Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

97 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Tunay na ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Pagtatambal." Nagsabi sila: "Ano po ang Maliit na Pagtatambal, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao. Magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanila sa Araw ng Pagbangon kapag gagantihan ang mga tao sa mga gawa nila: Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay nagpapakitang-tao sa Mundo, saka tumingin kayo kung makatatagpo kaya kayo sa piling nila ng isang ganti."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
"Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking binanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking pumasok sa kanya ang Ramaḍān pagkatapos lumipas ito bago mapatawad siya. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking nakaabot sa piling niya ang mga magulang ng katandaan ngunit hindi sila nagpapasok sa kanya sa Paraiso."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
"Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa paslit hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Walang dalawang Muslim na nagkasalubong saka nagkamayan malibang patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay."}
Tumpak dahil sa kabuuan ng mga daan nito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Sasabihin sa tagatangkilik ng Qur'ān: "Bumasa ka, umakyat ka, at bumigkas ka kung paanong ikaw noon ay bumibigkas sa Mundo sapagkat tunay na ang antas mo ay nasa kahuli-hulihang talata na babasahin mo."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad.
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang karapatan ng maybahay ng isa sa amin sa kanya?" Nagsabi siya: "Na pakainin mo siya kapag kumain ka at padamitan mo siya kapag nagdamit ka o kumita ka. Huwag kang mamalo sa mukha, huwag kang magparatang ng kapangitan, at huwag kang mag-iwan maliban sa bahay."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Magpaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa amin ng isang bagay saka nagpaabot nito kung paanong narinig niya sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Kung sakali na kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo gaya ng pagtustos Niya sa mga ibon: umaalis ang mga ito sa umaga na impis at bumabalik ang mga ito sa hapon na bundat."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.