristo ay tagapaglubos ng nasa Torah at tagapagpatotoo rito at ang Torah ay nagbibigay-diin sa kaisahan ng Diyos samantalang ang Kristo naman ay hindi dumating upang sirain ito, papaanong nagkaroon sa mga paniniwala ng Kristiyanismo na ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay ang Diyos o ang Anak ng Diyos? Napakataas si Allāh higit sa sinasabi nila ayon sa kataasang malaki!
Ang Bibliya at ang Marangal na Qur'ān, ang lahat ng mga ito ay nagbibigay-diin na si Allāh ay nag-iisa, na walang katambal sa Kanya, at na Siya ay hindi nagkaanak o hindi ipinanganak at wala Siyang asawa ni anak. Sa Ebanghelyo ni Juan, makatatagpo tayo sa sumusunod na teksto na ang mga Hudyo ay humiling sa gobernador na Romano na ipako sa krus ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) dahil siya ay nag-angkin na siya ay Anak ng Diyos. Napakataas si Allāh higit sa sinasabi nila ayon sa kataasang malaki! "Pagkakita nga sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga punong kawal, ay sila'y nangagsigawan, na sinasabi, Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Kunin ninyo siya, at ipako ninyo siya sa krus: sapagka't ako'y walang masumpungang kasalanan sa kaniya. Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio, Kami'y mayroong isang kautusan, at ayon sa kautusang yaon ay nararapat siyang mamatay, sapagka't siya'y nagpapanggap na Anak ng Dios." (Juan 19:6-7) Kaya tayo ay narito sa harapan ng mga mapagpipilian: maaaring magsabi tayo na ang teksto ni Juan ay sinungaling o magsabi tayo na ang teksto ni Mateo sa naunang parapo ay sinungaling. Ang totoo ay na ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay hindi nag-angkin para sa sarili niya ng isang rangko na higit kaysa sa rangko ng pagkalingkod at pagkasugo.
Sa mga naunang tekstong ito, natatagpuan natin na ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay nagpapahayag nang tahasan na ang sinumang nagnais ng walang-hanggang tunay na kaligayahan, kailangan sa kanya na makaalam nang may katiyakan na si Allāh ay ang tunay na Diyos at ang bawat anumang iba sa Kanya ay isang lingkod na nilikhang namamanginoon at na ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay sugo ni Allāh.
Natatagpuan din natin doon din ang pagsaksi ng mga kontemporaryo sa kanya na siya ay isang propeta at isang sugo, na inaayudahan ng mga tandang mahimala, na sumasaksi para sa kanya ng katapatan ng pagkapropeta niya at mensahe niya, na pinasinungalingan at tinanggihan ng karamihan sa mga Israelita sa panahon niya.
Naglinaw si Allāh sa Marangal na Qur'ān na ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay nagkaila sa sinumang nag-angkin na siya ay diyos at humatol dito na ito ay isang paganong tagatangging sumampalataya. Nagsabi si Allāh: {Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: "Tunay na si Allāh ay ang Kristo na anak ni Maria,” samantalang nagsabi ang Kristo: "O mga anak ni Israel, sumamba kayo kay Allāh, na Panginoon ko at Panginoon ninyo.” Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na mga tagaadya.} (Qur'ān 5:72)
Talaga ngang humatol si Allāh na ang paniniwala na ang Kristo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay si Allāh ay isang kawalang-pananampalataya kay Allāh, ang Dakila. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya) sa kanila ng isang sabing marubdob na nagpapatamimi, na hindi nila maitulak ni matutulan. Kapag hindi nila nakayang matutulan, maaari na sumampalataya kay Allāh at maaari na ang saloobin nila ay maging saloobin ng tagapagkailang tagapagmatigas. Nagsabi si Allāh: {Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: "Tunay na si Allāh ay ang Kristo na anak ni Maria.” Sabihin mo: "Kaya sino ang nakapangyayari laban kay Allāh sa anuman kung nagnais Siya na magpahamak sa Kristo na anak ni Maria, sa ina niya, at sa sinumang nasa lupa nang lahatan?” Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan.} (Qur'ān 5:17)
Maaaring may magsabi: "Talaga nang itinaguri sa Kristo ang paglalarawang Anak ng Diyos sa Bagong Tipan. Dahil doon nag-angkin ang mga Kristiyano kaugnay sa kanya na siya ay Anak ng Diyos."
Kaya magsasabi ako: "Totoo bang napagtibay na ang Kristo ay nagtaguri sa sarili niya na siya ay Anak ng Diyos?" Kailangan sa mga Kristiyano na maglahad ng orihinal na kopya ng Ebanghelyo ng Kristo upang makita natin kung nagtaguri ba talaga ang Kristo sa sarili niya ng paglalarawang ito. yayamang ang lahat ng mga denominasyon at mga sektang Kristiyano ay mga nagkakasundo na ang Ebanghelyo ay hindi isinulat ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) at hindi isinulat sa buhay ng Kristo sa Mundo. Sila ay mga nagkasundo na sila ay hindi nakakita sa tunay na Ebanghelyo. Ipagpalagay natin bilang argumento na ang pananalitang ito ay natatagpuan sa laganap na ebanghelyo, nasaad naman sa Matanda at Bagong Tipan na ang paglalarawang ito ay itinaguri sa mga iba pang propeta, itinaguri sa mga bansa at mga lahi, at hindi natangi rito ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga). Maaari para sa tagapagsaliksik na tumingin sa nasa mga sumusunod na teksto. Sa Exodo, itinaguri ang katawagang Anak ng Diyos sa mga anak ni Israel: "At iyong sasabihin kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking anak, aking panganay: At aking sinabi sa iyo, Pahintulutan mong ang aking anak ay yumaon, upang siya'y makapaglingkod sa akin; at ayaw mo siyang payaunin, narito, aking papatayin ang iyong anak, ang iyong panganay." (Exodo 4:22-23) Ang mga anak ni Israel ba ay mga anak ng Diyos dahilan sa tekstong ito? Tinawag ba silang mga diyos?
Sa Salmo, nagsabi ang Diyos kay David: "Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita." (Salmo 2:7) Kung ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay isang anak ng Diyos dahil sa paglalarawang ito, si David din ay isang anak ng Diyos. Napakataas si Allāh higit doon ayon sa kataasang malaki!
Sa 1 Cronica, nagsabi ang Diyos tungkol kay Solomon (sumakanya ang pangangalaga): "at siya'y magiging aking anak, at ako'y magiging kaniyang ama;" (1 Cronica 22:10) Si Solomon ba (sumakanya ang pangangalaga) ay isang anak ng Diyos dahil sa pagtaguring ito?
Sa Ebanghelyo ni Mateo, natatagpuan natin ang paglalarawang mga anak ng Diyos ay itinataguri sa lahat ng mga nailarawan sa pag-ibig sa paggawa ng kabutihan sa mga tao: "Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios." (Mateo 5:9)
Ang Ebanghelyo ni Juan ay sumasang-ayon sa teksto ng Ebanghelyo ni Mateo sa pagtataguri ng paglalarawang ito sa mga mabuting-loob: "Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:" (Juan 1:12) Ang Ebanghelyong ito ay nagdala sa atin ng isang pagpapakahulugan o isang paglalarawan ng isang terminolohiyang "Anak ng Diyos" at na ito ay may kahulugang ang mananampalataya sa Diyos.
Ang mga nailarawang ito na sila ay mga anak ng Diyos ay hindi inangat sa katayuang nag-angat dito ang Kristiyanismo sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga) at hindi ginawang mga anak ng Diyos.
Ang nalihis na paniniwalang ito – ang paniniwala na may isa sa mga tao na naging isang anak ng Diyos o siya ay Diyos; napakataas si Allāh higit doon ayon sa kataasang malaki – ay hindi bahagi ng imbento ng mga Kristiyano lamang sapagkat ang mga Hudyo rin ay nauna roon at naniniwala na si Ezra ay Anak ng Diyos, na binanggit ni Allāh sa Marangal na Qur'an. Naglinaw si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na ang mga Hudyo at mga Kristiyano sa paniniwalang ito ay mga tagagaya sa mga sinaunang tagatangging sumampalataya sapagkat nagsabi Siya: {Nagsabi ang mga Hudyo: "Si Ezra ay anak ni Allāh," at nagsabi ang mga Kristiyano: "Ang Kristo ay anak ni Allāh.” Iyon ay ang sabi nila sa pamamagitan ng mga bibig nila. Pumaparis sila sa sabi ng mga tumangging sumampalataya bago pa niyan. Kumalaban nawa sa kanila si Allāh! Paanong nalilinlang sila?) (Qur'ān 9:30)
Ang natitira ay malaman ng mambabasa ang kasagutan sa katanungang ito: Kailan nakapasok ang paniniwala na ang Kristo ay Anak ng Diyos sa relihiyong Kristiyanismo?
Ang kasagutan: Nakapasok ang paniniwalang ito sa relihiyong Kristiyano dahil sa isang kapasyahan ng Unang Konsilyo ng Nicaea na dinaluhan ng isang pangkat ng mga maalam ng mga Kristiyano. Sinabing ang bilang nila ay 2,048 at sinabi ring malapit sa 500. Ito ay dahil sa isang paanyaya ng paganong Romanong emperador na si Constantino I noong taong 325 CE. Matapos ng isang mahabang pagtatalakay, kinatigan ng Romanong Emperador ang opinyon ng minoriyang naimpluwensiyahan ng pilosopiyang pagano. Ang bilang nila ay 318 pari, na naniniwalang ang Kristo ay Anak ng Diyos, ang Panginoon ng mga nilalang. Tinanggihan niya ang opinyon ng mayoriyang naniniwala na ang Kristo ay isang taong kabilang sa mga tao at sugo ng Panginoon ng mga nilalang. Mula sa petsang ito, ang teolohiyang aksidental na ito ay naging batayang katuruan na kinasasalalayan ng relihiyong Kristiyano.
Matapos ng paglalahad ng mga tekstong ito mula sa Ebanghelyo at ng paglilinaw na ang paniniwala sa pagkaanak ng Diyos ng Kristo at pagkadiyos niya ay hindi nakasalig bilang paniniwala kundi matapos ng paglipas ng 325 taon mula ng kapanganakan ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga). Sa kabila ng pagsalungat nito sa mga batayang katuruan na inihatid ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga), itinuturing ba ito ng taong nagpapakamakatarungan bilang isang paniniwalang nakikisang-ayunan sa mga paniniwalang inihatid ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) o sumasalungat dito?
Ang mga Kristiyano ba ay hindi nagsasaalang-alang sa kawalang-pananampalataya ng sinumang naniwala na ang Diyos ay may anak?
Ano ang kaibahan sa pagitan ng paniniwala na ang Kristo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay Diyos o siya ay Diyos at ng paniniwala ng mga Hudyo na si Ezra ay Anak ng Diyos? Bagkus ano ang kaibahan sa pagitan ng paniniwala na ang Kristo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay diyos at ng paniniwala ng mga Hudyo na ang guya ay diyos nila? Ito ay nang nagsabi sila ng gaya ng ipinabatid ni Allāh tungkol sa kanila sa Marangal na Qur'ān: {Saka nagpalabas siya para sa kanila ng isang guyang rebulto na mayroon itong pag-unga saka nagsabi sila: "Ito ay diyos ninyo at diyos ni Moises, ngunit nakalimot siya.”} (Qur'ān 20:88)
B. Ang Paniniwala na ang Diyos ay Isa sa Tatlong Persona, ang Nakikilala Bilang Kredo ng Tritarianismo
Kapag magtatanong ka sa mga Kristiyano tungkol sa Tritarianismo, magkakaiba-iba ang sagot mula sa isang tao sa ibang tao. Hindi ka halos makatatagpo ng dalawang nagkakasang-ayon sa iisang malinaw na sagot. Para mapag-alaman ang pagkahirap-hirap ng pag-intindi ng doktrinang ito, babasahin natin ang pakahulugan ng Trinidad mula sa Talatingin ng Banal na Bibliya kung saan nagsasabi ito: Trinidad: Nagpakahulugan ang Kanon ng Pananampalataya sa kredong ito sa pamamagitan ng pagsabing: Sumasampalataya kami sa iisang Diyos: ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, iisang Diyos, iisang pinakadiwa, magkapantay sa kapangyarihan at kaluwalhatian." Sa kalikasan ng iisang Diyos na ito lumilitaw ang tatlong esensiya walang-pasimula, na ipinahahayag ng Kasulatan sa anyo mga personang magkakapantay. Ang pagkakaalam natin sa tatluhang personang ito ay walang iba kundi isang karapatang makalangit ... Maaari nating isabuod ang kredo sa sumusunod na anim na punto:
1. Ang Banal na Bibliya ay naglalahad sa atin ng tatlong personang itinuturing na persona ng Diyos.
2. Ang tatlong ito ay inilalarawan ng Bibliya sa isang paraang gumagawa sa kanila na mga personang namumukod ang isa sa iba.
3. Ang Tritarianismo na ito sa kalikasan ng Diyos ay hindi pansamantala o panlabas, bagkus magpawalang-hanggan at tunay.
4. Ang Tritarianismo na ito ay hindi nangangahulugan ng tatlong dios; bagkus ang tatlong personang ito ay iisang esensiya.
5. Ang tatlong persona: ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay magkakapantay.
6. Hindi nagkakaroon ng salungatan sa kredong ito; bagkus pinakamarapat na ito ay magkaloob sa atin ng susi ng pag-intindi sa nalalabi sa mga paniniwalang Kristiyanismo. Nagwakas ang pananalita niya. Talatingin ng Banal na Bibliya, p. 232.
Ang sinuman makababasa ng pakahulugang ito ng kredo ng Tritarianismo, makatatagpo siya na ito ay kredong mahirap maintindihan, pati na sa tekstong ito na sinipi ko mula sa Talatingin ng Banal na Bibliya ay matatagpuan natin na ang Bibliya ay nakalilito at walang-kakayahan sa pagpapaliwanag. Minsan ang may-akda ng Talatingin ay nagtuturing sa kanila na mga banal na esensiya (divine essence) at minsan nagtuturing siya sa kanila na tatlong magkapantay na persona.
Kung ang mga bumubuo sa Trinidad ay mga esensiya, hindi maaari na ang mga ito ay maging magkakapantay na persona. Kung ang mga ito ay mga persona, hindi maaari na ang mga ito ay maging mga esensiya. Ang Talatingin ng Bibliya ay nagbibigay-diin, gaya ng nasa parapo 2, na sila ay: "mga personang namumukod ang isa sa iba."
Sa unang pagsipi buhat sa Talatingin, nagsabi ito: "Nagpakahulugan ang Kanon ng Pananampalataya sa kredong ito" Ibig sabihin: na ang sinasandalan ng paniniwala rito at pagsasaalang-alang dito bilang batayan sa relihiyong Kristiyano ay: "Ang Kanon ng Pananampalataya". Ang Kanon ng Pananampalataya na ito ay nalubog ang pagkakabalangkas nito at ang pagkilala rito sa Unang Konsilyo ng Nicaea noong taong 325 CE.
Bahagi ng nararapat maunawaan dito ay na hindi maaari na magkapantayan ang mga personang ito sa kawalang-simula dahil sa sumusunod:
1. Tunay na ang mga Kristiyano ay naniniwala na ang Banal na Espiritu ay namutawi nga buhat sa Ama at Anak. Ang dalawang ito ay bago ng Banal na Espiritu.
2. Tunay na ang bawat isa sa mga persona ng Trinidad ay may mga katangiang natatangi rito, na hindi maaari na ipanlarawan sa ibang persona.
3. Tunay na ang Ama ay palaging nasa unang antas at ang Anak ay dumarating matapos ng Ama, pagkatapos ang Banal na Espiritu ay nasa ikatlong baytang. Hindi malulugod ang Kristiyano magpakailanman na baguhin ang pagkakasunud-sunod ng Trinidad na ito para ang Banal na Espiritu ay maging ang nangunguna at ang Anak ay maging nasa ikalawang antas; bagkus nagtuturing sila na iyon ay isang kawalang-pananampalataya at hidwaang paniniwala, kaya papaanong nagkaroon ng pagkakapantay samakatuwid?
Nararapat na malaman na hindi nasaad ang Tritarianismo sa Matanda o Bagong Tipan kaya samakatuwid ang paniniwalang ito ay hindi nalalaman ng mga sinaunang Kristiyano. Dahil dito, nagsasabi ang Talatingin ng Banal na Bibliya tungkol sa Tritarianismo: "Ang salita mismo na Tritarianismo o Trinidad ay hindi nasaad sa Banal na Bibliya. Ipinagpapalagay na ang kauna-unahan sa nagbalangkas nito o umimbento nito at gumamit nito ay si Tertulian sa ikalawang sigo.[18] Ang Naunang Pinagkunan, pa 232.
Samakatuwid, nanatili ang mga Kristiyano nang mga taon na pagkatagal-tagal na hindi nalalaman ang paniniwalang ito at hindi sumasampalataya rito, pagkatapos nangyari ito sa relihiyon nila at ito ay naging isang dakilang batayang katuruan mula sa mga batayang katuruan nito.
Ang tagapagbulay-bulay na nagpapakamakatarungan sa naipaabot buhat sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay makatatagpo na siya ay gumawa ng pundasyon ng pag-aanyaya tungo sa Monoteismo, pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa pakikiwangis sa nilikha Nito, pag-alis sa katayuan ng pagkadiyos sa bawat anumang iba kay Allāh, at pagsasakatotohanan ng katayuan ng pagkaalipin kay Allāh lamang.
Sa pagtingin sa mga patunay na nagdaan sa atin sa naunang parapo, matatagpuan natin na ito ay kumukontra sa Tritarianismo at nakikisalungatan dito.
Tunay na ang kredo ng Tritarianismo ay nagsasanay sa isip sa Politeismo sa ganang mga kalipunang pagano. Babanggitin ko sa sumusunod na parapo ang ilan sa mga ehemplo ng Politeismo.
Ang Politeismo
Hayaan mo tayo, O mambabasa, na magpukol ng isang tingin sa mga ehemplo ng pagpaparami ng mga sinasamba na sinamba kasama kay Allāh o bukod kay Allāh, matatagpuan natin na ang kauna-unahang pagpaparami ng mga panginoon bukod kay Allāh ay naganap sa mga tao ni Noe yayamang gumawa sila ng limang diyos kasama kay Allāh, na sina Wadd, Suwā`, Yaghūth, Ya`ūq, at Nasr {Nagsabi sila: 'Huwag nga kayong mag-iwan sa mga diyos ninyo at huwag nga kayong mag-iwan kay Wadd, ni kay Suwā`, ni kay Yaghūth, ni kay Ya`ūq, ni kay Nasr.'} (Qur'ān 71:23)
Ang Politeismo (pagpaparami ng mga diyos) ay umiiral sa mga Paraon sapagkat ang mga diyos na pamparaon ay binubuo ng Siyamang Pamparaon (Egyptian Ennead). Ang mga Hindu ay naniniwala sa tatlong diyos: si Brahma, ang Tagalikha; si Vishnu, ang Tagapanatili; at si Shiva, ang Tagawasak.[20] Samakatuwid ang mga Hindu ay sumasampalataya sa trinidad ng pantatlong persona. Ang mga Asiryo at ang mga Fenisyo ay sumasamba sa mga diyos ng pantatlong persona rin. Ang mga Budhista ay naniniwala sa trinidad at na ang diyos ay bumaba mula sa langit para tubusin ang mga tao mula sa mga kasalanan nila. Naniniwala ang mga Hudyo na si Ezra ay anak ng Diyos. Gumawa ang mananaliksik na si Muḥammad bin Abdillāh At-Tunayr sa aklat niya na: Ang mga Paniniwalang Pagano sa Relihiyong Kristiyano ng isang kabanatang naghambing siya rito sa pagitan ng mga pangyayari na hinabi hinggil sa wakas ng Budha at wakas ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) – gaya ng inaakala nila – natuklasan niya na ang mga ito ay nagkakawangisan nang lubusan. Ang mga Pagano sa Makkah bago ng pagkapadala sa Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadakila sa mga diyus-diyusan. Ang pinakadakila sa mga ito sa ganang kanila ay tatlo: sina Allāt, Al`uzzā {19. Kaya nakaisip ba kayo kina Allāt at Al`uzzā, 20. at kay Manāh, ang ikatlong iba pa?} (Qur'ān 53:19-20) Ang Politeismo sa mga relihiyong pagano ay isang napatanyag na bagay, kahit pa mayroong pagkakaiba sa pagitan ng mga relihiyong ito sa bilang na binubuo rito ang sinasamba ng bawat relihiyon. Tingnan: Ang Paghahambing sa mga Matandang Relihiyon ni Muḥammad Abū Zahrah, p. 12. Tingnan: Ang mga Pinakamalaking Relihiyon ng Indiya ni Aḥmad Shilbīy, p. 48.
Si Allāh ay ang Palatumbas
Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay ang Palatumbas na tutumbas sa mga nilikha sa Araw ng Pagbangon. Siya ang may taglay ng totoong pagtutumbas. Siya ang nagsasabatas ng Relihiyon at gumanti para rito. Siya lamang ang hahatol para sa nilikha at laban sa nilikha at magpapasya sa pagitan nila. Humatol nga ang Totoo na ang bawat relihiyong iba pa sa Islām ay kabulaanan; at ang bawat paniniwalang nagtuturo na kasama kay Allāh ay may iba pang diyos o na may diyos na nakikitambal kay Allāh o nakikipantay sa Kanya, ito ay isang bulaang paniniwala at ang tagapagtaglay nito ay tagatangging sumampalataya, na tagapagtambal. Nagsabi si Allāh: {Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: “Tunay na si Allāh ay ikatlo ng tatlo.” Walang anumang Diyos maliban sa nag-iisang Diyos. Kung hindi sila titigil sa sinasabi nila ay talagang dadapuan nga ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit.} (Qur'an 5:73) Nagsabi pa si Allāh: {O mga May Kasulatan, huwag kayong magpalabis sa relihiyon ninyo at huwag kayong magsabi tungkol kay Allāh kundi ng totoo. Ang Kristo Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allāh lamang, salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa mga sugo Niya. Huwag kayong magsabi ng tatlo. Tumigil kayo, magiging mabuti ito para sa inyo. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang. Kaluwalhatian sa Kanya para magkaroon pa sa Kanya ng isang anak. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan. } (Qur'an 4:171) Sumaway si Allāh sa mga talatang ito sa mga May Kasulatan – ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano – laban sa pagpapalabis-labis at sumaway Siya na magsabi sila hinggil kay Allāh ng iba pa sa totoo. Naglinaw Siya na ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay isang sugo mula kay Allāh, na nilikha Niya sa pamamagitan ng isang pananalita mula sa Kanya. Sumaway Siya na magsabi sila ng tatlo [sa pagkadiyos] dahil si Allāh ay iisang Diyos – kaluwalhatian sa Kanya na magkaroon para sa Kanya ng isang katambal o isang kawangis o isang katulad.
Magpapawakas ako sa parapong ito sa pamamagitan ng sumusunod na tanong: Ang kredo ba ng Trinidad ay kawangis ng inihatid ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) o kawangis ng mga paniniwala ng mga Pagano?
C. Ang Paniniwala na ang Pagkadiyos ay Dumapo sa Pagkatao
Ang Kristo (sumakanya ang kapayapaan) ay naghatid ng Monoteismo na dalisay mula sa lahat ng mga batik ng Politeismo. Marahil ang pinakahayag na patunay roon ay ang sagot ng Kristo (sumakanya ang kapayapaan) nang tinanong siya ng isa sa mga disipulo, na nagsasabi: "... Ano baga ang pangulong utos sa lahat? Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa: At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo." (Marcos 12:28-30) Kapag nirepaso natin ang mga katuruan ng Kristo (sumakanya ang kapayapaan), matatagpuan natin na siya ay tiyakang hindi nagpahiwatig ng usaping ito.
Ang sinumang nagrepaso ng mga patunay na nasaad sa unang parapo, habang nagdaragdag doon ng patunay na ito, lilinaw sa kanya kung ang mga siniping patunay na ito mula sa Bibliya ng Kristiyanismo ay sumusuporta ba sa paniniwalang ito o kumukontra rito at tumatanggi rito?
Hindi nalilingid sa mambabasa, na nag-aalam ng kasaysayan, na ang kataka-takang paniniwalang ito na sumasalansang sa pag-intindi o pagsasakonsepto ay nangyari sa paniniwalaang Kristiyano sa ikalimang siglo noong taong 451 CE sa Konsilyo ng Chalcedon, na dinaluhan ng 520 obispo. Kumilala sila rito sa pagsasanib ng pagkadiyos sa pagkatao, ibig sabihin: ang pagsasanib ng sangkap na pandiyos sa sangkap na pantao subalit may nangyaring salungatan sa konsilyong ito: Ang Kristo ba ay may dalawang kalikasan at dalawang kaloobang pandiyos at pantao may kalikasan at kaloobang iisa? Hindi natitigil ang salungatang ito sa pag-iral sa pagitan ng mga iglesya kaugnay sa usaping ito kaya papaano ang pananampalataya sa isang relihiyon na sa tuwing lumilipas dito ang isang panahon ay dinadagdagan ito ng mga tao ng mga batayang katuruan, pagkatapos magkakasalungatan sila sa mga batayang katuruang ito?
Mayroong isang mahalagang tanong: Ano ang mga yugto na dinaanan ng Kristiyanismo hanggang sa nanatili ito sa paniniwalang ito?
Mayroong isa pang tanong na inireresulta sa tanong na ito: Ang mga Kristiyanong Orthodoks, Katoliko, at Protestante ba ay nagkakasundo sa mga batayang katuruan nilang ito? Sila ba ay nagkakasundo sa iisang kopya ng Ebanghelyo o na ang mga kopya ng Ebanghelyo ay nagkakaiba-iba sa ganang tatlong sektang ito: ang Katoliko, ang Orthodoks, at ang Protestante?
D. Ang Paniniwala ng mga Kristiyano na ang Kristo (Sumakanya ang Pangangalaga) ay Ipinako at Namatay sa Krus
Basahin natin ang kuwento ng pagpapako gaya ng isinalaysay ng Ebanghelistang si Mateo kung saan nagsabi: "Nang magkagayo'y dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong. At siya'y kanilang hinubdan, at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ube. At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio! At siya'y kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo. At nang siya'y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus. At paglabas nila'y kanilang nasalubong ang isang taong taga Cirene, na ang pangala'y Simon: ito'y kanilang pinilit na sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus. At nang sila'y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota, sa makatuwid baga'y, Ang dako ng bungo, Ay pinainom nila siya ng alak na may kahalong apdo: at nang kaniyang matikman, ay ayaw niyang inumin. At nang siya'y kanilang maipako sa krus ay kanilang binahagi ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran;" (Mateo 27:27-35)
Subalit kapag sinangguni natin ang mga ebanghelyo, makatatagpo tayo sa mga ito ng maraming teksto na kumukontra sa kuwentong ito nang lubusan dahil sa paniniwalang ito yayamang tunay na ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay iniligtas ng Diyos laban sa pakana ng mga kaaway niya at iniangat sa langit at hindi nagtamo ng pinsala kailanman. Sa Ebanghelyo ni Lubas, ang Diyos ay nagsanggalang sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga) nangalaga sa kanya laban sa pakana ng mga Hudyo at panlalansi nila kaya hindi nila nagawang maipako si Jesus: "At sila'y nagsitindig, at ipinagtabuyan siya sa labas ng bayan at dinala siya hanggang sa ibabaw ng taluktok ng gulod na kinatatayuan ng kanilang bayan, upang siya'y maibulid nila ng patiwarik. Datapuwa't pagdaraan niya sa gitna nila, ay yumaon ng kaniyang lakad." (Lucas 4:29-30)
Nagsabi naman si Juan: "Sila nga'y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya: datapuwa't nagtago si Jesus, at lumabas sa templo." (Juan 8:59)
Ang mga tekstong ito – ang iba pa sa mga ito ay marami – ay nagbibigay-diin na si Allāh ay nagsanggalang sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga) laban sa pakana ng mga Hudyo at panlalansi nila.
Bagkus tunay na ang Ebanghelyo ni Mateo ay nagtadhana na ang mga Hudyo ay hindi nakatitiyak sa pagkatao ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) hanggang sa umupa sila ng magtuturo sa kanila sa kanya. Nagbigay sila sa taong ito dahil doon ng isang pabuya. (Tingnan: Mateo 27:3-4).
Nagpabatid din ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) na ang lahat ng mga pangkat ay pagdududahan ang ulat nito sa gabing iyon na kinaganapan ng pangyayari. Nagsabi si Marcos: "At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangatitisod: ..." (Marcos 14:27) Dito ay nagpabatid siya na sila ay magiging nasa isang pagkatisod sa kanya sapagkat naganap nga ang bagay na ito gaya ng pagpapabatid niya sa kanila at iniligtas siya ng Diyos laban sa pakana nila.
Mayroong isang tanong: Papaanong pinatutunayan ng Ebanghelyo ang pagpapako at na ang nakapako ay ibibitin sa kahoy at na babaliin ang binti niya samantalang sa Ebanghelyo ay nasaad ang pangako ng Diyos sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga) na ang Diyos ay nagtatalaga sa kanya ng mga anghel upang mangalaga sa kanya at magdala sa kanya. Ang sinumang pinangalagaan ng mga anghel, paano pa sa isang tao na makasakit sa kanya? Nagsabi si Lucas: "Sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ikaw ay ingatan: At, aalalayan ka nila ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato." (Lucas 4:10-11) Tingnan ang Mateo 4:6.
Nagpahayag ang may-akda ng Mga Gawa ng isang tahasang pahayag na walang duda dito na ang Diyos ay nagtaas sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga) at hindi sila nakasakit sa kanya yayamang nagsabi ito: "At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin. At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit; Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit." (Mga Gawa 1:9-11)
Ipinaabot ni Juan ang sabi ng Kristo, na nagpapabatid sa kanila na sila mamaya ay hindi makakikita sa kanya dahil si Allāh ay magtataas sa kanya: "Sandali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita; at muling sandali pa, at ako'y inyong makikita." (Juan 16:16)
Samakatuwid, ang Kristo ay hindi napatay at hindi naipako sa krus; bagkus itinaas siya ni Allāh gaya ng nasaad sa Ebanghelyo. Ito ang sinaksihan ng Marangal na Qur'ān para sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga). Nagsabi si Allāh: {157. at sa pagsabi nila: “Tunay na kami ay pumatay sa Kristo Jesus na anak ni Maria, na Sugo ni Allāh.” Hindi sila nakapatay sa kanya at hindi sila nagpako sa kanya sa krus subalit may pinahawig sa kanya para sa kanila. Tunay na ang mga nagkaiba-iba hinggil sa kanya ay talagang nasa isang pagdududa hinggil sa kanya. Walang ukol sa kanila hinggil sa kanya na anumang kaalaman maliban sa pagsunod sa palagay. Hindi sila nakapatay sa kanya sa katiyakan, 158. bagkus nag-angat sa kanya si Allāh tungo sa Kanya. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.} (Qur'ān 4:157-158) Ang dalawang talata ay naglaman ng limang mahalagang usapin. Ang mga ito ay:
A. Na sila ay hindi nakapatay sa kanya.
B. Na sila ay hindi nakapako sa kanya sa krus.
C. Na may pinahawig sa kanya para sa kanila.
D. Na sila ay nasa isang pagdududa hinggil sa kanya.
E. Na si Allāh ay nag-angat sa kanya tungo sa Kanya at nagligtas sa kanya mula sa pakana nila.
Naunang nabanggit sa mga teksto na isinaad ko mula sa Bagong Tipan na sila ay nasa isang pagdududa hinggil sa kanya, na sila ay hindi nakagawa ng pagpatay sa kanya at pagpako sa kanya sa krus, at na si Allāh ay nag-angat sa kanya.
Ang isip na ligtas mula sa mga namanang nalihis na impluwensiya at nanatili sa katinuan nito ay tumatanggi nang pagtangging tiyakan sa kuwentong ipinagpalagay na ito na sandigan ng paniniwala ng pagkapako ng Kristo. Ang kataka-taka ay na sinasabing ito ay ang hinihiling ng karunungan ng Diyos, awa Niya, at pag-ibig Niya sa nilikha Niya, at na ang Diyos daw ay nag-utos nito at nangasiwa nito para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng mga tao!
Ang Saloobin ng Matandang Tipan sa Pagpapako
Kapag tumingin tayo sa Matandang Tipan, matatagpuan natin na ang kahatulan sa ipinako sa krus ay ang pagkasumpa sapagkat nasaad sa Deuteronomio: "Kung ang isang lalake ay magkasala ng kasalanang marapat sa kamatayan, at siya'y patayin, at iyong ibitin siya sa isang punong kahoy; Ay huwag maiiwan buong gabi ang kaniyang bangkay sa punong kahoy, kundi walang pagsalang siya'y iyong ililibing sa araw ding yaon; sapagka't ang bitin ay sinumpa ng Dios; upang huwag mong ihawa ang iyong lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipinamana." (Deuteronomio 21:22-23)
Kaya pagbulay-bulayan mo kung papaanong nauuwi ang paniniwalang ito sa pagiging ang ipinako sa krus ay isinumpa? Malayo ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) na Sugo ni Allāh na maging ganoon. Subalit hindi ba ang paniniwalang ito ay nasa isang pangangailangan na isangguni sa ipinaabot buhat sa mga propeta (sumakanila ang pangangalaga) at isailalim sa tumpak na pangkaisipang pagtingin para sa pag-alam sa saklaw ng pagkatanggap dito kaysa sa pagkatutol dito?
Pagkatapos hindi ba tayo nakapagsaalang-alang na ang pangyayari ng pagpako sa krus na nauugnay sa Kristo (sumakanya ang pangangalaga) sa kabuuan nito ay nawawalan ng pundasyong panrelihiyong tumpak at saligang pangkasaysayan na masasaligan? Bakit umuukupa sa buong larangang ito? Bakit kumukuha ito ng buong pagpapahalagang ito sa paniniwalang Kristiyanismo?
Nagsaalang-alang ka ba kung papaano naglaman ang mga ebanghelyo ng mga sumusunod na katotohanan:
A. Ang Diyos ay nagsanggalang sa Kristo at nangalaga sa kanya laban sa pagkapako sa krus.
B. Ang Kristo ay nagpabatid na ang mga pangkat ay magiging nasa isang pagdududa hinggil sa nangyari sa kanya sa gabing iyon.
C. Si Allāh ay nag-angat sa kanya sa langit at nagligtas sa kanya mula sa pakana ng mga salarin.
D. Ang sinumang ibinitin sa kahoy ng krus ay isinumpa.
Ngayon, nagdadali-dali sa isip ang tanong na ito: Ang pagkapako ba ng ipinako sa krus ay isang karangalan para sa kanya yayamang tunay na ang mga Kristiyano ay patuloy na dumadakila sa pangyayaring ito, nagluluwalhati nito, at gumagawa sa krus bilang sagisag ng relihiyon nila? O ang pagpako sa krus, gaya ng sa mga isip, ay isang kaparusahang nakadudusta, na pinarurusahan nito ang mga kriminal na nagpakagumon sa kriminalidad? Ano ang kadahilanan sa pagiging ang krus ay binanal sa Kristiyanismo. Hindi ba ito isang alaala ng krimen? Hindi ba ito ay sagisag ng krimen at pagkaganap nito?
E. Ang Paniniwala ng mga Kristiyano na ang Kristo ay Namatay na Nakapako Bilang Pantubos sa Sangkatauhan at Panakip-sala sa Manang Kasalanan
Ang mga Kristiyano ay nagtayo sa kuwento ng inaakalang pagpapako ng isang paniniwalang higit na kataka-taka kaysa rito. Pansinin, ito ay ang paniniwala nila na ang Diyos ay nagpadala ng bugtong na Anak niya upang patayin at ipako sa krus bilang pantubos sa sangkatauhan dahil sa kasalanan ng ninuno nilang si Adan (sumakanya ang pangangalaga)nang sumaway rito ang Diyos laban sa pagkain mula sa punong-kahoy ngunit nakalimot ito at kumain. Pagkatapos nagsisisi ito at humingi ng tawad kaya tumanggap naman ang Diyos ng pagbabalik-loob nito at nagpatawad dito. Kaya naman naniniwala sila na ang bawat tao ay ipinanganganak na narumihan ng kasalanan ni Adan at na ang Diyos ay nagnais na tumubos sa sangkatauhan buhat sa minanang kasalanang ito sa pamamagitan ng paghahandog ng anak niya bilang alay para sa kanila upang patawarin sila ng Diyos sa mga kasalanan nila.
Dito ay may mga mapilit na tanong na humihiling ng pagsagot sa mga ito upang mabukod ang katotohanan sa kabulaanan at ang patnubay sa pagkaligaw.
Sino ang magdadalisay sa mga kriminal na nagpadanak ng mga dugo at nandambong ng mga ari-arian sa hinaba-haba ng kasaysayan matapos ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga)?
Ang pagdadalisay ba ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) at ang pagtubos niya ay sumasaklaw sa kanila yayamang sila ay magiging mga dinalisay maging anuman ang ginawa nila?
Kapag ang Iglesya ay naniniwala sa pagtubos ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ng kasalanan, bakit isinasagawa ang sakramento ng pagkumpisal ng kasalanan sa mga tagasunod nito?
Ang paniniwalang ito sa kabila ng pagsalungat nito sa isip at lohika, ito ay tagasalungat sa mga saligang panuntunan at mga pangunahing teksto na nilaman ng Matanda at Bagong Tipan. Kabilang sa mga panuntunang ito:
1. Hindi papatayin ang mga anak bilang pamalit sa mga magulang.
2. Ang bawat isa ay mamatay dahil sa pagkakasala niya.
3. Ang kaluluwang nagkakasala ay ang mamamatay.
4. Ang Diyos ay tumatanggap ng pagsisi ng mga nagsisisi.
Hinggil naman sa mga tekstong nagdadala ng mga panuntunang ito, kabilang sa mga ito ang nasaad sa Deuteronomio, na ibinibilang sa ganang kanila kabilang sa limang aklat ni Moises (sumakanya ang pangangalaga): "Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan." (Deuteronomio 24:16)
Nasaad naman sa Jeremias: "Sa mga araw na yaon ay hindi na sila mangagsasabi. Ang mga magulang ay nagsikain ng mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga bata ay nagsisipangilo. Nguni't bawa't isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan: lahat na nagsisikain ng mga maasim na ubas ay magsisipangilo ang mga ngipin." (Jeremias 31:29-30)
Sa Ezequiel, nagsaad ang teksto ng pagbabawal sa pagmamana ng kasalanan at na ang kaluluwang gumagawa ng kasamaan ay ang magiging karapat-dapat sa kaparusahan. "Gayon ma'y sinasabi ninyo, Bakit hindi dinadala ng anak ang kasamaan ng ama? Pagka ginawa ng anak ang tapat at matuwid, at nag-ingat ng lahat na aking palatuntunan, at isinagawa, siya'y walang pagsalang mabubuhay. Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya. Nguni't kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay. Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya." (Ezequiel 18-19-22)
Kaya papaanong sa kabila ng lahat ng mga tekstong ito, nananatili ang paniniwalang ito na kabilang sa mga batayang katuruan ng Kristiyanismo; bagkus nagmamalaki ang mga Kristiyano rito at na ang Diyos daw ay tumubos sa kanila sa pamamagitan ng Anak Niya. Napakataas si Allāh higit sa pagkaligaw na ito ayon sa kataasang malaki!
Ang Pagbabalik ng Kristo (Sumakanya ang Pangangalaga) sa Lupa Bago ng Pagsapit ng Huling Sandali
Naniniwala ang mga Kristiyano na ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay namatay at ibinitin sa krus. Pagkatapos inilibing siya at bumangon mula sa libingan niya at pumaitaas sa langit at na siya ay babalik sa lupa para magtuos sa mga nilikha at maghatol sa kanila sa mga gawa nila.
Ang katotohanan ay na si Allāh ay nag-angat sa kanya at nagligtas sa kanya mula sa pakana ng mga Hudyo. Babalik siya sa lupa bago ng pagsapit ng Huling Sandali para mamahala sa mga tao ayon sa katarungan. Babasag siya ng krus dahil ito ay isang pamahiing walang kabuluhan. Papatay siya ng baboy dahil ito ay ipinagbabawal kainin sa mga makadiyos na kasulatan.
Nasaad sa Mga Gawa ang sabi ni Pablo: "... itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit." (Mga Gawa 1:11) Ang pag-angat ng Kristo at ang pagbabalik niya sa muli sa lupa bago ng Araw ng Pagbangon, ito ay nasaad sa Bagong Tipan. Subalit ang mga Kristiyano ay naniniwala na siya ay ang Panginoon Jesus na magbabalik, magtutuos sa mga nilikha at maghahatol sa kanila samantalang ang nasa Qur'ān ay nagsaad na siya ay babalik bilang taong sugo. Ito ay kabilang sa ipinabatid ni Allāh sa Dakilang Qur'ān yayamang nagsabi si Allāh: {Walang kabilang sa mga May Kasulatan malibang talagang sasampalataya nga sa kanya bago ng kamatayan niya. Sa Araw ng Pagbangon, siya laban sa kanila ay magiging isang saksi.} (Qur'ān 4:159) Nagsabi pa si Allāh: {Tunay na si Jesus ay talagang kaalaman sa Huling Sandali kaya huwag nga kayong magtaltalan hinggil dito at sumunod kayo sa akin. Ito ay isang landasing tuwid.} (Qur'ān 43:61)
Nagpabatid tungkol sa kanya si Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi siya: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang mapalalapit nga na bumaba sa inyo ang Anak ni Maria bilang tagahatol na makatarungan para bumasag ng krus, pumatay ng baboy, mag-aalis ng jizyah, at mag-umapaw ang yaman hanggang sa walang tumanggap nito na isa man." Tingnan mo kung papaanong nagsateksto si Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Kristo (sumakanya ang pangangalaga), kapag bumaba, ay babasag ng krus dahil siya ay magpapawalang-saysay sa reyalidad ng Kristiyanismong inilihis at magdadala sa mga tao sa Islam.[22]
Nagsabi si Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagpapabatid tungkol sa lugar ng pagbaba ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) sa wakas ng Panahon: "Bababa siya sa tabi ng toreng puti sa silangang bahagi ng Damascus, habang nakasuot ng dalawang mahrūdah[23], habang nakalagay ang mga kamay niya sa mga pakpak ng dalawang anghel. Kapag nagyuko siya ng ulo niya, may pumapatak [na pawis]; at kapag nag-angat siya nito, may nagkakalat mula rito na mga butil gaya ng perlas."[24] Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3448 at Imām Muslim: 242. Tingnan ang Fatḥ Al-Bārī Bi-Sharḥ Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 6/491 at ang `Umdah Al-Qāri': 12/34.
Ang Buod: Dito ay May Limang Katotohanan Ibig sabihin: dalawang dilaw na kasuutan. An-Nihāyah Fī Gharīb Al-Ḥadīth: 5/258. Ṣaḥīḥ Muslim: 110.
Matapos ng pagtingin sa mga batayang katuruan ng Kristiyanismo, luminaw ang mga sumusunod na katotohanan:
A. Na ang mensahe na inihatid ng Kristo (sumakanya ang pangangalaga) ay isang makadiyos na mensahe mula sa ganang kay Allāh at hindi ito ang pinaniniwalaan ng mga Kristiyano sa ngayon.
B. Na ang relihiyon ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga) ay iisa at na sila ay hindi nagkakaiba-iba sa batayang katuruan ngunit papaanong humiwalay ang Kristiyanismo sa relihiyon na isinabatas ni Allāh para sa mga tao at naging tagasalungat dito? Tutuusin ni Allāh ang mga tao alinsunod sa pananampalataya nila sa Relihiyon Niya na isinabatas Niya para sa kanila.
C. Na ang mga propeta (sumakanila ang pangangalaga) ay nagpropesiya hinggil kay Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at gumabay sa mga tagasunod nila tungo sa pagsampalataya sa kanya. Kaya ang sinumang nagnais na sa Araw ng Pagbangon ay maging kasama ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga), manampalataya siya sa kahuli-hulihan sa kanila at pangwakas sa kanila, si Muḥammad na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kung paano siyang sumampalataya sa kauna-unahan sa kanila. Ang sinumang sumalungat sa mga propeta sa Mundo, kakalapin siya sa Araw ng Pagbangon kasama ng mga sumalungat sa mga propeta gaya nina Nimrod at Paraon at iba pa sa kanila.
D. Na ang Bibliya ay hindi kumikilala sa mga mapanganib na kalihisang ito; bagkus kumukontra ito.
E. Na ang paniniwalang Kristiyano ay isang paniniwalang pampagkakatipun-tipon (accumulative) na nadaragdagan sa paglipas ng panahon at lumilipat-lipat mula sa isang yugto patungo sa isang yugto.
Dahil dito, kailangan sa taong nakapag-uunawa na namumuhi sa huwad at naiinis sa kamalian; na magsaliksik ng patnubay, maghanap ng katotohanan at magligtas ng sarili niya sa pagkawasak; at na magtahak ng sarili niya sa tinahakan ng mga may pagtitika na mga sugo na sina Noe, Abraham, Moises, Jesus, at Muḥammad (sumakanila ang pangangalaga).
Ang Totoong Relihiyon
Tunay na ang Relihiyong Islām ay ang Relihiyon ni Allāh. Ito ay ang Relihiyon ng lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga). Ito ang totoong Relihiyon na hindi tatanggap si Allāh ng isang relihiyong iba rito. Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.} (Qur'ān 3:85)
Ito ang Relihiyon na nagtitipon sa Muslim para sa mga dakilang katayuan: ang pag-ibig kay Allāh, ang pag-asa kay Allāh, at ang pangamba kay Allāh. Si Allāh ay umiibig sa mga mananampalataya, umiibig sa mga nagpapakadalisay, umiibig sa mga tagapagbalik-loob, at umiibig sa mga tagagawa ng maganda. Si Allāh ay umiibig sa bawat mapangilag magkasala. Ang mananampalataya ay umiibig kay Allāh at sa mga sugo Niya (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) at umiibig sa anumang iniibig ni Allāh na mga pagsamba, mga sinasabi, mga ginagawa, mga tao, at mga lugar.
Ang pag-asa kay Allāh ay umasa ang Muslim kay Allāh ng pagtanggap sa mga gawa niyang maayos at tumanggap si Allāh mula sa kanya ng pagbabalik-loob kapag nagbalik-loob siya.
Ang pangamba kay Allāh ay: na mangamba ang Muslim sa Panginoon niya na magpanagot si Allāh sa kanya sa mga pagkakasala niya kapag gumawa siya ng mga mahalay at mga kasalanan o mamerhuwisyo siya sa mga lingkod ni Allāh o magkulang siya sa mga pagtalima.
Ito ay ang Relihiyon ng mga marikit na dakilang nakalulugod na balita sapagkat si Allāh ay ang nagbabalita ng nakalulugod sa mga lingkod Niya hinggil sa awa Niya, pagkalugod Niya, at kapatawaran Niya. Nagsabi si Allāh: {Nagbabalita ng nakagagalak sa kanila ang Panginoon nila hinggil sa isang awa mula sa Kanya, isang pagkalugod, at mga harding may ukol sa kanila sa mga iyon na isang kaginhawahang mamamalagi,} (Qur'ān 9:21)
Ito ay ang Relihiyon ng Pagbabalik-loob sapagkat sa Islām ang tagapagbalik-loob mula sa pagkakasala ay gaya ng walang pagkakasala. Ang Islām ay lumalagot at pumuputol sa anumang bago nito na mga pagkakasala naging anuman ang mga ito. Nagsabi si Allāh: {Sabihin mo [na sinabi Ko]: "O mga lingkod Ko na nagpakalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong masiraan ng loob sa awa ni Allāh; tunay na si Allāh ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain."} (Qur'ān 39:53) Nagsabi pa si Allāh: {68. [Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa niyon ay makatatagpo siya ng kaparusahan sa kasalanan: 69. pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon at mamalagi siya roon na hinahamak, 70. maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga gawang maganda ang mga gawang masagwa nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. 71. Ang sinumang nagbalik-loob at gumawa ng maayos, tunay na siya ay nagbabalik-loob kay Allāh nang [tanggap na] pagbabalik-loob.} (Qur'ān 25:68-71)
Ito ang Relihiyong mananatili at mamalagi hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali. Naggarantiya nga si Allāh ng pag-iingat nito at pangangalaga nito laban sa pagpilipit at pagpapalit. Ito ang Relihiyon na sinampalatayanan ng libu-libong nahikayat na mga tao at ikinaligaya ng sangkatauhan.
Papaanong ang Tao ay Nagiging Muslim
Hinggil sa kung papaanong ang tao ay nagiging Muslim at kabilang sa mga tagasunod ng mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga) upang maisakatotohanan para sa kanya ang naisakatotohanan para sa mga kasamahan nila. Ang usapin ay labis na madali sapagkat walang kailangan sa tao kundi na sumaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), Maniniwala siya na walang sinasamba ayon sa karapatan maliban kay Allāh, at na si Allāh ay namumukod-tangi sa pagkapanginoon at pagkadiyos, na nailalarawan sa mga pangalang pinakamagaganda at mga katangiang pinakamatataas. Pagkatapos maliligo siya, magpapakadalisay siya, at mag-aalis siya sa katawan niya ng bawat bakas na hindi kapuri-puri. Pagkatapos magpapakamananamba siya kay Allāh alinsunod sa ipinaabot ng Sugo ni Allāh na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tatalima siya rito sa ipinag-utos nito, magpapatotoo siya sa ipinabatid nito, at lalayo siya sa anumang sinaway nito at sinawata.
Sasaksi siya na si Jesus ay lingkod ni Allāh, Sugo Nito, at salita Nito na inilagak Nito kay Maria at isang espiritu mula sa Kanya; na ang Paraiso ay totoo at ang Impiyerno ay totoo, at na si Allāh ay bubuhay sa mga nasa mga libingan. Kaya kapag nagsakatotohanan ang tao niyon, siya ay magiging marapat na maging kabilang sa mga tagapagmana ng Paraiso ng Firdaws kasama ng mga propeta, mga napakatapat, mga martir, at mga maayos.
Para sa dagdag na mga reperensiya at mga sanggunian na gagabay sa katotohanan at magpapatnubay tungo sa landasing tuwid, ito ay isang talaan ng ilan sa mga aklat na inakdaan ng ilan sa mga ministrong Kristiyano na pinatnubayan ni Allāh sa Islām. Nagtala sila sa mga aklat na ito ng ulat ng paglipat nila sa Islām mula sa Kristiyanismo, ng mga kadahilanan ng nagpahantong sa kanila sa pagtalikod sa Kristiyanismo, at ng mga patunay na ipinampatunay nila na ang Islām ay ang mensaheng pangwakas na mananatili. Ang mga aklat na ito ay:
1. Ang Relihiyon at ang Estado. Akda ni `Alīy bin Rabban Aṭ-Ṭabarīy. (Siya dati ay Kristiyano, pagkatapos umanib siya sa Islām.)
2. Ang Payong Pampananampalataya Hinggil sa Eskandalo ng Kapaniwalaang Kristiyano. Akda ni Naṣr bin Yaḥyā Al-Muṭabbib. (Siya dati ay Kristiyano, pagkatapos umanib siya sa Islām.)
3. Si Muḥammad sa Bibliya. Akda ni David Benjamin Keldani, na umanib sa Islām at pinangalanan bilang Abdul`ahad Dawud. Inilathala ang aklat sa wikang Arabe at wikang Ingles ng Panguluhan ng mga Hukumang Pang-Sharī`ah sa Estado ng Qatar.
4. Ang Ebanghelyo at ang Krus. Akda ni David Benjamin Keldani, na umanib sa Islām at pinangalanan bilang Abdul`ahad Dawud.
5. Si Muḥammad sa Bibliya at Qur'ān. Akda ni Ibrahim Khalil Ahmad. Siya dati ay isang ministrong Kristiyano. Ang pangalan niya dati bago ng pag-anib niya sa Islām ay Ibrahim Phillips.
6. Ang Kapatawaran sa Pagitan ng Islām at Kristiyanismo. Akda ni Ibrahim Khalil Ahmad. Siya dati ay isang ministrong Kristiyano. Ang pangalan niya dati bago ng pag-anib niya sa Islām ay Ibrahim Phillips.
7. Si Allāh ay iisa o trinidad? Akda ni Majdīy Marjān. (Siya dati ay Kristiyano, pagkatapos umanib siya sa Islām.)
8. Ang Kristo ay tao o diyos? Akda ni Majdīy Marjān. (Siya dati ay Kristiyano, pagkatapos umanib siya sa Islām.)
9. Ang Lihim ng Pag-anib ko sa Islām. Akda ni Fu'ād Al-Hāshimīy. (Siya dati ay Kristiyano, pagkatapos umanib siya sa Islām.)
10. Ang mga Minaret na Nagliliwanag sa mga Kadiliman ng Mundong Pagkadilim-dilim. Akda ni Al-Muhtadīy Muḥammad Zakkīyuddīn An-Najjā. (Siya dati ay Kristiyano, pagkatapos umanib siya sa Islām.)
Ang pinagpalang grupong ito na nagtangi sa katotohanan higit sa kabulaanan at sa patnubay higit sa pagkaligaw at nagwaksi ng nakagisnan magmula ng simula ng buhay nito. Ang iba pa sa mga ito ay maraming bilang ng mga maalam at mga intelektuwal sa mga estado ng Daigdig, na lumipat sa Islām, na nagpapahayag na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Kaya nararapat sa tagapagsaliksik ng katotohanan na tanungin niya ang sarili niya tungkol sa mga kadahilanan na nagpahantong sa kanila sa pag-iwan ng relihiyon nila at pagpayag nila ng paglikas sa Islām. Kung ano ang mga patunay at ang mga patotoo na napag-alaman nila saka nag-akay sa kanila – ayon sa pahintulot ni Allāh – tungo sa patnubay at liwanag.
Sa pagwawakas, tunay na ang Islām ay ang Relihiyon ng lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Ito ang Relihiyon ni Allāh. Hindi tatanggap si Allāh ng isang relihiyong iba rito dahil si Allāh ay hindi tumatanggap mula sa mga tao na magpakamananamba sila sa pamamagitan ng isang relihiyong hindi Niya isinabatas at nagsabatas lamang Siya ng iba pa rito. Ang sinumang sumamba kay Allāh ayon sa isinabatas Nito sa kanya na totoong Relihiyon, magpaparangal Ito sa kanya at magpapasok Ito sa kanya sa Paraiso. Ang sinumang sumuway sa Panginoon niya at nagmagaling sa pithaya niya, magpapasok Ito sa kanya sa Impiyerno na tahanan ng pagdurusa niya.
Nagmimithi ako para sa iyo, O Marangal, na magsarili ka kasama ng sarili mo at mag-isip-isip ka hinggil sa inilahad ko sa iyo. Ang inilahad ba sa iyo ay totoo o kabulaanan? Kung ito ay naging totoo, hindi nararapat sa nakapag-uunawa na magwaksi sa katotohanan matapos na luminaw ito sa kanya. Nagmimithi ako para sa iyo ng isang marangal na buhay at kaaya-ayang pamumuhay, na napuno ng kabutihan at mga kagalakan.
Ang kahuli-hulihan sa panalangin natin ay na ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Para makaalam ng karagdagan sa mga impormasyon tungkol sa Islām, maaari kayong dumalaw sa sumusunod na link:
Ang katapusan ng pagsusulat nito ay sa Mahal na Riyadh noong:
1443/10/20 AH
2022/5/21 CE.
Para sa pakikipag-ugnayan sa may-akda: [email protected]