Tunay na kabilang sa mga pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan."}
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi naging mahalay ni nagpapakahalay. Siya noon ay nagsasabi: "Tunay na kabilang sa mga pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan."}
لَمْ يَكُنِ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَاحِشًا وَلَا مُتَفَحِّشًا، وَكَانَ يَقُولُ: «إِنَّ مِنْ خِيَارِكُمْ أَحْسَنَكُمْ أَخْلَاقًا».
Hindi naging bahagi ng mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pangit na pananalita o ang pangit na gawain at hindi siya noon nagpapakay nito at hindi nananadya nito sapagkat siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may dakilang kaasalan. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon: "Tunay na ang pinakamainam sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamaganda sa inyo sa kaasalan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng nakabubuti, kaaliwalasan ng mukha, pagpigil ng perhuwisyo, pagbabata nito, at pakikihalubilo sa mga tao sa pamamagitan ng karikitan."
...:
Kailangan sa mananampalataya na lumayo sa pagkamahalay kabilang sa masagwang pananalita at pangit na gawain.
Ang kalubusan ng kaasalan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat walang namumutawi sa kanya kundi ang maayos na gawa at kaaya-ayang salita.
Ang kagandahan ng kaasalan ay isang larangan ng pagpapaligsahan sapagkat ang sinumang nagwagi ay naging kabilang sa mga pinakamabuti sa mga mananampalataya at pinakalubos sa kanila sa pananampalataya.
Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (4/ 189) (3559).
Ṣaḥīḥ Muslim (4/ 1810) (2321).
Ang Karagdagan (4)
بهجة الناظرين شرح رياض الصالحين.
لسليم الهلالي (1/ 672).
تطريز رياض الصالحين.
لفيصل آل مبارك (ص410).
Binanggit sa mga aklat
5 Mga AklatAng Karagdagan (5)
- المناهج التعليمية - الصف السادسالمناهج الدراسية - الحديث - الصف السادس - الفصل الأول «لَمْ يَكُنِ النَّبِيُّ ﷺ فَاحِشًا وَلَا مُتَفَحِّشًا، وَكَانَ يَقُولُ: إِنَّ مِنْ خِيَارِكُمْ أَحْسَنَكُمْ أَخْلَاقًا».
- رسالة موجزة عن الإسلام كما جاء في القرآن الكريم والسنة النبوية (مشتملة على الأدلة)رِسَالَةٌُ مُوجَزَةٌُ عَنِ الْإِسْلَامِ كَمَا جَاءَ فِي الْقُرْآنِ الْكَرِيمِ وَالسَّنَةِ النَّبَوِيَّة-مشتملة على الأدلة -للحرمين-«إِنَّ مِنْ خِيَارِكُمْ أَحْسَنَكُمْ أَخْلاَقًا» [45].
- رياض الصالحينرياض الصالحين مع فوائد وهدايات - 3«إنَّ مِنْ خِيارِكُم أَحْسَنَكُمْ أَخْلاقاً».
- مشروع المنهج التعليميمادة الحديث مستوى 1لم يَكنِ النبيّ ﷺ فاحِشًا ولا مُتفحّشًا، وكان يقول: «إِنّ من خياركم أحسنَكم أخلاقًا»
- مشروع المنهج التعليميمادة الحديث مستوى 1«إِنّ من خياركم أحسنَكم أخلاقًا».