Skip to content

"Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh, walang ṣalāh kundi ang iniatas."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:

"Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh, walang ṣalāh kundi ang iniatas."}

«إِذَا أُقِيمَتِ الصَّلَاةُ فَلَا صَلَاةَ إلَّا المَكْتُوبَةُ».

Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nasa masjid na magsimula sa isang kinukusang-loob na ṣalāh matapos ng pagkasagawa ng iqāmah ng ṣalāh na isinatungkulin.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng kinukusang-loob na ṣalāh kapag isasagawa na ang ṣalāh na tungkulin kapag nasa loob ng masjid.

Ang pagsaway laban sa pagsisimula ng isang kinukusang-loob na ṣalāh matapos ng pagkasagawa ng iqāmah ng ṣalāh, maging ito man ay isang karaniwang kusang-loob na ṣalāh gaya ng sunnah para sa ṣalāh sa fajr at ḍ̆uhr o iba pa rito.

Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh habang siya ay nasa pagsasagawa ng kinukusang-loob na ṣalāh, saka kung may natira mula rito na maiksi kaysa sa isang rak`ah, maglulubos siya nito at kung hindi ay puputulin niya ito nang sa gayon makaabot siya kainaman ng pagsasagawa ng takbīr ng pagpapasimula ng ṣalāh.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Muslim (1/ 493) (710).

Ang Karagdagan (1)

البحر المحيط الثجاج في شرح صحيح الإمام مسلم بن الحجاج (15/ 246).