عربي - Arabic English Qafár af - Afar Afrikaans - Afrikanns Akan Shqip - Albanian አማርኛ - Amharic Հայերեն - Armenian অসমীয়া - Assamese Azərbaycanca - Azerbaijani Bamanankan - Bambara Bassa Bemba বাংলা - Bengali Bosanski - Bosnian Български - Bulgarian မြန်မာဘာသာ - Burmese Bisaya - Cebuano Cham Нохчий - Chechen chiCheŵa - Chewa 中文 - Chinese Адыгэбзэ - Circassian Hrvatski - Croatian Česky - Czech Dagbani Dansk - Danish فارسی دری - Dari Dendi ދިވެހި ބަސް - Dhivehi Nederlands - Dutch إستوني - Estonian Suomi - Finnish Français - French Fulfulde - Fula ქართული - Georgian Deutsch - German Ελληνικά - Greek ગુજરાતી - Gujrati Kreyòl ayisyen - Haitian Creole Hausa हिन्दी - Hindi Magyar - Hungarian Igbo Indonesia - Indonesian Italiano - Italian 日本語 - Japanese Jóola - Jola ಕನ್ನಡ - Kannada Қазақша - Kazakh ភាសាខ្មែរ - Khmer Kikuyu Ikinyarwanda - Kinyarwanda Ikirundi - Kirundi 한국어 - Korean كوردی سۆرانی - kurdish كوردي kurmancî - Kurmanji Kyrgyz ລາວ - Lao latviešu - Latvian Lingala lietuvių - Lithuanian Luganda Македонски - Macedonian Maguindanaon Malagasy - Malagasy Bahasa Melayu - Malay മലയാളം - Malayalam Mandinka मराठी - Marathi Mõõré - Moore नेपाली - Nepali أنكو - NKo Norwegian ଓଡ଼ିଆ - Odia oromoo - Oromo پښتو - Pashto فارسی - Persian Polski - Polish Portuguese ਪੰਜਾਬੀ - Punjabi Română - Romanian Русский - Russian Српски - Serbian Shona සිංහල - Sinhala Slovenščina - Slovenian Soomaaliga - Somali Soninke Sesotho - Sotho Español - Spanish Kiswahili - Swahili Svenska - Swedish Tagalog Тоҷикӣ - Tajik தமிழ் - Tamil తెలుగు - Telugu ไทย - Thai ትግረኛ - Tigrinya Türkçe - Turkish Ukrainian اردو - Urdu ئۇيغۇرچە - Uyghur Ўзбек - Uzbek Việt Nam - Vietnamese Wolof Yao Yorùbá - Yoruba Zarma زولو - Zulu
673 Mga Hadith
Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta
Mga Kategorya
Antas ng hadith
Isinalaysay sa
Ipakita ang iba pang pinagmulan
Tagapagsalaysay
Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (49)
"Mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo, magdasal kayo ng limang [dasal] ninyo, mag-ayuno kayo sa buwan [ng pag-aayuno] ninyo, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, at tumalima kayo sa may kapamahalaan sa inyo ninyo, papasok kayo sa Paraiso ng Panginoon ninyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
"Ang siwāk ay isang kadalisayan para sa bibig, na isang kaluguran para sa Panginoon."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām An-Nisaiy at Imām Aḥmad.
"Ang alinmang babae na nagpakasal nang walang pahintulot ng mga walīy niya, ang kasal niya ay walang-saysay – nang tatlong ulit – saka kung nakipagtalik ito sa kanya, ang bigay-kaya ay ukol sa kanya dahil sa ginawa nito sa kanya. Kapag nagtalu-talo sila, ang tagapamahala ay walīy ng sinumang walang walīy para sa kanya."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Nagsabi ako: "O Sugo, ni Allāh,
magsabi ka sa akin kaugnay sa Islām ng isang masasabing hindi ako makapagtatanong tungkol doon sa isang iba pa sa iyo." Nagsabi siya: "Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh, pagkatapos magpakatuwid ka."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Muslim at Imām Aḥmad.
"Makibaka kayo sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng mga yaman ninyo, mga sarili ninyo, at mga dila ninyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad.
ayon sa isa sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Nagsabi si Abū `Āmir: Nagsabi si Nāfi`: Nakakita ako sa kanya, kay Ḥafṣah, na ito ay tinanong tungkol sa pagbigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "Tunay na kayo ay hindi makakakaya niyon." Nagsabi iyon: Kaya sinabi rito: "Magpabatid ka sa amin hinggil doon." Nagsabi iyon: Kaya bumigkas ito ng pagbigkas na nagpapakahinay-hinay ito roon. Nagsabi si Abū `Āmir: Nagsabi si Nāfi`: Kaya gumaya para sa amin ang Anak ni Abū Mulaykah: "Alḥamdu lillāhi rabbi -l`ālāmin (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang) (Qur'ān 1:2) pagkatapos huminto siya, "Arraḥmāni -rraḥīm (ang Napakamaawain, ang Maawain)." (Qur'ān 1:3) pagkatapos huminto siya, "Māliki yawmi -ddīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas) (Qur'ān 1:3)"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
"Ang sinumang kumain ng pagkain saka nagsabi: Alḥamdu lillāhi –lladhī aṭ`amanī hādhā, wa-razaqanīhi min ghayri ḥawlim minnī wa-lā qūwah (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa akin nito at nagtustos sa akin nito nang walang kapangyarihan mula sa akin ni lakas), magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kamay nito at nagsabi siya: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Saka nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng ṣalāh na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad.