Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

62 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang karapatan ng maybahay ng isa sa amin sa kanya?" Nagsabi siya: "Na pakainin mo siya kapag kumain ka at padamitan mo siya kapag nagdamit ka o kumita ka. Huwag kang mamalo sa mukha, huwag kang magparatang ng kapangitan, at huwag kang mag-iwan maliban sa bahay."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
Siya noon ay nagsasabi kapag inumaga siya: "Allāhumma bika aṣbaḥnā, wa-bika amsaynā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt, wa-ilayka -nnushūr. (O Allāh, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at tungo sa Iyo ang pagkabuhay.)" Kapag ginabi siya, nagsasabi siya: "[Allāhumma] bika amsaynā, wa-bika aṣbaḥnā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt, wa-ilayka -nnushūr. ([O Allāh,] sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at tungo sa Iyo ang pagkabuhay.)" Nagsabi naman siya sa ibang pagkakataon: "... wa-ilayka -lmaṣīr (... at tungo sa Iyo ang kahahantungan.)"}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Ibnu Mājah.
"Tunay na si Allāh ay nagpalampas para sa akin sa Kalipunan ko ng pagkakamali, pagkalimot, at anumang pinilit sila."}
Nagsabi si An-Nawawīy: ḥadīth na maganda Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah, Imām Al-Bayhaqīy, at iba pa sa kanilang dalawa.
"Magpaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa amin ng isang bagay saka nagpaabot nito kung paanong narinig niya sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Kung sakali na kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo gaya ng pagtustos Niya sa mga ibon: umaalis ang mga ito sa umaga na impis at bumabalik ang mga ito sa hapon na bundat."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Huwag kayong magpakatuto ng kaalaman upang makipagmayabang kayo nito sa mga maalam at hindi upang makipagtaltalan kayo nito sa mga hunghang. Huwag kayong mamili sa pamamagitan nito ng mga upuan sapagkat ang sinumang gumawa niyon ay ang Apoy, ang Apoy [ang papasukin]."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah.
"Ang alinmang babae na nagpakasal nang walang pahintulot ng mga walīy niya, ang kasal niya ay walang-saysay – nang tatlong ulit – saka kung nakipagtalik ito sa kanya, ang bigay-kaya ay ukol sa kanya dahil sa ginawa nito sa kanya. Kapag nagtalu-talo sila, ang tagapamahala ay walīy ng sinumang walang walīy para sa kanya."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Tunay na si Allāh ay magtatangi ng isang lalaki kabilang sa Kalipunan ko sa mga harap ng mga nilikha sa Araw ng Pagbangon, saka maglalatag doon ng siyamnapu't siyam na talaan, na bawat talaan ay tulad ng layo ng abot ng paningin. Pagkatapos magsasabi Siya: "Nagkakaila ka ba mula rito ng anuman? Lumabag ba sa katarungan sa iyo ang tagasulat Ko na mga tagapag-ingat?" Kaya magsasabi ito: "Hindi, O Panginoon ko." Kaya magsasabi Siya: "Kaya mayroon ka bang isang maidadahilan?" Kaya magsasabi ito: "Wala, O Panginoon ko." Kaya magsasabi Siya: "Bagkus tunay na mayroon ka sa ganang Amin na isang magandang gawa. Kaya naman tunay na walang kawalang-katarungan sa iyo sa araw na ito." Kaya may lalabas na isang tarheta na may nasaad dito na: "Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya." Saka magsasabi Siya: "Magdala ka ng timbang mo." Kaya magsasabi ito: "O Panginoon ko, ano ang tarhetang ito kasama ng mga talaang ito?" Kaya nagsabi Siya: "Tunay na ikaw ay hindi lalabagin sa katarungan." Kaya ilalagay ang mga talaan sa isang sahuran [ng timbangan] at ang tarheta sa isang sahuran [ng timbangan], saka gagaan ang mga talaan at bibigat ang tarheta sapagkat walang bumibigat higit sa ngalan ni Allāh na anuman.}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu Mājah.