Skip to content

"Walang dumadapo sa Muslim na pagkapata ni pagkakasakit ni alalahanin ni lungkot ni perhuwisyo ni hapis − kahit ang tinik na tumuturok sa kanya − malibang magtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga kamalian niya."}

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khuḍrīy at ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:

"Walang dumadapo sa Muslim na pagkapata ni pagkakasakit ni alalahanin ni lungkot ni perhuwisyo ni hapis − kahit ang tinik na tumuturok sa kanya − malibang magtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga kamalian niya."}

«مَا يُصِيبُ الْمُسْلِمَ مِنْ نَصَبٍ وَلَا وَصَبٍ وَلَا هَمٍّ وَلَا حُزْنٍ وَلَا أَذًى وَلَا غَمٍّ حَتَّى الشَّوْكَةِ يُشَاكُهَا إِلَّا كَفَّرَ اللهُ بِهَا مِنْ خَطَايَاهُ».

Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang dumadapo sa Muslim na mga karamdaman, mga alalahanin, mga lungkot, mga dalamhati, mga sakuna, mga kasawiang-palad, pangamba, at gutom − kahit pa man ito ay isang tinik na tumatama sa kanya − iyon ay magiging isang panakip-sala sa mga pagkakasala niya at isang pagbababa ng mga kamalian niya.

Ang mga Kahulugan ng mga Salita

نصب: التعب.

وصب: المرض .

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang paglilinaw sa kabutihang-loob ni Allāh sa mga lingkod Niya na mga mananampalataya at awa Niya sa kanila sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga pagkakasala dahil sa pinakakaunting kapinsalaang dumadapo sa kanila.

Nararapat sa Muslim na umasa sa gantimpalang nasa kay Allāh dahil sa dumadapo sa kanya at magtiis sa bawat maliit at malaking pinsala upang ito para sa kanya ay maging isang pag-aangat sa mga antas at isang panakip-sala sa mga masagwang gawa.

Ang mga Sanggunian

Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy (7/ 114) (5641).

Ṣaḥīḥ Muslim (4/ 1992) (2572).

Ang Karagdagan (11)

كنوز رياض الصالحين.

لمجموعة من الباحثين (1/ 489).

شرح رياض الصالحين.

لابن عثيمين (1/ 242).

شرح النووي على مسلم (16/ 126).

تطريز رياض الصالحين.

لفيصل آل مبارك (ص44).

بهجة الناظرين شرح رياض الصالحين.

لسليم الهلالي (1/ 96).

نزهة المتقين شرح رياض الصالحين.

لمصطفى الخِن وغيره (1/ 70).