Skip to content

"Lubusin ninyo ang ipinaunang hanay, pagtakapos ang sumusunod dito. Kaya ang anumang kulang ay maging nasa ipinahuling hanay."}

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

"Lubusin ninyo ang ipinaunang hanay, pagtakapos ang sumusunod dito. Kaya ang anumang kulang ay maging nasa ipinahuling hanay."}

«أَتِمُّوا الصَّفَّ المُقَدَّمَ، ثُمَّ الَّذِي يَلِيهِ، فَمَا كَانَ مِنْ نَقْصٍ فَلْيَكُنْ فِي الصَّفِّ المُؤَخَّرِ».

Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām An-Nasā’īy.
Tumpak
Ang Pagbibigay-linaw

Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga lalaking nagdarasal sa isang konggregasyon ng pagkumpleto ng unang hanay, pagkatapos ng pagsasakumpleto ng hanay na kasunod nito at gayon din sa nalalabing hanay. Kaya kapag nagkaroon ng isang kulang sa hanay, ang kulang na ito ay sa huling hanay.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

Ang paglilinaw sa Sunnah sa pagpapantay sa mga hanay.

Kailangan sa mga nagdarasal na hindi sila mag-iwan ng kulang sa mga ipinaunang hanay; bagkus ang kulang ay sa huling hanay.

Ang mga Sanggunian

Sunan Abī Dāwud (2/ 10) (671).

Sunan An-Nasā'īy (2/ 93) (818).

Ang Karagdagan (1)

شرح سنن أبي داود للعباد (89/ 25).