Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

5 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"May dalawang pangungusap na magaan sa dila, na mabigat sa timbangan [ang gantimpala], na kaibig-ibig sa Napakamaawain: Subḥana –llāhi –l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan) at Subḥana –llāhi wa-biḥamdih (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya)."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang pinakamainam na pag-alaala [kay Allāh] ay Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) at ang pinakamainam na panalangin ay Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, at Imām Ibnu Mājah.
"Ang magsabi ako ng subḥāna –­llāh (kaluwalhatian kay Allāh), alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), lā ilāha illa –­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa anumang sinikatan ng araw."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh ay apat: Subḥāna -­llāh (Kaluwalhatian kay Allāh), Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh), Lā ilāha illa ­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Hindi makapipinsala sa iyo kung sa alin man sa mga ito nagsimula ka."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Walang umupong mga tao sa isang pagtitipon, na hindi sila nag-alaala kay Allāh roon at hindi sila dumalangin ng basbas para sa Propeta nila, malibang may magiging ukol sa kanila na isang hinagpis. Kung loloobin Niya, pagdurusahin Niya sila; at kung loloobin Niya, patatawarin Niya sila."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā.