Skip to content

"Huwag kayong umupo sa mga libingan at huwag kayong magdasal paharap sa mga ito."}

Ayon kay Abū Marthad Al-Ganawīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):

"Huwag kayong umupo sa mga libingan at huwag kayong magdasal paharap sa mga ito."}

«لَا تَجْلِسُوا عَلَى الْقُبُورِ، وَلَا تُصَلُّوا إِلَيْهَا».

Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-upo sa mga libingan. Sumaway rin siya laban sa pagsasagawa ng ṣalāh paharap sa mga libingan sa pamamagitan ng pagiging ang libingan ay nasa dako ng qiblah ng nagsasagawa ng ṣalāh dahil iyon ay kabilang sa mga kaparaanan ng Shirk.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng ṣalāh sa mga sementeryo o sa pagitan ng mga ito o paharap sa mga ito, maliban sa ṣalāh ng paglilibing, gaya ng napagtibay sa Sunnah.

Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng ṣalāh paharap sa mga libingan bilang pagpinid sa maidadahilan ng Shirk.

Sumaway ang Islām laban sa pagpapalabis-labis sa mga libingan at laban sa pagkahamak sa mga ito, kaya naman walang pagpapalabis at walang pagpapabaya.

Ang pagkabawal ng paglabag sa Muslim ay nananatili matapos ng pagkamatay niya batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagbali ng buto ng patay ay gaya ng pagbali nito habang buhay pa."

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Muslim (2/ 668) (972).

Ang Karagdagan (6)

توضيح الأحكام مِن بلوغ المرام.

لعبد الله البسام (2/ 30).

فتح ذي الجلال والإكرام شرح بلوغ المرام.

لمحمد العثيمين (1/ 522).

منحة العلام في شرح بلوغ المرام.

لعبد الله الفوزان (4/ 285).