Skip to content

"Pansinin, magpapadala ako sa iyo sa kung sa ano nagpadala sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): na hindi ka mag-iiwan ng isang imahen malibang binura mo ito ni ng isang libingang nakausli malibang pinatag mo ito."}

Ayon kay Abu Al-Hayyāj Al-Asadīy na nagsabi:

{Nagsabi sa akin si `Alīy: "Pansinin, magpapadala ako sa iyo sa kung sa ano nagpadala sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): na hindi ka mag-iiwan ng isang imahen malibang binura mo ito ni ng isang libingang nakausli malibang pinatag mo ito."}

قَالَ لِي ‌عَلِيُّ بْنُ أَبِي طَالِبٍ: أَلَا أَبْعَثُكَ عَلَى مَا بَعَثَنِي عَلَيْهِ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ؟ أَنْ لَا تَدَعَ تِمْثَالًا إِلَّا طَمَسْتَهُ، وَلَا قَبْرًا مُشْرِفًا إِلَّا سَوَّيْتَهُ.

Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsusugo noon ng mga Kasamahan niya kalakip ng utos na huwag silang mag-iwan ng isang imahen – na isang larawan ng anumang may kaluluwang binigyang-katawan o hindi binigyang-katawan – malibang inalis nila ito o pinawi nila ito; at huwag silang mag-iwan ng isang libingang iniangat malibang ipinantay nila ito sa lupa at winasak nila ang nasa ibabaw nito na estruktura o ginawa nila itong patag na hindi nakaangat buhat sa lupa nang isang malaking pagkaangat, bagkus nakaangat ng mga isang dangkal.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang pagbabawal sa pagsasalarawan ng mga may kaluluwa dahil ang mga ito ay kabilang sa mga kaparaanan ng Shirk.

Ang pagkaisinasabatas ng pag-aalis ng nakasasama sa pamamagitan ng kamay para sa sinumang may kapamahalaan o kakayahan doon.

Ang sigasig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aalis ng bawat anumang nagpapahiwatig ng mga bakas ng Panahon ng Kamangmangan gaya ng mga larawan, mga imahen, at mga estruktura sa ibabaw ng mga libingan.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Muslim (2/ 666) (969).

Ang Karagdagan (8)

القول المفيد على كتاب التوحيد.

لابن عثيمين (2/ 446).

الملخص في شرح كتاب التوحيد.

لصالح الفوزان (ص402).

الجديد في شرح كتاب التوحيد.

لمحمد القرعاوي (ص447).

كتاب التوحيد.

للإمام محمد بن عبد الوهاب (ص138).