Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

5 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagnanais ako na umanib sa Islām, kaya nag-utos siya sa akin na maligo ako sa pamamagitan ng tubig at sidr.}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
"Kapag ang tubig ay dalawang qullah, hindi ito magdadala ng karumihan."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Ang siwāk ay isang kadalisayan para sa bibig, na isang kaluguran para sa Panginoon."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām An-Nisaiy at Imām Aḥmad.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapabigkas sa amin noon ng Qur'ān sa bawat kalagayan hanggat siya ay hindi junub.}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
May nagtanong na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay sumasakay sa [sasakyang] dagat at nagdadala kasama namin ng kaunting tubig. Kaya kung magsasagawa kami ng wuḍū’ sa pamamagitan nito, mauuhaw kami. Kaya magsasagawa po ba kami ng wuḍū’ mula sa dagat?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ito ay ang naipandadalisay ang tubig nito, ang ipinahihintulot ang patay nito."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.