Pinakahinahanap
Ang Sampung Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso
Ang Paghahandog sa mga yaong inibig ko at hindi ako nakakita ng marami sa kanila, sa mga kinakikitaan ko sa kanila ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {...at ang mga sumunod sa kanila nang may pagpapakahusay...}, sa inyo, mga anak ko sa programang Naqsh, at sa mga anak ng mga Muslim sa bawat lugar. Pagpapasalamat
These files are generated automatically from the book's text; their layout may differ from the printed edition.
Ang Sampung Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso
Ang Paghahandog
sa mga yaong inibig ko at hindi ako nakakita ng marami sa kanila,
sa mga kinakikitaan ko sa kanila ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {...at ang mga sumunod sa kanila nang may pagpapakahusay...},
sa inyo, mga anak ko sa programang Naqsh, at sa mga anak ng mga Muslim sa bawat lugar.
Pagpapasalamat
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Marangal, na tumulong at nagpadali sa paglathala ng aklat na ito, pagkatapos pasasalamat sa sinumang nakilahok sa paghahanda nito at pagpapalabas nito, na nasa pangunguna sa kanila sina: Ust. Īmān Al-Khaṭīb, Ust. `Abdullāh Al-Bassām, Ust. Fāṭimah Al-Ḥanāyā, at Ust. Muḥammad Ṣawwānah sapagkat nagkaroon nga sila ng isang malaking papel sa pagtitipon, pamamatnugot, at pagdidisenyo ng materyal ng aklat na ito. Salamat sa iyo, O marangal na edukador, dahil sa pakikinabang ng mga anak mo sa pamamagitan ng aklat na ito.
Ang Panimula
Ang papuri ay ukol kay Allāh. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad, mag-anak niya, at mga Kasamahan niyang mararangal, na mga sumampalataya, nagpatotoo, nakipagmabilisan, at tungo sa Paraiso umuna. Isinulat ang mga talambuhay nila nang may buong pagmamapuri at itinanghal ang mga dakilang gawa nila kaya ang mga ito ay naging isang dakilang paaralan na natututuhan natin mula rito ang pananampalataya at ang katatagan.
Nanguna nga sa kanila sa kabutihan ang sampung binalitaan ng pagpasok sa Paraiso ayon sa pagkasambit ng dila ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagsabi siya: "Si Abū Bakr ay sa Paraiso. Si `Umar ay sa Paraiso. Si `Uthmān ay sa Paraiso. Si `Alīy ay sa Paraiso. Si Ṭalḥah ay sa Paraiso. Si Az-Zubayr ay sa Paraiso. Si `Abdurraḥmān bin `Awf ay sa Paraiso. Si Sa`d bin Abī Waqqāṣ ay sa Paraiso. Si Sa`īd bin Zayd ay sa Paraiso. Si Abū `Ubaydah bin Al-Jarrāḥ ay sa Paraiso." (Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy.)
Para sa pagpapalapit ng mga talambuhay ng mga huwarang ito sa mga anak natin, minabuti ko ang maglahad ng naisaposible mula sa mga ulat sa kanila sa isang istilong pakuwentong pinaiksi at madali sa pagpapahayag. Umiwas ako sa pagpapabigat sa munting aklat sa pamamagitan ng mga komentaryo. Nagsigasig ako na umangkop ang paksa sa nibel ng edad ng mga bata sa huling bahagi ng primarya at simula ng elementarya. Maaaring makinabang mula rito ang mga higit na nakababata kaysa sa kanila sa pamamagitan ng pag-alalay ng mga magulang ng mga ito.
Darating ang gampanin mo, O edukador, sa pagpapalaganap ng diwa ng mga kasaysayang ito sa pamamagitan ng tinig mo at nakamamanghang istilo mo, sa pamamagitan ng pakikipagdayologo mo at matatalinong tanong mo, pakikinig mo at pagtugon mong pang-edukasyon, at pagtalakay sa mga aralin at mga katuturan mula sa mga ito at pagpapayaman sa mga ito upang makaunawa ang nakababata natin ng mga inilalahad na kahulugan at upang makapag-ugnay siya ng kasaysayan niya sa kasalukuyan niya.
Dagdag pa rito, at kung tumama ako, ito ay dahil sa pagtutuon ni Allāh at pagtulong Niya; at kung nagkamali naman ako, umaasa ako mula kay Allāh ng paumanhin at mula sa inyo ng dispensa sapagkat ito ay isang pantaong pagsisikap na hindi nakalalaya sa kapintasan o pagkukulang. Humihiling ako kay Allāh na magpakinabang Siya dahil dito, na magkaloob Siya sa atin at sa mga anak natin ng pag-ibig sa Kanya at ng pag-ibig sa Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) at mga Kasamahan nito (malugod si Allāh sa kanila), at na magtipon Siya sa atin kasama nila sa Firdaws na Pinakamataas sa Paraiso.
Introduksiyon
Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh at ang mga biyaya Niya.
Kumusta kayo, mga anak ko?
Kumusta ang mga kasamahan ninyo at ang mga kaibigan ninyo?
Iniibig ba ninyo ang mga kasamahan ninyo?
Nasisiyahan ba kayo sa paglalaro kasama nila?
Sila ba ay mga matapat at mga nagtutulungan?
Nalalaman ba ninyo na ang kasamahan, O mga anak ko, ay tulad ng isa sa pamilya; bagkus siya ay tulad ng kapatid kung siya ay maayos, mapangilag magkasala, mabuting asal, at matulungin?
Marahil kayo ay nakaiibig sa mga kasamahan ninyo nang madalas at naghahangad na gumugol kasama nila ang pinakamaganda sa mga oras ninyo.
Hindi ba ganoon?
Ang bawat isa sa atin ay nakikita na ang oras niyang ginugugol niya kasama ng matapat na kasamahan niya ay maibibilang na kabilang sa pinakamaligaya sa mga sandali,
at na ang mga kasamahan niya ay ang pinakamainam sa mga kasamahan.
Subalit nalalaman ba ninyo nang tunay kung sino ang pinakamainam sa mga Kasamahan ng Propeta sa paglipas ng kasaysayan
at kung sino ang nagtataglay ng pinakadakila sa mga Kasamahan sa ibabaw ng lupa?
Tunay na sila ay ang mga Kasamahan ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat sila ay ang pinakamabuti sa mga salinlahi at ang pinakamabuti sa mga tao matapos ng mga propeta
yayamang sumampalataya sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nakipagsabayan sila sa kanya sa paglalakbay ng pag-aanyaya, at bumalikat sila kasama niya ng ipinagkatiwalang tungkulin na iniatang ni Allāh.
Sila nga ay mga malakas, mga mananampalataya, mga tagatalima.
Nagsasakripisyo sila alang-alang sa kanya, nag-aadya sila sa kanya, nagpaparangal sila sa kanya, at nag-uunahan sa paglilingkod sa kanya.
Nagsanggalang sila sa kanya laban sa mga kaaway. Nagtanggol sila sa kanya sa lahat ng mga labanan at mga paglusob sa pamamagitan ng mga sarili nila at mga yaman nila. Nagtangi sila sa kanya higit sa mga mag-anak nila.
Sumama sila sa kanya, umupo sila kasama niya, at nakinig sila sa kanya. Nagpaabot sila sa atin ng mga pampropetang sanaysay niya at kasaysayan ng buhay niya at ng mga tagpo at mga pangyayari na nangyari sa kanya.
Kumuha sila buhat sa kanya ng tumpak na metodolohiya ng Islām at nagpalaganap sila nito sa mga dako ng Daigdig.
Nalalaman ba ninyo kung ano ang itinatawag natin sa bawat sinumang sumampalataya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nakakita sa kanya sa mismong mga mata sa panahon ng buhay niya?
Ang mga Kasamahan (Ṣaḥābah) ay isang terminolohiyang itinataguri sa mga Muslim na mga lalaki at mga babae na nakapanahunan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), sumampalataya sa kanya, at nakasaksi sa kanya sa mga mata nila sa aktuwal na buhay. Kapag nababanggit natin ang mga pangalan nila ay sinasabi natin: "Malugod si Allāh sa kanila." Pinagpipitaganan natin sila, iniibig natin sila, ipinagtatanggol natin sila, at tinutularan natin sila.
Maglalahad kami sa seryeng ito ng talambuhay ng sampu mula sa kanila, subalit bakit namin pinili ang sampung ito lamang?
Dahil sila ay binalitaan ng pagpasok sa Paraiso at tinawag natin silang ang Sampung Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso. Kaya hali kayo, pakakikilalahin natin sila nang sama-sama.
Sinu-sino ang Sampung Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso?
Nalalaman ninyo, mga minamahal ko, na ang bawat Muslim ay umaasa na magpapasok sa kanya si Allāh sa Paraiso kaya nagsusumikap siya sa paggawa ng mga maayos na gawa upang makamit ang kaluguran ni Allāh at palaging dumadalangin kay Allāh na siya ay maging kabilang sa mga mananahan doon upang magtamasa siya ng pagkakita sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) doon at mga Kasamahan nito (sumakanila ang kaluguran ni Allāh).
Subalit walang pagkaiwas sa paggawa ng pagtalima kay Allāh at pag-ibig sa Kanya, pagsusumikap sa pagsasamabuting-loob sa mga magulang, at pagsasaasal ng mga mahusay na kaasalan nang sa gayon magpaabot sa atin si Allāh sa Paraiso.
Ang sampung ito na binalitaan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpasok sa Paraiso ay higit na nanguna sa pag-anib sa Islām kaysa sa iba pa sa kanila. Ang mga pagpapakasakit nila ay higit na marami at ang pakikibaka nila ay higit na dakila kaya inibig sila ng Sugo ni Allāh nang higit kaysa sa iba pa sa kanila. Kaya naging karapat-dapat sila dahil doon na mabalitaan ng dakilang nakagagalak na balitang ito.
Kaya sinu-sino sila? Naging papaano ang kasaysayan ng buhay nila?
Ayon kay `Abdurraḥmān bin `Awf (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Si Abū Bakr ay sa Paraiso. Si `Umar ay sa Paraiso. Si `Uthmān ay sa Paraiso. Si `Ālīy ay sa Paraiso. Si Ṭalḥah ay sa Paraiso. Si Az-Zubayr ay sa Paraiso. Si `Abdurraḥmān bin `Awf ay sa Paraiso. Si Sa`d bin Abī Waqqāṣ ay sa Paraiso. Si Saī`d bin Zayd ay sa Paraiso. Si Abū `Ubaydah bin Al-Jarrāḥ ay sa Paraiso." (Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy.)
Hali kayo, pakakilalanin natin sila nang sama-sama at pakaalamin natin ang kasaysayan ng buhay nila at kung papaano sila nagsakatotohanan ng pagkalugod ni Allāh (kamahal-mahal Siya at kapita-pitagan), hanggang sa naging karapat-dapat sila na magbalita sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa pagpasok sa Paraiso habang sila ay mga buhay pa, nang sa gayon tayo ay makatulad sa kanila sa kabutihan, makatahak sa mga hakbang nila, at manalangin kay Allāh na pagsamahin Niya tayo kasama nila sa Paraiso.
Si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (Malugod si Allāh sa Kanya)
Ang Paglaki Niya
Siya ay si `Abdullāh bin `Uthmān bin `Āmir At-Taymīy Al-Qurashīy. Ang taguri niya ay Aṣ-Ṣiddīq, ang una sa mga sumampalataya kabilang sa mga kalalakihan.
Kabilang siya sa mga tanyag ng Quraysh at isa sa mga maharlika nila, isang ginoong hindi gaya ng nalalabi sa mga ginoo sa kadalisayan ng kalooban, katinuan ng isip, at pagkatama ng pananaw. Siya noon ay kagalang-galang na may karangalan, dakila ang pagkamahiyain, madalas ang pagtitimpi, at pino ang pag-uugali na hindi nadadaig ng pithaya. Tinagurian siya bilang Aṣ-Ṣiddīq (Ang Napakatapat) dahil sa isang pangyayaring darating ang pagtalakay rito sa kalaunan.
Ipinanganak siya sa Makkah, dalawang taon matapos ang Taon ng Elepante, at lumaki roon. Ang Makkah nang sandaling iyon ay pinaghaharian ng kamangmangan. Ang mga mamamayan nito noon ay sumasamba sa mga anito. Lumaganap sa gitna nila ang kaugalian ng pag-inom ng alak at ang ilan sa mga gawaing hindi kinalulugdan ng sinumang may matalinong kaisipan. Si Abū Bakr noon ay umiiwas sa gayon. Hindi siya nagpakaabala gaya ng nalalabi sa mga binata ng Quraysh sa mga walang-kabuluhan mula sa mga kaugaliang iyon at hindi siya noon nahihilig sa paglilibang.
Nagtrabaho si Abū Bakr sa pangangalakal. Siya noon ay nagbebenta siya ng mga damit at nagkamit ng tagumpay sa pangangalakal niya. Nagkaroon siya ng kayamanan.
Ang Pag-anib Niya sa Islām
Siya noon ay Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa Makkah bago ito isugo bilang isang propeta. Nagpatuloy ang pagkakasama niya kay Muḥammad (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at ang katapatan ng pag-ibig dito hanggang sa matapos na ito ay naging isang propeta.
Siya noon ay naninirahan malapit sa purok na pinaninirahan ni Muḥammad bin `Abdullāh at siya noon ay kasa-kasama nito, na nakikipag-upuan dito at nakikipag-usap dito sa marami sa mga pumapatungkol dito. Nalalaman ninyo at naaalaala ninyo, O mga minamahal ko, na si Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tinatagurian noon bilang Aṣ-Ṣādiq (Ang Tapat) at Al-Amīn (Ang Mapagkakatiwalaan) sa Makkah bago siya maging isang sugo. Siya noon ay tampulan ng tiwala ng lahat. Walang dalawang tao na nagkakaiba roon.
Nang isinugo si Propeta Muḥammad (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) kalakip ng pagkapropeta, si Abū Bakr ay ang kauna-unahan sa umanib sa Islām mula sa mga kalalakihan. Hindi siya nag-atubili nang isang saglit nang inilahad sa kanya ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ang Islām sapagkat nakaaalam siya sa katapatan nito, kadalisayan ng kalooban nito, kataasan ng mga kaasalan nito, at pagkamapagkakatiwalaan nito sa lahat ng mga pumapatungkol dito. Nang nagsanaysay ito sa kanya hinggil sa pagkapropeta at na ang kapahayagan ay dumating nga rito, pinatotohanan niya ito at sinampalatayanan niya ito. Kaya naman tinawag siya ng Propeta bilang Aṣ-Ṣiddīq.
Nalalaman ba ninyo kung bakit siya tinawag bilang Aṣ-Ṣiddīq?
Dahil siya ay sumasampalataya sa Propeta at nagpapatotoo sa kapahayagan nang walang pagdududa. Ang bawat bagay na ipinababatid ng Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapatotoo siya rito, sumasampalataya siya rito, at nag-aanyaya siya tungo rito. Nang pinaglakbay sa gabi ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) patungo sa Al-Masjid Al-Aqṣā, bumalik ito na nagsasanaysay sa mga tao hinggil sa nakita nito ngunit hindi ito pinaniwalaan ng mga tagatangging-sumampalataya samantalang si Abū Bakr naman ay nagpatotoo rito hinggil sa isinalaysay nito, kaya tinawag nito siya bilang Aṣ-Ṣiddīq.
Naniniwala ba kayo, O mga minamahal ko, na nagkasya siya sa pag-anib niya sa Islām at naupo sa bahay niya?
Hindi; bagkus dinala niya ang alalahanin ng pag-aanyaya at naging kasa-kasama ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na tumutulong dito sa pag-aanyaya para sa Islām.
Kaya nagsimula siyang mag-anyaya sa mga kasamahan niya tungo sa Islām at magpaliwanag sa kanila ng tumpak na paniniwala sa kaisahan ni Allāh, at na ang pagsamba sa mga anito ay shirk at kawalang-paniniwala. Nag-anyaya siya sa mga pinagkakatiwalaan niya at nakitaan niya ng kahustuhan ng pag-iisip. Kaya umanib sa Islām sa mga kamay niya sina `Uthmān bin `Affān, `Abdurraḥmān bin `Awf, Talḥah bin `Ubaydillāh, Az-Zubayr bin Al-`Awwām, at Sa`d bin Abī Waqqāṣ. Siya noon nagtatanggol sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at nagsasabi sa Quraysh: "Papatay ba kayo ng isang lalaki dahil nagsasabi siya na ang Panginoon ko ay si Allāh?"
Ang Pangunguna Niya sa Gawain ng Kabutihan
Umabot ang mga yaman niya mula sa pangangalakal sa humigit-kumulang apatnapung libo, na ginugugol niya noon bilang kawanggawa sa landas ni Allāh sa mga nangangailangan mula sa mga Muslim. Naghahanap nga siya noon ng mga mananampalatayang mahihina na pinagdurusa dahil sa pananampalataya nila. Inaalok niya ang mga panginoon nila na bilhin sila kapalit ng masaganang yaman, pagkatapos palalayain niya sila. Kaya naman nakasagip siya sa kanila mula sa hagupit ng mga latigo, mula sa matinding init ng araw, at mula sa gutom at uhaw. Kabilang sa mga nasagip ni [Abū Bakr] Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) ang Kasamahang si Bilāl bin Rabāḥ, na naging mu’adhdhin (tagapanawagan sa ṣalāh) ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) kinalaunan. Hindi noon naghihintay si [Abū Bakr] Aṣ-Ṣiddīq ng anuman bilang kapalit ng pagtulong na ito. Hindi niya naiibigan na papurihan siya ng mga tao dahil doon; bagkus inaasam niya ang gantimpala nito alang-alang kay Allāh.
Siya ay ang pinakanauuna sa mga Kasamahan sa kabutihan sapagkat hindi sila nakakaya sa pag-una sa kanya sa kabila ng pagsisigasig nila roon. Nagsalaysay nga si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh dito) sapagkat nagsabi ito: "Nag-utos sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw na magkawanggawa kami, saka nataon iyon na may yaman sa akin, kaya nagsabi ako: "Ngayong araw ay uunahan ko si Abū Bakr kung uunahan ko man siya ng isang araw." Kaya dumating ako kalakip ng kalahati ng yaman ko, kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ano ang itinira mo para sa mag-anak mo?" Kaya nagsabi ako: "Ang tulad nito." Dumating naman si Abū Bakr kalakip ng lahat ng kung ano ang nasa kanya, kaya nagsabi sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ano ang itinira mo para sa mag-anak mo?" Nagsabi siya: "Itinira ko para sa kanila si Allāh at ang Sugo Niya." Nagsabi si `Umar: "Kaya nagsabi ako: Hindi ako makikipag-unahan sa iyo sa isang bagay magpakailanman." (Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy.)
Minsan, nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Sino ang inumaga kabilang sa inyo ngayong araw na nag-aayuno?" Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako po." Nagsabi ito: "Saka sino ang dumalo kabilang sa inyo ngayong araw sa isang libing?" Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako po." Nagsabi ito: "Sino ang nagpakain kabilang sa inyo ngayong araw ng isang dukha?" Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako po." Nagsabi ito: "Sino ang dumalaw kabilang sa inyo ngayong araw sa isang maysakit?" Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako po." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Hindi nabuklod ang mga ito sa isang tao malibang papasok siya sa Paraiso." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim.)
Ang Karangalan ng Paglikas Kasama ng Sugo
Nang tumindi ang perhuwisyo ng mga tagapagtambal sa mga mananampalataya, nag-utos ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan nito na lumikas sa Madīnah at humiling ito kay Abū Bakr (malugod si Allāh dito) na maghintay. Noong ninais ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang lumikas, pinili nito ang Kasamahan nitong si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) upang maging kasama nito sa paglalakbay nito. Kaya nagalak naman si Abū Bakr dahil doon at lumisan silang dalawa mula sa Makkah nang pakubli. Noong nakaramdam ang mga tagapagtambal ng paglisan nila, nagsimula sila sa paghahanap sa kanilang dalawa at nagtalaga sila ng mga mamahaling gantimpala para sa sinumang papatay sa kanilang dalawa o bibihag sa kanilang dalawa.
Lumisan ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) papunta sa yungib ng Thawr upang makakubli roon. Bago sila pumasok roon, nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Sumpa man kay Allāh, hindi ka papasok diyan hanggang sa makapasok ako riyan bago ka makapasok sapagkat kung diyan ay may anuman, tatama muna sa akin iyan hindi sa iyo." Ibig sabihin: Tatama sa akin mismo at hindi tatama sa iyo mismo. Noong nakapasok siya sa yungib, nagsiyasat siya rito saka nakatagpo siya rito ng mga butas at natakot siya na sa mga ito ay may mga salot na nakapeperhuwisyo. Kaya ipininid niya ang ilan sa mga ito sa pamamagitan ng ilan sa mga damit niya. May natirang isang puwang na hindi siya nakatagpo ng ipampipinid dito kaya ipininid niya ito ng paa niya. Nagsabi siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Pumasok ka." Pumasok naman ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at naglapag siya ng ulo niya sa tabi ng kandungan ni Abū Bakr (malugod si Allāh dito) at natulog. Natuklaw si Abū Bakr (malugod si Allāh dito) sa paa niya mula sa butas na iyan. Hindi siya gumalaw sa pangamba na magambala niya ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan),
hanggang sa pumatak ang mga luha niya sa mukha ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) dahil sa sakit. Nagsabi ito: "Ano ang nangyayari sa iyo, O Abū Bakr?" Kaya nagsabi siya (malugod si Allāh sa kanya): "Natuklaw ako; pantubos nawa sa iyo ang ama ko at ang ina ko!" Kaya dumalangin para sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at umihip ito sa bahaging nakasasakit sa kanya. Nawala ang dinaranas ni Abū Bakr na sakit at hindi siya naapektuhan ng tuklaw.
Isang araw, nalapit ang mga tagapagtambal sa yungib kaya nangamba si Abū Bakr. Nagpapalagay ba kayo na siya ay nangamba para sa sarili niya? Aba'y hindi; bagkus ang pangamba niya ay para sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Natatakot siya na makapagdulot dito ang mga tagatangging-sumampalataya ng perhuwisyo. Nakakita ba kayo ng higit na dakila kaysa sa Kasamahang ito? Siya ay nakahanda na tumubos sa Propeta sa pamamagitan ng sarili niya. Dito ay pinanatag siya ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at ipinabatid sa kanya na sila ay dalawa subalit si Allāh ang ikatlo nila sa pamamagitan ng pag-iingat Niya at pangangalaga Niya. Nagsabi ito: "O Abū Bakr, ano ang palagay mo sa dalawa na si Allāh ang ikatlo nila?" Ito ang nangyari kung saan iningatan ni Allāh ang Propeta Niya at ang Kasamahan nito at itinaboy Niya ang mga tagatangging-sumampalataya na mga bigo.
Ang Pagpapakasal ng Propeta (Basbasan Ito ni Allāh at Pangalagaan) sa Anak ni Abū Bakr na si `Ā’ishah:
Inibig nang labis ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) si Abū Bakr at hiniling nito sa kanya na mapangasawa ang anak niyang si `Ā’ishah. Nag-aliwalas naman ang mukha ni Abū Bakr at lumigaya siya dahil doon. Natuwa si `Ā’ishah na siya ay magiging Ina ng mga Mananampalataya. Pinakasalan siya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos na lumikas ito sa Madīnah Munawwarah.
Tinanong ito ni `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya) isang araw: "Alin po sa mga tao ang pinakakaibig-ibig sa iyo?" Nagsabi ito: "Si `Ā’ishah." Kaya nagsabi ako: "Mula naman po sa mga lalaki?" Nagsabi siya: "Ang ama niya." (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.)
Nangyari nga sa pagpapakasal ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) kay `Ā’ishah na anak ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) ang maraming kabutihan para sa Kalipunan nito sa kabuuan. Nagsalaysay nga si `Ā’ishah buhat sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng marami sa mga pampropetang marangal na ḥadīth, na natuto ang mga Muslim mula sa mga ito ng mga patakaran ng Relihiyon nila, hanggang sa lumampas ang bilang ng mga ḥadīth na isinalaysay niya sa dalawang libong ḥadīth.
Ang Pakikibaka Niya
Nakadalo si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) sa lahat ng mga paglusob at mga labanan kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Ang bilang ng mga paglusob na ito ay labingsiyam na paglusob. Hindi siya nagpaiwan sa isa sa mga ito. Nakikipaglaban siya sa mga kaaway ng Islām at nagtatanggol siya sa Propeta niya at sa mga mananampalataya.
Nang nagkasakit ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at hindi nito nakaya na lumabas mula sa bahay nito upang mamuno sa ṣalāh sa mga tao, nagsabi ito: "Utusan ninyo si Abū Bakr na mamuno sa ṣalāh sa mga tao." Kaya namuno siya sa ṣalāh sa kanila (malugod si Allāh sa kanya at magpalugod siya sa Kanya).
Nang pinapanaw ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), nalungkot si Abū Bakr (malugod si Allāh dito) nang isang matinding pagkalungkot subalit siya ay nagtiis, umasa ng gantimpala, nagpatatag sa mga Muslim, at nagpaalaala sa kanila na ito ay tadhana ni Allāh at hatol Niya at na ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay isang taong namamatay gaya ng iba kabilang sa mga tao, kaya napanatag ang mga tao at natahimik sila.
Ang Khilāfah Niya
Ang mga Muslim ay nasa isang pangangailangan ng isang pinuno at isang khalīfah na babalikat sa mga pumapatungkol sa kanila at mangangasiwa sa mga nauukol sa kanila sa karapatan at katarungan matapos ng pagpanaw ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagtipon ang mga pangunahin sa mga Kasamahan sa Saqīfah Banī Sā`idah at nagsanggunian sila hinggil sa pipiliin nila upang maging khalīfah ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kaya kanino ninyo inaasahang naganap ang pagkapili? Oo, kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya). Hindi sila nakatagpo ng higit na mainam kaysa sa kanya para sa tungkuling ito. Kaya nagkasang-ayon sila roon at nanumpa sila ng katapatan sa kanya sa pagkakhalīfah. Siya ay naging khalīfah ng mga Muslim matapos ng pagpanaw ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Tingnan ninyo kung papaano siya (malugod si Allāh sa kanya) naging mapanguna sa bawat bagay hanggang sa tunay na siya ay naging kauna-unahang khalīfah matapos ng pagpanaw ng Sugo ni Allāh, na bumabalikat sa nauukol sa mga mananampalataya.
Ano ang ginawa niya nang binalikat niya ang pagkakhalīfah? Papaano ang mga kaasalan niya sa mga tao? Nagtalaga ba ito sa kanya sa pagkapangulo upang magmataas siya at magmalaki siya? Hindi; bagkus nadagdagan siya ng pagkatakot kay Allāh at pagkaawa sa mga tao. Bago pa man ng pagkakhalīfah niya, siya nga ay tumutulong sa mga kapitbahay niya at gumagatas para sa kanila ng mga tupa nila. Kaya noong siya ay naging isang khalīfah, nagsabi ang isa sa mga anak na babae ng mga kapitbahay: "Ngayong araw hindi na niya gagatasan para sa atin ang mga tupa natin." Kaya nang marinig ni Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) ang pananalita niyon, nagsabi siya: "Hindi naman; talagang gagatasan ko nga ang mga ito para sa inyo. Tunay na ako ay naghahangad na hindi magpaiba sa akin ang pinasok ko palayo sa kaasalang dati kong taglay." Nagpatuloy siya (malugod si Allāh sa kanya) sa pag-alalay niya sa kanila sa kabila ng mga pananagutan niya at mga pinagkakaabalahan niya.
Siya ay malakas sa katotohanan at pag-aanyaya tungo sa Relihiyon ni Allāh. Nagpatupad siya ng katarungan at nagsugo siya ng mga hukbo para sa pagsakop sa mga bayan at pag-aanyaya tungo sa Relihiyon ng Islām sapagkat matapos ng pagpanaw ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), tumalikod sa Islām ang ilan sa mga lipi at sumunod sila sa mga sinungaling na nag-angkin ng pagkapropeta. Kaya nagsugo sa kanila si As-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) ng mga hukbo na nagpabalik sa kanila sa katotohanan at pumuksa sa kasinungalingan, at dumisiplina rin siya sa sinumang tumanggi sa pagbibigay ng obligasyon ng zakāh, at sinabi niya ang tanyag na sabihin niya: «Mababawasan ba ang Relihiyon gayong ako ay buhay?». Hindi siya natigil sa pakikibaka, pagpapayo, at pagtuturo hanggang sa bumalik ang Arabya sa kabuuan niyon sa Islām, at dito siya lumipat para sa pakikibaka sa mga Persyano sa Iraq at mga Romano sa Sirya.
Ang Pagtitipon ng Qur’ān
Kabilang sa pinakamahalaga sa mga gawain na binalikat ni Abū Bakr As-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) sa panahon ng pagkakhilāfah niya ang pagtipon ng Marangal na Qur’ān, subalit, papaano niya ito tinipon at ito ba ay magkakahiwalay?
Oo, pinapanaw ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang ang Marangal na Qur’ān ay hindi pa natipon sa nag-iisang manuskritong nakasulat. Ito ay hiwa-hiwalay pa lamang na naisasaulo ng mga Kasamahan sa mga isip nila at naisulat ang ilan nito sa magkakahiwalay na bahagi.
Sa isa sa mga labanan na nakipaglaban doon ang mga Muslim laban sa mga tumalikod sa Islām, may napatay na isang bilang ng mga Kasamahan na nakapagsasaulo ng Marangal na Qur’ān. Dumating si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh dito) habang ito ay malungkot at nangangamba. Nagsabi ito kay Abū Bakr: "Tunay na ang marami sa mga tagabigkas at mga tagasaulo ng Qur’ān ay namartir nga. Nangangamba ako na mawala ang natitira sa kanila at may mawala na maraming bahagi ng Qur’ān. Kaya ano ang pananaw mo na tipunin natin ito?"
Humanga si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) sa matalinong pananaw na ito. Nasadlak ang pagpili niya kay Zayd bin Thābit (malugod si Allāh dito) upang magsagawa ng misyong ito dahil si Zayd ay tagasulat ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kaya naman nagsimula si Zayd sa pagtipon ng Qur’ān mula sa mga raq`ah (mga piraso ng katad o tela), mga lakhfah (mga manipis na bato), mga buto, mga katad, at mga memorya ng mga tao. Nangasiwa rito at nakipagtulungan dito sina Abū Bakr at `Umar at ang mga nakatatanda sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila), hanggang sa natipon nila ito sa nag-iisang manuskrito.
Ang Pagpanaw ni Abū Bakr
Pinapanaw siya (malugod si Allāh sa kanya) matapos ng dalawang taon mula sa pagbalikat niya ng pagkakhalīfah nang ang edad niya ay 63 taon. Inilibing siya sa tabi ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Nalungkot ang mga Muslim sa pagpanaw niya sapagkat siya ay Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at khalīfah nito. Nakatagpo niya ang Panginoon niya na nalulugod at kinalulugdan. Papaanong hindi gayong binanggit nga siya ni Allāh (na kamahal-mahalan at kapita-pitagan) sa Marangal na Qur’ān, na siya ay naging kasamahan ng Sugo ni Allāh sa yungib ng Thawr nang lumikas siya kasama nito mula Makkah patungong Madīnah: {Kung hindi kayo mag-aadya sa kanya, nag-adya na sa kanya si Allāh noong nagpalisan sa kanya ang mga tumangging sumampalataya bilang ikalawa sa dalawa noong silang dalawa ay nasa yungib noong nagsasabi siya sa kasamahan niya: “Huwag kang malungkot; tunay na si Allāh ay kasama sa atin.” Kaya nagpababa si Allāh ng katahimikan Niya rito, nag-alalay Siya rito ng mga kawal [na anghel] na hindi ninyo nakita, at gumawa Siya sa salita ng mga tumangging sumampalataya bilang ang pinakamababa samantalang ang salita ni Allāh ay ang pinakamataas. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.} (Qur’ān 9:40)
Ang Pagpapahalili Niya kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb
Nanatiling dapat tayong makaalam na nang nagkasakit si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) at nakaramdam siya ng pagkalapit ng taning niya, nakadama siya na walang pagkaiwas na magtalaga siya ng isang lalaki matapos niya na magkakabuklud-buklod dito ang mga Muslim, isang khalīfah matapos niya, na magkukumpleto sa pagsasaayos at pagpapalaganap ng paanyaya ng Islām at mamamahala sa mga tao nang may katarungan.
Kaya siya ay isang tagapagtaglay ng tamang pananaw sa pagpili ng isang kapita-pitagang kasamahan, na matapang at malakas sa katotohanan, si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh dito), upang maging Ikalawang Khalīfah ng mga Muslim matapos niya. Mapag-aalaman natin ang talambuhay ng Ikalawang Khalīfah, na siyang ikalawa sa Sampung Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso, sa mga sumusunod na pahina.
Mga Aral at mga Katuturan:
Na ang tunay na tagumpay ay sa pamamagitan ng pagsunod sa Marangal na Qur’ān at Sunnah ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), gaya ng ating nakita kung paano naging pinakamainam na lalaki si Abū Bakr pagkatapos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng pagsunod niya sa kanya at nagtamo ng Paraiso.
Kinakailangan sa atin ang magpatotoo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bawat ipinabatid niya at ang pagtalima sa kanya sa bawat ipinag-utos niya nang sa gayon tayo ay maging kabilang sa mga tapat at mga napakatapat gaya ni Abū Bakr (malugod si Allāh dito) at kabilang sa mga yaong nagsabi si Allāh hinggil sa kanila: {Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga mapagpatotoo. Ang mga martir sa ganang Panginoon nila, ukol sa kanila ang pabuya nila at ang liwanag nila. Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān], ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno.} (Qur’ān 57:19)
Ang mananampalatayang umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagpapasan ng alalahanin ng pag-aanyaya tungo kay Allāh, nagpapayo sa mga kaibigan niya at mag-anak niya, at gumagabay sa kanila tungo sa tumpak na gawain sa isang banayad na istilo.
Ang kahalagahan ng maayos na kaibigan, kaya magsigasig kayo, O mga minamahal ko, sa pagpili ng mga mapangilag magkasala kabilang sa kanila, na mga tagapagtaglay ng magandang kaasalan, na makikinabang kayo sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay, gaya noon ni Abū Bakr sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan).
Ang pananalig kay Allāh at ang kawalan ng pagkatakot sa mga tao, lalo na kapag ang tao ay nasa katotohanan, gaya ng nangyari sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kay Abū Bakr sa yungib.
Ang pagsisigasig sa mga pagsamba at mga pagtalima sapagkat ang mga ito ay kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso, gaya ng natamo ni Abū Bakr nang nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga kasamahan niya: "Sino ang inumaga mula sa inyo ngayong araw na nag-aayuno? ..."
Ang kadakilaan ng pumapatungkol sa Limang Haligi ng Islām sapagkat ang mga ito ay ang pundasyon ng Relihiyon at kinakailangan ang pagsasagawa sa mga ito sa kalahatan ng mga ito. Ang sinumang nagkaila ng anuman mula sa mga ito, siya ay nasa isang sukdulang panganib. Kinalaban nga ni Abū Bakr ang mga pumigil sa pagbibigay ng zakāh dahil ito ay ang ikatlong haligi mula sa mga Haligi ng Islām.
Si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (Malugod si Allāh sa Kanya)
Nabanggit natin na si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) ay pumili ng isang kapita-pitagang kasamahan na hahalili sa kanya sa mga Muslim matapos niya. Naaalaala ba ninyo siya? Tunay na siya ay si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya). Hali kayo, pakaalamin natin nang sama-sama ang talambuhay niya.
Ang Paglaki Niya
Ipinanganak si `Umar bin Al-Khaṭṭāb sa Makkah at lumaki siya roon. Natutuhan niya ang pagbasa at ang pagsulat. Naibigan niya ang pangangabayo at ang pagsakay sa kabayo. Natutuhan niya ang pamamana at ang pakikipagbuno. Ipinanganak siya labintatlong taon matapos ng Taon ng Elepante. Siya noon ay namumukod sa lakas, tibay ng loob, at pagkatama ng pananaw. Kaya siya ay kabilang sa matitinding kalalakihan ng Makkah at siya noon ay isang tagapagsalitang matatas na malakas ang loob.
Noong isinugo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kumalat sa Makkah na siya ay nag-aanyaya tungo sa Relihiyon ng Kaisahan ni Allāh at na siya ay naghatid ng Islām, si `Umar bin Al-Khaṭṭāb sa simula ay tulad ng mga kalalakihan ng Quraysh, na hindi sumasampalataya sa anumang ipinaaanyaya ni Muḥammad bin `Abdullāh. Si `Umar ay naging nagbabanta ng pagpatay sa bawat sinumang umaanib sa Islām.
Kaya naging papaano ang saloobin ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa harap ng lalaking malakas na ito? Hindi nawalan ng pag-asa ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa awa ni Allāh; bagkus siya ay dumadalangin kay Allāh na umanib sa Islām si `Umar dahil sa taglay nitong mga kapuri-puring katangian, kahinahunan ng isip, at katatagan sa katotohanan. Kaya siya noon ay nagsasabi: "O Allāh, palakasin Mo ang Islām sa pamamagitan ng higit na kaibig-ibig sa dalawang lalaki sa Iyo: si `Umar bin `Al-Khaṭṭāb o si `Amr bin Hishām," (na si Abū Jahl). Naiibigan ba ninyo na malaman kung papaano tinugon ni Allāh ang panalangin ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan)?
Ang Kuwento ng Pag-anib Niya sa Islām
Sa isa sa mga araw, may nagpabatid na isang lalaki kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb na ang kapatid niyang si Fāṭimah at ang asawa nitong si Sa`īd bin Zayd ay umanib na sa Islām. Sumunod na sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at umiwan na ng pagsamba sa mga anito. Kaya naman nagalit si `Umar nang matinding galit at pumunta siya nang nagmamadali sa bahay ng kapatid niya upang magpakatiyak ng balita. Noong nakalapit si `Umar sa bahay, nakarinig siya ng isang kamangha-manghang pagbigkas mula sa likuran ng pinto kaya nadagdagan ang galit niya. Kumatok siya sa pinto nang malakas kaya ikinubli ng kapatid niya ang pahina na binibigkas nito mula roon ang Qur’ān. Noong nagbukas ito sa kanya ng pinto, pumasok siya nang galit at sinampal niya ito ng isang matinding sampal na nakasakit dito. Dito nakaramdam si `Umar ng pagkakamali niya at nagsisi siya sa pagpapadalus-dalos niya sa pananakit sa kapatid niya. Kaya naman lumambot ang puso niya rito at naawa siya rito. Nagsabi siya: "Ibigay mo sa akin ang pahinang bumibigkas kayo mula riyan kani-kanina lamang sapagkat nakarinig nga ako ng pagbigkas ninyo bago kayo magbukas sa akin ng pinto." Noong narinig niya ang sabi ni Allāh: {1. Ṭā. Hā. 2. Hindi Kami nagpababa sa iyo ng Qur’ān upang lumumbay ka,}, (Qur’ān 20:1-2)
nakadama siya ng pangingilabot sa kaibuturan niya, nayanig ang pagkatao niya, at nawala ang anumang nasa kanya na galit. Lumuwag ang dibdib niya noong nakarinig siya ng mga talata ng Qur’ān. Nagsabi siya: "Anong ganda ng salitang ito at anong dangal nito. Ituro ninyo sa akin ang kinaroroonan ni Muḥammad upang magpahayag ako ng pananampalataya ko sa kanya at umanib ako sa Islām sa mga kamay niya. Kaya naman natuwa ang kapatid niyang si Fāṭimah. Talaga ngang tumugon si Allāh sa panalangin ng Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) at nagpaluwag Siya sa dibdib ni `Umar (malugod Siya rito) para sa Islām.
Lumisan si `Umar patungo sa isang bahay na tinatawag na Dār Al-Arqam. Nagtitipon doon ang mga Muslim nang palihim kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpapakatuto sila ng Relihiyon nila at nagtatago sila roon palayo sa mga mata ng mga tagatangging-sumampalataya ng Quraysh. Kumatok siya sa kanila sa pinto kaya tumingin ang isa sa kanila sa dako ng pinto at nagsabi nang may pangamba: "Tunay na siya ay si `Umar!" Kaya nagsabi ang isa sa mga Kasamahan: "Magpahintulot tayo sa kanya sapagkat kung nagnanais sa kanya si Allāh ng kabutihan, aanib siya sa Islām; at kung ang pagdating niya ay para sa isang kasamaan, magkakaisa tayo laban sa kanya at makikipaglaban tayo sa kanya." Kaya nagpahintulot sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa pagpasok. Hindi iyon naglaon kundi ilang saglit at bumigkas matapos niyon si `Umar ng Dalawang Pagsaksi: "Sumasaksi ako na walang Diyos kundi Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh." Sumambit ng pagdakila kay Allāh ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dala ng pagkatuwa sa pag-anib niya sa Islām. Sumambit ng pagdakila kay Allāh ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) habang mga natutuwa, na mga nagagalak sa pag-anib niya sa Islām.
Ang Hayagang Pag-aanyaya Para sa Islām
Matapos na umanib sa Islām si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya), nagsabi siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba tayo ay nasa katotohanan?" Nagsabi ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Siya nga." Kaya nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Kaya bakit nagiging palihim ang pag-anib natin sa Islām? Maging hayagan ito at hindi tayo matatakot sa sinuman. Tayo na; lumabas tayo sa mga mamamayan ng Makkah at magpahayag tayo ng pagkaanib natin sa Islām nang lahatan sa madla."
Lumabas ang mga Muslim mula sa Dār `Al-Arqam sa dalawang hanay. Sa isa sa mga ito ay nariyan si `Umar bin `Al-Khaṭṭāb at sa isa pa ay nariyan naman si Ḥamzah, ang tiyuhin ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), na nakaanib na sa Islām tatlong araw bago ni `Umar, hanggang sa pumasok sila sa Masjid na Pinakababanal, sa harapan ng mga mata ng Quraysh. Isinasalaysay sa atin ni `Umar ang tagpong ito sapagkat nagsasabi siya: "Kaya tumingin ang liping Quraysh sa akin at kay Ḥamzah bin `Abdulmuṭṭalib saka may tumama sa kanila na isang matinding kalumbayan na hindi tumama sa kanila ang tulad niyon.
Sa kapita-pitagang tagpong ito, pumili ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) para kay `Umar ng isang marikit na taguri na nanatili siyang napatanyag dahil dito hanggang sa araw nating ito. Ano ang taguring ito? Ito ay Al-Fārūq (Ang Tagapagbukud-bukod). Bakit siya tinawag bilang Al-Fārūq?
Dahil si Allāh ay nagbukud-bukod dahil sa pag-anib niya sa Islām sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan, kaya lumakas ang katotohanan at humina ang kabulaanan. Ang pag-anib niya sa Islām ay naging isang karangalan at isang pag-aadya para sa mga Muslim. Nagbalita sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng pagpasok sa Paraiso.
Ang Katapangan Niya at ang Lakas ng Pananampalataya Niya
Kabilang sa mga paninindigan niya na nahayag sa mga ito ang katapangan niya (malugod si Allāh sa kanya) ay nang nagpahintulot si Allāh sa mga Muslim ng paglikas sa Madīnah Munawwarah. Sila ay lumilisan mula sa mga bahay nila bilang mga lumilikas nang palihim, malayo sa mga mata ng Quraysh, dala ng takot sa perhuwisyo ng mga tagatangging-sumampalataya ng Quraysh. Hinggil naman kay `Umar, ang paglikas niya ay naiiba!
Noong nagpasya siya sa paglikas, nagsukbit siya ng tabak niya at pumunta siya sa Ka`bah. Nagsagawa siya ng ṭawāf doon na pitong paglibot. Pagkatapos nagsagawa siya ng ṣalāh sa Maqām Ibrāhīm nang buong tapang at lakas ng loob. Pagkatapos tumingin siya sa mga tagatangging-sumampalataya ng Quraysh habang nagwawasiwas ng tabak niya sa harapan nila, na nagsasabi: "Ang sinumang nagnais na magluksa sa kanya ang ina niya o maulila ang anak niya, humabol siya sa akin sa lapag ng lambak na ito!" Ibig sabihin: Siya ay papatay sa sinumang magtatangka ng pagpigil sa kanya sa paglikas. Kaya naman nangamba ang mga tagapagtambal sa pagbabanta niya at walang humabol sa kanya na isa man.
Nanirahan si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) sa Madīnah. Nakisama siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at inibig siya nito nang labis. Pinangasawa ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ang anak niyang si Ḥafṣah (malugod si Allāh dito). Kaya naman labis na natuwa si `Umar sa pag-aasawang ito yayamang siya ay magiging higit na malapit sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan).
Nakasaksi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa lahat ng mga paglusob nito. Siya ay malapit dito, na tumutulong dito at nagtatanggol dito. Ang mga kaaway ng Relihiyon ay nangangamba sa kanya. Umabot sa puntong iyon na ang demonyo ay nangangamba kay `Umar dahil sa katindihan niya sa katotohanan. Kaya naman nagsabi sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) isang araw: "Hindi nakakita sa iyo ang demonyo habang tumatahak [ka] sa isang daanan malibang tumahak ito sa isang daanang iba pa roon."
Ang Pagkatama ng Pananaw Niya
Si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay may isang tamang pananaw at isang dalisay na naturalesa. Kaya naman ang Qur’ān, O mga minamahal ko, sa ilan sa mga pagkakataon, ay bumababang sumasang-ayon sa pananaw ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya). Sa isang pagkakataon, siya minsan ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa tabi ng Ka`bah saka nagsabi siya: "O Sugo ni Allāh, kung sakaling gumawa kaya tayo sa Maqām Ibrāhīm bilang isang dasalan?" Kaya bumaba ang sabi ni Allāh: {[Banggitin] noong gumawa Kami sa Bahay bilang isang balikan para sa mga tao at bilang katiwasayan. Gumawa kayo mula sa tayuan ni Abraham ng isang dasalan. Naghabilin Kami kina Abraham at Ismael na magdalisay silang dalawa ng Bahay Ko para sa mga lumilibot, mga namimintuho, at mga yumuyukod na nagpapatirapa.} (Qur’ān 2:125)
Sa iba pang pagkakataon ay nagsabi siya: "Kung sakaling magtatakip kaya ang mga maybahay mo, O Sugo ni Allāh." Kaya nagpababa si Allāh ng talata ng ḥijāb.
Naaalaala ba ninyo kung sino ang nagmungkahi kay Abū Bakr As-Ṣiddīq (malugod si Allāh dito) ng pagtipon ng Qur’ān? Hindi ba si `Umar (malugod si Allāh sa kanya)?
Ang ikalawang Khalīfah ng mga Muslim
Sa pagkakhalīfah ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh dito), si `Umar noon (malugod si Allāh sa kanya) ay tumutulong dito. Nagtalaga sa kanya si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq sa paghuhukom sa gitna ng mga tao. Siya noon ay isang tagapayo kay Abū Bakr (malugod si Allāh dito). Nang nakaramdam si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh dito) ng paglapit ng taning niya, minarapat nito na pumili para sa mga Muslim ng isang khalīfah na magkakaisa sila sa kanya. Namumukod si `Umar sa lakas ng pananampalataya niya, sa kaayusan niya, at pagkatama ng pananaw niya. Hindi nakatagpo si Abū Bakr ng higit na mainam kaysa kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) kaya nagbukas ito sa malalaki sa mga Kasamahan hinggil sa pananaw na ito at sumang-ayon naman sila rito sa kanya. Noong pinapanaw si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh dito), namahala si `Umar sa nauukol sa mga Muslim matapos nito. Tinagurian si `Umar bilang Khalīfah ng Khalīfah ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Noong nakapansin sila na ang taguring ito ay mahaba, tinawag nila siya bilang Amīr Al-Mu’minīn (Pinuno ng mga Mananampalataya). Siya ay ang unang khalīfah na nagtataglay ng taguring ito.
Natipon nga kay Umar ang mga katangian ng matagumpay na khalīfah. Ano ang mga katangiang ito, O mga minamahal ko?
Tunay na ang mga ito ay ang katapangan, ang lakas, ang pagkaawa, ang pagmamalasakit, ang katarungan, at ang kawalang-kamunduhan.
Ang mga Pagsakop sa Panahon ni `Umar Bin Al-Khaṭṭāb
Pinagpala ni Allāh si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) sa pagkakhalīfah niya. Lumawak ang Estado ng Islām sa panahon niya. Nakapaghanda nga siya ng mga dambuhalang hukbo kalakip ng pananampalataya ng mga ito, na humayo para sa pag-aanyaya tungo sa Islām, kaya sumakop si Allāh para sa mga ito ng mga lupain ng Shām, Iraq, at Ehipto. Sinagip ni Allāh ang mga mamamayan ng mga ito mula sa mga pamahiin at pagsamba sa iba pa kay Allāh tungo sa Relihiyon ng Islām. Nagbiyaya si Allāh sa mga Muslim sa kapanahunan niya sa pamamagitan ng pagkawagi nila laban sa Bizancio (Emperyo ng Silanganing Roma) sa labanan sa Yarmūk noong ikalabinlimang taon ng Hijrah, na sinundan ng pagsakop ng Jerusalem. Tinanggap ni `Umar mismo (malugod si Allāh sa kanya) ang mga susi ng Jerusalem. Ang pangyayaring ito ay may isang kuwento. Makinig kayo, O mga minamahal ko:
Kinubkob ng hukbo ng mga Muslim ang Jerusalem at naibigan ng mga mamamayan nito na sumuko, ngunit sila ay nagsakundisyon na ang pagsuko nila ay personal na sa Pinuno ng mga Mananampalataya. Kaya nagmensahe si `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh dito), na komandante ng hukbo ng mga Muslim, kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb upang magpabatid sa kanya hinggil doon. Sumang-ayon naman si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) sa pagparoon dahil sa maidudulot niyon na pagdanak ng dugo. Lumisan siya mula sa Madīnah Nabawīyah nang walang kasama sa kanya kundi tagapaglingkod niya at iisang kamelyo na nagsasalitan sila sa pagsakay rito: sumasakay rito si `Umar minsan at ang tagapaglingkod niya minsan.
Noong nakarating si `Umar sa Jerusalem, nakatoka ang tagapaglingkod sa pagsakay. Namangha ang mga hindi Muslim sa pagpapakumbaba ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) sapagkat umasa na sila na pumunta siya sa kanila sa isang marangyang prusisyong nakapaligid sa kanya ang mga tagapaglingkod, ang mga katulong, at ang mga tanod subalit ang kawalang-kamunduhan niya at ang pagpapakumbaba niya ay nagbigay-diin sa kanila na siya at ang sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya ay hindi pumunta dala ng paghahangad ng kamunduhan. Tanging ang layon nila ay higit na mataas at higit na may-halaga. Tinanggap ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya), matapos ng pagdating niya, ang mga susi ng Jerusalem at ibinigay niya sa mga mamamayan nito ang seguridad sa mga sarili nila at mga ari-arian nila. Itinatag niya roon ang lugar na nagdarasal doon ang mga Muslim hanggang sa araw na ito.
Ang Pagsubaybay sa Nasasakupan at ang Kuwento Nito Kaugnay sa Babae at mga Anak Nitong Nagugutom
Si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay namumukod sa pagmamalasakit niya, pagkaawa niya, at pagsisigasig niya sa mga Muslim. Siya ay sumusubaybay nang tuluy-tuloy sa mga kalagayan ng nasasakupan niya upang makapagpanatag siya sa kanila. Kabilang dito ang marikit na tagpong ito:
Lumabas siya (malugod si Allāh sa kanya) isang gabi samantalang kasama niya ang tagapaglingkod niya. Naglakad siya sa mga lansangan ng Madīnah saka nakakita siya ng isang apoy na malayo sa mga karatig ng Madīnah. Kaya nagsabi siya (malugod si Allāh sa kanya): "Nakakikita ako ng mga taong nagdurusa sa lamig. Kaya tayo na sa kanila upang malaman natin ang kalagayan nila."
Nagmabilis si `Umar at ang tagapaglingkod niya. Lumapit sila sa lugar saka nakatagpo sila ng isang babaing may anak na maliliit. Nakapalibot nga ang mga bata sa paligid ng isang apoy na napapatungan ng isang itim na palayok dahil sa haba ng pagkapanatili nito sa apoy. Ang mga bata ay umiiyak!
Huminto si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) malapit sa kanila at nagsabi siya: "Ang kapayapaan ay sumainyo." Nagsabi naman ang babae: "At sumaiyo ang kapayapaan." Kaya nagsabi si `Umar: "Lalapit ba ako?" Sumagot ang babae: "Lumapit ka habang kasama mo ang kabutihan o iwan mo kami at umalis ka." Nagsabi si `Umar: "Ano ang mayroon sa inyo?" Kaya nagsabi ang babae: "Bumaba sa amin ang gabi at ang lamig habang wala kaming pagkain!" Kaya nagtanong dito si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Bakit umiiyak ang mga bata?" Nagsabi ito: "Dahil sa gutom at ginaw." Kaya nagtanong siya (malugod si Allāh sa kanya): "At aling bagay ang nasa palayok na iyan?" Nagsabi ito: "Naglagay ako riyan ng tubig at mga bato habang sila ay nagpapalagay na iyan ay pagkain. Nananatili akong naghahalo nito. Nililibang ko sila hanggang sa makatulog sila!"
Kaya nagsabi rito si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "At bakit ganyan ka?" Nagsabi ito sa kanya: "Ako ay mag-isa. Wala akong kapatid na lalaki, walang ama, walang asawa, at walang kaanak." Nagsabi siya rito: "Bakit hindi ka maglahad ng usapin mo sa Pinuno ng mga Mananampalataya na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb upang maglaan siya para sa iyo ng anuman mula sa kaban ng bayan?" Nagsabi ito sa kanya: "Huwag nawang bumuhay si Allāh kay `Umar at magbagsak nawa Siya ng mga watawat niya. Sumpa man kay Allāh, tunay na siya ay gumawa ng kawalang-katarungan sa akin!" Kaya nagtanong siya rito: "At bakit gumawa ng kawalang-katarungan sa iyo si `Umar?" Nagsabi ito: "Hindi siya naglaan para sa amin mula sa kaban ng bayan ng sasapat sa akin at sa mga anak ko." nagsabi siya rito: "Mag-asikaso ka ng mga bata at babalik ako sa iyo kalakip ng pagkain." Nasaktan si `Umar dahil sa salita ng babae at sa kalagayan ng pamilyang ito bunsod ng kawalan ng pagkakaroon ng pagkain. Nagmadali siya at ang tagapagsilbi niya patungo sa imbakan ng kaban ng bayan. Naglabas si `Umar ng isang malaking sako ng harina at isang banga ng mantikilya. Nagsabi siya sa tagapagsilbi niya: "Ipasan mo ito sa akin." Nagsabi naman ang tagapagsilbi: "Ako po ay magpapasan nito para sa iyo." Kaya nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Ikaw ba ay magpapasan para sa akin ng kasalanan ko sa Araw ng Pagbangon?"
Inilagay ng tagapaglingkod ang sako ng harina sa ibabaw ng likod ni `Umar. Nagmabilis si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) habang siya ay nagpapasan ng mabigat na sako patungo sa kinaroroonan ng babae. Pagkatapos ibinaba niya ang sako ng harina sa lupa at binuksan niya ito. Kumuha siya mula rito ng kaunting harina. Umupo siya malapit sa apoy. Inilagay niya ang harina at ang kaunting mantikilya sa kaldero. Nagsimula siyang umihip sa apoy hanggang sa maluto ang pagkain habang ang usok ay nanunuot mula sa pagitan ng buhok ng balbas niya. Noong naluto ang pagkain, ibinaba ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) ang kaldero sa lupa. Pagkatapos inilagay niya ang pagkain sa isang malaking bandehado. Nagsabi siya sa babae: "Tawagin mo ang mga anak mo." Nagkatipon ang mga bata sa paligid ng bandehado habang kumakain. Nagsabi ang babae: "Gantihan ka nawa ni Allāh ng kabutihan."
Naghintay si `Umar at ang tagapaglingkod niya malapit sa kanila habang nakatingin sa mga bata hanggang sa nakakain sila at nabusog sila. Pagkatapos nakita niya ang mga bata na naglalaro at tumatawa. Matapos ng ilang sandali, natulog ang mga bata, kaya nagsabi si `Umar sa tagapaglingkod niya: "Ang papuri ay ukol kay Allāh. Ngayon, maaari na tayong umuwi sapagkat nabusog ang mga bata at natulog sila."
Nagsabi siya sa babae: "Ako ay kabilang sa kaanak ng Pinuno ng mga Mananampalataya na si `Umar. Babanggitin ko sa kanya ang kalagayan mo. Kaya pumunta ka bukas sa Bahay ng Pamunuan, makatatagpo ka sa akin doon upang magtakda para sa iyo ang Pinuno ng mga Mananampalataya mula sa kaban ng bayan ng sasapat sa iyo at sa mga anak mo." Nagsimula ang babae na manalangin kay Allāh para sa kanya, na gantihan siya ni Allāh ng pinakamabuting ganti habang ito ay hindi nakakikilala na siya ay ang Pinuno ng mga Mananampalataya.
Ang Pagpanaw ni `Umar
Si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) ay nananalangin kay Allāh na pagkalooban siya ng pagkamartir sa landas Niya at na bawian ng buhay sa lungsod ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Sa isa sa mga araw, habang nasa sandali ng pamumuno niya sa mga Muslim sa masjid sa ṣalāh sa madaling-araw, may dumaluhong mula sa isa sa mga sulok ng masjid na isang lalaking tagtangging-sumampalataya na nagngangalang Abū Lu’lu’ah Al-Majūsīy habang nagbibitbit ng isang punyal na nilasunan. Sinaksak nito si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) ng ilang saksak kaya nagsimula ang dugo sa pagdanak mula sa kanya nang masagana. Hindi niya nakaya (malugod si Allāh sa kanya) na makumpleto ang ṣalāh kaya kinumpleto ang pamumuno sa mga tao sa ṣalāh ng Kasamahang si `Abdurraḥmān bin `Awf (malugod si Allāh dito). Pinapanaw si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) epekto ng mga sugat niya. Inilibing siya sa tabi ng dalawang kasamahan niya, ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanila sa kalahatan).
Ang Pagpili Niya sa Khalīfah Matapos Niya
Bago pinapanaw si `Umar (malugod si Allāh sa kanya), nagtalaga siya ng anim mula sa mga Kasamahan upang magsanggunian sila sa pagitan nila at pumili sila ng isang pinuno mula sa kanila para sa pagkakhalīfah ng mga Muslim matapos niya. Naglagay siya kasama sa kanila ng anak niyang si `Abdullāh bin `Umar sa pasubali na makilahok ito sa kanila sa sanggunian subalit hindi magiging ukol dito ang pamumuno.
Ang anim ay sina `Uthmān bin `Affān, `Alīy bin Abī Ṭālib, `Abdurraḥmān bin `Awf, Ṭalḥah bin `Ubaydillāh, Sa`d bin Abī Waqqāṣ, at Az-Zubayr bin Al-`Awwām (malugod si Allāh sa kanila nang lahatan). Nasadlak ang pagkapili nila sa isang kapita-pitagang Kasamahan na binalitaan din ng pagpasok sa Paraiso. Pakaaalamin natin siya sa mga darating na pahina.
Mga Aral at mga Katuturan:
Hindi dapat nawawalan ng pag-asa ang tao sa kapatnubayan ng isa man; bagkus mag-aanyaya siya sa mga tao sa kalahatan nila at magpapayo siya sa kanila sapagkat itong si `Umar, sa kabila ng tindi ng bagsik niya, ay umanib sa Islām.
Ang kahalagahan ng pakikinig sa Qur’ān at na ito ay isang dahilan para sa kapatnubayan at kaayusan. Marami sa mga tagatangging-sumampalataya ang sumampalataya matapos ng pagkarinig nila ng mga talata mula rito.
Ang pagdalangin, ang nauukol dito ay dakila. Ang Panginoon natin ay Mapagbigay sapagkat dumalangin nga ang Propeta (basbasan Niya ito at pangalagaan) kay Allāh para kay `Umar ng pag-anib sa Islām saka umanib naman siya sa Islām sa kabila na siya ay matindi sa kabagsikan, matigas, na nasisindak sa kanya ang mga tao.
Ang pagtitiis at ang katatagan sa sandali ng pagdanas ng perhuwisyo sa landas ni Allāh, gaya ng nangyari kina Fāṭimah na kapatid ni `Umar at asawa nitong si Sa`īd (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) at sa iba pa sa kanila kabilang sa mga Muslim. Kaya naman gantihan sila ni Allāh, dahilan sa pagtitiis nila, ng pag-aadya sa Mundo at ng Paraiso sa Kabilang-buhay.
Kailangan sa mananampalataya na magsubaybay sa mga kamag-anak niya, mga kapitbahay niya, at mga nasa paligid niya, at gumawa ng maganda sa kanila. Pakakainin niya ang nangangailangan, aalalayan niya ang mahina, at paglingkuran niya ang nakatatanda dahil ang mananampalataya para sa mananampalataya ay gaya ng gusali, na nagpapalakas ang isa sa isa.
Itong si Umar ay hindi nakaaabala sa kanya ang pagkakhalīfah at ang pamumuno buhat sa pagsubaybay sa mga tao.
Si `Uthmān Bin `Affān, ang May Dalawang Liwanag, (Malugod si Allāh sa Kanya)
Nasadlak ang pagkapili ng mga Kasamahan para sa pagkakhalīfah matapos ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) – gaya ng nabanggit natin – sa isang kapita-pitagang Kasamahan na binalitaan din ng pagpasok sa Paraiso. Siya ay si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya), ang binansagan na Dhun-Nūrayn (May Dalawang Liwanag). Si `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) ay naging ikatlo sa mga Khalīfah na Matitino matapos nina Abū Bakr at `Umar (malugod si Allāh sa kanila). Hali kayo, pakaalamin natin ang talambuhay niya at kung bakit siya binansagan na Dhun-Nūrayn?
Ang Paglaki Niya
Ipinanganak si `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) sa Makkah anim na taon matapos ng Taon ng Elepante, na nangangahulugang siya ay higit na nakababata kaysa sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng anim na taon. Siya noon ay isang mangangalakal. Nagbiyaya sa kanya si Allāh ng masaganang yaman. Siya naman ay naging isang galanteng mapagbigay na mapagkakatiwalaan. Kaya labis siyang inibig ng mga tao. Siya noon ay kabilang sa mga mapag-unawa ng liping quraysh at mga marunong nila. Hindi siya uminom ng alak at hindi siya sumamba sa anito sa buhay niya kailanman. Hindi siya nakibahagi sa kalalakihan ng Quraysh sa alinman doon dahil siya ay nagtataglay ng isang isip na nakapagtatangi siya rito ng karima-rimarin mula sa kaaya-aya.
Siya ay naging isang kaibigan ni Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Pansinin ninyo na siya ay nakawawangis nito sa ilang bagay. Naaalaala ba ninyo kung ano ang mga ito? Oo, O mga minamahal ko. Kapwa sila naging mangangalakal at kapwa sila hindi uminom ng alak o sumamba sa isang anito. Naaalaala ba ninyo na umanib sa Islām sa mga kamay ni Abū Bakr (malugod si Allāh dito) ang marami sa mga Kasamahan? Talaga ngang kabilang sa kanila si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya). Kaya halina kayo, makikinig tayo sa kuwento ng pag-anib niya sa Islām.
Ang Pag-anib ni `Uthmān sa Islām
Sa isa sa mga araw, nakipagtagpo si `Uthmān kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Nagsabi rito si `Uthmān: "Talaga ngang nakarinig ako na mayroong isang lalaking lumitaw sa Makkah at nagsasabi na siya ay isang propetang isinugo mula kay Allāh, na nag-aanyaya tungo sa pagsamba kay Allāh lamang at pag-iwan sa pagsamba sa mga anito." Nagsabi naman sa kanya si Abū Bakr (malugod si Allāh dito): "Nagsabi ka ng totoo sapagkat talaga ngang nagsugo si Allāh ng Sugo Niya na hinihintay at sumampalataya nga ako sa kanya." Nagsabi si `Uthmān: "At sino siya?" Nagsabi si Abū Bakr: "Tunay na siya ay si Muḥammad bin `Abdullāh at ikaw, O `Uthmān, ay isang lalaking nakapag-uunawang desidido, na hindi nakukubli sa iyo ang katotohanan mula sa kabulaanan. Kaya ikinasisiya mo ba ang isinasagawa ng mga kababayan mo na pagsamba sa mga anitong hindi nakapipinsala at hindi nagpapakinabang at ginagawa nila na mga gawain na hindi kinalulugdan ng nakapag-uunawa at hindi tinatanggap ng mapag-isip gaya ng pag-inom ng alak, paglalaro ng sugal, at pagkamkam ng mga karapatan ng mga mahina?" Kaya nagsabi si `Uthmān: "Oo; tunay na ang mga kababayan ay nasa isang malaking pagkaligaw." Nagsabi si Abū Bakr: "Hali ka kasama sa akin, O `Uthmān, papunta sa Sugo ni Allāh upang makapakinig ka mula sa kanya, makaalam ka ng katotohanan, at makasama ka sa karaban ng mga mananampalataya."
Pumunta ang dalawa kay Propeta Muḥammad (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), kaya nagharap ito ng mukha nito kay `Uthmān at nag-anyaya sa kanya sa Islām at sa pag-iwan sa anumang sinasamba ng mga tagapagtambal na mga anito. Nakinig si `Uthmān sa mga marangal na talata mula sa Qur’ān. Nagsasabi si `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya): "Kaya sumpa man kay Allāh, hindi ako nakapagpigil ng sarili ko nang makarinig ako ng sinabi niya, umanib ako sa Islām, at bumigkas ako ng Dalawang Pagsaksi: Sumasaksi ako na walang diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh."
Ang Pagbata Niya sa Perhuwisyo ng Quraysh
Naniniwala ba kayo, mga minamahal ko, na ang mga tagatangging-sumampalataya ng Quraysh ay umiwan kay `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) at sa pumapatungkol sa kanya matapos ng pag-anib niya sa Islām? Hindi; hindi sila umiwan sa kanya; bagkus ang Quraysh ay namemerhuwisyo at nagpapahirap sa bawat sumasampalataya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kaya pinerhuwisyo si Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) kung paanong pinerhuwisyo ang iba pa sa kanya kabilang sa mga Kasamahan, subalit kumapit siya sa Relihiyon niya, nagpakatatag siya, at nagtiis siya.
Ipinakasal sa kanya ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ang anak nitong si Ruqayyah (malugod si Allāh dito), kaya nadagdagan ang pagkamuhi sa kanya ng Quraysh matapos ng pagpapakasal niya sa anak Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan).
Ang Paglikas sa Etyopya
Noong nadagdagan ang perhuwisyo ng Quraysh sa mga Muslim sa Makkah Mukarramah, habang hindi sila nakakaya sa pagtaboy sa perhuwisyo sa mga sarili nila dahil sa kakauntian ng bilang nila at kahinaan ng kalagayan nila at naniniil ang Quraysh sa mga bagong Muslim na mahihina at nakidigma sila kay `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) sa Relihiyon niya at pangangalakal niya, nagpahintulot ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa ilan sa mga Muslim ng paglikas, na kabilang sa kanila si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) at ang maybahay niyang si Ruqayyah na anak ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan).
Lumikas ang mga mananampalataya sa isang bayang tinatawag na Etyopya. Naroroon iyon sa kanluran ng Pulang Dagat. Pinili nila iyon dahil doon ay may isang haring makatarungan na walang nilalabag sa katarungan na isa man. Lumikas sila nang sa gayon makasamba sila kay Allāh nang may katiwasayan at kapanatagan. Kaya naman namuhay sila sa lupain ng hari nito habang mga tiwasay at mga panatag.
Tingnan ninyo, O mga minamahal ko, kung papaanong ang pinakamalaking hangarin nila ay naging ang pagsamba kay Allāh at ang kaluguran Niya. Kaya nilisan nila ang mga bayan nila, ang mga lupain nila, at ang mga pamilya nila upang makasamba sila kay Allāh nang may ginhawa at kapanatagan. Nanatili si `Uthmān sa Etyopya sa loob ng isang yugto ng panahon, pagkatapos bumalik siya sa Makkah.
Ang Paglikas Patungong Madīnah Munawwarah
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naglalahad ng sarili niya sa mga lipi na pumupunta sa Makkah, na humihiling mula sa kanila ng pag-aadya sa kanya sa pag-aanyaya niya. Ang mga lipi ay nagdadahi-dahilan sa pag-iwas sa pag-aadya sa kanya dala ng pagpili sa kaligtasan at pangamba sa pakikipag-away sa Quraysh, hanggang sa nakatagpo siya sa isa sa mga araw ng isang pangkat mula sa mga mamamayan ng Madīnah Munawwarah. Inialok niya sa kanila ang Islām saka sumampalataya naman sila. Nagsugo siya kasama nila kay Muṣ`ab bin `Umayr (malugod si Allāh dito) upang magturo sa kanila ng Relihiyon. Nangako sila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-adya. Nang lumaganap ang Islām sa Madīnah, minabuti ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na humingi ng pahintulot sa Panginoon niya sa paglikas papunta roon nang sa gayon makaligtas ang mga Muslim mula sa perhuwisyo ng Quraysh at makasamba sila kay Allāh nang may kapanatagan at katiwasayan. Nagpahintulot naman si Allāh sa kanila sa paglikas kaya nagsimula ang mga Muslim sa paglikas. Lumikas si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) kasama nila. Siya ay naging tagapagtaglay ng dalawang paglikas sa landas ni Allāh, na ang isa sa dalawang ito ay papunta sa Etyopya at ang isa pa ay papunta sa Madīnah.
Ang May Dalawang Liwanag
Naisaulo ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) ang Marangal na Qur’ān nang kumpleto. Siya ay naging madalas sa pagbigkas, pagdarasal, at pagsamba. Nasaksihan niya ang mga paglusob sa kabuuan ng mga ito kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) maliban sa Badr na siyang kauna-unahang labanan para sa mga Muslim laban sa mga tagatangging-sumampalataya. Bakit hindi nakasaksi nito si `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) sa kabila na siya ay nakahanda para rito? Ang naging dahilan ng pagkaliban niya ay na ang maybahay niyang si Ruqayyah (malugod si Allāh dito) ay nagkasakit saka nag-utos sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na manatili kasama ng maybahay para mag-alaga nito. Namatay ang maybahay niya bago ng pagbabalik ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) mula sa labanan.
Nalungkot nang labis si `Uthmān matapos ng pagpanaw nito. Siya ay kay inam na asawa kaya ipinakasal sa kanya ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at Pangalagaan) sa kapatid na si Ummu Kulthūm (malugod si Allāh doon). Dahil dito siya ay tinagurian bilang ...? Naaalaala ba ninyo ang taguri niya na binanggit natin sa simula ng kuwento natin? Oo; ito ay Dhun-Nūrayn (May Dalawang Liwanag) dahil siya ay nakapangasawa sa dalawa sa mga babaing anak ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan).
Paghahanda ng Hukbo ng Kagipitan
Gumugol si `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) ng yaman niya sa landas ni Allāh at hindi siya nagmaramot nito isang araw man. Bahagi ng pinakadakila sa ginawa niya (malugod si Allāh sa kanya) ang nangyari sa sandali ng paghahanda ng mga Muslim para sa Paglusob sa Tabūk, na tinawag ngang Hukbo ng Kagipitan. Ang kagipitan, O mga minamahal ko, ay ang kahirapan. Iyon ay dahil ang labanang ito ay naganap sa isang matinding init habang ang mga Muslim ay dumaranas ng kakulangan ng salapi, kalayuan ng distansiya patungo sa Tabūk, at panganib ng kaaway.
Umakyat ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mimbar ilang sandali bago ng paglusob at nagsimula siyang humimok sa mga Muslim sa pagbibigay. Ano naman ang ginawa ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya)? Makinig tayo sa kuwentong ito na isasalaysay sa atin ng isa sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanya):
Nagsasabi si `Abdurraḥmān bin Khabbāb (malugod si Allāh sa kanya): Ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nag-aanyaya sa mga Kasamahan para sa paghahanda ng Hukbo ng Kagipitan saka tumayo naman si `Uthmān at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, sagot ko po ang isandaang kamelyo kalakip ng mga sapin ng mga ito at mga siya ng mga ito alang-alang sa landas ni Allāh." (Tinutukoy niya ang telang inilalagay sa ibabaw ng likod ng kamelyo upang sakyan ito.) Pagkatapos humimok ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa paghahanda sa hukbo kaya tumayo na naman si `Uthmān sa ikalawang pagkakataon at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, sagot ko po ang dalawang daang kamelyo kalakip ng mga sapin ng mga ito at mga siya ng mga ito alang-alang sa landas ni Allāh." Pagkatapos humimok ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa paghahanda sa hukbo kaya tumayo na naman si `Uthmān sa ikatlong pagkakataon at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, sagot ko po ang tatlong daang kamelyo kalakip ng mga sapin ng mga ito at mga siya ng mga ito alang-alang sa landas ni Allāh." Kaya bumaba ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) mula sa mimbar habang siya ay nagsasabi: "Hindi makapipinsala kay `Uthmān ang anumang gagawin niya matapos ng araw na ito! Hindi makapipinsala kay `Uthmān ang anumang gagawin niya matapos ng araw na ito!"
Ang Pagpapatuloy ni `Uthmān sa Pagkakaloob at Pagbibigay
Kabilang sa mga pagkakahayag ng kagalantehan ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya), pagkamapagbigay niya, at paggugol niya sa landas ni Allāh ang kuwento sa kanya hinggil sa isang balon na tinatawag na Rūmah. Kaya ano naman ang kuwento ng balong ito? Nang lumikas ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah, ang tubig-tabang ay kaunti at walang naiinom mula sa balon ng Rūmah kundi kapalit ng isang bayad, kaya nanawagan ito sa mga Kasamahan niya at humimok sa kanila sa pagbili nito sa pamamagitan ng sabi niya: "Sino ang bibili ng balon ng Rūmah saka maglalagay rito ng timba nito kasama ng mga timba ng mga Muslim kapalit ng higit na mainam para sa kanya kaysa rito sa Paraiso?" Kaya binili ito ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) at ipinagkaloob ito sa mga Muslim.
Ang paggugol niya ay hindi lamang sa panahon ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan); bagkus nagpakagalante siya ng yaman niya pati sa panahon nina Abū Bakr at `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Makinig kayo, gayundin, sa kahanga-hangang marikit na kuwentong ito na nangyari sa kanya (malugod si Allāh sa kanya) sa pagkakhalīfah ni `Umar Al-Fārūq (ang pagkalugod ni Allāh ay maukol dito). Dumanas ang mga tao ng isang taon na tuyot, na hindi umulan, kaya natuyo ang mga pananim at nagutom ang mga tao kaya naman pumasok sila isang umaga kay `Umar (malugod si Allāh dito). Nagsabi sila: "O Khalīfah ng Sugo ni Allāh, tunay na ang langit ay hindi nagpaulan at tunay na ang lupa ay hindi nagpatubo. Halos kami ay nasasawi. Kaya ano po ang gagawin namin?" Tumingin naman sa kanila si `Umar nang may mukhang nasasaktan at nagsabi: "Magtiis kayo at maghangad kayo ng gantimpala sapagkat tunay na ako ay umaasa na hindi darating ang gabi malibang nagtustos na sa atin si Allāh."
Kaya noong naging huling bahagi na ng maghapon, dumating ang mga balita na may isang karaban ni `Uthmān bin `Affān na dumating mula sa Shām at na ito ay darating sa Madīnah pagsapit ng umaga. Kaya hindi naglaon nang nakatapos ako ng dasal sa madaling-araw nang nagdali-dali ang mga tao upang sumalubong sa karaban nang pangkat-pangkat at humayo ang mga mangangalakal upang makipagtagpo sa mga ito. Ang mga ito pala ay isang libong kamelyong may pinapasan sa mga ito na trigo, langis, at pasas. Tumigil ang karaban sa pintuan ni `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) at nagsimula ang mga tauhan na magbaba buhat sa mga ito ng mga pasan ng mga ito. Kaya pumasok ang mga mangangalakal kay `Uthmān saka nagsabi: "Ipagbili mo sa amin ang dumating sa iyo, O Abū `Amr." Nagsabi naman siya: "Nang may pagkaibig at pagkamapagbigay subalit magkano ang ipatutubo ninyo sa akin sa pagbili sa akin?" Kaya nagsabi sila: "Magbibigay kami sa iyo ng dalawang dirham kapalit ng bawat dirham." Nagsabi naman siya: "Binigyan ako ng higit pa riyan." Kaya nagdagdag sila para sa kanya: ang isang dirham kapalit ng tatlong dirham, pagkatapos kapalit ng apat. Kaya nagsabi siya: "Binigyan ako ng higit pa sa idinagdag ninyo!" Kaya nagdagdag sila para sa kanya: ang isang dirham kapalit ng limang dirham. Kaya nagsabi siya: "Binigyan ako ng higit pa riyan." Nagsabi sila:"O Abū `Amr, walang mga mangangalakal sa Madīnah na iba pa sa amin at walang nakauna sa amin sa iyo na isa man kaya sino ang nagbigay sa iyo ng higit pa sa inialok namin sa iyo?"
Kaya nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay nagbigay sa akin ng sampu kapalit ng bawat isang dirham. Kaya mayroon kaya sa inyong karagdagan?" Nagsabi sila: "Wala." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapasaksi kay Allāh (napakataas Siya) na ako ay gumawa sa pinasan ng mga karabang ito bilang isang kawanggawa para sa mga maralita ng mga Muslim. Hindi ako naghahangad mula sa isa man ng isang dirham ni isang dinar; bagkus naghahangad lamang ako ng gantimpala ni Allāh at kaluguran Niya."
Ang Pagkamahiyain ni `Uthmān
Namukod si `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) sa maraming katangian, na kabilang sa pinakatampok sa mga ito ay ang pagkamahiyain. Nagsasabi si `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya): Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang nakahiga sa bahay niya habang nakalantad ang mga binti niya. Saka humingi ng pahintulot si Abū Bakr, kaya nagpahintulot naman siya rito. Pumasok ito habang siya ay nasa gayong kalagayan saka nagsalita ito. Pagkatapos humingi ng pahintulot si `Umar, kaya nagpahintulot naman siya rito habang siya ay gayon saka nagsalita ito. Pagkatapos humingi ng pahintulot si `Uthmān, kaya umupo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nag-ayos ng mga kasuutan niya. Nagsabi si `Ā’ishah: Kaya nagtanong ako sa kanya: "O Sugo ni Allāh, pumasok si Abū Bakr ngunit hindi ka natinag para sa kanya at hindi ka nag-alintana sa kanya. Pagkatapos pumasok si `Umar ngunit hindi ka natinag para sa kanya at hindi ka nag-alintana sa kanya. Pagkatapos pumasok si `Uthmān kaya umupo ka at nag-ayos ka ng mga kasuutan mo." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako mahihiya sa isang lalaking nahihiya sa kanya ang mga anghel?" (Nagsalaysay nito si Imām Muslim.)
Ang Pagsulat ng Muṣḥaf
Lumawak ang sakop ng Estadong Islāmiko sa panahon ng pagkakhalīfah ni `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya). Pumasok sa Islām ang marami sa mga banyaga (hindi mga Arabe) at dumami ang pagkakamali sa wikang Arabe. Kaya nakita ni `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) dahil sa katalasan ng pag-iisip niya – matapos na nailahad niya ang usapin sa mga prominente sa mga Kasamahan – na magkaroon ang mga Muslim ng mga muṣḥaf na sasangguni sila sa mga ito, na magwawasto sa pagbigkas ng mga talata ng Qur’ān at magsasanggalang sa mga tao laban sa pagkakamali at pagkakaiba-iba.
Ipinagkatiwala ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) ang pagkopya ng mga muṣḥaf sa apat mula sa pinakapili sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh at pinakamalalaki sa mga katiwa-tiwala. Sila ay sina Zayd bin Thābit, `Abdullāh bin Az-Zubayr, Sa`īd bin Al-`Āṣṣ, at `Abdurraḥmān bin Al-Ḥārith bin Hishām (malugod si Allāh sa kanila). Si Zayd ay nasa pangunguna sa mga pinili ni `Uthmān para sa pagkopya ng Qur’ān dahil siya ay ang naglipat ng Qur’ān mula sa mga kalatas sa panahon ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, siya ay kabilang sa mga tagasulat ng pagsisiwalat para sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), at ang pinakamagaling sa kanila sa kahusayan.
Nangasiwa si `Uthmān mismo (malugod si Allāh sa kanya) sa pagkopya ng mga muṣḥaf. Naging kasama niya ang mga prominente sa mga Kasamahan kabilang sa Muhājirūn (mga tagalikas) at Anṣār (mga tagaadya). Kumopya ang mga Kasamahan ng anim na muṣḥaf, na ipinadala mula sa mga ito ang lima doon sa malalaki sa mga lungsod na Islāmiko sa panahong iyon. Ang mga lungsod na ito ay ang Kūfah, ang Baṣrah, ang Shām, ang Makkah, at ang Madīnah. Samantala, ang ikaanim na muṣḥaf naman ay pinanatili ni `Uthmān para sa sarili niya. Ito ay ang Al-Madanīy, na tinatawag na Muṣḥaf Al-Imām. Hindi natitigil hanggang sa ngayon ang mga muṣḥaf na nasa atin, na nakikilala sa pangalan niya sapagkat tinatawag itong Muṣḥaf `Uthmānīy bilang isang pag-uugnay kay `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya).
Ang Pagpanaw ni `Uthmān
Ginugol ni `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) ang buhay niya sa pagsamba, pakikibaka, at paglilingkod sa Islām at mga Muslim. Pinatay siya bilang isang martir, gaya ng Kasamahan niyang si `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), sa kamay ng isang salaring napupuot habang siya ay nag-aayuno samantalang ang muṣḥaf ay nasa pagitan ng mga kamay niya habang binibigkas ang Qur’ān (malugod si Allāh sa kanya at magpalugod siya sa Kanya). Sino naman ang bumalikat sa pagkakhalīfah matapos niya? Sino ang ikaapat sa mga Khalīfah na Matitino at ang ikaapat sa mga Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso? Pakakikilalahin natin siya sa susunod nating kuwento.
Mga Aral at mga Katuturan:
Ang pinakamarangal sa mga tao ay ang Sambahayan ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kailangan sa atin ang umibig sa kanila. Pinarangalan nga si `Uthmān ng bansag na Dhun- Nūrayn (May Dalawang Liwanag) dahil siya ay nakapangasawa sa dalawang anak mula sa Sambahayan ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): sina Ruqayyah at Ummu Kulthūm.
Tunay na ang mananampalataya, kapag pinayaman siya ni Allāh ng maraming yaman, tunay na ang pinakamabuti sa gagawin niya sa yamang ito ay ang gugulin ito sa pag-aadya sa Islām at mga Muslim. Pagpapalain siya ni Allāh at tutumbasan siya ng higit na mabuti kaysa sa yamang ito, gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan ito ni Allāh): "Hindi makapipinsala kay `Uthmān ang anumang gagawin niya matapos ng araw na ito!"
Ang pagkamahiyain ay kabilang sa mga kapuri-puring kaasalan, gaya ng sinabi niya (sumakanya ang basbas at pangangalaga): "Ang pagkamahiyain ay walang inihahatid kundi kabutihan."
Pakadamahin ninyo, O mga minamahal ko, sa sandali ng pagbigkas ng muṣḥaf na ito na nasa pagitan ng mga kamay natin kung papaanong nagkaloob ang mga Kasamahan sa pagtipon nito ayon sa isang utos mula kay `Uthmān, matapos na ito ay nakasulat sa mga raq`ah (mga pahina) na magkakahiwa-hiwalay na naibaha-bahagi sa mga tagasulat ng pagsisiwalat kabilang sa mga Kasamahan, pagkatapos isinulat nila ito sa nag-iisang muṣḥaf na hindi natitigil na tinatawag na Muṣḥaf `Uthmāniy o Muṣḥaf ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) upang makarating sa atin kung paanong nagpababa nito ang pagsisiwalat sa Marangal na Sugo natin (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang walang pagpapaiba o pagkakaiba-iba.
`Alīy Bin Abī Ṭālib (Malugod si Allāh sa Kanya)
Naging khalīfah si `Alīy para sa mga Muslim matapos ni `Uthmān (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) at naging ang Ikaapat sa mga Khalīfah na Matitino matapos nina Abū Bakr, `Umar, at `Uthmān (malugod si Allāh sa kanila nang lahatan). Hali kayo, pakakilalanin natin nang sama-sama ang matapang na Kasamahang ito. Magbabasa tayo ng kaunti mula sa dakilang talambuhay niya.
Ang Paglaki Niya
Siya ay anak ng tiyuhin sa ama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Ang ama niya ay si Abū Ṭālib na tiyuhin sa ama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Lumaki siya sa Makkah sa bahay ng ama niya. Ang ama niyang si Abū Ṭālib noon ay marami ang mga anak, kaunti ang yaman. Nagnais ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na makipagtulungan doon at pagaanin ang pasanin niyon. Kaya kinuha nito si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) mula roon at inaruga nito siya sa piling nito. Lumaki si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) sa mga kamay ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at sa bahay nito. Anong karangalan nito! Sumampalataya siya sa Propeta nang isinugo ito noong ang edad niya ay sampung taon. Siya ay ang kauna-unahan sa pumasok sa Islām mula sa mga bata. Umalalay si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at dumikit dito habang natututo mula rito, naglilingkod dito, at nagtatanggol dito laban sa mga kaaway nito.
Ang Pagpapamagdamag (Paghiga) Niya sa Higaan ng Propeta sa Gabi ng Paglikas
May isang napatanyag na kuwento si `Alīy bin Abī Ṭālib. Ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga kuwento ng katapangan sa kasaysayan. Sa isa sa mga araw, nagkatipon ang mga tagatangging-sumampalataya ng Quraysh sa Dār An-Nadwah, na isang bahay na pinagtitipunan nila upang makipagtalakayan sila ng mga usapin nila. Nagnanais sila ng isang solusyong magbibigay-wakas sa Islām na lumaganap nang may lakas at bilis. Napagpasyahan nila ang pagpatay kay Propeta Muḥammad (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) bago lumaki ang impluwensiya nito.
Bumaba ang pagsisiwalat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nag-uutos sa kanya na lumikas siya sa sumunod na araw. Humiling siya kay Abū Bakr (malugod si Allāh dito) na samahan siya sa paglikas. Nagkasang-ayon silang dalawa sa paglisan sa oras ng madaling-araw, habang ang mga tao ay natutulog, nang sa gayon walang makakita sa kanilang dalawa na isa man. Inasahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Quraysh ay nagmamatyag sa kanya kaya humiling siya kay `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh dito) na matulog sa higaan niya sa gabing iyon, nang sa gayon hindi magkamalay ang mga tagapagtambal sa paglisan niya. Sumang-ayon naman si `Alīy (malugod si Allāh dito) doon nang walang pag-aalinlangan sa kabila ng panganib ng bagay na ito. Kaya naman dahil dito siya ay naging kauna-unahang tagapagsakripisyo na nakilala ng Kalipunang Islāmiko.
Lumabas ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa tahanan niya sa gabi, nang hindi nakakikita sa kanya ang mga tagapagtambal sapagkat binulag nga sila ni Allāh sa pagkakita sa kanya habang sila ay tumitingin mula sa mga siwang ng pinto kaya nagpapalagay sila na siya ay nanatiling natutulog sa higaan niya. Nang nag-umaga, nabigla sila na ang natutulog sa higaan ay si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh dito) kaya nagtanong sila rito nang pagalit: "Nasaan si Muḥammad?" Nagsabi naman si `Alīy (malugod si Allāh dito)habang nanunuya sa kanila: "At ano ang magpapaalam sa akin kung nasaan siya?"
Lumabas ang mga tagatangging-sumampalataya habang sila ay nagigimbal sa pangyayari. Sila ay nagtataka kung papaano nakalabas si Muḥammad mula sa gitna nila habang sila ay nag-aabang sa kanya sa tabi ng pinto. Nagtataka ba kayo sa pag-iingat ni Allāh sa Propeta Niya (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) o sa katapangan ni `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) sa pag-aadya sa Relihiyon niya sa kabila ng murang gulang niya?
Ang Pakikibaka Niya
Nakasaksi siya sa mga paglusob sa kabuuan ng mga ito. Siya ay nakikipagtagisan sa malalaki sa mga tagapagtambal at nagwawagi laban sa kanila sa pakikipagtagisan niya sa kanila. Nakapatay nga siya ng isang bilang mula sa kanila. Nagtanggol siya sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa mga labanan hanggang sa tinamaan ang mukha niya ng labing-anim na tama, subalit siya ay hindi nag-aalintana niyon. Siya ay naging masigasig sa kaligtasan ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) nang higit kaysa sa sarili niya.
Ang Pagpapakasal Niya kay Fāṭimah na Anak ng Propeta
Inibig siya ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), inilapit siya nito, at ipinakasal siya sa anak nitong si Fāṭimah Az-Zahrā’, ang pinakabata sa mga babaing anak nito, na nagsilang para sa kanya kina Al-Ḥasan at Al-Ḥusayn. Inibig silang dalawa ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) nang labis. Nagbalita ito sa atin na silang dalawa ay ang mga pinuno ng mga kabataan ng mga maninirahan sa Paraiso dahil sa pananampalataya nilang dalawa, kagandahan ng kaasalan nilang dalawa, at pagpapalaki sa kanilang dalawa sa tahanan ng pagkapropeta sa kalinga ng lolo nilang si Propeta Muḥammad (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Nang pinapanaw ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), nalungkot si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) nang isang matinding kalungkutan para rito at nagsagawa siya ng pagpapaligo rito at paglilibing dito.
Ang Katalinuhan Niya, ang Kawalang-kamunduhan Niya, at ang Panunungkulan Niya sa Pagkahukom
Pinili siya ni `Umar (malugod si Allāh dito) sa pagkakhalīfah nito para sa paghuhukom sa pagitan ng mga tao. Nakaaalam ba kayo kung bakit pumili ito sa kanya? Dahil sa tindi ng katalinuhan niya, kalubusan ng katarungan niya, at pagkaunawa niya sa Relihiyon. Si `Uthmān noon (malugod si Allāh dito) ay madalas sumasangguni sa kanya at tumatanggap ng pananaw niya dahil sa karunungan niya at pagkamatimbang ng pag-iisip niya. Bahagi ng kawalang-kamunduhan niya na siya ay hindi nag-iimbak ng pagkain sa bahay niya; bagkus nagkakawanggawa siya ng bawat lumalabis sa pangangailangan niya, habang naghahangad ng pabuya mula kay Allāh. Minsan ay nagutom siya at ang mag-anak niya at hindi nagkaroon sa kanya ng anuman. Kaya naman binitbit niya ang tabak niya sa palengke at sinabi nang may pagmamapuri: "Sino ang bibili ng tabak na ito? Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagtanggol ako sa pamamagitan nito ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagnais siyang magbenta nito upang makabili ng pagkain para sa mag-anak niya.
Ang Pagpanaw ni `Alīy
Pinatay siya bilang isang martir gaya ng dalawang Kasamahan niyang sina `Umar bin Al-Khaṭṭāb at `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Pinatay siya ng isang salarin habang siya ay lumalabas patungo sa masjid para sa ṣalāh sa madaling-araw. Habang siya ay nakikipagbuno sa kamatayan, nag-uutos siya sa mga nasa paligid niya na pumunta sila para sa ṣalāh sa madaling-araw nang sa gayon hindi sila makaligta nito. Nawalan ang Kalipunang Islām dahil sa pagkamatay niya bilang isang bayani kabilang sa mga bayani nitong matatapang. Maawa sa kanya si Allāh, malugod sa kanya, at palugurin niya.
Mga Aral at mga Katuturan:
Ang matapang ay ang sinumang nag-aalay para sa Relihiyon ni Allāh, nagtatanggol sa mga Muslim, at nagsasakripisyo para sa kanila gaya ng ginawa ni `Alīy (malugod si Allāh sa kanya). Nagsabi nga ang Propeta (sumasakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang mananampalatayang malakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mananampalatayang mahina." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim.)
Makipagmabilisan kayo, O mga minamahal ko, sa mga pagtalima, mga pagsamba, at pagsunod sa batas ni Allāh sapagkat itong si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) ay yumakap sa Islām noong siya ay sampung taong gulang at hindi siya nagmamaliit sa lagay ng sarili niya o nagtuturing na siya ay bata pa.
Ang paggawa ng maganda ng Propeta natin (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa tiyuhin niya at ang pagkamatapat niya rito ay dahil ito ay nag-aruga sa kanya matapos ng lolo niya at nagsanggalang sa kanya laban sa mga kaaway. Kaya nakipagtulungan siya rito sa mga anak nito yayamang ito ay maralita at ang mga anak nito ay marami. Nag-aruga siya kay `Alīy (malugod si Allāh dito) upang magpagaan pasanin niyon.
Ṭalḥah bin `Ubaydullāh (Malugod si Allāh sa Kanya)
Naaalaala ninyo, O mga minamahal ko, ang pag-uusap natin tungkol kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh dito), na umanib sa Islām sa mga kamay nito ang marami sa mga Kasamahan. Maglalahad tayo sa mga pahinang ito ng talambuhay ng isa sa mga Kasamahan na Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso, na umanib sa Islām sa mga kamay ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh dito). Siya ay si Talḥah bin `Ubaydillāh.
Ang Paglaki Niya
Lumaki si Ṭalḥah sa Makkah Mukarramah. Siya noon ay isang kabalyerong kabilang sa pinakamatapang sa mga kabalyero ng Quraysh, kabilang sa mga maharlika nito, at kabilang sa pinakamabubuti sa mga mangangalakal, na naglalakbay patungo sa Shām upang magbenta at bumili. Siya noon ay isang mapagkakatiwalaan sa pangangalakal niya, na isang tagapagkaloob ng yaman niya sa sinumang nangangailangan, na isang galanteng mapagbigay na mabuting-asal.
Ang Pag-anib Niya sa Islām
Ang kuwento ng pag-anib niya sa Islām ay lubhang marikit. Hali kayo, pakaalamin natin ito: Namuhay si Ṭalḥah sa Makkah at lumaki roon. Sa isa sa mga araw, siya ay naglalakbay kalakip ng kalakal patungo sa lungsod ng Buṣrā sa Shām gaya ng nakagawian niya. Samantalang siya ay naglilibut-libot sa palengke habang ang mga tao ay nagkakatipon mula sa bawat lugar, na nagpapalitan ng mga paninda, na nagbebenta at bumibili, nakarinig si Ṭalḥah ng isang lalaking nananawagan at nagsasabi: "O katipunan ng mga mangangalakal, mayroon ba sa inyo na isang mula sa mga mamamayan ng Makkah?" Nagsabi si Ṭalḥah: "Ako ay malapit sa kanya kaya nakarinig ako sa kanya at nagsabi ako sa kanya: Oo; ako ay mula sa Makkah." Kaya nagsabi ito: "Lumitaw na ba sa inyo si Aḥmad?" Sino naman kaya si Aḥmad na tinutukoy ng lalaki, O mga minamahal ko? Makinig tayo kay Ṭalḥah (malugod si Allāh sa kanya) habang siya ay kumukumpleto ng kuwento nang sa gayon makakilala tayo kung ito?
Nagsasabi si Ṭalḥah: "Nagsabi ako: At sino si Aḥmad?" Kaya nagsabi ang lalaki: "Siya ang kahuli-hulihan sa mga propeta. Lalabas siya mula sa lupain ninyo mula sa Ḥaram." Nagsabi si Ṭalḥah: "Kaya namangha ako sa salita niya at nanabik ako sa pagkakilala sa lalaking ito na tinatawag na Aḥmad. Tinapos ko ang pangangalakal ko nang mabilis at bumalik ako sa Makkah. Nagtanong ako sa mag-anak ko: Ano ang nangyari matapos na lumisan kami sa Makkah?" Nagsabi sila: "Tunay na si Muḥammad bin `Abdullāh ay nag-aangkin na siya ay isang propeta. Sumunod nga sa kanya si Abū Bakr." Nagsasabi si Ṭalḥah: Nakakikilala nga ako kay Abū Bakr sapagkat siya ay isang lalaking naiibigan, na nakapag-uunawa, na may mabuting kaasalan. Ako ay nakaiibig sa pakikipag-upuan sa kanya. Kaya pumunta ako sa kanya at nagsabi: "Totoo ba ang sinasabi na si Muḥammad ay naghayag ng pagkapropeta at na ikaw ay sumunod sa kanya?" Nagsabi si Abū Bakr: "Oo." Nag-umpisa itong nagkukuwento sa akin ng pabatid nito at nag-aanyaya sa akin sa pagsunod doon at sa pagpasok sa Islām. Kaya pumunta ako kasama nito kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Umalok siya sa akin ng pag-anib sa Islām at bumigkas siya sa akin ng isang bahagi ng Qur’ān. Nagpahayag ako ng pag-anib ko sa Islām. Binigkas ko ang Dalawang Pagsaksi: "Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh." Kaya ako ay ang ikaapat sa umanib sa Islām sa mga kamay ni Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya)."
Subalit, ano ang naging paninindigan ng mag-anak niya at nalalabi sa Quraysh sa pag-anib niya sa Islām? Nanahimik ba sila sa kanya at umiwan sa kanya at pumapatungkol sa kanya? Hindi; bagkus nagtangka sila na kumumbinsi sa kanya sa pag-urong at pag-iwan sa Relihiyon ni Muḥammad (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) subalit siya ay matatag at matibay gaya ng dambuhalang bundok na hindi nayayanig. Tinanggihan niya iyon hanggang sa nawalan sila ng pag-asa sa kanya at umiwan sila sa kanya.
Ang Kagalantehan Niya at ang Pagkamapagbigay Niya
Kung sakaling nagsanaysay ako sa inyo, O mga minamahal ko, tungkol sa kagalantehan niya at pagkakaloob niya alang-alang sa landas ni Allāh, talagang namangha sana kayo sa tindi ng pagkamapagbigay niya at dami ng pagbibigay niya, hanggang sa tunay na ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagtaguri sa kanya ng isang bilang ng taguri dahil sa nakita nito mula sa kanya na pagkamapagbigay at pagbibigay. Kabilang sa mga taguring ito ang: "Ṭalḥah ng Kagalantehan, ang Ṭalḥah ng Pag-uumapaw, at ang Ṭalḥah ng Kabutihan." Nagkawanggawa nga siya isang araw ng isandaang libo at nagbenta siya ng isang lupain niya saka nagbaha-bahagi siya ng halaga nito sa mga nangangailangan sa mga lansangan ng Madīnah. Siya ay hindi nag-iiwan ng isa man kabilang sa mga kamag-anak niya na nangangailangan ng salapi malibang nagbigay siya rito at nagbigay siya sa mag-anak nito kasama nito nang sa gayon makapagbigay-kasapatan siya rito.
Ang Martir na Buhay
Magsasanaysay ako sa inyo tungkol sa katapangan niya at kabayanihan niya sa digmaan sapagkat tinawag siya bilang Martir na Buháy. Nalalaman ba ninyo kung bakit?
Subalit bilang pagsisimula, nalalaman ba ninyo kung sino ang Martir? Siya ay ang papatayin habang nakikibaka sa landas ni Allāh subalit bakit siya tinawag bilang Martir samantalang hindi pa siya napatay? Makinig tayo sa kuwentong ito na maglilinaw sa atin ng kadahilanan ng pagkakatawag na ito.
Sa Paglusob sa Uḥud, nagapi ang mga tagapagtambal at may naiwan kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na iilan sa mga Kasamahan. Kaya nagtipon ang mga tagapagtambal laban sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Nagnanais sila na patayin siya at halos sila ay makaabot sa kanya. Kaya nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Sino ang magtataboy sa mga ito palayo sa atin at siya ay magiging kapisan ko sa Paraiso?" Kaya nagsabi si Ṭalḥah: "Ako po, O Sugo ni Allāh." Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Hindi; manatili ka sa kinaroroonan mo." Kaya may nagsabing isang lalaki kabilang sa mga Tagaadya: "Ako po, O Sugo ni Allāh." Nagsabi ang Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Oo, ikaw." Kaya nakipaglaban ang Tagaadya sa mga tagapagtambal hanggang sa napatay ito. Kaya nagpakay ang mga tagapagtambal sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi naman ito sa isa pang pagkakataon: "Wala bang isang lalaki para sa mga ito?" Ibig sabihin: magtataboy sa kanila palayo sa akin. Nagsabi si Ṭalḥah sa isa pang pagkakataon: "Ako po, O Sugo ni Allāh." Ngunit pumigil sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at nagpahintulot sa iba, hanggang sa nagsamartir sila sa kalahatan at walang natirang malapit dito kundi si Ṭalḥah. Kaya noong sumugod ang mga tagapagtambal sa isa pang pagkakataon sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), nagsabi ito kay Ṭalḥah: "Ngayon, hali ka, O Ṭalḥah." Kaya nag-umpisa si Ṭalḥah na sumugod sa mga tagapagtambal hanggang sa nakapagpalayo siya sa kanila buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos bumabalik siya sa Propeta upang magsanggalang siya rito, pagkatapos sumusugod siya sa mga tagapagtambal sa isa pang pagkakataon. Nanatili siya sa kalagayang ito hanggang sa makaalam ang nalalabi sa mga Kasamahan sa kinaroroonan ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) nagtipon sila sa kanya.
Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh dito): "Ako at si Abū `Ubaydah sa oras na iyon ay malayo sa Sugo ni Allāh, na abala sa pakikipaglaban sa mga tagatangging-sumampalataya. Noong lumapit kami sa kanya, na nagnanais magsuporta sa kanya, nagsabi siya: Iwan ninyo ako at magtungo kayo sa Kasamahan ninyo." Tinutukoy niya si Ṭalḥah dahil ito ay tinamaan at nasugatan.
Kaya pumunta kami sa kanya saka siya pala ay dinadanakan ng mga dugo niya at mayroon sa kanya na mahigit pitumpung taga ng tabak o saksak ng sibat o tama ng palaso. Siya pala ay naputulan na ng kamay niya dahil siya ay humaharang sa bawat palaso na ipinatatama sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) doon, hanggang sa bumagsak siya nang walang-malay."
Kaya ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi matapos niyon: "Ang sinumang umibig na tumingin sa isang martir na naglalakad sa ibabaw ng lupa, tumingin siya kay Ṭalḥah."
Mga Aral at mga Katuturan:
Nagsigasig ang mga Kasamahan sa pagtatanggol sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kaya naman nagsasanggalang sila sa kanya sa pamamagitan ng mga katawan nila gaya ng ginawa ni Ṭalḥah (malugod si Allāh sa kanya) samantalang tayo naman ngayon ay nakakakaya na magtanggol sa Propeta at mag-adya sa kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa Sunnah niya, pagpapakatuto ng talambuhay niya, at pagpapalaganap ng patnubay niya.
Makipagmabilisan tayo, O mga minamahal ko, sa bawat bagay na may kabutihan at pagtalima kay Allāh sapagkat nagsigasig nga ang mga Kasamahan sa pagsunod sa katotohanan. Itong si Ṭalḥah ay bumalik mula sa Shām nang nagmamabilis patungo sa Makkah upang magtanong tungkol sa paglitaw ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at paglitaw ng katotohanan kasama nito.
Ang Ṭalḥah ng Kabutihan at ang Ṭalḥah ng Pag-uumapaw, anong ganda ng mga ito bilang mga taguring iginawad ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) kay Ṭalḥah dahil sa kagalantehan niya at pagkamapagbigay niya! Kaya ikaw ay maging mabuting tagaibig ng kabutihan at gumugol ka mula sa yaman mo sa mga nangangailangan at magpakamapagbigay ka sa mga kapatid mo at mga kaibigan mo.
Si Az-Zubayr bin Al-`Awwām (Malugod si Allāh sa Kanya)
Ang sanaysay natin ngayon, O mga minamahal ko, ay tungkol sa isang Kasamahang kabilang sa Sampung Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso, na kabilang sa mga umanib sa Islām sa kamay ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh dito), na may kaugnayan ng pagkakaanak ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Kaya sino naman kaya siya? Ano ang kaugnayan ng pagkakaanak niya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan)? Hali kayo, isaalaala nating lahat ang buhay ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa pagkabata niya. Namuhay nga siya bilang isang ulila, matapos pinapanaw ang ama niya habang siya ay nasa tiyan ng ina niya. Nag-aruga sa kanya ang lolo niya na si `Abdulmuṭṭalib. Ang lolong ito ay may babaing anak na nakilala bilang Ṣafīyah bint `Abdulmuṭṭalib, na nangangahulugang ito ay isang tiyahin sa ama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Iyan ay ang ina ng bayani sa kuwento natin, si Az-Zubayr bin Al-`Awwām (malugod si Allāh sa kanya), na nangangahulugang siya ay anak ng tiyahin sa ama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Pagkadangal-dangal nito bilang kaugnayan ng pagkakaanak! Aling pagkakaanak ang higit na dakila kaysa sa kaugnayan sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan)?
Hindi lamang iyan; bagkus mayroon itong iba pang kaugnayan ng pagkakaanak sa Propeta natin (sumakanya ang pinakamainam na basbas at pangangalaga). Kaya kung sakaling nagtanong ako sa inyo, O mga minamahal ko, kung ano ang pangalan ng unang maybahay na pinakasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nag-adya sa kanya, nagkumot sa kanya, at bumalot sa kanya nang bumaba sa kanya si Anghel Gabriel sa unang pagkakataon sa yungib ng Ḥirā’ at bumalik siya rito na kinakabahang nanginginig? Ito ay si Khadījah bint Khuwaylid (malugod si Allāh dito). Ito ay tiyahin sa ama ng bayani nating si Az-Zubayr bin Al-`Awwām (malugod si Allāh sa kanya), na nagtamo ng isang karangalan sa kaangkanan at pagkakaanak at isang karangalan sa pagkabalita ng pagpasok sa Paraiso.
Ang Pag-anib Niya Islām
Hali kayo, magpakaalam tayo nang higit hinggil sa kanya, hinggil sa kabayanihan niya, at kung bakit binalitaan siya ng pagpasok sa Paraiso. Umanib sa Islām si Az-Zubayr (malugod si Allāh sa kanya) noong siya ay isang nakababatang binata. Pinahirapan siya at pinerhuwisyo siya subalit siya ay nagtiis at nagpakatatag. Ang pinakamatindi sa nagpapahirap sa kanya ay ang tiyuhin niya. Nagsasabi ito sa kanya: "Tumanggi kang sumampalataya!" Nagsasabi naman si Az-Zubayr: "Hindi ako tatangging sumampalataya magpakailanman!" Umibig siya nang labis sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at umibig sa kanya rin ang Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at dumalangin para sa kanya.
Ang Kauna-unahan sa Sinumang Humugot ng Isang Tabak sa Landas ni Allāh
Siya noon ay natatakot para sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) nang higit kaysa para sa sarili niya at mag-anak niya mula sa perhuwisyo ng mga tagatangging-sumampalataya sa Makkah, na nagbabanta noon ng pagpatay sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Dahil sa kadahilanang ito, sinabing siya ang kauna-unahan sa sinumang humugot ng isang tabak sa landas ni Allāh. Bakit? Makinig tayo sa kuwentong ito:
Isang araw sa Makkah, nakarinig si Az-Zubayr ng isang taong nagsasabing ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay napatay. Kumalat ang bali-balitang ito sa gitna ng mga tao at pinadalamhati dahil dito ang Kasamahan hanggang sa lumabas si Az-Zubayr habang siya ay nakabitbit ng tabak niya na hinugot na niya. Ibig sabihin: Naglabas siya nito mula sa kaluban nito at naghanda siya para pumatay dahil sa tindi ng pagkabagabag niya dahil sa balitang ito. Kaya ano ang nangyari?
Totoo bang napatay ang Propeta? Hindi; nangyari ang pagkabigla kay Az-Zubayr dahil nakatagpo niya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nasa kalagayang iyon kaya nagsabi ito sa kanya: "Magpigil ka niyan, magpigil ka niyan." Ibig sabihin: Magpigil ka ng tabak mo at magsuksok ka niyan. Nagsabi siya: "Nakarinig ako na napatay ka." Nagsabi naman ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Kaya ano sana ang gagawin mo?" Nagsabi siya: "Ninais kong hanapin ang pumatay sa iyo saka patayin ko siya." Kaya dumalangin ang Propeta ng kabutihan para sa kanya at ng pananaig para sa tabak niya.
Ang Tagapagtaglay ng Dalawang Paglikas sa Islām
Nang tumindi ang perhuwisyo ng mga tagapagtambal sa Makkah, lumikas si Az-Zubayr sa Etyopya kasama ni `Uthmān bin `Affān at ang ilan pa sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila). Bumalik siya sa Makkah matapos ng isang yugto. Nag-asawa siya ng isang babaing nagngangalang Asmā’, na isang anak ng isang Kasamahan na nakilala bilang Aṣ-Ṣiddīq, na sumama sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa paglikas nito sa Madīnah at ang kauna-unahang khalīfah ng mga Muslim matapos ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Ito ay si Abū Bakr at si Asmā’ na maybahay ni Az-Zubayr ay anak ni Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Pagkatapos lumikas siya kasama nito sa Madīnah. Kaya siya ay naging tagapagtaglay ng dalawang paglikas tulad ni `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanilang lahat). Pinagkalooban silang mag-asawa roon ng isang lalaking anak, na pumili ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng pangalan niyon sapagkat nagpangalan ito roon ng `Abdullāh.
Ang Pakikibaka Niya
Si Az-Zubayr (malugod si Allāh sa kanya) ay isang magiting na kabalyero na nakasaksi kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa lahat ng mga paglusob. Sa Paglusob sa Uḥud, siya ay nakikipaglaban sa pamamagitan ng dalawang tabak at gumagabay sa kabayo niya sa pamamagitan ng paa niya. Sa Paglusob ng mga Lapian, nang nakita ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ang tapang niya, nagsabi ito: "Ang bawat Propeta ay may disipulo at tunay na ang disipulo ko ay si Az-Zubayr." Ang disipulo ay ang sinumang nag-aadya sa Propeta at nagpapatotoo sa kanya.
Sa panahon ni Khalīfah Al-Fārūq `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay ipinadala siya nito kalakip ng isang karagdagang hukbo, na siyang ayuda kay `Amr bin Al-`Āṣṣ sa pagsakop sa Ehipto. Noong nakarating siya, natagpuan niya si `Amr na kumukubkob ng kuta ng mga tagatangging-sumampalataya. Tumagal nga ang yugto ng pagkubkob para sa mga Muslim. Kaya lumibot si Az-Zubayr sa paligid ng kuta habang naghahanap ng punto ng kahinaan, saka nagbigay-babala sa kanya ang ilan sa mga tao: "Tunay na nariyan ang salot (na isang mapanganib na sakit)." Kaya nagsabi siya: "Dumating lamang kami dahil sa hamon at salot." Kaya pumaitaas si Az-Zubayr sa pader at sumambit ng takbīr, kaya nangamba ang mga nanunuluyan sa kuta at nagpalagay sila na ang mga Muslim ay pumaloob doon habang nag-iiwan ng mga puwesto nila. Bumaba si Az-Zubayr at nagbukas ng pinto ng kuta para sa mga Muslim saka pumasok sila rito.
Ang Paggugol Niya ng Yaman sa Landas ni Allāh
Si Az-Zubayr ay hindi lamang matapang. Siya rin naman ay isang mangangalakal na galanteng tagagugol sa landas ni Allāh, na naghahati-hati ng yaman niya sa mga maralita at nag-aambag nito sa pakikibaka sa mga kaaway.
Ang Pagpanaw ni Az-Zubayr
Pinapanaw siya (malugod si Allāh sa kanya) sa panahon ng pagkakhalīfah ni `Alīy bin Abī Ṭālib. Pinatay siya ng isang lalaki habang siya ay natutulog sa ilalim ng punong-kahoy, kaya nagsabi si `Alī (malugod si Allāh dito) nang nakaalam ito hinggil sa pagkapatay sa kanya: "Magbalita kayo sa pumatay kay Az-Zubayr ng pagpasok sa Impiyerno." Malugod si Allāh sa kanya at magpalugod siya sa Kanya at magtipon Siya sa atin sa kanya sa Paraiso Niya.
Mga Aral at mga Katuturan:
Ang tindi ng pag-ibig ni Az-Zubayr sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay sapagkat siya nga ay natatakot para sa rito; hanggang sa tunay na siya ay lumabas na nakabitbit ng tabak niya sa Makkah nang nakarinig siya na ang Propeta ay pinatay. Kaya siya ay naging ang kauna-unahan sa sinumang humugot ng isang tabak alang-alang sa landas ni Allāh bilang isang pagtatanggol sa Propeta niya.
Ang pag-aadya niya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nag-angat ng halaga niya sa Mundo kaya tinawag siyang disipulo ng Propeta at nag-angat ng halaga niya sa Kabilang-buhay kaya siya ay naging isang binalitaan ng pagpasok sa Paraiso. Humihiling tayo mismo kay Allāh na mag-angat siya sa katayuan natin sa Paraiso dahil sa pag-ibig natin sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at mga kasamahan nito (malugod si Allāh sa kanila).
Si `Abdurraḥmān Bin `Awf (Malugod si Allāh sa Kanya)
Ang kuwento natin ngayong araw ay tungkol sa ikaapat na kapita-pitagang Kasamahan na umanib sa Islām sa kamay ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh dito), na ang pangalan niya ay kabilang sa pinakakaibig-ibig sa mga pangalan kay Allāh yayamang nagsasabi ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan ninyo kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim.) Tunay na siya ay ang kapita-pitagang Kasamahang Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso na si `Abdurraḥmān bin `Awf (malugod si Allāh sa kanya).
Ang Paglaki Niya
Ipinanganak siya sampung taon matapos ng Taon ng Elepante. Ibig sabihin: Siya ay higit na nakababata kaysa sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng sampung taon. Ang pangalan niya bago siya umanib sa Islām ay `Abd `Amr, na sinabi ring `Abdulḥārith at sinabi ring `Abdulka`bah. Nang umanib siya sa Islām, pinangalanan siya ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na `Abdurraḥmān. Bakit? Dahil ang tao ay walang iba kundi isang alipin ni Allāh, kaya hindi siya sasamba sa isang tao, ni sa Ka`bah, ni sa isang anito.
Lumikas siya sa Etyopya, pagkatapos sa Madīnah, kaya siya ay tagapagtaglay ng dalawang paglikas sa landas ni Allāh tulad ng dalawang kapita-pitagang Kasamahan na naunang nabanggit natin. Sino silang dalawa, O mga minamahal ko? Tunay na silang dalawa ay sina `Uthmān bin `Affān at Az-Zubayr bin Al-`Awwām (malugod si Allāh sa kanilang lahat).
Ang Trabaho Niya sa Pangangalakal
Lumikas siya (malugod si Allāh sa kanya) sa Madīnah na isang maralitang hindi nagmamay-ari ng anuman matapos na sinamsam ng Quraysh ang mga ari-arian niya gaya ng nalalabi sa mga Muslim na mahihina, na lumikas sa Madīnah. Nagnais naman ang ilan sa mga Kasamahan na umalalay sa kanya sa pamamagitan ng yaman nila ngunit tumanggi siya saka nagsabi: "Ituro ninyo sa akin ang palengke." Kaya nagsimula siyang magbenta at bumili nang may buong katapatan at pagkamapagkakatiwalaan kaya pinagkalooban siya ni Allāh at pinagpala siya ni Allāh sa yaman niya. Siya ay naging kabilang sa pinakamayaman sa mga mayaman ng Madīnah.
Ang Paggugol Niya at ang Kagalantehan Niya
Si `Abd ar-Raḥmān bin `Awf noon ay umaalalay sa mga maralita ng mga Muslim, nagbabayad ng mga utang nila, at nagpapautang sa sinumang nangailangan kabilang sa kanila. Sa Paglusob sa Tabūk, nagkawanggawa siya ng kalahati ng yaman niya para sa paghahanda ng hukbo nito (ang Hukbo ng Kagipitan).
Bahagi ng katapatan ng pag-ibig niya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nakikipag-ugnayan siya sa mga Ina ng mga Mananampalataya, ang mga maybahay ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), matapos ng pagyao nito, at sumusubaybay siya sa mga kalagayan ng mga ito. Nagpapapunta siya sa mga ito sa ḥajj. Nagpapahalaga siya sa lahat ng mga pumapatungkol sa mga ito. Nagpapadala siya sa mga ito ng mga panggugol, mga salapi, at mga regalo. Nagsabi si `Ā’ishah (malugod si Allāh dito): Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang magmamalasakit sa inyo matapos ko kundi ang mga nagtitiis. Magpainom nawa si Allāh sa Anak ni `Awf sa Salsabīl ng Paraiso." (Isang ḥadīth na maganda)
Ang Pakikibaka Niya sa Landas ni Allāh
Hindi nakaabala sa kanya ang pangangalakal niya sa pakikibaka sa landas ni Allāh; bagkus nagkaloob siya ng sarili niya at yaman niya para roon. Nakasaksi siya sa lahat ng mga paglusob kasama ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Noong nagtipon ang mga tagapagtambal laban sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa Paglusob sa Uḥud, sa pagnanais na patayin ito, nagtanggol siya rito at nakipaglaban siya ng isang matinding pakikipaglaban, kaya nasugatan siya ng higit sa dalawampung sugat, nalagas ang mga pangharap na ngipin niya, at dumanas siya ng pagkapilay dahil sa isang hampas na tumama sa binti niya.
Ang Pagpanaw ni `Abdurraḥmān
Pinapanaw siya (malugod si Allāh sa kanya at magpalugod siya sa Kanya) sa Shām at nagdasal para sa kanya si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh dito). Nangulila sa kanya ang mga maralita at ang mga nangangailangan. Nangulila sa kanya ang mga maybahay ng Propeta. (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan. Malugod si Allāh sa kanya at pagsamahin Niya tayo kasama nila sa Paraiso ng Firdaws.
Mga Aral at mga Katuturan:
Ang kahalagahan ng pagpili ng pangalan na nagpapahiwatig ng isang magandang kahulugan at ang paglayo sa mga pangalan na sa mga ito ay may mga kahulugang hindi napapupurihan o may mga ipinahihiwatig na masagwa.
Tunay na ang tao ay alipin ni Allāh lamang. Dahil dito, pinalitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pangalan ng Kasamahan ng `Abdurraḥmān, na kabilang sa pinakakaibig-ibig sa mga pangalan para kay Allāh.
Ang mananampalataya na nagpupunyagi, nagtatrabaho, at nagbibigay-kasapatan sa sarili niya ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa tamad na nanghihingi sa mga tao. Kaya heto si `Abdurraḥmān bin `Awf (malugod si Allāh sa kanya): tumatanggi sa pagtanggap ng salapi mula sa mga Kasamahan niya at nagmagaling sa pagtatrabaho ng sarili niya hanggang sa siya ay naging isang mangangalakal.
Anong ganda na makipagmabilisan ang Muslim sa kabutihan at makipag-unahan dito, kaya heto si `Abdurraḥmān bin `Awf at si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): nakikipag-unahan ang bawat isa sa kanila para sa paghahanda ng Hukbo ng Kagipitan.
Ang paggawa ng maganda ay dakila sa ganang kay Allāh. Kaya papaano na kapag ito ay para sa mga maybahay ng Propeta at sa sambahayan niya? Si Allāh ay hindi nagwawala ng pabuya ng sinumang nagpapaganda ng gawa. Kaya naman nangyari ngang si `Abdurrahmān ay gumagawa ng maganda sa mga maybahay ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Kaya naman si `Ā’ishah noon ay dumadalangin para sa kanya at humihiling ng awa para sa kanya.
Si Sa`d Bin Abī Waqqāṣ (Malugod si Allāh sa Kanya)
Ipagpapatuloy natin ang pagkilala sa Sampung Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso. Ang bayani natin ngayong araw ay isang kapita-pitagang Kasamahan na lumaki sa Makkah. Siya ay nagpapakamabuting-loob sa mga magulang niya, na matindi ang pag-ibig sa ina niya. Tunay na siya ay si Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya). Siya ay naging isang nakapag-uunawa magmula ng murang edad niya sapagkat hindi nagpahanga sa kanya ang nakahiratian ng mga kababayan niya sa paglilibang at pagsamba sa mga anito. Kaya naman siya noon ay gumugugol ng oras niya sa pagpapakatuto ng pangangabayo, pamamana, at pakikipaglaban, kaya siya ay naging isang bayani magmula ng pagkabata niya.
Ang Pag-anib Niya sa Islām
Nang nakarinig siya tungkol sa paanyaya ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), nakipagmabilisan siya sa pagsunod sa kanya at sa pagsampalataya sa kanya. Kaya naman siya ay naging ang ikatlo sa mga umanib sa Islām mula sa mga lalaki at ang edad niya ay labimpitong taon. Pinatotohanan niya ang Propeta at inibig niya ito. Nanatili siya rito upang matuto mula rito at magtanggol dito. Ang pag-anib sa Islām ni Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) ay hindi naging madaling maginhawa. Humarap siya sa isang bagay na lubhang mahirap subalit siya ay nagpakatatag at nagtiis. Kaya makinig tayo sa kanya habang nagkukuwento sa atin ng kuwento ng pag-anib niya sa Islām:
Nagsasabi siya (malugod sa kanya si Allāh): "Nakita ko sa panaginip na para bang ako ay nalulunod sa maraming kadiliman. Samantalang nagtatangka akong lumabas mula roon, biglang may tumanglaw para sa akin na isang buwan kaya sumunod ako roon. Noong nagising ako, pumunta ako sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa nakipagtagpo ako saka umanib ako sa Islām at bumigkas ako ng Dalawang Pagsaksi. Nalaman ko na ito ay ang katotohanan na kinakailangan na sundin ko.
Ang Kuwento Niya Kasama ng Ina Niya
Nagsabi siya: Hindi naglaon nang nakarinig ang ina ko hinggil sa balita ng pag-anib ko sa Islām nang nagalit siya ng isang matinding galit habang ako naman ay nagmamahal sa kanya nang isang matinding pagmamahal at hindi nagpapahuli sa pagsasamabuting-loob sa kanya. Nagsabi siya: "O Sa`d, sumpa man kay Allāh, hindi ako kakain at hindi ako iinom hanggang sa mag-iwan ka ng Relihiyon mo o mamatay ako para malungkot ka para sa akin at magsisi ka sa ginawa mo."
Kaya nagsabi ako: "O ina ko, huwag mong gawin iyan sapagkat sumpa man kay Allāh, hindi ako mag-iiwan ng Relihiyon ko dahil sa alinmang bagay." Subalit siya ay nagpumilit saka tumigil sa pagkain at pag-inom nang ilang araw hanggang sa nagkasakit siya, hinimatay siya, at humina ang katawan niya. Natakot nga ako para sa kanya kaya ako ay pumupunta sa kanya at nagsusumamo sa kanya na kumain siya ng isang kaunting anuman ngunit sumusumpa siya na siya ay walang gagawin hanggang sa tumanggi akong sumampalataya kay Muḥammad.
Kaya nagsabi ako sa kanya: "O ina ko, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo nang isang matinding pag-ibig subalit ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya nang isang pag-ibig na higit na matindi at higit na dakila. Sumpa man kay Allāh, kahit pa man nagkaroon ka ng isang libong buhay at lumabas ito nang isa-isa, hindi ako mag-iiwan ng Relihiyon ko." Kaya noong nasabi ko iyon sa kanya, nawalan siya ng pag-asa kaya kumain siya at uminom siya gayong siya ay napipilitan.
Ang Pakikibaka Niya sa Landas ni Allāh
Labis na natuwa ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa pag-anib sa Islām ni Sa`d dahil siya ay nagtataglay ng katapangan, pagkalalaki, at katalinuhan na ikinabubukod niya sa iba sa kanya. Lumahok siya sa lahat ng mga paglusob. Naaalaala ba ninyo ang kuwento ng dalawang Kasamahan na nagtanggol sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa Paglusob sa Uḥud nang nagtipon laban sa kanya ang mga tagapagtambal, na nagnanais na pumatay sa kanya? Sino sila, O mga minamahal ko?
Oo; sila ay sina Ṭalḥah bin `Ubaydullāh at `Abdurraḥmān bin `Awf (malugod si Allāh sa kanilang lahat). Ang bayani ng kuwento natin na si Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) ay kabilang sa mga nagtanggol din sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa paglusob na ito sapagkat nagsasabi ang Propeta sa kanya: "Itaboy mo sila, O Sa`d."
Naglabas ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) para sa kanya ng isang palaso mula sa taglay nito at nagbigay nito sa kanya at nagsabi: "Pumana ka." Kaya nakapatay si Sa`d ng isa sa mga tagapagtambal saka hindi siya tumigil na pumapana sa mga tagapagtambal at nakapapatay mula sa kanila habang ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa kanya: "Pumana ka, pantubos sa iyo ang ama ko at ina ko." Ang panalanging ito ay hindi naging ukol sa kaninuman kundi kay Sa`d. Kaya siya noon ay palaging nakikipagmapurihan ng panalanging ito. Nanalangin para sa kanya ang Propeta sa pamamagitan ng sabi nito: "O Allāh, itama Mo ang pagpana niya at tugunin Mo ang panalangin niya." Kaya si Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) ay naging tagapagtaglay ng pamamanang ipinatatama at panalanging tinutugon.
Ang Katapangan Niya
Nagsasalaysay sa atin si `Ā’ishah (malugod si Allāh dito) ng isang tagpo mula sa mga kabayanihan ni Sa`d sapagkat nagsabi ito: "Sa isang araw mula sa mga araw ng pagbabalik ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah matapos ng isa sa mga paglusob, nagnais siya na magpahinga sa daan saka nagsabi siya: "Sana may isang lalaking maayos kabilang sa mga Kasamahan ko na magtanod sa akin sa gabing ito." Nagsasabi ito (malugod si Allāh dito): "Kaya nakarinig kami ng tunog ng sandata," saka nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Sino iyan?" Nagsabi naman ito: "Si Sa`d po; dumating ako upang magtanod sa iyo." Nakatulog ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) nang panatag.
Nabanggit natin, O mga minamahal ko, sa simula ng kuwento na si Sa`d, bago ng pag-anib niya sa Islām, ay nagpapakatuto ng pamamana at pakikipaglaban. Dahil dito, nang umanib siya sa Islām, nagtamo siya ng isang dakilang kalamangan: na siya ay ang kauna-unahan sa sinumang pumana ng isang palaso alang-alang sa landas ni Allāh. Kailan at papaano iyon? Siya minsan ay lumabas kasama ng mga Kasamahan niya sa isang misyon na ipinag-utos sa kanila ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). May sumalakay sa kanila na isang pangkat na nagnanais sa kanila ng isang kasamaan. Pinana sila ni Sa`d ng isang palaso saka nakatama siya sa isa sa kanila. Kaya siya ay naging ang kauna-unahan sa sinumang pumana ng isang palaso sa landas ni Allāh bilang isang pagtatanggol sa mga Muslim. Ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagmamapuri kay Sa`d dahil sa katapangan niya at lakas niya saka nagsasabi: "Ito ay tiyuhin sa ina ko," ibig sabihin: mula sa mga kalipi ng ina ko, "kaya magpakita sa akin ang bawat tao ng tiyuhin sa ina niya," dahil si Sa`d ay kabilang sa angkan ng Zuhrah, na mga tiyuhin sa ina ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan).
Naniniwala ba kayo na ang katapangan niya ay sa panahon lamang ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan)?
Hindi; bagkus siya noon ay nag-uukol ng lakas niya para sa Islām at mga Muslim sa bawat oras. Sa pagkakhalīfah ni Al-Fārūq `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh dito), nagnais si `Umar na sumakop sa bayan ng Fāris, ang Iraq sa kasalukuyan ngunit hindi siya nakatagpo ng higit na mainam kaysa kay Sa`d upang mamuno sa mapagpasyang labanang ito na tinawag na Labanan sa Al-Qādisīyah. Nagwagi ang mga Muslim at bumagsak ang Al-Madā’in, ang kabisera ng Fāris. Umangat ang watawat ng Islām sa bayang iyon sa kamay ng matapang na Komandante Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya).
Ang Pagpanaw ni Sa`d
Pinapanaw siya (malugod si Allāh sa kanya) matapos siyang nagkasakit ng isang matinding sakit. Inilibing siya sa Al-Baqī` sa tabi ng mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Nagdasal para sa kanya ang mga Ina ng mga Mananampalataya at nalungkot sila para sa kanya nang isang matinding pagkalungkot. Malugod si Allāh sa kanya at magpalugod siya sa Kanya at magtipon Siya sa atin sa mga Kasamahan sa kalahatan sa Paraiso Niya.
Mga Aral at mga Katuturan:
Ang pagwaksi sa kabulaanan at mga pagsuway ay isang bagay na kinakailangan, na pinabubuyaan dito ang tagagawa nito. Heto si Sa`d (malugod si Allāh sa kanya), kinamuhian niya ang pagsamba ng mga kababayan niya sa mga anito at ang paglilibang nila. Nagwaksi siya sa kanila at nagpakaabala siya sa pagpapakatuto ng pangangabayo. Kaya gumanti sa kanya si Allāh doon na nauna siya sa Islām at binalitaan siya ng pagpasok sa Paraiso.
Hindi tinatalima ang alinmang nilikha kaugnay sa pagsuway kay Allāh kapag nag-utos ito sa iyo niyan, kahit pa silang dalawa ay ang mga magulang mo. Itong si Sa`d, sa kabila ng matinding pag-ibig niya sa ina niya, ay hindi nakitalima rito sa kahilingan nito ng pag-urong sa Relihiyong Islāmiko. Kaya magsigasig kayo, O mga minamahal ko, sa pagtanggi sa alinmang paanyaya mula sa mga kaibigan ninyo at mula sa sinumang nasa paligid ninyo para sa pagsuway kay Allāh.
Nang nagtanggol si Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), nakiganti ito sa kanya dahil doon ng isang panalanging tinugon para sa kanya. Ito ay: "Allāhumma saddid ramyahu wa-ajib da`watah. (O Allāh, patamain Mo ang pagpana niya at tugunin Mo ang panalangin niya.)" Kaya si Sa`d ay naging tinutugon ang panalangin at hindi sumasala kapag tumataga siya ng tabak niya sa landas ni Allāh.
Si Sa`īd Bin Zayd (Malugod si Allāh sa Kanya)
Naaalaala ba ninyo ang kuwento ng pag-anib sa Islām ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya)?
[Naaalaala ba ninyo] kung papaanong siya ay nakarinig hinggil sa pag-anib sa Islām ng babaing kapatid niya at asawa nito, kaya naman pumunta siya sa kanila habang siya ay galit na galit, subalit siya ay umanib sa Islām noong nakabasa siya ng nasa kanila na bahagi ng Qur’ān? Ang bayani ng kuwento ngayong araw ay si Sa`īd bin Zayd, na anak ng tiyuhin sa ama ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) at asawa ng kapatid nitong si Fāṭimah bint Al-Khaṭṭāb.
Ang Paglaki Niya
Makinig tayo sa nakaaantig na kuwentong ito:
Ang mga tagatangging-sumampalataya, bago ng pagsugo sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), ay nagpapalibot sa Ka`bah ng mga anito at mga rebulto na sinasamba bukod pa kay Allāh. Sila ay namumuhay sa pagkamangmang at pagkahunghang maliban sa kaunti sa kanila na nagtataglay ng pag-iisip at kaaya-ayang naturalesa na nagpapamulat sa kanila sa katotohanan. Mayroon sa kanila noon na isang lalaking nasusuklam sa pagsamba sa mga anito at nakaaalam na si Allāh ay nag-iisa subalit siya ay hindi nakababatid kung papaano siya sasamba kay Allāh at nagsasaliksik tungkol doon nang madalas. Sino naman kaya ang lalaking ito?
Tunay na siya ay ama ni Sa`īd, ang bayani ng kuwento natin, na ang pangalan niya ay Zayd bin `Amr. Siya minsan, isang araw, ay naglalakbay patungo sa Shām saka nakarinig mula sa mga kalalakihan nito doon na may isang propetang lalabas sa Makkah sa nalalapit na sandali. Kaya naman nagmabilis si Zayd sa pagbalik sa Makkah upang makaabot sa propetang ito at manampalataya rito. Nakarating ba siya sa Makkah? Nakatagpo ba niya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan)?
Hindi nangyari sa kanya ito sapagkat humarang nga sa kanya ang ilan sa mga kawatan at pumatay sa kanya bago siya makarating sa Makkah. Subalit siya, bago siya namatay, ay nanalangin kay Allāh ng isang tapat na panalangin na hindi ipagkait sa anak niyang si Sa`īd ang pagsunod sa hinihintay na Propeta. Nagsabi siya: "O Allāh, kung Ikaw ay nagkait sa akin ng kabutihang ito, huwag Kang magkait nito sa anak kong si Sa`īd." Kaya nagparangal sa kanya si Allāh sa pamamagitan ng pagtugon sa panalangin niya sapagkat ang anak niyang si Sa`īd na bayani ng kuwento natin ay kabilang sa mga nauna sa Islām at kabilang sa Sampung Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso. Nagparangal si Allāh kay Zayd, ang ama ni Sa`īd, sa pamamagitan ng pagsaksi ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) para sa kanya ng pagpasok sa Paraiso dahil siya ay isang monoteista na hindi nagtambal kay Allāh.
Ang Pag-anib Niya sa Islām
Umanib sa Islām si Sa`īd bin Zayd noong ang edad niya ay dalawampung taong gulang at umanib sa Islām kasama niya ang maybahay niyang si Fāṭimah bint Al-Khaṭṭāb. Nagtiis siya sa perhuwisyo ng mga kababayan niya sa kanya. Noong nakaalam si `Umar hinggil sa pag-anib niya sa Islām, nagnais itong pumatay sa kanya at bumugbog sa kanya subalit siya ay nagtiis at nagpakatatag. Iyon ay naging kabilang sa mga kadahilanan ng pag-anib sa Islām ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Lumikas si Sa`īd bin Zayd kasama ng maybahay niya sa Madīnah at nanirahan siya roon kasama ng iba pa sa kanya kabilang sa mga Muslim.
Ang Pakikibaka Niya sa Landas ni Allāh
Naging masigasig siya sa pag-aadya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at dumikit siya rito sa lahat ng mga kalagayan nito upang mag-adya rito at magtanggol sa Relihiyon niya. Isinugo naman siya ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) kasama ni Ṭalḥah bin `Ubaydillāh sa isang misyon niya kaya hindi silang dalawa nakilahok sa Paglusob sa Badr na siyang kauna-unahang labanan para sa mga Muslim. Noong bumalik silang dalawa yayamang ang labanan ay nagwakas na, labis na nalungkot silang dalawa. Kaya nagbalita ng nakagagalak sa kanilang dalawa ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na ukol sa kanilang dalawa ang tulad ng pabuya sa mga nakikibaka. Nagbigay ito sa kanilang dalawa mula sa mga nasamsam doon, na para bang silang dalawa ay nakasaksi roon.
Nakasaksi siya matapos niyon sa lahat ng mga paglusob kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Nagpamalas siya ng isang mahusay na pagganap. Siya ay isang matapang na bayani, na nakikipaglaban nang may kagitingan at kasanayan. Nakilahok siya sa panahon ni `Umar (malugod si Allāh dito) sa pagsakop sa bayan ng Persya at pagbibigay-wakas sa mga Mago na sumasamba sa apoy. Nagpalaganap siya ng Relihiyon ni Allāh sa mga sulok ng bayan.
Nakilahok siya sa labanan sa Yarmūk para sa pagbukas ng bayan ng Shām. Ang hukbo ng mga tagatangging-sumampalataya ay marami ang bilang at malaki ang kagamitan; ngunit noong sumagupa sa kanila ang mga Muslim, dumapo ang pangamba sa mga puso ng ilan sa kanila. Hinggil naman kay Sa`īd, nag-alis nga si Allāh ng bawat pangambang nasa puso niya kaya dumaluhong siya sa kanila at nakipaglaban siya sa kanila. Nagpakatapang ang mga Muslim at naglakas-loob sila hanggang sa nagwagi sila laban sa mga iyon.
Isang Kamangha-manghang Kuwento
May nangyari nga sa kanya na isang kamangha-manghang kuwento kaugnay sa isang babaing nagparatang sa kanya ng pagnanakaw ng isang bahagi mula sa lupain nito at pagsama niyon sa lupain nito. Nagpakalat ito niyon sa gitna ng mga tao. Kaya humirap ang lagay kay Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya) gayong siya ay isang Kasamahang mapangilag magkasala, na hindi gagawa niyon magpakailanman. Nagsabi siya: "Papaano akong lalabag sa katarungan gayong nakarinig nga ako sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na nagbibigay-babala laban sa pagnanakaw., Tunay na ako ay tagatalima sa kanya, na tagasunod sa utos niya."
Pagkatapos dumalangin siya saka nagsabi: "O Allāh, kung siya ay sinungaling, bulagin Mo ang paningin niya at patayin Mo siya sa lupain niya." Kaya tumugon si Allāh sa panalangin niya saka nabulag ito at nahulog ito sa isang balon nito. Nabunyag ang lagay nito at nakaalam ang mga tao na ito ay sinungaling at na ang kapita-pitagang Kasamahan na si Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya) ay tapat na mapangilag magkasala.
Ang Pagpanaw ni Sa`īd
Pinapanaw siya (malugod si Allāh sa kanya) at inilibing siya ni Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanilang lahat).
Mga Aral at mga Katuturan:
Ang pagdakila sa Tawḥīd ni Allāh at ang pag-iwan sa Shirk. Itong si Zayd na ama ni Sa`īd ay papasok sa Paraiso samantalang ito ay hindi nakasaksi sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), hindi natuto ng mga patakaran ng Islām, at naging tapat lamang sa layunin nito, kaya naman tumugon si Allāh sa panalangin nito at sumaksi para rito ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng pagpasok sa Paraiso.
Ang katatagan ni Sa`īd bin Zayd at ang pagbabata niya ng perhuwisyo hanggang sa dahil sa pagtitiis niya, katatagan niya, at pagsamba niya, siya ay naging kabilang sa Sampung Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso.
Tunay na ang mananampalataya ay nagsisigasig sa kabutihan, nalulungkot sa pagkaalpas nito, at nagtatangkang tumbasan ang nakaalpas sa kanya. Itong bayani nating si Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya) ay nalungkot sa pagkaalpas ng pagdalo sa Paglusob sa Badr. Kaya naman tinumbasan sa kanya ni Allāh iyon dahil nakasaksi siya sa lahat ng mga paglusob at nagpamalas siya ng isang mahusay na pagganap.
Ang pagtataguyod ni Allāh sa mga lingkod Niya at ang pag-aadya Niya sa kanila gaya ng nangyari sa Labanan sa Yarmūk sapagkat nagwagi nga ang mga Muslim sa kabila ng dami ng hukbo ng mga tagatangging-sumampalataya at kalakhan nito. Ang katapangan ng mananampalataya, O mga minamahal ko, ay hindi dahil sa dami; bagkus dahil sa lakas, pananalig kay Allāh, pagtitiis, at katatagan.
Si Abū `Ubaydah `Āmir Bin Al-Jarrāḥ (Malugod si Allāh sa Kanya)
Sumasapit tayo rito, O mga minamahal ko, sa kahuli-hulihang kuwentong kasama natin mula sa mga kuwento ng Sampung Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso at kabilang sa mga umanib sa Islām sa kamay ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh dito). Siya ay ang kapita-pitagang Kasamahan na si Abū `Ubaydah `Āmir bin Al-Jarrāḥ (malugod si Allāh sa kanya), na kabilang sa mga nauna sa mga umanib sa Islām mula sa mga Kasamahan.
Ang Pag-anib Niya sa Islām at ang Paglikas Niya
Nakaranas siya ng perhuwisyo mula sa mga tagapagtambal sa Makkah gaya ng iba pa sa kanya kabilang sa mga sumampalataya. Nagtiis siya at naghangad ng gantimpala. Siya ay tagapagtaglay ng dalawang paglikas sa landas ni Allāh, gaya ng iba sa kanya kabilang sa mga Kasamahan na pinerhuwisyo dahil sila ay umanib sa Islām, sapagkat lumikas siya sa Etyopya, namalagi roon sa isang yugto ng panahon, at bumalik sa Makkah. Pagkatapos lumikas siya isa pang pagkakataon sa Madīnah kasama ng mga Muslim ayon sa isang utos mula sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Sinamahan niya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya. Nagsimula siya sa pagsasaulo ng Marangal na Qur’ān magmula nang umanib siya sa Islām.
Ang Mapagkakatiwalaan ng Kalipunan
Labis siyang inibig ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), ipinagkakapuri siya nito, at pinangalan siya nito bilang Amīn Al-Ummah (Ang Mapagkakatiwalaan ng Kalipunan). Bakit siya pinangalanan sa pangalang ito at sino ang nagpangalan sa kanya? Alamin natin iyan, O mga minamahal ko, mula sa kuwentong ito:
Sa isa sa mga araw, may dumating na isang pangkat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa labas ng Makkah saka nagsabi sila sa kanya: "Magsugo ka kasama namin ng isang lalaki mula sa mga Kasamahan mo, na nalulugod ka sa kanya na maghatol sa gitna namin kapag nagkaalitan kami." Kaya nagsabi siya (sumasakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Hali kayo sa akin, bukas isusugo ko kasama ninyo ang Malakas na Mapagkakatiwalaan." Kaya nagtanungan ang mga tao: "Sino naman kaya itong pinupupurihan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at tinatawag niya bilang ang Malakas na Mapagkakatiwalaan?"
Ang bawat isa sa mga Kasamahan ay naging nagmimithi na maging siya ang Malakas na Mapagkakatiwalaang iyon. Noong sumambit ng salām ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa pagdarasal nito, lumingon-lingon ito sa kanan at sa kaliwa. Nagpalipat-lipat ito ng paningin nito ... hanggang sa napadako ang paningin nito kay ...? Sino ang inaasahan ninyo? At sino ang tagapagtaglay ng dakilang karangalang ito? Oo; tunay na siya ay si Abū `Ubaydah (malugod si Allāh sa kanya). Noong nakita siya ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), tinawag siya nito saka nagsabi: "Lumabas ka kasama nila." Isinugo siya nito bilang isang mapagkakatiwalaang hukom sa gitna nila. Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na ang bawat Kalipunan ay may mapagkakatiwalaan at tunay na ang mapagkakatiwalaan natin, O Kalipunan, ay si Abū `Ubaydah bin Al-Jarrāḥ."
Ang Pakikibaka Niya
Nakilahok siya kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa lahat ng mga paglusob. Nagkaroon siya ng isang matapang na tagpong isinasalaysay sa atin ni Abū Bakr (malugod si Allāh dito), na nagsasabi: "Noong sumapit ang araw ng Uḥud, pinana ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) mula sa dako ng mga tagapagtambal hanggang sa may pumasok sa pisngi niya na dalawang aro mula sa kupya. (Ito ay ang bakal na isinusuot sa ulo upang magsanggalang dito. Pumasok ang mga gilid nitong bakal sa magkabilang pisngi ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan.) Nagsasabi si Abū Bakr: "Dumako ako habang tumatakbo papunta sa Sugo ni Allāh samantalang may isang taong dumako na mula sa dako ng silangan habang [tila] lumilipad sa isang [mabilisang] paglipad. Kaya nagsabi ako: "O Allāh, gawin Mo siyang isang pagtalima." Hanggang sa nang umabot kami sa tabi ng Sugo ni Allāh, ito palang si Abū `Ubaydah bin Al-Jarrāḥ ay nakauna na sa akin saka nagsabi siya: "Humihiling ako sa iyo alang-alang kay Allāh, O Abū Bakr, na hayaan mo ako para tanggalin ko iyon mula sa mukha ng Sugo." Kaya naman hinayaan ko siya. Kinuha ni Abū `Ubaydah sa pamamagitan ng mga ngipin niya ang isa sa dalawang aro ng kupya. Tinanggal niya ito at bumagsak ito sa lupa at bumagsak ang ngipin niyang pangharapan kasama nito. Pagkatapos kinuha niya ang isa pang aro sa pamamagitan ng iba pang ngipin niya at bumagsak ang ngipin niya kasama nito. Kaya si Abū `Ubaydah ay nakilala sa mga tao bilang isang bungal."
Tumingin kayo sa pag-ibig niya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at pagtatanggol niya rito sapagkat kinagat nga niya ang bakal ng mga ngipin niya nang buong lakas hanggang sa nakapagpalabas siya nito mula sa mukha ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at nalagas ang mga ngipin niya. Noong tinanong siya (malugod si Allāh sa kanya) kung bakit hindi siya nagpalabas nito sa pamamagitan ng kamay niya, nagsabi siya: "Natakot ako na masaktan ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."
Ang Pamumuno sa mga Muslim sa Labanan sa Yarmūk
Sa pagkakhalīfah ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh dito), nanungkulan si Abū `Ubaydah (malugod si Allāh sa kanya) sa pamumuno ng hukbo sa Yarmūk para sa pagbukas ng Shām at Jerusalem. Pagkatapos siya ay naging gobernador sa Shām. Siya, sa pagkagobernador niya, ay palagi sa pagsamba, na namumuhay ng isang buhay ng pagkakontento at kawalang-kamunduhan. Hindi nagpaabala sa kanya ang kamunduhan. Isang araw, pumasok sa kanya si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh dito) noong siya ay isang gobernador ngunit wala itong natagpuan sa bahay niya maliban sa tabak niya, kalasag niya, at sintadera niya. Iyon ay dahil siya ay naghahati-hati ng yaman niya sa kabuuan nito sa mga mahina at mga nangangailangan.
Sinabi isang araw kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Ano ang minimithi mo?" Nagsabi siya: "Nagmimithi ako na kung sana naman ang tahanang ito ay napuno ng mga lalaking tulad ni Abū `Ubaydah bin Al-Jarrāḥ."
Ang Pagpanaw ni Abū `Ubaydah
Ang pagpanaw niya ay isang pagkamartir sa landas ni Allāh sapagkat namatay nga siya sa salot ng `Amwās sa Lambak ng Jordan, na isang nakahahawang sakit na lumaganap sa panahong iyon sa lupain ng Shām sa panahon ni `Umar Al-Fārūq (malugod si Allāh sa kanya) na nangamba sa kamatayan ni Abū `Ubaydah, kaya naman nagpadala siya rito ng isang liham na nag-uutos dito na pumunta sa kanya kaagad.
Naintindihan ni Abū `Ubaydah (malugod si Allāh sa kanya) ang pakay ni `Umar at na ito ay nangangamba para sa kanya. Kaya tumugon siya sa liham nito sa pamamagitan ng sabi niya: "Mananatili ako, O Pinuno ng mga Mananampalataya, kasama ng mga Muslim habang sumasapit sa akin ang sumapit sa kanila." Naiyak si `Umar sa sandali ng pagkabasa ng liham niya, kaya tinanong ito ng nasa paligid nito: "Ano ang nagpapaiyak sa iyo? Namatay ba si Abū `Ubaydah?" Nagsabi si Umar: "Hindi; subalit ako ay natatakot para sa kanya."
Nagpabatid nga ang Propeta (sumakanya ang basbas at pangangalaga) na ang sinumang ang pagpanaw niya ay naging dahil sa karamdamang ito, tunay na siya ay isang martir. Ayon sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya ay nagsabi: "Ano ang ibinibilang ninyo bilang martir sa inyo?" Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ang sinumang pinatay sa landas ni Allāh, siya ay isang martir." Nagsabi siya: "Tunay na ang mga martir ng Kalipunan ko, samakatuwid, ay talagang kaunti." Nagsabi sila: "Kaya sino po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang pinatay sa landas ni Allāh, siya ay isang martir. Ang sinumang namatay sa landas ni Allāh, siya ay isang martir. Ang sinumang namatay sa salot, siya ay isang martir. Ang sinumang namatay sa sakit sa tiyan, siya ay isang martir. Ang nalunod ay isang martir." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim.) Kaawaan ni Allāh si Abū `Ubaydah at tipunin Niya tayo kasama nito sa Paraiso Niya.
Mga Aral at mga Katuturan:
Tunay na ang pagkamapagkakatiwalaan ay isang kapurihan at karangalan para sa tagapagtaglay nito. Ito ay kabilang sa mga katangian ng mga mananampalataya sapagkat naging katangian nga ito ni Abū `Ubaydah (malugod si Allāh sa kanya) hanggang sa nagtamo siya ng taguring Amīn ng Ummah (Ang Mapagkakatiwalaan ng Kalipunan).
Ang pagmamapuri na buong pagmamapuri ay nasa pagkakaloob para kay Allāh at sa Sugo Niya. Kaya naman si Abū `Ubaydah (malugod si Allāh sa kanya) ay nakikipagmapurihan sa pagkalagas ng mga ngipin niyang pangharapan at hindi nahihiya sa mga ito dahil iyon ay nasa pagtatanggol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagsasanggalang sa kanya, at pag-aadya sa kanya.
Ang mananampalataya ay hindi nasisindak sa kamatayan dahil siya ay nakaaalam na siya ay haharap sa isang Panginoong Mapagbigay na hindi nagwawala ng pabuya ng sinumang nagsumikap sa paghahanap ng kaluguran Niya at magpaparangal sa kanya ng isang kaginhawahang naroon ang bawat ninanasa ng mga kaluluwa at minamasarap ng mga mata.
Ang Pangwakas
Ayon kay Anas bin Mālik: {May isang lalaking nagsabi: "O Sugo ni Allāh, kailan ang Huling Sandali?" Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "At ano ang inihanda mo para sa Huling Sandali?" Nagsabi ito: "Wala po, maliban na ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya." Nagsabi siya: "Kaya tunay na ikaw kasama ng sinumang inibig mo."} Nagsabi si Anas: {Kaya hindi kami natuwa sa anuman matapos ng pagkaanib sa Islām gaya ng pagkatuwa namin sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ikaw kasama ng sinumang inibig mo." Nagsabi siya: "Kaya ako ay umiibig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kay Abū Bakr, at kay `Umar; at ako ay umaasa na ako ay maging kasama nila dahil sa pag-ibig ko sa kanila, kahit pa ako ay hindi gumagawa ng gawa nila."} (Nagsalaysay nito si Imām Muslim.)
Tunay na kayo sa pagwawakas ay humihiling kay Allāh na ang mga maiikling kuwentong ito ay maging nakapag-ambag sa pagdagdag ng pag-ibig natin sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niyang mararangal (ang kaluguran ni Allāh ay sumakanila) at na ang pag-ibig natin sa kanila ay maging isang kadahilanan sa pagpasok natin at ng mga minamahal nating nakababata sa Paraiso. Ang kahuli-hulihan sa panalangin natin ay na ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
Related books
All books
Ang Islām89 wikaAng Islām
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain Nagtanong ka ba sa sarili mo: Sino ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa mga ito ng mga dakilang nilikha? Sino ang gumawa ng eksaktong mahusay na sistemang ito sa mga ito?
الوسائل المفيدة للحياة السعيدة85 wikaالوسائل المفيدة للحياة السعيدة
كتاب "الوسائل المفيدة للحياة السعيدة" للشيخ عبد الرحمن بن ناصر السعدي، يتناول مفهوم السعادة الحقيقية التي يسعى لتحقيقها كل إنسان. الكتاب يوضح أن السعادة تتحقق بطاعة الله ورسوله، والعمل الصالح، والإيمان. ويُقسم السعادة إلى دنيوية مؤقتة وأخروية دائمة، ويربط بينهما بالرضا الإلهي للمؤمنين. يعتمد الكتاب على الأدلة الشرعية من القرآن والسنة لتقديم الأسباب المؤدية للسعادة وكيفية تحقيقها، مما يجعله دليلاً للمسلمين لتنظيم حياتهم على بصيرة وإيمان.
الإسلام دين رب العالمين
Ang Islām ay Relihiyon ng mga Sugo ni Allāh85 wikaAng Islām ay Relihiyon ng mga Sugo ni Allāh
Ang Islām ay ang pagsuko kay Allāh, ang Tagalikha ng Sansinukob at ang Tagapangasiwa nito, at ang pagpapaakay sa Kanya dala ng pag-ibig at pagdakila. Ang pundasyon ng Islām ay ang pananampalataya kay Allāh, na Siya ay ang Tagalikha samantalang ang iba pa sa Kanya ay nilikha, at na Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Siya. Sa Kanya ang mga pangalang pinakamagaganda at ang mga katangiang pinakamatataas. Sa Kanya ang kalubusang walang-takda na walang kakulangan. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya…