Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

6 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Kapag ang tubig ay dalawang qullah, hindi ito magdadala ng karumihan."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag lumabas siya noon mula sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Ghufrānaka (Hinihiling ko ang pagpapatawad Mo)."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Ang siwāk ay isang kadalisayan para sa bibig, na isang kaluguran para sa Panginoon."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām An-Nisaiy at Imām Aḥmad.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapabigkas sa amin noon ng Qur'ān sa bawat kalagayan hanggat siya ay hindi junub.}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Pumunta ako kay Ṣafwān bin `Assāl Al-Murādīy, na nagtatanong sa kanya tungkol sa pagpahid sa khuff. Nagsabi siya: "Ano ang naghatid sa iyo, O Zirr?" Nagsabi naman ako: "Dala ng paghahangad ng kaalaman." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang mga anghel ay talagang nagbababa ng mga pakpak nila para sa tagahanap ng kaalaman bilang pagkalugod sa hinahanap niya." Kaya nagsabi ako: "Tunay na bumabagabag sa dibdib ko ang pagpahid sa khuff matapos ng pagdumi at pag-ihi. Ikaw ay isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya pumunta ako na nagtatanong sa iyo. Nakarinig ka kaya sa kanya na bumabanggit siya kaugnay roon ng anuman?" Nagsabi siya: "Oo. Nag-uutos siya sa amin, nang kami minsan ay nasa isang paglalakbay o mga naglalakbay, na huwag kaming mag-alis ng mga khuff namin nang tatlong araw at mga gabi ng mga ito – maliban sa janābah – dahil sa pagdumi, pag-ihi, at pagkatulog." Kaya nagsabi pa ako: "Nakarinig ka kaya sa kanya na bumabanggit siya kaugnay sa pagsinta ng anuman?" Nagsabi siya: "Oo. Kami minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay; saka samantalang kami ay nasa tabi niya, biglang may nanawagan sa kanya na isang Arabeng-disyerto sa isang malakas na tinig niyon: 'O Muḥammad!' Kaya sumagot naman doon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ayon sa tulad ng tinig niyon: 'Heto ako!' Nagsabi kami roon: 'Ano ka ba naman! Magbaba ka ng tinig mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sinaway ka na laban sa ganito.' Nagsabi iyon: 'Sumpa man kay Allāh, hindi ako magbababa ng tinig ko.' Nagsabi ang Arabeng-disyerto [na iyon]: 'Papaano naman] ang taong umiibig sa mga tao at hindi pa siya nakaabot sa kanila?' Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Ang tao ay kasama ng mga iniibig niya sa Araw ng Pagbangon.'" Hindi siya tumigil na nakikipag-usap sa amin hanggang sa bumanggit iyon ng isang pinto sa dako ng kanluran, na ang luwang nito ay distansiya – o lalakbayin ng mangangabayo – ng apatnapu o pitumpung taon."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
May nagtanong na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay sumasakay sa [sasakyang] dagat at nagdadala kasama namin ng kaunting tubig. Kaya kung magsasagawa kami ng wuḍū’ sa pamamagitan nito, mauuhaw kami. Kaya magsasagawa po ba kami ng wuḍū’ mula sa dagat?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ito ay ang naipandadalisay ang tubig nito, ang ipinahihintulot ang patay nito."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.