Skip to content

"Ang mga Hudyo ay mga kinagalitan at ang mga Kristiyano ay mga naliligaw."}

Ayon kay `Adīy bin Ḥātim: {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:

"Ang mga Hudyo ay mga kinagalitan at ang mga Kristiyano ay mga naliligaw."}

«الْيَهُودُ مَغْضُوبٌ عَلَيْهِمْ، وَالنَّصَارَى ضُلَّالٌ».

Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga Hudyo ay mga taong kinagalitan ni Allāh dahil sila ay nakaalam sa katotohanan ngunit hindi gumawa ayon dito. Ang mga Kristiyano ay mga taong naliligaw dahil sila ay gumagawa nang walang kaalaman.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

...:

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang pagtutugma sa pagitan ng kaalaman at paggawa ay kaligtasan mula sa landas ng mga kinagalitan at mga naliligaw.

Ang pagbibigay-babala laban sa landas ng mga Hudyo at mga Kristiyano at ang pananatili sa landasing tuwid na siyang ang Islām.

Ang bawat isa sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay naliligaw na kinagalitan subalit ang pinakanatatangi sa mga paglalarawan sa mga Hudyo ay ang pagkagalit ni Allāh at ang pinakanatatangi sa mga paglalarawan sa mga Kristiyano ay ang pagkaligaw.

Ang mga Sanggunian

Sunan At-Tirmidhīy (5/ 71) (2954).

Ang Karagdagan (3)

النهاية في غريب الحديث و الأثر ( ص 548).

المنهل العذب المورود (5/250).

البحر المحيط الثجاج (9/248).