Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

1 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

Tagapagsalaysay

{May isang lalaking pumasok sa masjid sa araw ng Biyernes mula sa isang pintong paharap sa Tahanan ng Paghuhukom samantalang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nakatayo. Pagkatapos nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na magsaklolo Siya sa amin." Kaya nag-angat ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin." Nagsabi si Anas: Talagang sumpa man kay Allāh, hindi kami nakakikita sa langit ng kaulapan ni gula-gulanit na ulap. Wala sa pagitan namin at ng Bundok Sal` na anumang bahay ni tahanan." Nagsabi pa ito: "Saka may lumitaw mula sa likuran niyon na isang ulap na tulad ng kalasag; saka noong pumagitna ito sa langit, kumalat ito, pagkatapos nagpaulan ito. Kaya talagang sumpa man kay Allāh, hindi namin nakita ang araw nang anim na araw. Pagkatapos may pumasok na isang lalaki mula sa pintong iyon sa araw ng Biyernes samantalang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ito sa kanya habang nakatayo. Pagkatapos nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na pumigil Siya nito para sa amin." Kaya nag-angat ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, [ibaling] sa mga palibot namin at huwag laban sa amin; O Allāh sa mga burol, mga talampas, mga kaloob-looban ng mga lambak, at mga tinutubuan ng punong-kahoy." Nagsabi ito: "Kaya tumila ang ulan at lumabas kami na naglalakad sa ilalim ng araw." Nagsabi si Sharīk: "Nagtanong ako kay Anas bin Mālik kung iyon ba ay ang unang lalaki ngunit nagsabi ito: Hindi ko nalalaman."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.