Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

94 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (51)
"Mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo, magdasal kayo ng limang [dasal] ninyo, mag-ayuno kayo sa buwan [ng pag-aayuno] ninyo, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, at tumalima kayo sa may kapamahalaan sa inyo ninyo, papasok kayo sa Paraiso ng Panginoon ninyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
"Ang alinmang babae na nagpakasal nang walang pahintulot ng mga walīy niya, ang kasal niya ay walang-saysay – nang tatlong ulit – saka kung nakipagtalik ito sa kanya, ang bigay-kaya ay ukol sa kanya dahil sa ginawa nito sa kanya. Kapag nagtalu-talo sila, ang tagapamahala ay walīy ng sinumang walang walīy para sa kanya."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Tunay na si Allāh ay magtatangi ng isang lalaki kabilang sa Kalipunan ko sa mga harap ng mga nilikha sa Araw ng Pagbangon, saka maglalatag doon ng siyamnapu't siyam na talaan, na bawat talaan ay tulad ng layo ng abot ng paningin. Pagkatapos magsasabi Siya: "Nagkakaila ka ba mula rito ng anuman? Lumabag ba sa katarungan sa iyo ang tagasulat Ko na mga tagapag-ingat?" Kaya magsasabi ito: "Hindi, O Panginoon ko." Kaya magsasabi Siya: "Kaya mayroon ka bang isang maidadahilan?" Kaya magsasabi ito: "Wala, O Panginoon ko." Kaya magsasabi Siya: "Bagkus tunay na mayroon ka sa ganang Amin na isang magandang gawa. Kaya naman tunay na walang kawalang-katarungan sa iyo sa araw na ito." Kaya may lalabas na isang tarheta na may nasaad dito na: "Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya." Saka magsasabi Siya: "Magdala ka ng timbang mo." Kaya magsasabi ito: "O Panginoon ko, ano ang tarhetang ito kasama ng mga talaang ito?" Kaya nagsabi Siya: "Tunay na ikaw ay hindi lalabagin sa katarungan." Kaya ilalagay ang mga talaan sa isang sahuran [ng timbangan] at ang tarheta sa isang sahuran [ng timbangan], saka gagaan ang mga talaan at bibigat ang tarheta sapagkat walang bumibigat higit sa ngalan ni Allāh na anuman.}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu Mājah.
"Ang panalangin ay hindi tinatanggihan sa pagitan ng adhān at iqāmah."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
"Ang sinumang kumain ng pagkain saka nagsabi: Alḥamdu lillāhi –­lladhī aṭ`amanī hādhā, wa-razaqanīhi min ghayri ḥawlim minnī wa-lā qūwah (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa akin nito at nagtustos sa akin nito nang walang kapangyarihan mula sa akin ni lakas), magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapabigkas sa amin noon ng Qur'ān sa bawat kalagayan hanggat siya ay hindi junub.}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan. ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa mga kababaihan nila."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
{Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}
Magandang tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.