Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

94 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (51)
{Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw, saka nangaral siya sa amin ng isang marubdob na pangaral na nasindak dito ang mga puso at lumuha dahil dito ang mga mata. Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, nangaral ka po sa amin ng isang pangaral ng isang namamaalam, kaya maghabilin ka po sa amin ng isang habilin." Kaya nagsabi siya: "Manatili kayo ng pangingilag magkasala kay Allāh at pagdinig at pagtalima [sa pinuno], kahit pa siya ay isang aliping Etyope. Makakikita kayo matapos ko ng isang matinding pagkakaiba-iba. Kaya manatili kayo sa Sunnah ko at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah. Kumagat kayo rito ng mga bagang ninyo. Kaingat kayo sa mga bagay-bagay na pinauso sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, pinakabusilak sa mga ito sa ganang May-ari ninyo, pinakaangat sa mga ito sa mga antas ninyo, pinakamabuti para sa inyo kaysa sa paggugol ng ginto at pilak, at pinakamabuti para sa inyo kaysa sa makitagpo kayo sa kaaway ninyo para tumaga kayo ng mga leeg nila at tumaga sila ng mga leeg ninyo?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Ang pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya)."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Lumabas kami sa isang gabing maulan at isang kadilimang matindi, habang naghahanap kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na mamumuno sa amin sa ṣalāh. Nagsabi ito: Nakaabot ako sa kanya saka nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Pagkatapos nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Nagsabi siya: "Magsabi ka," kaya nagsabi ako: "Ano po ang sasabihin ko?" Nagsabi siya: "Ang Qul huwa -llāhu aḥad... (Qur'ān112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Qur'ān 113 at Qur'ān 114) kapag gumagabi at kapag nag-uumaga nang tatlong ulit. Sasapat ang mga ito sa iyo laban sa bawat bagay."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
"Ang pinakamainam na pag-alaala [kay Allāh] ay Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) at ang pinakamainam na panalangin ay Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, at Imām Ibnu Mājah.
{Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): O Anak ni Adan, tunay na ikaw, hanggat dumalangin ka sa Akin at umasa ka sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo sa anumang nasa iyo at hindi Ako papansin. O Anak ni Adan, kung sakaling umabot ang mga pagkakasala mo sa mga ulap ng langit, pagkatapos humingi ka ng tawad sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo at hindi Ako papansin. O Anak ni Adan, kung sakaling nagdala ka sa Akin ng kasinglaki ng lupa na mga kamalian, pagkatapos nakipagkita ka sa Akin nang hindi nagtatambal sa Akin ng anuman, talagang maghahatid nga Ako sa iyo ng kasinglaki nito na kapatawaran."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
{Pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagnanais ako na umanib sa Islām, kaya nag-utos siya sa akin na maligo ako sa pamamagitan ng tubig at sidr.}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
"Ang sinumang nagsanggalang sa dangal ng kapatid niya, magsasanggalang si Allāh sa mukha niya sa Apoy sa Araw ng Pagbangon."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.