Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

86 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (48)
"Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: Ashhadu an lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah, wa-anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-muḥammadir rasūlan, wa-bi-l'islāmi dīnā. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, kay Muḥammad bilang Sugo, at sa Islām bilang Relihiyon.), patatawarin para sa kanya ang pagkakasala niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Kapag narinig ninyo ang panawagan [ng ṣalāh], sabihin ninyo ang tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang nagluwalhati kay Allāh sa katapusan ng bawat ṣalāh nang tatlumpu't tatlong ulit, nagpuri kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, at nagdakila kay Allāh nang tatlumpu't tatlong ulit, kaya iyon ay siyamnapu't siyam, at nagsabi sa kalubusan ng isang daan ng: "Lā ilāha illa ­-llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu ­-lmulku wa-lahu ­-lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay 'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)," patatawarin ang mga kasalanan niya, kahit pa ang mga ito ay naging tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita ng isang lalaking nagdarasal nang mag-isa sa likuran ng hanay, kaya nag-utos siya rito na umulit ng ṣalāh nito.}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumigkas sa dalawang rak`ah [na ṣalāh] sa madaling-araw ng Kabanatang Al-Kāfirūn at Kabanatang Al-Ikhlāṣ.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Nakapagsaulo ako mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung rak`ah: dalawang rak`ah bago ng ḍ̆uhr at dalawang rak`ah matapos nito, dalawang rak`ah matapos ng maghrib sa bahay niya, dalawang rak`ah matapos ng `ishā' sa bahay niya, at dalawang rak`ah bago ng ṣalāh sa fajr, at iyon noon ay oras na walang pumapasok sa kinaroroonan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsanaysay sa akin si Ḥafṣah na siya noon, kapag nanawagan ang mu'adhdhin at sumapit ang fajr, ay nagdarasal ng dalawang rak`ah."} Sa isang pananalita: "na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagdarasal noon ng dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh sa Biyernes."
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito sa lahat ng mga pagkasalaysay nito.
'O Bilāl, magsagawa ka ng iqāmah ng ṣalāh; magbigay-kapahingahan ka sa amin sa pamamagitan nito.'"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
"Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, magsabi siya ng: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo)."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.