Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

62 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Tunay na kabilang sa pinakadakilang pakikibaka ang isang pangungusap ng katarungan sa harap ng isang pinunong mapang-api."}
Maganda dahil sa iba pa rito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag lumabas siya noon mula sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Ghufrānaka (Hinihiling ko ang pagpapatawad Mo)."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah ayon sa kahulugan niyon, at Imām Aḥmad.
"Hindi matitigil ang dila mo na basa dahil sa pag-alaala kay Allāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
Tayo ay ang kahuli-hulihan sa mga kalipunan at ang kauna-unahan sa tutuusin. Sasabihin: "Nasaan ang Kalipunang iliterato at ang Propeta nito?" Kaya tayo ang mga kahuli-hulihan at ang mga kauna-unahan.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah.
Walang anumang lalaki na nagkakasala ng isang pagkakasala – pagkatapos tumindig iyon saka nagpakadalisay, pagkatapos nagdasal iyon, pagkatapos humingi iyon ng tawad kay Allāh – malibang magpapatawad si Allāh doon. Pagkatapos bumigkas siya ng talatang ito (Qur'ān 3:135): {...na mga kapag nakagawa ng isang mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila ay umaalaala kay Allāh kaya humihingi sila ng tawad para sa mga pagkakasala nila}."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita ng isang lalaking nagdarasal nang mag-isa sa likuran ng hanay, kaya nag-utos siya rito na umulit ng ṣalāh nito.}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Walang kasal malibang may isang walīy."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.