عربي - Arabic English Qafár af - Afar Afrikaans - Afrikanns Akan Shqip - Albanian አማርኛ - Amharic Հայերեն - Armenian অসমীয়া - Assamese Azərbaycanca - Azerbaijani Bamanankan - Bambara Bassa Bemba বাংলা - Bengali Bosanski - Bosnian Български - Bulgarian မြန်မာဘာသာ - Burmese Bisaya - Cebuano Cham Нохчий - Chechen chiCheŵa - Chewa 中文 - Chinese Адыгэбзэ - Circassian Hrvatski - Croatian Česky - Czech Dagbani Dansk - Danish فارسی دری - Dari Dendi ދިވެހި ބަސް - Dhivehi Nederlands - Dutch إستوني - Estonian Suomi - Finnish Français - French Fulfulde - Fula ქართული - Georgian Deutsch - German Ελληνικά - Greek ગુજરાતી - Gujrati Kreyòl ayisyen - Haitian Creole Hausa हिन्दी - Hindi Magyar - Hungarian Igbo Indonesia - Indonesian Italiano - Italian 日本語 - Japanese Jóola - Jola ಕನ್ನಡ - Kannada Қазақша - Kazakh ភាសាខ្មែរ - Khmer Kikuyu Ikinyarwanda - Kinyarwanda Ikirundi - Kirundi 한국어 - Korean كوردی سۆرانی - kurdish كوردي kurmancî - Kurmanji Kyrgyz ລາວ - Lao latviešu - Latvian Lingala lietuvių - Lithuanian Luganda Македонски - Macedonian Maguindanaon Malagasy - Malagasy Bahasa Melayu - Malay മലയാളം - Malayalam Mandinka मराठी - Marathi Mõõré - Moore नेपाली - Nepali أنكو - NKo Norwegian ଓଡ଼ିଆ - Odia oromoo - Oromo پښتو - Pashto فارسی - Persian Polski - Polish Portuguese ਪੰਜਾਬੀ - Punjabi Română - Romanian Русский - Russian Српски - Serbian Shona සිංහල - Sinhala Slovenščina - Slovenian Soomaaliga - Somali Soninke Sesotho - Sotho Español - Spanish Kiswahili - Swahili Svenska - Swedish Tagalog Тоҷикӣ - Tajik தமிழ் - Tamil తెలుగు - Telugu ไทย - Thai ትግረኛ - Tigrinya Türkçe - Turkish Ukrainian اردو - Urdu ئۇيغۇرچە - Uyghur Ўзбек - Uzbek Việt Nam - Vietnamese Wolof Yao Yorùbá - Yoruba Zarma زولو - Zulu
673 Mga Hadith
Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta
Mga Kategorya
Antas ng hadith
Isinalaysay sa
Ipakita ang iba pang pinagmulan
Tagapagsalaysay
Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (187)
"Hindi tumatanggap si Allāh ng ṣalāh ng isa sa inyo kapag naparumi siya [ng pagdumi o pag-ihi] hanggang sa makapagsagawa siya ng wuḍū'."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang panakip-sala sa pamamanata ay ang panakip-sala sa panunumpa."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang sinumang pumunta sa inyo – samantalang ang pasya ninyo ay nagkakaisa sa nag-iisang lalaki – na nagnanais na humati sa bukluran ninyo o magpawatak-watak sa pagkakaisa ninyo, patayin ninyo siya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Hindi ipinahihintulot para sa isang babaing Muslim na maglakbay ng isang distansiya ng isang gabi [na paglalakbay] malibang kapag may kasama sa kanya na isang lalaking may pagkamaḥram sa kanya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang panunumpa ay isang pinaggugulan ng paninda at isang pinagpupuksaan ng tubo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya ay sumaway laban sa pamamanata at nagsabi: "Tunay na ito ay hindi naghahatid ng isang kabutihan. Ipinangkukuha lamang ito mula sa maramot."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang sumumpa sa ipinagkatiwalang tungkulin, hindi siya kabilang sa atin."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad.
"Sa tingin ba ninyo kung sakaling may isang ilog sa tabi ng pinto ng isa sa inyo, na naliligo siya mula rito sa bawat araw nang limang ulit, magsasabi ka bang iyon ay magtitira pa mula sa karumihan niya?" Nagsabi sila: "Hindi po iyon magtitira mula sa karumihan niya ng anuman." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay tulad ng limang ṣalāh: nagpapawi si Allāh sa pamamagitan ng mga ito ng mga kasalanan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.