"Walang lulusot sa Impiyerno na isang nagdarasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito."}
Ayon kay Zuhayr bin `Umārah bin Ru’aybah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Walang lulusot sa Impiyerno na isang nagdarasal bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito."}
«لَنْ يَلِجَ النَّارَ أَحَدٌ صَلَّى قَبْلَ طُلُوعِ الشَّمْسِ وَقَبْلَ غُرُوبِهَا»
Nagpapabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang papasok sa Impiyerno na isang nagdarasal ng ṣalāh sa madaling-araw at ṣalāh sa hapon at nagpapamalagi sa dalawang ito. Nag-udyok siya sa dalawang ṣalāh dahil ang dalawang ito ay ang pinakamabigat sa mga ṣalāh at dahil ang oras ng madaling-araw ay nasa sandali ng pagtulog at kasarapan nito at ang oras ng hapon naman ay nasa sandali ng kaabalahan sa mga trabaho ng maghapon at kalakalan dito. Ang sinumang nangalaga sa dalawang ṣalāh na ito kasama ng pagkakaroon ng hirap ay mangangalaga sa natitira sa mga ṣalāh.
Ang kainaman ng ṣalāh sa madaling-araw (fajr) at ṣalāh sa hapon (`aṣr), kaya nararapat ang pangangalaga sa dalawang ito.
Ang sinumang gumaganap sa mga ṣalāh na ito ay kadalasang malaya ang sarili sa katamaran at pagpapakitang-tao, na nakaiibig sa pagsamba.
Ṣaḥīḥ Muslim (1/ 440) (634).
Binanggit sa mga aklat
4 Mga AklatAng Karagdagan (4)
- الأربعون في تعظيم قدر الصلاةالأربعون في تعظيم قدر الصلاة «لَنْ يَلِـــجَ ([18])النَّارَ أَحَـــدٌ صَــلَّى قَبْلَ طُلُوعِ الشَّمْسِ، وَقَبْلَ غُرُوبِهَـا».
- الخطب المنبريةموسوعة الخطب المنبرية (القسم الثالث)«لَنْ يَلِجَ النَّارَ أَحَدٌ صَلَّى قَبْلَ طُلُوعِ الشَّمْسِ وَقَبْلَ غُرُوبِهَا».
- المنتقى من المتجر الرابح في ثواب العمل الصالح - المعتمدالمنتقى من المتجر الرابح في ثواب العمل الصالح“لن يَلِجَ النارَ أحدٌ صلى قبل طلوع الشمس، وقبل غروبها”
- رياض الصالحينرياض الصالحين مع فوائد وهدايات - 5«لَنْ يَلجَ النَّارَ أَحَدٌ صلَّىٰ قَبْلَ طُلوعِ الشَّمْسِ وَقَبْلَ غُرُوبِهَا» يَعْني الفَجْرَ وَالعَصْرَ.