عربي - Arabic English Qafár af - Afar Afrikaans - Afrikanns Akan Shqip - Albanian አማርኛ - Amharic Հայերեն - Armenian অসমীয়া - Assamese Azərbaycanca - Azerbaijani Bamanankan - Bambara Bassa Bemba বাংলা - Bengali Bosanski - Bosnian Български - Bulgarian မြန်မာဘာသာ - Burmese Bisaya - Cebuano Cham Нохчий - Chechen chiCheŵa - Chewa 中文 - Chinese Адыгэбзэ - Circassian Hrvatski - Croatian Česky - Czech Dagbani Dansk - Danish فارسی دری - Dari Dendi ދިވެހި ބަސް - Dhivehi Nederlands - Dutch إستوني - Estonian Suomi - Finnish Français - French Fulfulde - Fula ქართული - Georgian Deutsch - German Ελληνικά - Greek ગુજરાતી - Gujrati Kreyòl ayisyen - Haitian Creole Hausa हिन्दी - Hindi Magyar - Hungarian Igbo Indonesia - Indonesian Italiano - Italian 日本語 - Japanese Jóola - Jola ಕನ್ನಡ - Kannada Қазақша - Kazakh ភាសាខ្មែរ - Khmer Kikuyu Ikinyarwanda - Kinyarwanda Ikirundi - Kirundi 한국어 - Korean كوردی سۆرانی - kurdish كوردي kurmancî - Kurmanji Kyrgyz ລາວ - Lao latviešu - Latvian Lingala lietuvių - Lithuanian Luganda Македонски - Macedonian Maguindanaon Malagasy - Malagasy Bahasa Melayu - Malay മലയാളം - Malayalam Mandinka मराठी - Marathi Mõõré - Moore नेपाली - Nepali أنكو - NKo Norwegian ଓଡ଼ିଆ - Odia oromoo - Oromo پښتو - Pashto فارسی - Persian Polski - Polish Portuguese ਪੰਜਾਬੀ - Punjabi Română - Romanian Русский - Russian Српски - Serbian Shona සිංහල - Sinhala Slovenščina - Slovenian Soomaaliga - Somali Soninke Sesotho - Sotho Español - Spanish Kiswahili - Swahili Svenska - Swedish Tagalog Тоҷикӣ - Tajik தமிழ் - Tamil తెలుగు - Telugu ไทย - Thai ትግረኛ - Tigrinya Türkçe - Turkish Ukrainian اردو - Urdu ئۇيغۇرچە - Uyghur Ўзбек - Uzbek Việt Nam - Vietnamese Wolof Yao Yorùbá - Yoruba Zarma زولو - Zulu
673 Mga Hadith
Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta
Mga Kategorya
Mga Kategorya (19)
Antas ng hadith
Isinalaysay sa
Ipakita ang iba pang pinagmulan
Tagapagsalaysay
Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (48)
{May mga lalaking pumunta kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy. Nag-alangan nga sila hinggil sa pulpito kung mula sa ano ang tabla nito. Kaya nagtanong sila sa kanya tungkol doon saka nagsabi naman siya: "Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang nakaaalam kung mula sa ano ito. Talaga ngang nakita ko ito noong unang araw na inilagay ito at noong unang araw na umupo rito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpasugo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Polana," na isang babae kabilang sa mga Tagaadya na pinangalanan ni Sahl, "[na nagsasabi]: 'Mag-utos ka sa alila mong karpintero na gumawa siya para sa akin ng mga tabla na uupo ako sa mga ito kapag nagsalita ako sa mga tao.' Kaya nag-utos ito roon kaya gumawa iyon ng mga ito mula sa kahoy na Tamarisko ng Al-Ghābah. Pagkatapos naghatid iyon ng mga ito saka ipinadala sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nag-utos siya na ilagay ang mga ito saka inilagay naman ang mga ito dito. Pagkatapos nakakita ako ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagdasal sa ibabaw ng mga ito at nagsagawa ng takbīr habang siya ay nasa ibabaw ng mga ito. Pagkatapos yumukod siya habang siya ay nasa ibabaw ng mga ito. Pagkatapos bumaba siya nang paurong saka nagpatirapa sa paanan ng pulpito. Pagkatapos bumalik siya; saka noong nakatapos siya, bumaling siya sa mga tao saka nagsabi: 'O mga tao, ginawa ko lamang ito upang sumunod kayo at upang matuto kayo ng pagdarasal ko.'"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Sa pagitan ng bawat dalawang adhān ay may ṣalāh. Sa pagitan ng bawat dalawang adhān ay may ṣalāh." Pagkatapos nagsabi siya sa ikalawang pagkakataon: "Para sa sinumang nagnais."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Anak ni Az-Zubayr ay nagsasabi noon sa bawat pagkatapos ng ṣalāh kapag nakapagsasagawa siya ng taslīm: "Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu –lmulku wa-lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. Lā ilāha illa –llāh, wa-lā na`budu illā iyyāh. Lahu –nni`matu wa-lahu –lfaḍlu wa-lahu –ththanā’u –lḥasan. Lā ilāha illa –llāhu mukhliṣīna lahu –ddīna wa-law kariha –lkāfirūn. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh at wala kaming sinasamba kundi Siya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya, ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob, at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi. Walang Diyos kundi si Allāh. Bilang mga nagpapakawagas [kami] sa Kanya sa pagtalima, at kahit pa man masuklam ang mga tagatangging sumampalataya.)" Nagsabi siya: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumibigkas ng Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) kalakip ng mga ito sa pagkatapos ng bawat ṣalāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Kapag nagsabi ang mu`adhdhin ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila.) saka nagsabi naman ang isa sa inyo ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –ṣṣalāh (Halina sa ṣalāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –falāḥ (Halina sa tagumpay) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar [saka] nagsabi naman siya ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: lā ilāha illa –llāh [saka] nagsabi naman siya ng: lā ilāha illa –llāh, matapos niyon; papasok siya sa Paraiso."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang sinumang pumunta sa umaga sa masjid o pumunta sa gabi, maghahanda si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng isang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya sa gabi."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, yumukod siya ng dalawang rak`ah bago siya umupo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kamay nito at nagsabi siya: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Saka nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng ṣalāh na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad.