Skip to content

"Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, yumukod siya ng dalawang rak`ah bago siya umupo."}

Ayon kay Abū Qatādah As-Salamīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

"Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, yumukod siya ng dalawang rak`ah bago siya umupo."}

«إِذَا دَخَلَ أَحَدُكُمُ الْمَسْجِدَ فَلْيَرْكَعْ رَكْعَتَيْنِ قَبْلَ أَنْ يَجْلِسَ».

Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang pumunta sa masjid at pumasok doon sa alinmang oras, at dahil sa alinmang layon, na magsagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah bago maupo. Ang dalawang rak`ah na ito ay ang dalawang rak`ah na ṣalāh ng pagbati sa masjid.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsasagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah bilang pagbati sa masjid bago maupo.

Ang utos na ito ay para sa sinumang nagnais na maupo. Kaya naman ang sinumang pumasok sa masjid at lumabas bago umupo, hindi nakasasaklaw sa kanya ang utos.

Kapag pumasok ang magdarasal sa pinagsasagawaan ng ṣalāh habang ang mga tao ay nasa ṣalāh saka lumahok siya sa kanila rito, makasasapat na ito sa kanya para magsagawa pa ng dalawang rak`ah.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (1/ 96) (444).

Ṣaḥīḥ Muslim (1/ 495) (714).

Ang Karagdagan (4)

المفهم لما أشكل من تلخيص كتاب مسلم (2/ 352).

فتح الباري لابن رجب (3/ 274).

التوضيح (5/524).

البحر المحيط الثجاج في شرح صحيح الإمام مسلم بن الحجاج (15/ 287).